ako. ako. ako.

My photo
Pasig City, National Capital Region, Philippines
ako si elliz. 20 taong gulang. nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. kumukuha ng Batsilyer ng Sining sa Sikolohiya, sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. tao. may ISIP. may puso. humihinga. BUHAY.
Showing posts with label konsepto. Show all posts
Showing posts with label konsepto. Show all posts

Monday, August 18, 2008

VAGINAL MONOLOGUES : VIRGINITY

i don't usually do my posts in english, but hey, a little english in a while will not hurt me.
i've been talking with a close friend of mine about a certain sensitive topic for girls. VIRGINITY. yeah right, everybody seems to lose their virginity at a very young age. but was it really a meaningless concept nowadays? since i've been taking Personality Psychology, i decided to weight this concept using freud's theory. haha! what would the ID, EGO, and SUPEREGO think about this?

ID: pleasure, pleasure, pleasure, pleasure, pleasure. why not lose your virginity, kung masaya at nasiyahan ka naman di ba? eh ano naman ung mawawala sa iyo? masaya ka naman, nag-enjoy ka, at samantalahin yan habang bata ka pa, habang fresh ka pa. get yourself laid, habang at hangga't may chance. kasi pag may asawa ka na, asawa mo na ang nagmamay-ari sa iyo. at, isipin mo, ung mapapangasawa mo ba, virgin pa? unfair naman un sa iyo kung siya eh andami nang natikman, tapos ikaw, siya lang ang titikim sa iyo? try ka naman ng ibang putahe girl! at, di ba, mas masarap isipin na may concept pa din ng true love? dahil may lalaki pa din na magmamahal sa iyo kahit na hindi ka na buo. I'D GO FOR PLEASURE!

EGO: that's immoral. that's against the norms. oo nga at realidad na madami nang babae ang hindi na birhen sa ngayon, pero bakit ka sasama at bibilang sa kanila? isipin mo ang reality. paano kung wala nang tumanggap na lalaki sa iyo? paano kung mabuntis ka? paano kung hindi mo talaga mahal ang lalaki at nadala ka lang? ikaw ang mahihirapan, ikaw ang apektado. isipin mo ang mga maaaring mangyari. masisira ka sa ibang lalaki sa oras na malaman nilang hindi ka na buo. paano ka na? paano ka na mag-aasawa? REALITY CHECK GIRL!

SUPEREGO: it's a NO! against the norms. immoral. ipinagbabawal ng simbahan! kasalanan ang ibigay ang iyong pagkabirhen sa labas ng kasal. hindi iyan maari. kahihiyan iyan para sa pamilya mo. kasalanan iyan sa Diyos. ang pakikipagtalik ay marapat lamang na ginagawa ng mga taong may asawa. nang mga taong may basbas na ng Panginoon. ang gawain na iyon ay sagrado! ang mga kasal na tao lamang ang maaaring gumawa nun! KASALANAN ANG MAKIPAGTALIK SA LABAS NG BASBAS NG KASAL!

quite a dilemma for all the conventional girls out there. well, as one of my professors would tell us, enjoy your life while you are young, and getting yourself laid is one way of enjoying it. :D but in the end, it all boils down to the value system, and to the girl's conviction. i just hope whatever a girl's decision may be, OUR society would not judge her as to how the older generations would think about her.

Thursday, August 14, 2008

BUKLOD ISIP's ACLE : bagong pananaw

minsan lang ako magseryoso sa mga bagay na nangangailangan nang pagseseryoso. siguro isa na doon ang pag-aaral. madalas akong umiiwas sa mga pagkakataon kung saan maiipit ako sa mga diskusyon, sa takot na walang maisagot, walang masabi, o basta, wala lang. mabibilang sa kamay ang mga pagkakataong sinubok kong makipagtagisan ng kaalaman sa taong kakilala, pero malimit sa sitwasyon ang pananahimik ko sa isang tabi para manood at makinig na lamang. minsan lang iyon, at isa ang araw na ito sa mga minsan na hindi ko malilimutan.

unang pagkakataon kong sumama sa Acle. siguro dahil sa mga nakaraang taon ay umuuwi lamang ako. o kaya, naiiwan sa isang pakakataon kung saan ang panonood ng pelikula ang magiging pinakamagandang gawin. pero naiba ito ngayong semestre. dumalo ako sa acle ng UP BUKLOD- ISIP. tungkol ito sa paghihikayat ng pagbabago sa pananaw ng mga tao, ng mga Pilipino sa bansa nating Pilipinas.

oo, masyado nang madalas na napapag-usapan ang problema ng bansa. kung paanong unti-unting ang mga pinoy ay nalulugmok sa kahirapan. nasusuong sa mga problemang hindi magiging madali para sa kanila na lampasan. mga seryosong bagay na binabalewala ng gobyerno. at tayo? bilang mga ordinaryong mamayan, ano nga ba ang ginagawa natin?

sa halos tatlong taong pamamalagi ko sa UPD, marami akong natutunan. kung paanong ang iskolar ng bayan ay kailangang maging kritikal sa pag-iisip. at oo nga pala, isa ako sa mga tinatawag na "iskolar ng bayan". mataas masyado ang tingin ng ibang mga tao sa pangalan ng unibersidad na pinag-aaralan ko. at sa taas ng tingin nila, madalas kong iniisip na hindi ako nararapat dito, sa lugar na ito, sa posisyon na ito. minsan, mabuti pang huwag na lamang ipagmalaki ang unibersidad kong mahal, bakit kamo? dahil mahirap na sagarin ang sarili mo para maabot mo ang mga standards na naitanim na sa isip nila tungkol sa mga nag-aaral sa UP. paano nga ba natatawag na iskolar ng bayan? bakit kailangang bigyan pa ng katawagan?

stereotypes. unang una, nakakasawa! lilinawin ko lang. hindi lahat ng nag-aaral sa UP, matalino. hindi lahat ng nag-aaral sa UP, nerd; weird; geek. hindi lahat ng nag-aaral sa UP, masunurin; responsable. TAO din kami. nag-eenjoy. nagcucut ng klase. bumabagsak sa exams. natutulog habang nagtuturo ang prof. un! ang kaibahan lang siguro namin sa inyo, pinapaaral kami ng pera ng tao. ang tuition namin ay parte sa binabayaran ng nanay mo, ng nanay ng kapitbahay mo, ng nanay at tatay ng blockmate mo, samakatuwid, buwis ng mga taong nagpapakahirap sa trabaho ang nagpapaaral sa amin. at kami, anong magagawa namin? sa ngayon, WALA. hindi kami mga saviors. hindi kami mga superheroes na kayang solusyunan ang mga problema ninyo. hindi kami mga mayayaman na nilalang para hingan ng pera. estudyante kami, at nag-aaral kami. wala kaming magagawa sa ngayon. hindi instant gratification ang sagot sa problema. hindi kawanggawa na nangungunang ipinapakita ng gobyerno. ang marapat na ibigay sa mga taong nangangailangan ay tulong para sa sarili. hindi pinansiyal, hindi pagkain. tulungan ang mga nasa ibaba na marealize ang mga dapat nilang marealize. na gawin ang mga dapat nilang gawin. na magtrabaho kung kinakailangan, hindi ung parang mga asong nakatanghod sa grasya, awa na ibibigay ng mga nakakaangat sa buhay. empowerment ang kailangan. tulong na may mas matagal na magagawa para sa mga nangangailangan.

SIMULAN SA SARILI. you can't give what you don't have. tama nga naman. simulan ang pagbabago sa sarili. babalik at babalik tayo sa konsepto na iyan eh. hinding hindi mawawala sa konteksto ang sarili, dahil iyan ang pagsisimulan mo. simulan sa sarili ang pagbabago. mangarap para sa sarili nang sa ganoon ay may marating, may maabot, may maitulong. anong maibibigay mo kung ikaw mismo sa sarili mo ay wala? ay kulang? sa loob manggagaling ang lahat. ayusin muna ang loob bago pangaraping makatulong sa labas. ayusin muna ang sarili, bago pangaraping makatulong sa kapwa, sa bayan, sa bansa, sa mundo.

sagot sa mga tanong? tayo, bilang mga ordinaryong mamamayan ay marapat na mangarap at subukang abutin ito. paunlarin ang sarili nang sa gayon ay mapaunlad ang bansa. wag na munang isipin ang national scope. simulan natin sa maliit, sa loob, papalabas.

ang mga iskolar ng bayan ay iskolar rin para sa bayan. marapat na mag-aral, magsikap, magpunyagi. para sa oras na may matapos na, ay maibalik tayo sa lipunan na nagpaaral sa atin. tayo ag pag-asa, pero siguro, hindi pa sa ngayon.

babalik at babalik tayo sa ating sentro. ang SARILI