oo, pangarap kong mag-law.
at ikamamatay ko yata kapag hindi ako sa up law nag-aral.
puchangalapong, hindi pumasa ung mga taong inaasahan kong papasa.
bakit ganun?
eh mas matatalino pa sa akin ung mga un?
paano na kapag ako ung kukuha ng LAE?
paano na ako??
tamad ako.
hindi maganda ang GWA.
nag-extend pa ng isang taon.
paano ako papasa ng up law??
naknampucha. kinakabahan ako.
nagreview center pa ung iba, sobrang tutok na tutok sa pag-aaral.
eh ako?
paano ako?
wala akong pera pang review center.
hindi ako masipag mag-aral.
paano ako papasa ng up law??
oh Lord, Diyos ko po.
magpapakatino na ako.
ipasa niyo lamang ako sa up law.
wala nang ibang eskwelahan para sa akin.
up lang.
ayokong mapatungan ng transcript ng ibang school ang transcript ko.
oo, panay 5 un.
pero Diyos ko, Lord, ipasa na po ninyo ako.
haii, sana, noon ko pa pinagbutihan ang pag aaral ko.
para hindi ako nagsisisi ngaun :(
I WANT UP LAW!
all i want is UP LAW!! :'(
ako. ako. ako.
- elliz
- Pasig City, National Capital Region, Philippines
- ako si elliz. 20 taong gulang. nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. kumukuha ng Batsilyer ng Sining sa Sikolohiya, sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. tao. may ISIP. may puso. humihinga. BUHAY.
Wednesday, February 17, 2010
Tuesday, February 9, 2010
ang masasabi ko ay..
hindi ko kasalanan kung tanga ang sumulat nun, at hindi naisama ang pangalan ko.
siguro nga, swerte, dahil hindi ako nakasama sa kahihiyan.
kasi, totoo naman eh, kasalanan niya, kasalanan niya ang lahat.
gumawa siya ng bagay na hindi inilalapit sa mga taong concerned.
sinira niya eh.
sinira niya lang talaga.
:-/

Posted by
elliz
at
5:16 AM
Sunday, February 7, 2010
and yes, i freakin' miss you!
new year na, kaso, walang kabog pa din ang pagkamiss ko sa mga taong ito.
1. it's been almost 2 years since huli tayong nagkita. may katagalan na din mula nung huli tayong mag-usap, magkakwentuhan. namimiss na kita, seriously, namimiss na kita. paano ba namang hindi? puyatan mode tayo sa sun dati, halos palagi pa. maski may exam ako ng 7am, umabot tayo ng kwentuhan ng 4am. maski mga koreanovelang pinapanood mo, kinukwento mo. napag-uusapan natin ang simpleng mga bagay. kulitan. kwentuhan. kantahan. yan ang madalas na ginagawa natin kapag magkausap tayo sa cellphone. medyo matagal na nga since nawalan ka ng sun cellular, hindi na din tayo nagkatext after nun. parati naman walang load sa globe. hai, siguro, i haven't even thanked you enough for being a part of my life. hindi man tayo naging super friends nung nagkakilala tayo about almost a decade ago. (biruin mo un? magsasampung taon na tayong magkakilala :) haha, matanda na talaga tayo noh?) pero at least, hindi hinayaan ni Lord na hindi ka maging parte ng buhay ko. salamat, salamat ng sobra sa pagkakaibigan. salamat kasi maraming pagkakataon na natatakbuhan kita, nasasabihan ng sama ng loob. namimiss ko na ikaw talaga. pati ung late night kwentuhan and everything. i hope magkakwentuhan tayo soon. magkapuyatan naman minsan. marami na tayong utang na kwento sa isa't isa. i may not say this often, pero sana naman alam mo na sobrang pinapahalagahan kita, at na mahal kita :)
2. akala talaga ng tao best friend kita. ikaw ang isa sa mga unang tao na pinagkatiwalaan ko sa UP. nakuha mo ang pansin ko sa ganda ng ngiti mo. hindi ko rin naman itinatago na ikaw ang isa sa dahilan kung bakit tinuloy ko ang application sa org. isa ka sa mga taong nasasabihan ko ng problema, at nagbibigay ng matinong advice. kahit na mukha kang gago, totoo kang tao. totoo kang kaibigan. hindi ko makakalimutan ung mga birthdays ko na tumatawag ka sa bahay para batiin ako. ung mga random days na tatawag ka, o kaya patatawagin mo ako sa inyo dahil wala kang makakwentuhan, o dahil nagpapawala ka ng amats mo. o dahil lang sa mangungumusta ka. namimiss na kita bes, namimiss na kita. namimiss ko na ung makakausap ng taong parating may sense ang sinasabi. makakausap ng taong magaan ang daloy ng usapan maski mabigat na ang problema. namimiss na kita bes. sana makausap na kita uli.
3. ikaw, ikaw ang unang kumanta sa akin sa phone, sa pabirong paraan. namimiss ko ung mga pagkakataon na kinakantahan mo ako, ung mga pagkakataon na kinukulit mo ako, na pinapakausap mo ako sa pinsan mo, na nagkukwento ka. namimiss ko ung mga pagkakataon na nagtatawanan lang tayo, dahil sa epic fail jokes mo. hindi ko maiwasang hindi maiyak kapag iniisip kita, pero, shet, namimiss na talaga kita. mula nung grumadweyt ka, at umalis, hindi na kita nakausap. maski sa friendster mo, binura mo na ako bilang friend mo. hindi ko alam kung anong nangyari sa atin. sa pagkakaibigan natin. sana maayos pa, bilang ang laki talaga ng parte mo sa buhay ko. namimiss kita, un lang masasabi ko, sobrang namimiss kita.

5:41 AM
Subscribe to:
Posts (Atom)