change in life is inevitable, as others may say it.
for me? i wish i'll just stay at where i was a month ago.
these past few weeks was not that great, but well, it was, but not really.
haha, weird noh?
hindi ko kasi talaga alam kung ano ang dapat na maramdaman..
about two weeks ago, i was inducted as a college councilor, i had to assume the vacant position, posisyon na iniwan ng isang slatemate ko dahil sa personal problems niya.
masaya, oo, kasi makakasama ko na ang slatemates ko, after ilang months na masabik na makasama muli sila..
kaso, mas malaki ung feeling ng lungkot at panghihinayang..
i have to resign sa dalawang positions sa orgs na hinahawakan ko..
kailangan kong iwanan ang trabahong minahal ko ng sobra..
at, iiwanan ko iyon kung kailan gamay ko na ang trabaho, kung kailan matino na ako at handa ko nang ayusin ang pamamahala doon..
hai, ang hirap ng buhay..
isa pang malaking pagbabago ay ang pagtanggap na, "dude, pare, tsong.. shet.. hindi ako gagraduate on time"..
oo, tanggap ko na naman un noon pa, masakit nga lang ngayon dahil lahat sila ay grad pic na ang primary pictures sa fs, fb at multip.. samantalang ako, next year pa..
nakakaputang ina,, bakit nga ba hindi ko inayos ang pag aaral ko para kasabay ko sila?? :(
hai. hindi ko talaga malubos maisip kung bakit ngayon ko lahat nararanasan ito..
kung kailan kelangan kong magtino, saka ako napadpad sa council..
kung kelan kailangan kong bumawi sa org, saka naman parang sapilitan akong pinagbibitiw..
sana hindi ako mapagod, baka bigla ko na namang ilaglag ang lahat..
sana kayanin ko ang work load ko..
sana magawa ko pang makapag aral nang matino..
at sana, sana, sana hindi ako mawalan ng oras para kay airen ko..
alam kong magtatampo siya pag nangyari un..
**out
ako. ako. ako.
- elliz
- Pasig City, National Capital Region, Philippines
- ako si elliz. 20 taong gulang. nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. kumukuha ng Batsilyer ng Sining sa Sikolohiya, sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. tao. may ISIP. may puso. humihinga. BUHAY.
Showing posts with label gabi. Show all posts
Showing posts with label gabi. Show all posts
Thursday, September 24, 2009
Saturday, August 16, 2008
gabi ng kultura, gabi ng dangal
sa minsanang pagdalo ko sa mga palatuntunan, isa ito sa mga naging paborito ko, at nag-iwan nang tatak sa aking isipan. SAYAWITSAN. masaya ang lawit na nilalabasan? hindi ah, kahit pa iyan ang pamagat na ibiniro ng nag-host nang palatuntunan nung gabing iyon. sayaw, awit at balagtasan ang tunay na kahulugan ng sayawitsan. nagsimula ito nang medyo huli na sa oras, pero naging napakasaya nito para sa lahat ng mga dumalo. maraming grupo at organisasyon sa unibersidad ang nagpaunlak sa imbitasyon ng Bukluran na magbigay ng kanilang maliit na presentasyon para sa mga taong manonood sa gabi na iyon. naging paborito ko ang presentasyon na inihanda ng KONTRA-GAPI. wala lang, magaling lang talaga sila, at Pilipinong-pilipino ang gawain nila. may sumayaw pang mga babae sa saliw ng musika mula sa mga gong at mga kawayan na tinutugtog ng KG. isa pang masayang parte ay nung nagbasa si ate Anj nang mga tula, kung saan pinaglaruan nila ang tunog at ang iyong imahinasyon. tuloy tuloy lang ang mental images habang binabasa ang tula, pero sa dulo, nagpapakulo lamang pala ng tubig ang tinutukoy. haha! benta lang talaga. interactive din ang huling tula nila. kunektado ito sa pagsasabi ng totoo, at paghahanap ng katotohanan. masaya ako, at nasiyahan ako sa gabi na ito. kahit pa, medyo muntik na akong mapaiyak sa sayaw na inihandog ng batch ko para sa mga nanonood. oo na, harapin na natin, hindi ako magaling sumayaw. oo, marunong, pero utang na loob, wag sa harap ng napakaraming taong hindi ko kakilala. tapos na iyon, at palagay ko, hindi ko na uulitin iyon.
naging napakasaya ng gabi ko kasama ang batchmates ko, at lahat ng dumalo. napagtanto kong muli na dapat at marapat natin na itaguyod ang sariling atin. tangkilikin natin ang sining na sariling atin. di hamak na mas magaganda ang mga sayaw natin, ang mga awit na nagawa sa bansa natin, at ang balagtasan na nagpapakita ng tunay na dunong ng mga Pilipino. bakit hindi natin paunlarin ang sariling atin? hindi ba?
naging napakasaya ng gabi ko kasama ang batchmates ko, at lahat ng dumalo. napagtanto kong muli na dapat at marapat natin na itaguyod ang sariling atin. tangkilikin natin ang sining na sariling atin. di hamak na mas magaganda ang mga sayaw natin, ang mga awit na nagawa sa bansa natin, at ang balagtasan na nagpapakita ng tunay na dunong ng mga Pilipino. bakit hindi natin paunlarin ang sariling atin? hindi ba?
Posted by
elliz
at
2:41 AM
Subscribe to:
Posts (Atom)