ako. ako. ako.

My photo
Pasig City, National Capital Region, Philippines
ako si elliz. 20 taong gulang. nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. kumukuha ng Batsilyer ng Sining sa Sikolohiya, sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. tao. may ISIP. may puso. humihinga. BUHAY.
Showing posts with label bumabagabag. Show all posts
Showing posts with label bumabagabag. Show all posts

Tuesday, March 30, 2010

never felt this kind of rage before.

never akong nagsalita kapag nakakakita ako ng mga nagrarally sa paligid ko.

UP student ako at alam kong normal na iyon sa amin kaya maski kailan, hindi ako nagsalita.

sumusuporta pa nga ako kung minsan, lalo na't alam kong tama ang pinaglalaban nila.

pero ang ginawa nila nitong nakaraan?

na magsaboy ng pintura at mambastos ng isang chancellor, parang hindi ko na yata kayang tumahimik lang.

maikli lang naman ito.

parang hindi mga UP students kung umasta.

nakakabastos lang.

oo, may pinaglalaban sila, pero ilaban naman natin ito sa tamang paraan.

ipakita naman natin na maski nakakagago ang ginagawa ng board eh wag tayong bumaba sa level nila.

---

just saw the freakin news of another tuition increase.

wtf. from 1000 to 2,400?

tanginang yan.

akala ko ba state university ang UP??

bakit tataas na naman ang tuition?

marami pa nga ang hindi nakakarecover sa 300% increase nung 2006, sabay ngaun, tataas na naman?

anak ng pucha naman.

ano na ang UP? private school??

subsidized dapat tayo ng gobyerno, hindi ba?

kaya nga state university hindi ba?

pero ano na naman itong katarantaduhang mangyayari na magtataas na naman ng tuition?

paano na ang mga matatalinong mahihirap na gustong mag aral sa UP??

paano na nila maaabot ang pangarap nila??

ang isang normal na estudyante sa UP ay mayroon 15-20 units kada sem.

kung 2400 per unit na, halos 40,000 plus ang babayaran ng isang estudyante?

na wala nang kinaiba sa ibang mga pribadong paaralan sa tabi-tabi.

paano un??

akala ko ba premiere state U tayo??

bakit aabot ng ganoon kataas ang tuition?

eh kung ako ang estudyante, sabay ganun ang tuition, eh di sa private school na lang ako, all in pa ung ganung kataas na tuition. kumpara sa up na hindi pa kasama ang readings at iba pang mga requirements na kailangang gawin.

nakakahiya na.

kung ang 300% increase noong 2006 ay hindi ko ininda masyado, itong darating na increase ay tiyak na ipagra-rally ko na.

maski na hindi ko ito talaga gawain.

grabe, grabe lang.

nakakabastos. nakakawindang.

UP admin, gumising naman kayo.

para na ninyong pinilay sa mga matatalinong estudyante ang UP.

kung ganyan ang mangyayari, maihahanay na lang ang UP sa ibang private schools na mahal ang bayad, nawalan na tayo ng edge.

para na ninyong awa.

sana maging kayo ay mag-push ng greater state subsidy.

sapat na ang 1000 per unit ng mga mag-aaral for the next decade.

wake up, wake up.

wag magpa-alipin.

bigyan naman natin ng dangal ang 102 years old nating pamantasan.

saan ba napunta ang 300% increase?

ni hindi ninyo na pa nga naipapakita na tunay ngang may kinapuntahan ang mataas na bayarin kada sem, tapos ngayon, magtataas na naman.

maawa naman kayo.

maawa naman tayo.

magmalasakit naman tayo sa mga tunay na matatalino at nararapat na makapag-aral sa UP.

sige na naman, sige na naman.

Wednesday, February 17, 2010

stress ito.

oo, pangarap kong mag-law.
at ikamamatay ko yata kapag hindi ako sa up law nag-aral.
puchangalapong, hindi pumasa ung mga taong inaasahan kong papasa.
bakit ganun?
eh mas matatalino pa sa akin ung mga un?
paano na kapag ako ung kukuha ng LAE?
paano na ako??

tamad ako.
hindi maganda ang GWA.
nag-extend pa ng isang taon.
paano ako papasa ng up law??
naknampucha. kinakabahan ako.

nagreview center pa ung iba, sobrang tutok na tutok sa pag-aaral.
eh ako?
paano ako?
wala akong pera pang review center.
hindi ako masipag mag-aral.
paano ako papasa ng up law??

oh Lord, Diyos ko po.
magpapakatino na ako.
ipasa niyo lamang ako sa up law.
wala nang ibang eskwelahan para sa akin.
up lang.
ayokong mapatungan ng transcript ng ibang school ang transcript ko.
oo, panay 5 un.
pero Diyos ko, Lord, ipasa na po ninyo ako.

haii, sana, noon ko pa pinagbutihan ang pag aaral ko.
para hindi ako nagsisisi ngaun :(

I WANT UP LAW!
all i want is UP LAW!! :'(

Sunday, February 7, 2010

and yes, i freakin' miss you!

new year na, kaso, walang kabog pa din ang pagkamiss ko sa mga taong ito.

1. it's been almost 2 years since huli tayong nagkita. may katagalan na din mula nung huli tayong mag-usap, magkakwentuhan. namimiss na kita, seriously, namimiss na kita. paano ba namang hindi? puyatan mode tayo sa sun dati, halos palagi pa. maski may exam ako ng 7am, umabot tayo ng kwentuhan ng 4am. maski mga koreanovelang pinapanood mo, kinukwento mo. napag-uusapan natin ang simpleng mga bagay. kulitan. kwentuhan. kantahan. yan ang madalas na ginagawa natin kapag magkausap tayo sa cellphone. medyo matagal na nga since nawalan ka ng sun cellular, hindi na din tayo nagkatext after nun. parati naman walang load sa globe. hai, siguro, i haven't even thanked you enough for being a part of my life. hindi man tayo naging super friends nung nagkakilala tayo about almost a decade ago. (biruin mo un? magsasampung taon na tayong magkakilala :) haha, matanda na talaga tayo noh?) pero at least, hindi hinayaan ni Lord na hindi ka maging parte ng buhay ko. salamat, salamat ng sobra sa pagkakaibigan. salamat kasi maraming pagkakataon na natatakbuhan kita, nasasabihan ng sama ng loob. namimiss ko na ikaw talaga. pati ung late night kwentuhan and everything. i hope magkakwentuhan tayo soon. magkapuyatan naman minsan. marami na tayong utang na kwento sa isa't isa. i may not say this often, pero sana naman alam mo na sobrang pinapahalagahan kita, at na mahal kita :)

2. akala talaga ng tao best friend kita. ikaw ang isa sa mga unang tao na pinagkatiwalaan ko sa UP. nakuha mo ang pansin ko sa ganda ng ngiti mo. hindi ko rin naman itinatago na ikaw ang isa sa dahilan kung bakit tinuloy ko ang application sa org. isa ka sa mga taong nasasabihan ko ng problema, at nagbibigay ng matinong advice. kahit na mukha kang gago, totoo kang tao. totoo kang kaibigan. hindi ko makakalimutan ung mga birthdays ko na tumatawag ka sa bahay para batiin ako. ung mga random days na tatawag ka, o kaya patatawagin mo ako sa inyo dahil wala kang makakwentuhan, o dahil nagpapawala ka ng amats mo. o dahil lang sa mangungumusta ka. namimiss na kita bes, namimiss na kita. namimiss ko na ung makakausap ng taong parating may sense ang sinasabi. makakausap ng taong magaan ang daloy ng usapan maski mabigat na ang problema. namimiss na kita bes. sana makausap na kita uli.

3. ikaw, ikaw ang unang kumanta sa akin sa phone, sa pabirong paraan. namimiss ko ung mga pagkakataon na kinakantahan mo ako, ung mga pagkakataon na kinukulit mo ako, na pinapakausap mo ako sa pinsan mo, na nagkukwento ka. namimiss ko ung mga pagkakataon na nagtatawanan lang tayo, dahil sa epic fail jokes mo. hindi ko maiwasang hindi maiyak kapag iniisip kita, pero, shet, namimiss na talaga kita. mula nung grumadweyt ka, at umalis, hindi na kita nakausap. maski sa friendster mo, binura mo na ako bilang friend mo. hindi ko alam kung anong nangyari sa atin. sa pagkakaibigan natin. sana maayos pa, bilang ang laki talaga ng parte mo sa buhay ko. namimiss kita, un lang masasabi ko, sobrang namimiss kita.

Saturday, January 30, 2010

and as i refuse..

and as i refuse to do those things again, it was clear to me that the relationship i'm now in won't last that long.

sorry, kasi hindi ko maipaliwanag ang sarili ko.
marami akong mga bagay na pinagsisisihan, mga maling desisyon, at siguro, isa ito sa mga dahilan kung bakit umaayaw ako ngayon.
ayoko nang may pagsisihan sa huli, ikaw na rin ang nagsabi, wag masyadong kampante sa future, hindi natin alam kung saan tayo dadalhin ng relasyon na ito.

sorry, kasi magulo ako.
hindi ko kayang isa-salita ang mga nararamdaman ko.
hindi ko maintindihan kung bakit ako ganito.
takot ako, takot na magkamali ulit, kaya marami akong nagagawang bagay para hindi na magkamali ulit.

sorry, kasi nadadamay ka.
mahal kita, mahal na mahal, alam ng Diyos na mahal kita.
gusto kong itama lahat ng mali ko.
hindi dahil sa may hinihintay pa akong kasunod mo, pero para hindi mag-backfire sa akin, sa atin ang lahat ng kagaguhang ginawa at nagawa ko.

sorry, kasi ginugulo ko ang relasyon natin.
siguro, madalas mong naiisip na wala akong pakialam, na parang balewala sa akin kapag nag aaway tayo, na okay lang sa akin umuwi ng magkagalit tayo.
pero hindi mo ba naiisip, na maaaring lumalayo ako sa iyo para hindi kita mapagsalitaan ng masama?
patawarin mo ako, duwag ako.
ilang beses na akong umiyak sa harap mo, na hindi ko dapat ginagawa.
ilang beses na tayong nag aaway, pero bibihira ung ako ang unang lalapit at hihingi ng tawad.
alam ko un, alam na alam ko.
hindi ko lang magawa na ako ang unang lumapit.
gusto kong alagaan ang sarili ko, ayoko nang ako ang unang lumapit, umiyak at magmakaawa sa harap ng taong maaari din namang iwanan ako sa huli.

sorry, kung hindi ako naniniwala sa forever.
malaking dagok ang nakuha ko sa nakaraang relasyon ko.
at kahit na anong gawin ko, kahit gaano ko kagusto, hindi ko maialis sa isip at puso ko ang sakit na pinagdaanan ko.
kaya siguro, hanggang ngayon, sa maliit na parte ng puso ko, hindi ko magawang mapaniwalaan na mahal mo nga ako, at na pwede pa akong mahalin sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ko.

sorry, hindi ako normal.
sorry, kumplikado ako.
hindi ko alam kung paano ko pa ipapaliwanag ang sarili ko sa'yo.
dahil mukhang ikaw rin mismo, gulong-gulo na.
mahal kita, pero gusto kong paniwalaan naman na hindi lahat ng pagmamahalan, kailangan ng sekswal na gawain para maipakita ung pagmamahal na un.

kaya kitang bigyan ng halik, yakapin ng mahigpit.
pero sana, hangga't maaari, maintindihan mong hanggang doon na lamang ang pwede nating gawin sa ngayon.
hindi dahil sa inilalaan ko ang sarili ko sa ibang tao, hindi dahil sa naghihintay pa ako ng kasunod mo.
kundi dahil gusto kong itama ang mali ko, gusto kong ayusin ang relasyon natin, itama ang pundasyon.
gusto kong patunayan sa sarili ko na hindi lahat ng matagumpay na relasyon, umiikot sa seks at sa physical contact.
gusto kong maramdaman na mahal mo ako, at hindi ka tumatagal at nagtitiyaga sa relasyon na ito dahil sa easy access.
gusto kong ibalik ang tiwala sa pagmamahal, ibalik ang tiwala at respeto sa sarili ko.
gusto kong dumating ang panahon na sa oras na gagawin natin iyon, hindi na ako babangungutin at magigising na umiiyak.
gusto kong buong-buong ibigay ang sarili ko sa'yo, maski hindi na kabuuan ang makukuha mo.

patawarin mo ako, kung akala mong mababa ang tingin ko sa iyo.
kung akala mong balewala sa akin ang mga pangangailangan mo.
kung akala mong hindi ko naiisip ang pagkukulang ko.
pero sana, nakukuha mo kung bakit ako nagkakaganito.
gusto kong maramdaman na hindi lang katawan ko ang habol sa akin ng tao.
na hindi lang dibdib ko ang tinitignan sa akin.
mukha na nga akong laspag eh, gusto ko lang naman na alagaan ang sarili ko.
masama ba iyon? :(

patawad, patawarin mo ako.
kung hindi sasapat ang paghingi ko ng tawad, maski masakit, mas gugustuhin ko pang pakawalan ka.
para mapunta ka sa taong magmamahal sa'yo.
sa taong iintindi, sa taong magbibigay sa'yo ng mga pangangailangan mo.

patawad, pero gusto kong maging firm sa desisyon na ito.
mahal kita, at kaya ko pa rin namang ipakita ang pagmamahal ko sa'yo nang walang sekswal na kontak.
kaya ko pa ring paliguan ka ng halik, yakapin ka ng mahigpit.
pero patawad, hanggang doon na lang muna.
hanggan doon na lang muna.

mahal kita.

Thursday, September 24, 2009

changes

change in life is inevitable, as others may say it.
for me? i wish i'll just stay at where i was a month ago.

these past few weeks was not that great, but well, it was, but not really.
haha, weird noh?
hindi ko kasi talaga alam kung ano ang dapat na maramdaman..

about two weeks ago, i was inducted as a college councilor, i had to assume the vacant position, posisyon na iniwan ng isang slatemate ko dahil sa personal problems niya.
masaya, oo, kasi makakasama ko na ang slatemates ko, after ilang months na masabik na makasama muli sila..
kaso, mas malaki ung feeling ng lungkot at panghihinayang..
i have to resign sa dalawang positions sa orgs na hinahawakan ko..
kailangan kong iwanan ang trabahong minahal ko ng sobra..
at, iiwanan ko iyon kung kailan gamay ko na ang trabaho, kung kailan matino na ako at handa ko nang ayusin ang pamamahala doon..
hai, ang hirap ng buhay..

isa pang malaking pagbabago ay ang pagtanggap na, "dude, pare, tsong.. shet.. hindi ako gagraduate on time"..
oo, tanggap ko na naman un noon pa, masakit nga lang ngayon dahil lahat sila ay grad pic na ang primary pictures sa fs, fb at multip.. samantalang ako, next year pa..
nakakaputang ina,, bakit nga ba hindi ko inayos ang pag aaral ko para kasabay ko sila?? :(

hai. hindi ko talaga malubos maisip kung bakit ngayon ko lahat nararanasan ito..
kung kailan kelangan kong magtino, saka ako napadpad sa council..
kung kelan kailangan kong bumawi sa org, saka naman parang sapilitan akong pinagbibitiw..

sana hindi ako mapagod, baka bigla ko na namang ilaglag ang lahat..
sana kayanin ko ang work load ko..
sana magawa ko pang makapag aral nang matino..
at sana, sana, sana hindi ako mawalan ng oras para kay airen ko..
alam kong magtatampo siya pag nangyari un..

**out

Friday, August 28, 2009

an outlet fo ranting.

my blog's not created to be a ranting site, but why do i always find myself venting out here?

badtrip na araw..
lahat na lang panget..
walang nangyaring maganda sa personal na buhay ko *bukod sa fruitful na discussion sa 180 at 171, na well, acad life ko naman..

last night didn't end up nicely..
dahil sa isang attempt to take our picture together-- hindi pala kami together, kung hindi ung nakabukas na windows ng webcam namin-- para ilagay sa private blog ko sa multiply, ayun, nagkainisan kami.
wala naman akong intensiyon na anything, gusto ko lang makakuha ng picture namin, nakakainggit kasi na kami ay walang picture together..
tapos ikinainis niya, wala lang..
hindi naman ako vain na tao o kung ano pa man, normal lang din naman siguro na gusto mong magkaroon ng litrato nung taong mahal mo, nung mahalaga sau, nung tanging taong kinaiikutan ng buhay mo..
pero, well, ayaw niya eh.
siguro nga, ibang tao pa din ang tingin niya sa akin, para isipin niya na dapat pa akong magpaalam kung kukuha ng ganung litrato..
hai, maski kasi na ganun na nga lang ung itsura nung picture, ung fact lang na magkasama kami dun, okay na ako..
un lang naman ung point dun..

slept at 4am, woke up at 9am..
tapos, tinapos ang 171 paper at pinrint ang lahat ng dapat i-print.
i even printed out a copy of the invitation sa specialty paper para ibigay sa kanya dahil baka hindi daw siya payagan na pumunta sa anniv night bukas..
ayon, pumasok at natuwa sa discussion.

tapos, may bonggang text akong nabasa..
na kesyo msama daw ang pakiramdam niya at uuwi na siya..
nakakatuwa, alam naman niya kung saan ang room ko, ni hindi ako dinaanan para magpaalam nang personal..
kung kelan naman hindi ako nagcheck nang nagcheck ng fone ko, saka ganun ang natanggap ko..
sa madaling salita, hindi kami nagkita ngayon.
at un ang ikinainis ko.
wala lang, pwede naman kasi magsabi ng personal.
kasi, nung wednesday na masama ang pakiramdam ko ay hinintay ko pa siya para magkasabay kami umuwi..
pero, hindi niya nagwa un ngayon maski sinabi ko nang hindi na ako papasok sa 2 next na classes ko para makasama siya..

there, hindi nga ako pumasok..
at para kahit papano ay ma-relax ako dahil sa sobrang inis ko, naglakad ako..
plano ko, hanggang philcoa lang, kasi un ang normal na ginagawa ko kapag stressed na ako..
pero ewan ko, extra bad ata talaga ang araw na ito at na-endure ko ang maglakad hanggang sa mrt quezon ave.

habang naglalakad ako, andami dami nang tanong na pumasok sa isip ko..
ano ba itong nangyayari..
bakit ko hinahayaan na maapektuhan na naman ung pag aaral ko..
bakit ang stupid ko lang..
bakit pakiramdam ko, iniiwan na ako sa ere nung tanging taong kinakapitan ko..
may saysay pa ba lahat..
mga tanong na hindi ko naman nahanapan ng sagot..
kasi nga, patuloy na nag-generate ng mga tanong at random thoughts ang utak ko..
hindi ko naramdaman na napagod ako maglakad, mas naramdaman ko ung pagod ng metacognition na naganap habang naglalakad ako..

nakauwi ako sa bahay, nagtext siya, nagkausap kami sandali..
sabay sabi niyang tinatamad siyang pumunta ng anniv night bukas..
alam ko na naman un eh, dahil matagal ko na siyang kinukulit na magpaalam pero hindi siya nagpapaalam..
ewan ko, hindi ko pinaniwalaan ung gut feel na iyon dahil nag eexpect ako na pupunta pa din siya dahil alam naman niya ung hirap ko dito sa pag aayos nitong anniv night ng buklod isip..
but then again, maski girlfriend niya ako, at ako ang punong abala sa event na ito, hindi pa din siya pupunta..
kahit na ilang beses kong sabihin na okay lang, hindi naman iyon ung nararamdaman at gusto kong sabihin..
talk about cognitive dissonance,, hai.
maski ilang beses kong sabihin na bahala siya, piping dalangin ko pa din na sana sabihin niya one of the next minutes na pupunta siya..
pero mukhang aasa naman ako sa wala..

hai, mukhang ung tanging tao na gusto kong makasama sa pagdiriwang na iyon ay tuluyan na ngang iiwan na ako sa ere..

alam kong alam niya kung gaano ka-importante ang anniv night na iyon para sa akin, kasi kapag hindi naging okay yun, sirang-sira na talaga ako.

hindi made for ranting ang blog na ito, pero wala nmn akong ibang outlet, so wala din akong choice..

**8:42pm

Sunday, March 29, 2009

this, too, shall pass

been super busy, with acad stuffs to be exact.
all the final papers were to be submitted on monday.
and the fact doesn't make me happy at any rate.
we were literally cramming for everything.
hapit kung hapit sa paggawa ng papel.

nakakapagod ang pagdaan ng bawat araw sa buhay ko.
bukod sa katotohanan na marami talagang requirements..
ang dami pa ng ibang mga bagay na dapat kong pagtuunan ng pansin..

nalalapit na naman ang summer classes.
ang tiyak na patayan ako sa summer dahil kinakailangan ko nang matapos ang kemistri ko nang sa gayon ay makatuloy na ako sa biology.
ang nalalapit na graduation ng mga malalapit kong kaibigan, na nangangahulugang maiiwanan na sa aming mga kamay ang mga organisasyong pinamunuan nila.
ang mga bagong responsibilidad na tinanggapo ko, sa pag-iisip na kakayanin kong hawakan ang lahat ng iyon.
hindi ko sinasabing wala akong tiwala sa sarili ko, ang kaso lamang ay ayokong mapahiya sa mga alumni ng orgs ko, at siyempre, ayokong biguin ang mga orgmates ko na nagtiwala sa akin at sa kakayahan ko na magagampanan ko ang tungkulin na tinakbuhan ko.

dagdag din sa mga iniisip ko ang mga slatemates ko..
sobrang napalapit kami sa isa't isa kaya masakit pa rin sa akin ung thought na hindi ko sila makakasama at makakatrabaho ng isang buong taon..
hindi ko alam, pero siguro, pinaasa ko ung sarili ko na makakasama ko sila sa mga sem plannings at outings at council activities, etc.
masakit pa rin na hindi ako ang kasama nila kapag ginagawa nila iyon.
pero may plano Siya, at matutupad din iyon.

dagdag din sa isipin ko ang mga taong umaaligid sa tabi-tabi.
hindi ko alam kung ilang beses kong dapat linawin na ayoko na muna ng dagdag na responsibilidad sa ngayon, lalo pa at may kinalaman sa usapin ng puso.
ayoko na muna na ma-attach sa kahit na sino dahil hindi pa ako handa, maging sino pa yang dadating na iyan.
gusto ko na munang pagtuunan ng pansin ang pag-aaral ko at ang mga posisyong hinahawakan ko sa mga organisasyon ko.

siyempre, hindi mawawala ang pag-iisip ko sa mga problema ng pamilya ko.
alam kong hirap na hirap na sila mama sa pagpapaaral sa amin, at kita na rin iyon sa ginagawa niyang pamimilit sa akin na magtapos na para makatulong naman sa pagpapaaral sa mga kapatid ko..
kung ako lang, gusto ko nang gawin yun.
kung alam lamang nila ang pagod na nararanasan ko sa bawat pagdaan ng araw.
kung alam lamang nila ang hirap na kinakaharap ko sa bawat pagpasok ko sa paaralan.
hindi biro ang mag-aral.
pero mas lalong hindi biro kapag sa UP diliman ka nag-aaral.
at lalong hindi biro kapag sikolohiya ang kurso mo, ang kurso kung saan bilang sa daliri ang hindi kasali sa honor students.
hai nako..
hai buhay..

sabi ko nga, this, too, shall pass..
makakaraos din ako..
at matatapos ko din ang lahat ng ito..
hindi ko na iisipin na sana maging matagumpay ito..
dadaan lang ito, at matatapos din :)

*wish me luck!

Tuesday, December 16, 2008

bumabagabag

marami na namang mga bagay-bagay ang bumabagabag sa aking isipan.
siguro dahil magpapasko, airborn daw sabi ng mama ko.
pero, pakiramdam ko, hindi.
nararamdaman ko ito kapag dumadating ang isang espesyal na araw sa akin na minsan na ding naging espesyal para sa mga malalapit kong kaibigan.
ewan ko, magulo, oo.
pero ni hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.
maraming mga desisyon ang minsan ko nang pinagsisihan..
pero ni hindi ko akalain na hanggang ngayon ay mararamdaman ko pa din ang sakit ng desisyon na iyon.
hindi ko naman sinasadyang mang-iwan.
siguro lamang ay hindi na sila nababagay sa mundong ginagalawan ko..
at wala na din naman ang dahilan para manatili akong kasa-kasama nila.
pero ewan ko, namimiss ko sila.
at gusto ko ulit silang makasama..
mahirap na, oo mahirap na..
dahil maraming mga bagay na ang nagbago simula nang gawin ko ang desisyon na iyon.
simula nang iwanan ko ang mabarkadang parte ng pagkatao ko sa lugar na iyon na minsan ko nang ginustong balikan, pero tako ako, natatakot ako na baka hindi matanggap ng mga nakakakilala sa akin ngayon ang magulong parte ko na iyon.
hindi ako perpektong tao.
hindi din ako perpektong kaibigan.
pero kapag kasama ko ang tropa, parang ibang tao ako.
nagagawa kong huwag makialam sa sasabihin ng mga nasa paligid ko.
basta masaya kami, masaya na din ako.
namimiss ko nang maramdaman na prinsesa nila ako.
yung ihahatid pa nila akong lahat pauwi, para masigurado na maayos akong makakarating sa bahay.
namimiss ko na silang kasama, totoo iyon.
pero, hindi ko na din yata kayang iwanan kung ano man meron ako ngayon para makasama silang muli.

magulo, oo.
nakakabagabag, lalo..
hindi ko na talaga alam ang gagawin ko..
siguro nga, airborn.
at siguro na, lilipas din ito.

:(