ako. ako. ako.

My photo
Pasig City, National Capital Region, Philippines
ako si elliz. 20 taong gulang. nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. kumukuha ng Batsilyer ng Sining sa Sikolohiya, sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. tao. may ISIP. may puso. humihinga. BUHAY.

Tuesday, August 31, 2010

honestly

sabi mo, ayaw mo ng sinungaling.
sabi mo, ayaw mo ng gumagawa ng kwento.
sabi mo, sabi mo. LAHAT PALA, PANAY SABI MO LANG.

naniwala ako sa'yo.
naniwala akong mahal mo nga ako, maski alam na alam kong sobrang sinasamba mo yung babaeng may litrato sa cellphone mo.
naniwala ako, maski sinasabi ng isip ko na sadyang napakabilis ng mga pangyayari para nga lubusang mahalin mo ako.
nakakaputang ina. un lang. nakakaputang ina.

i actually really wouldn't care if you told your info friends about everything that's happening between us in detail. i honestly wouldn't care. i won't see them for like, forever. what you did was unforgivable. tropa yun dude, tropa. you could tell them all you want, pero sana naman, respeto. tangina naman, malala ka pa sa ex ko eh. kiss and tell ka, gago. oo, rant ito. at oo, mumurahin kita. mura galore, dito lang naman eh. kala mo naman kaya kong sabihin sa'yo lahat ng iyan ng harapan? no. i wouldn't dare. tanga di ba?
bakit kelv? why me? OF ALL PEOPLE, WHY ME? sa lahat ng paglalaruan mo, why me? sa lahat ng lolokohin at gagaguhin mo, bakit ako pa? may kasalanan ba ako sa'yo? we haven't seen each other for such a long time. i freakin' gave you a chance, now what? ano naaaaa? :/ gusto kitang itext. gusto kitang murahin straight sa mukha mo. like how can you do this to me? i've been so nice, so freakin nice. tapos what now? you'd go around telling people what's actually should be kept between the two of us? RESPETO KUYA. RESPETO. :/

naniwala ako sa'yo.
tangina, ganun ba talaga ako kabait para lokohin at pagmukhaing tanga lang?
LAHAT KAYO, AS IN LAHAT LAHAT LAHAT LAHAT KAYO.
mga lalaking manggagamit, manloloko, oportunista, PUTANG INA KAYO. :/

pinakilala kita sa pamilya ko.
pinatuloy ng matino sa bahay.
minahal ng buo.
hindi ako nagreklamo maski na ako na naman ang gumagawa ng paraan para mag-work ang relasyon na ito.
wala akong sinabing kahit na anong masama tungkol sa pamilya mo.
wala akong nireklamong kahit ano sa mga ginagawa at pinagagawa mo sa akin, maski na hindi ko requirement un.

ano ba kailangan mo?
parausan?
tagagawa ng thesis?
tagasagot ng take home midterm at final exams?
taga-alaga kapag may sakit ka?
ano? ano? ano???

tangina. tangina naman.
ganun ba ako kadaling lokohin?
ganun ba ako katanga?
mukha nga. kasi naloko mo ako.
mukha nga, kasi napaikot mo ako eh.
mukha nga, kasi bumigay ako sa'yo eh.
tanga ka lang ate, TANGA KA LANG TALAGA.

ano nang gagawin ko ngayon?
hihiwalayan ka?
o paglalaruan ka? kaso, hindi ko kaya.
hindi kaya ng konsensiya kong manakit ng iba, kasi alam ko kung gaano kasakit masaktan.
nakakainis ka teh, nakakainis ka dahil bobo ka.

PAANO AT ANO ANG TAMANG GAWIN?
hayy. bobo.

Thursday, July 22, 2010

His own time. Chill, Love. :)


it's been a while since i last poured my heart out on my blog.
it's been a while since i last updated you on the status of my life and love life of course.

i am currently in a state of bliss. (i know, i know, how inconsiderate of me. i'm sorry)
shock, happiness, excitement, love and the feeling of being loved.
nag-ooverflow ung emotions.

ilang buwan pa lang ang nakakaraan nung sinabi ko sa sarili ko na matagal pa bago ako magkakalovelife ulit. kasi nga, nahirapan ako ng sobra sobra sa naranasan ko nung nakaraan.
Jeni and I broke up last April. pero i already told her na September pa lang, hinahanda ko na ang sarili ko. may mali lang talaga sa amin. spoiled siya, at sanay na ang lahat ng gusto niya ay masusunod. she's 2 years younger than me, which could also explain kung bakit feeling ko, responsibility kong protektahan siya dahil kaedad niya ang nakababata kong kapatid. panganay ako, and there's this tiny voice inside me na dapat ako ang nasusunod, kaya nag-clash kami. maliliit na bagay, pinag-aawayan namin. ung dating maliit na gap dahil sa council work at sa pagiging demanding niya sa oras, unti-unting lumaki. hindi ko alam kung nagkulang ako sa pagsasabi sa kanya ng mga maling nararamdaman ko tungkol sa relasyon namin. marami siyang mga bagay na gustong gawin, na ayoko namang gawin. may mga times na naramdaman kong violated ako, dahil pinipilit niya ang gusto niya, maski firm ako sa desisyong kong ayoko. pinapahalagahan ko ung sarili ko, and sa instant na maramdaman kong binabastos ako ng tao, nagwiwithdraw na agad ako. at yun yung minsan kong nararamdaman kapag iniinsist niyang gawin ang gusto niyang gawin. nakakawala ng respeto sa sarili, at kesa hayaan kong mawala na naman ako sa mundo, pipiliin ko nang unti-unti nang lumayo at bumitaw. mali lang siguro ako dahil hindi ko siya naihanda. samantalang ako, naihanda ko na yung sarili ko, matagal na. natutunan ko nang mag-move on, maski na umaasa ako na magiging maayos pa ang relasyon namin. pero may dumating na isang realization sa akin. i care for Jen so much, so much na ayoko nang sumugal sa relasyon. kinakapa ko sa dibdib ko yung feeling ng romantic love at attachment, pero pagmamahal para sa isang nakababatang kapatid ang nakita ko. kaya pala i wanted to protect her, to take care of her. pagtapos ng araw na yun, naisip ko nang tama ang desisyon kong pumayag sa pakikipaghiwalay. she'll get over me, alam ko. dahil hindi niya ako deserve. at dahil hindi ko din siya deserve.

after ilang months of keeping my eyes closed, my door locked and my windows shut, dumating siya, out-of-nowhere.
he's not the perfect guy, i know and he knows too. i am even taller than he is. may sarili siyang flaws, and i also got mine. pero wala siyang pakialam.
classmate ko siya nung elementary. i don't even remember if he was one of those boys who used to follow me around. basta alam ko lang, isa siya sa mga magugulong kaklase kong lalaki na panay kalokohan at pang-aasar ang trip gawin sa buhay. isang taon lang kami classmates, and we never had the chance to actually talk, bukod sa kapag sisigawan ko ang tropa niya dahil maingay sila. years passed, nakikita ko lang siya sa Bg.Ilog kapag gumagala ako or kapag nakatambay ako kina Benjo na kapitbahay niya at boyfriend ko nung highschool. wala nang kebs pagdating ng college, bagong mundo na eh. and then i saw him sa isang bar sa Timog ata or sa Tomas Morato 2years ago. anlaki ng pinagbago niya, hindi sa height pero sa looks department. mas nagmukhang mature, yes, mas gumwapo, i guess. hi-hello lang, kasi he was with his friends, i was with mine. hindi ko siya pinag-effortang hanapin sa friendster, hinanap ko siya yes, pero hindi tipong super super paghahanap, because we were never that close before, so hindi din siya nakapunta sa debut ko. nauso ang facebook at nagkaroon ulit ng connection. until just this june, nung pinost ng isang classmate namin ang grad pic namin at nagyaya ng reunion.

July 10, 2010, Tiendesitas. napansin ko na naman na may extrang something ang attention na binibigay niya. hindi ako umiinom ng beer, so sabi niya bilhan niya na lang daw ako ng pwede kong inumin. parati siyang nauupo sa harap ko, at naka-shift ang katawan niya sa direction ko. hindi ako asyumera, wala akong karapatan, pero may maliit nang light bulb sa utak ko, warning na daw, warning. pink shirt ang suot niya, and he looks like a runway model, hindi nga lang siya matangkad, sige, pero kaya niyang dalhin yung sarili niya. may dating pero hindi mayabang ung aura niya. nung gumagabi na, at napansin kong medyo hindi siya kinakausap ng ibang batchmates namin, bilang natural na madaldal ako, pinalipat ko siya sa tabi ko at nakipagkwentuhan ako sa kanya. lovelife ang topic. tinatanong kung may boyfriend na daw ba ako. sabi ko wala, matagal na. to be polite, tinanong ko din siya, wala daw 3 years na. (to be polite lang, pinipilit kong maging dense sa takbo ng usapan. pinipilit ko ding iwasan ang tingin ng ibang batchmates namin. maingay kasi at nasa harapan kami ng stage, so sobrang lapit lng ng mukha namin sa isa't isa. maski nagyoyosi siya, hindi nakakailang ang amoy niya. to be fair naman sa kanya. :D) irereto daw niya ako sa friend niyang half British. (fishing si kuya, pero dahil trying to be dense ako, hindi ko na kinibo) sabi ko ayoko, hindi ako papatol sa ibang lahi. kwento. kwento. after ng ilang oras, nagkayayaan nang tumuloy kina roseann, mas homey dun, mas comfy at relaxed ang atmosphere. so go naman kami. nag-taxi kami papunta kina ann, at dahil "mejo" payat na ako, nagkasya kaming dalawa sa harap ng taxi, 6 kasi kami, so 4 ung nasa likod. nagshshift ung weight niya for unknown reason. tinanong niya kung okay lang ako, na-awkward ako, kala ko nasisikipan siya, so sabi ko, oo ikaw? masikip ba? okay ka lang?, at ang tanging sagot niya. hindi daw siya okay. tapos silence. complete silence. pagbaba malapit kina ann, inasar ko siya, sabi ko libre niya akong taxi. at siya nga ang nagbayad. ng taxi na sinakyan naming anim. at hindi nagpabigay ng ambag. okay. anong meron. tinatanong niya ako, what time daw ako uuwi. sabi ko mga 4am. sabi niya, sabay daw kami. taxi na lang kami ulit. (dense ka, dense. okay?) siya ang nagtagay ng the bar, at naubos ang isang bote in 40mins. in time para makauwi kami. nagtaxi nga kami, at hindi niya ako pinagbayad ng taxi. siya na naman ang sumagot. (ano baaa?:/)

naka-smart siya, pero naging constant ka-text ko siya for the whole week. naubos ang freetexts ko sa kanya. hanggang sa nagpalit na lang siya ng network at nag-globe. come saturday, July 17, reunion part2 kina jomar. worried siya kasi akala niya hindi ako pupunta. kahit na pinipilit kong wag mag-assume, nagpapahanging na siya na gusto niya ako. tinatanong ang standards ko sa lalaki, etc etc.. eh bilang sawa na akong maglagay ng standards, sabi ko wala. basta mamahalin at rerespetuhin ako. gets? yung walang pilitan sa mga gustong gawin. yung kapag sinabi mong "No", hindi na magpipilit? yung pagkakatiwalaan ako. ganun. sabi niya, okay lang ba daw sa akin kung mas matangkad ako. sabi ko walang kaso yun, bilang social norms lang naman un eh. pakialam ko naman kung mas matangkad ako, eh kung mahal ako at mahal ko, go lang. unti-unti, nalilinawan ako, na baka ako nga yung tinutukoy niya. sabi ko sa kanya, bakit panay tungkol sa akin ang pinag-uusapan natin, ikaw naman magkwento. saka na lang daw, gusto niya pa daw akong makilala, dahil gusto niya ako. nawala na yung dense wall. fine, hindi pala ako asyumera. ako pala yun all along. maraming nangyari nung saturday na un eh. nagkaproblema between two of our batchmates, at dahil barkada niya yung isa, sinamahan niya at hinatid. he is not the type na gagatong sa away. at nakakatuwa yung ganun. pagbalik niya sa venue namin, duguan siya. natamaan siya sa batok nung nakaaway ng friend niya, napaluhod kaya ayun, gasgas at sugat sa magkabilang tuhod. i hate blood. pero nung time na yun, halos ibigay ko na sa kanya yung panyo ko para punasan ang sugat niya. kaso, lalaki, kaya daw niya. kei. lumipat kami kina roseann, dun nilagyan niya ng alcohol yung sugat niya. tapos umidlip bilang napagod kakapigil at kaka-awat sa friend niya. dumantay siya sa balikat ko. at inasar na kami ng batchmates ko. paano, ang itsura ay parang batang naglalambing. nakadantay sa balikat at ang kamay ay nakahawak sa braso. hindi ko hawak ang kamay niya, umiinom pa kami nun eh, so tsansing daw sabi ng tropa. though, bilang tropa nga siya, kebs lang. kasi ganun naman talaga ako sa mga kaibigan ko. umuwi kami ng 6am, taxi ulit. at nakadantay pa din siya sa akin. hindi pala, nakayakap. and again, hindi niya pa din ako pinagbayad ng taxi.

that was Sunday morning already. ang tawag niya sa akin, RANCES KO. which kinda feels good, never pang may tumawag sa akin gamit ang apelyido ko. siguro kasi, i've been very firm on insisting that others call me elliz, or isai, or cell, or lhiza, or lizzie, or whatever basta hindi apelyido. pero sabi niya, maganda daw ang apelyido ko. at sabihin ko daw yun kay papa (ikaw na ang bolero kuya!) sunday night, napunta ang conversation sa "bakit daw hindi namin subukan", subukan ang alin kako. yung kaming dalawa daw. wow, so hindi na uso ang ligawan talaga noh? hindi daw siya marunong manligaw. tse! sabi ko pag-iisipan ko. ambilis lang kasi. pero kei, parang magkakakilala na lang din kayo pag nasa relasyon na eh noh.

Monday, nagtext si Jeni, nagtatanong kung may bago na ako. what would i say? hindi naman kasi siya totally bago. flattering ang attention, yes. but hey, gusto ko namang makausap siya ng parents ko, right? bago maging kami. parang Benjo lang din. umakyat ng ligaw na matino dito sa bahay. maski na kita nang dun na din pupunta ang kung ano mang meron kami. awkward na ng mga kasunod na texts ni Jeni. hindi ko na iisa-isahin.

magkatext kami all-through out the day. 6pm pa daw pasok niya kasi. 3pm nung nasa shangrila ako, binibiro ko siyang puntahan niya ako. masakit pa daw ang tuhod niya. around 6pm, nagtext siya ulit, wala daw siyang class, hindi dumaing ang prof. at ang kasunod na text, gusto ko ba daw na magkita kami. it just feels good na, wow, gusto ko ba? kung ano yung gusto ko, yun yung masusunod. sabi ko, okay lang naman. san daw kami magkikita. he lives in floodway, ako sa ugong. he studies in eastwood, so dun siya manggagaling. sabi ko sa tiendesitas na lang, since malapit na yun sa amin, at ilang sakay na lang papunta sa kanila. so go kami. naghintay ako sa hypermarket, and when he arrived. ayoko na lang na tignan siya. he always looks dashing, maski na he's not that tall. ang lakas ng dating kasi. dumating siya, 7:30. we transferred to tiendesitas, then kwentuhan na lang. binilhan niya pa ako ng c2, dahil nasabi ko nga sa kanyang i don't usually eat dinner, eh dapat magdidinner kami, ayoko kako, so ayun, binilhan niya ako ng c2, para daw may sugar ako sa katawan. nagtext sa kanya si alvin, at nasabi nga niyang nasa tiende kami, so sumunod si vin. then i texted roseann, at sumunod si ann after a while. nagkayayaan uminom, at dahil may bahay kami na walang tao, sabi ko pwede dun. Antonov ung binili nila, ako bumili ng mangangata. lakas pala ng tama nun. pers taym kong uminom nun at after 3 shots, hilo na ako. leche. nung mejo tipsy na kami, dun na sila nagsimulang magtanong tungkol sa amin. kei, fine. hindi kami, pero nakayakap na ata ako sa kanya nun, or nakayakap siya sa akin (na hindi ko masyado maalala dahil kay Antonov). may something daw kami, sabi ni alvin. tinanong naman nila si kuya, seryoso naman nga daw siya. well, which was cool, bilang may tama na siya, at ganun pa din yung sagot niya. iniwan kami nina ann para bumili ng yosi. at dun niya ako kinausap. usapang lasing lang ba daw yung aming dalawa. sabi ko, baka. bilang lasing nga ako. hinawakan niya yung mukha ko at tinitigan ako sa mata, saka nagtanong ulit kung usapang lasing nga lang ba daw yun. ang ganda ng mata niya. sorry na, pero nakakamesmerize talaga. sabi ko, hindi. sabi niya, buti naman daw, dahil siya, seryoso siya. at mahal niya ako. tagos sa akin ung sinabi niya, dahil nakakatitig siya sa mata ko, harapan, walang hesitations. nakakakilig. first time :') then he kissed me. hindi kami, so dapat hindi ko pinayagan, pero, argh, that was perfect. sobrang tama nung moment. parang, parang romance film, na pag nagtapat yung lalaki tapos nakakatitig sa kanya yung babae dahil ramdam ung sincerity, hahalikan niya yung babae. the feeling is overwhelming. when his lips touched mine, twas like being in a different realm. his lips are soft, and he tastes like strawberry. he smokes, and mind you, he is a chain smoker. but his breath never smelled like that of other smokers. that felt right, at that moment (though i certainly can not say that he's The One, for we have a little getting-to-know each other to do) he felt right. we parted and he looked into my eyes again, sabi niya, mag-aral ka ng mabuti, grumaduate ka, magpapayaman tayo at pakakasalan kita. kung ibang lalaki yung nagsabi sa akin nun, malamang binara ko siya. pero yung sincerity na makikita at mababasa mo sa mata niya, yun yung nakapagpatahimik sa akin. sabi niya, alam mo ba nung una kitang makita ulit, sabi ko may mali sa akin, gusto kita pero alam kong hindi ako pwede para sa iyo, parang ang taas taas mo kasi, ang hirap mong abutin (oh the hell, not that line againe. hello?) pero nung pinatabi mo ako sau, naisip ko, baka pwede naman, kaya sinimulan kitang tanungin tungkol sa lovelife mo, paraan ko lang yun para malaman kung may boyfriend ka, o kung susuwertehin ba ako sa iyo. gusto kong tumawa, kasi alam kong yun nga ang ginagawa niya. (but hey i'm trying to be dense, db?) we talked about a lot of things, at naging mas malinaw sa akin kung anong klaseng tao siya. he doesn't care about anything from my past. he knows everything. ang mahalaga, yung present at yung future. ipapakilala nga daw niya ako sa parents niya, ipapakilala niya bilang babaeng pakakasalan niya. nakakatuwang pakinggan yung way ng pagsasabi niya, walang hesitations kasi. straight at direct to the point. mature siya mag-isip, which is a plus point. sabi niya, okay lang kahit na wala tayong load pareho, basta maitetext natin ang isa't isa ng maski once a day para mag-update, ang mahalaga naman, mahal natin ang isa't isa, at may tiwala tayo., hindi natin kailangan itext ang bawat isa ng kung ano ang ginagawa natin, tiwala talaga ang kailangan, lalo pa't busy ka at busy din ako. tama di ba? he's right, damn right. mahalaga he's there for me, and i'm here for him. what we feel for each other is all that matters. dagdag pa niya, wag kang magpapadistract sa kahit na ano. focus ka lang na maka-graduate ka. wag magpapadistract kahit na sa akin, (pero nakakadistract ka kaya!) tuloy mo lang yung normal na takbo ng buhay mo (hindi na normal dahil sa iyo!). kei, hindi siya bad influence :)

even retelling / typing / blogging the story makes me wanna shiver in kilig. i don't know where this would take us, for i don't even like the concept of forever (that simply doesn't exist), but i know enough to trust my God, for he doesn't introduce someone new in a person's life for nothing. everything happens for a reason, and i do know that He is behind everything that happened and is happening to me. i believe in Him enough to let this person enter my life, to let myself love this person even though there is a vast ocean of uncertainty in front of us. He knows His plans, and i'll just follow.

it wasn't long ago since i committed myself and my life to Him. iniwan ko na kay Lord ang lahat ng mangyayari sa buhay ko. at alam kong may dahilan ito.

to you, love, thank you for coming into my life. bilang hopeless romantic ako, minsan ko nang sinabi na pasaway ako- pakawala, not in a bad sense; ayoko ng rules; ayoko ng demands ng relationship; i argue, i don't listen; - at hinihintay ko yung taong makakapagpatino sa akin. we'll both see kung ikaw nga iyon :)

Wednesday, July 21, 2010

Sunday, July 18, 2010

IF IT'S LOVE by TRAIN

While everybody else is getting out of bed
I'm usually getting in it
I'm not in it to win it
And there's a thousand ways you can skin it

My feet have been on the floor
Flat like an idle singer
Remember winger
I digress
I confess you are the best thing in my life

But I'm afraid when I hear stories
About a husband and wife
There's no happy endings
No Henry Lee
But you are the greatest thing about me

[Chorus]
If it's love
And we decide that it's forever
No one else could do it better
If it's love
And we're two birds of a feather
Then the rest is just whenever
And if I'm addicted to loving you
And you're addicted to my love too
We can be them two birds of a feather
That flock together
Love, love
Got to have something to keep us together
Love, Love
That's enough for me

Took a loan on a house I own
Can't be a queen bee without a bee throne
I wanna buy ya everything
Except cologne
'cause it's poison
We can travel to Spain where the rain falls
Mainly on the plain side and sing
'cause it is we can laugh we can sing
Have ten kids and give them everything
Hold our cell phones up in the air
And just be glad we made it here alive
On a spinning ball in the middle of space
I love you from your toes to your face

[Chorus]

You can move in
I won't ask where you've been
'cause everybody has a past
When we're older
We'll do it all over again

When everybody else is getting out of bed
I'm usually getting in it
I'm not in it to win it
I'm in it for you

If it's love
And we're two birds of a feather
Then the rest is just whenever
Then the rest is just whenever

If it's love
And we decide that it's forever
No one else could do it better
And if I'm addicted to loving you
And you're addicted to my love too
We can be them two birds of a feather
That flock together
Love, love
Got to have something to keep us together
Love, love
Got to have something to keep us together
Love, love
That's enough for me


yes, yes. if it's love :) CHILL :D

Wednesday, July 7, 2010

yes :)



malapit na..
malapit na :)

no to softdrinks!
no to more than a cup of rice a day!
no to alcoholic beverages!
yes to exercise!
yes to non-fatty foods!
yes to fruits!
yes to lots of water!
yes to oatmeal!

i'm on my way.. ^_^
august grad pic shoot, malapit na \O/

Monday, July 5, 2010

BAD VIBES? BAD VIBES?

yes, oo. bad vibes.

sige, ako na ang affected.

so kailangan pati mga kapatid mo friend niya? :(

kairita laaaaang. :/

mag-disappear ka sa buhay ko, NOW NA!!!! :(

Sunday, June 13, 2010

TEENTERS FTW~! :D

another affected much post..
you can click away anyway :))

haha, wala lang outlet, kasi kung andun ako, supalpal si joe at shey (kahit pa super like ko si shey before, na-BV ako sa kanya kanina)
at nakakawindang si mikee lee, wala siyang punto. okay na sana sa mga simulang arguments, pero habang tumatagal, nakakahiya na lang na pinagtatanggol niya ang pinoy housemates.
yung dj, parang napadpad lang dun out of nowhere. sana man lang, hindi shallow ang mga points na sinasagot nila.

maikling analysis lang.
super bumilib ako kay ryan at sa iba pang teenters, dahil inaamin nila na mas masipag at mas disiplinado ang mga pinoy kesa sa kanila. atleast, they know how to give credit when it's due db? unlike the pinoys, who never actually admitted na mas may leadership skills at mas nakapagpapasaya ang mga teenters kesa sa kanila.

baliko ang katwiran ni Mikee. yun lang, nakakawindang talaga siya, naturingang.. ehem.
ang taong burara ay kitang kitang hindi masipag. duh, kung masipag ka, nakaligpit ang lahat ng mga gamit mo. kei? at kung disiplinado ka, dapat sinusunod mo ang lahat ng rules. kung disiplinado ang pinoy housemates simula pa lang, bakit ang daming napatawan ng force eviction sa kanila? yung pagtsitsismisan, yung hindi pagsunod sa rule book, yun ba ang pagiging disiplinado? please naman, shey joe mikee and all the other 3 na nasa pinoy team kanina, sana man lang sinabi ninyo ang totoo. hindi yung pinagtanggol ninyo ang pinoys eh wala naman sa punto.

people from the pinoy team may have stated that mas nakakarelate daw ang viewers sa mga pinoy na nasa loob. yes, nakakarelate kami, dahil pilipino kami. pero bukod dun, wala na. may joe ang pinoy housemates? excuse me, unlike joe, never na pinaglaruan ni ryan ang kapwa housemate niya. he never made fun of them. hindi siya nagpapatawa in the expense of his other housemates. remember that racism rap thing ni joe against kay bret? na super ikinasaya ng mga kapwa niya pinoy housemates? na hindi pinalabas sa tv dahil malamang, nahihiya si big brother sa inasal ng PINOY housemate niya. eh how about the most talked about spin the bottle thing? na sinuspend pa ng big brother ang live stream ng isang kakilala ko dahil sa pagrerecord niya ng spin the bottle episode na iyon, na ang nagpasimula ay, si joe, na again, ay isang pinoy housemate. yun ba ang disiplinado na sinasabi nila kanina? tama nga naman ang nasa team pinoy eh, kung disiplina lang din ang pag-uusapan, hindi ba dapat lahat ng aspeto ang titignan? hindi lang wake up call or pagbangon on time etc, pero lahat ng ginagawa dapat na nangangailangan ng disiplina, and with that, sa pinoy housemates pa din magbabackfire ito, dahil mas maraming nagawang kalokohan at kagaguhan ang pinoy housemates kumpara sa teenters.

oo nga joe, mas matagal kayo. eh ano naman kung mas matagal? tama si richard, it's not measured by the duration of your stay inside the house, it's what you did inside the house that matters. yung teenters, yes, late na silang pumasok. fine, sugatan na kayo by that time, pero kung talagang pinoy kayo, you'd still be able to fight as if hindi kayo nasaktan, nasugatan at napagod. that's what we pinoys are known for, right? not giving up, fighting until the very end, giving your best everytime. yun ang pinoy. and that's what the teenters showed us. tama yung isang taga-up debsoc, kung being pinoy by blood lang ang basehan ninyo kung bakit pinoy ang dapat maging big winner, ang babaw ng basis ninyo. so, para ninyo na ring sinabi, na dapat ay maging proud pa din tayo sa mga pinoy na nasa ibang bansa na minamata ang kapwa nila pinoy. hindi ba, nung lumabas yung isyu tungkol sa isang writer na nangmata ng kapwa pinoy niya eh andaming nag-react? na kesyo hindi daw siya pinoy, etc etc. eh si joe, pinoy pa bang maituturing? pagkatapos ng racism rap niya against bret? yung mga pinoy housemates na binabackstab ang kapwa nila housemates? gawain ba ng pinoy yun?? ano ito, double standards?

wag tayong parating papasok, let's acknowledge din naman ang mga naipakita ng mga teenternationals, na hindi man natin kalahi o hindi man purong pinoy ay nagpakita at nanindigan na parang isang tunay na pinoy. hindi lang dapat sa panlabas na anyo, o sa dugo, dahil being filipino is not skin deep lang dapat, hindi dapat ganun ka-shallow yung tingin natin. ang pagiging pinoy ay nasa isip, gawa, salita at nasa puso. wag natin tignan ang pagiging pinoy nang ganun-ganun lang. dahil tandaan natin, marami tayong mga kababayan na kinaiinisan natin dahil hindi sila nagpapaka-pinoy. so dapat, i-appreciate natin ang mga hindi natin kalahi na mas nagpapakita ng mga traits at characteristics ng pagiging pinoy. oo, pinoy big brother. pero let's put into consideration those teenternational housemates who showed the world who / what a real pinoy is. isang reality show ang pbb, at dapat hindi lang tayo parating nanonood, sana, nakikita din natin kung ano ang mga mali, at wag na nating gayahin. lalo na yung balikong katwiran na dapat pinoy ang manalo dahil pinoy big brother. oh goodness gracious. let us all be rational and critical. hindi lahat ng pinoy ay nagpakapinoy, at hindi lahat ng hindi pinoy ay nagpakita ng masamang pag-uugali at pananaw. yun lang :)

ayan, pasensiya na. affected much talaga.
sobrang SP-related kasi niya. hindi kasi lahat ng pinoy, most especially yung mga natira na sina Ivan, Devon at Fretzie ay sumalamin sa tunay na kabataang Pinoy. yung tipong mas nakarelate pa ako kay Ryan, kay Ann Li, kay Bret, kay Jeni. kasi, mas nakita ko sa kanila yung pagmamahal para sa bayan, yung paggalang sa kapwa nila, yung pagpapakumbaba, yung pagsisikap. na hindi ko nakita sa mga pinoy housemates. di ba, dapat pinagmamalaki natin ang mga traits na nagseset apart sa atin - mga pinoy, sa mga ibang lahi? pero sa show na ito, mas lumutang yung mga katangian ng pagka-pinoy sa mga teenternationals. so i really can't help but react.

pero, siyempre, in the end, tayo pa ding mga manonood ang pipili ng big 6 natin, so sana, pairalin natin yung puso sa pagpili, hindi lang kung ano yung nakikita ng mata sa physical appearance ng mga housemates, kungdi sa kung paano din sila nakisama, nakisalamuha sa loob ng pbb house.(sa dulo, pera pera lang din yan, pero sana, manalo pa din kung sino yung talagang deserving, kung sino yung nagpakatotoo, at kung sino yung mas sumalamin sa tunay na buhay ng mga kabataang Pilipino)

LIKE YEAH, AGAIN, AFFECTED MUCH.
(gusto ko nang i-litson si joe, as in! x.X)

Sunday, May 9, 2010

happy mother's day mama!

i really don't know if she'll be able to read this, she doesn't even know that a blog under my name exists, but then, i hope this will find its way to her :D

sabi nila, nasa huli raw ang pagsisisi.
kinalakihan ko ang panonood ng telenovela at lagi nalang, kapag namamatayan ng kapamilya, iyak ng iyak ang mga bida. kesyo hindi raw nila naparamdam sa mga mahal nila ang pagmamahal nila. at lumaki akong nakatatak sa isip ko na iparamdam sa mga tao sa paligid ko na mahal ko sila.

mama and i are really not that close when i was younger.
i was stubborn and she always scold me for being one.
laging pasaway, laging inaaway ang mga kapatid, sinungaling pa.
i was really not that mama's girl or papa's girl, ang tingin ko kasi sa kanila noon, kaaway. mga taong KJ na ayaw akong payagan sa mga gusto kong gawin. mga taong walang ginawa kungdi pagalitan ako ng pagalitan kapag hindi ako sumusunod sa kanila.
never akong nagsabi ng sikreto ko sa mama ko or kay papa.
pakiramdam ko kasi, hindi naman nila maiintindihan.
i grew up na kinaiinggitan ang mga friends ko dahil best friends nila ang mommy nila, wala silang tinatagong sikreto sa isa't isa. nakakapag-usap sila about anything and everything under the sun.
lumaki akong dinadasal na sana, yung mama ko, best friend ko din.
pero everytime na magkakaron ako ng chance na kausapin siya, the convo would always end up in misunderstanding.

but then things changed when i entered college.
actually, things changed when i had my first serious boyfriend.
dahil magmula noon, naramdaman ko na andiyan lang si mama for me, at ako yung lumalayo sa kanya all these time.
naging feel good na ung usapan namin.
hindi na rin niya ako masyadong pinapagalitan at ung ideas namin, though madalas pa din magkakontra, ay hindi na umaabot sa di pagkakaunawaan.

she made me feel so special at na kahit na anong gawin ko, mahal niya pa rin ako at hindi magbabago yun.

i did hurt her for a countless number of times, but then, she is still always there for me. na maski na mali mali ung desisyon ko sa buhay, andiyan lang siya, nakaalalay, sumusuporta, gumagabay.
sinasabihan na nga niya ako ngayon ng mga problema niya eh. at ganun rin ang ginagawa ko sa kanya.
kahit na sobra sobrang pasaway ko na (umiinom na ako, pero hindi nagyoyosi. naglalakwatsa at gabi na umuuwi), andiyan pa din siya for me, for us.
kahit na sobrang dami nang problemang pinagdadaanan niya sa buhay niya ngayon, hindi pa din siya nawawalan ng panahon para sa akin, para sa amin.
maski late siya nakakauwi, may time pa din para makapagkwentuhan kami. cute nga eh, parang magbarkada lang kami, kasi yung mga sinasabi ko sa barkada ko, sinasabi ko rin sa kanya. minsan nga, sa kanya ko lang sinasabi eh.

atlong last, natupad ung dasal ko.
bestfriend ko na ang mama ko.
at maski ilang ulit kong nasira ang tiwala niya noon, hindi pa din nagbago ung pagmamahal niya sa akin. tinatanggap niya ako maski ilang beses na akong nadapa. niyayakap niya ako maski ilang beses akong nagkamali. minamahal niya ako maski ilang beses ko na siyang nasaktan.

mahal na mahal ko ang mama ko.
at walang karapatan ang iba na saktan siya, wag lang nilang subukan, maski kamag-anak pa namin yan, ako ang makakalaban nila.

minamahal niya kami nang walang pag-aalinlangan.
sinusuportahan niya kami sa mga gusto naming gawin.
inaalalayan niya kami sa mga panahon na mahina kami.
at mama, sobrang salamat para diyan :)
sobrang salamat sa lahat.

i may not be the perfect daughter, obedient and respectful and all, but i do hope that you know that i'm trying to be the daughter, the person that you want me to be.
husgahan ka man ng ibang tao, alam kong alam mo naman na napalaki mo kami ng maayos. at walang dapat ipagduda dun.

mahal na mahal kita mama.
i may not always say those words, sana sa bawat araw na nagkukwentuhan tayo, sa bawat araw na inaabot tayo ng madaling araw sa pag uusap, nararamdaman niyo po un.
hindi ako perfect, pero i am trying to be the daughter that you want me to be. natuto na po ako sa mga pagkakamali ko. at hindi na ako gagawa ulit ng mga nakakalokang desisyon.
and i'm really trying my best para hindi na masira ang tiwalang binibigay niyo po sa akin.
mahal na mahal kita, at hindi kita iiwanan.

happy mother's day mama! :D

Thursday, May 6, 2010

wtf.

haha. never had the chance to update my blog nung nakaraang buwan.

why? super busy.

with acad work (yes, i haven't graduated yet, but 'twas just fine. my parents would still support me until i graduate next school year. 'twas my fault anyway, so i promised them that i will not get married right after grad, i shall help them and build a house for my parents first :D)

with slight org work (yes, i am planning to be a bit detached from my orgs, though i will still be an active member. graduating is of the greatest importance, i won't do anything para madelay ulit)

with trying to get some sleep (with biopsych and trigo this summer, i haven't slept that nicely yet. but then again, i so love my subjects that its just alright to stay super late at night)

other than these, i'm quite good.

no commitment or whatsoever with anybody.

(yes, we already broke up. after almost a year of being together. but what's good about it is that we are the best of friends. haha. we're still clingy friends as of press time. and that's quite fine. less pressure. no commitment :D)

AND, i don't plan to be in a relationship in a few days, weeks, months, years time. yes, you read it right. quite tired with relationship shits and i'm not prepared to go through it all again. i might as well just focus on my studies :D
(you read it right dude, so why don't you just go away? as if i'd mind. lol)

will be enlisting for the first sem in a few days time :D
is excited for abnormal psychology.

wala nang updates. haha :))
yan lang.

babush :))

Tuesday, March 30, 2010

never felt this kind of rage before.

never akong nagsalita kapag nakakakita ako ng mga nagrarally sa paligid ko.

UP student ako at alam kong normal na iyon sa amin kaya maski kailan, hindi ako nagsalita.

sumusuporta pa nga ako kung minsan, lalo na't alam kong tama ang pinaglalaban nila.

pero ang ginawa nila nitong nakaraan?

na magsaboy ng pintura at mambastos ng isang chancellor, parang hindi ko na yata kayang tumahimik lang.

maikli lang naman ito.

parang hindi mga UP students kung umasta.

nakakabastos lang.

oo, may pinaglalaban sila, pero ilaban naman natin ito sa tamang paraan.

ipakita naman natin na maski nakakagago ang ginagawa ng board eh wag tayong bumaba sa level nila.

---

just saw the freakin news of another tuition increase.

wtf. from 1000 to 2,400?

tanginang yan.

akala ko ba state university ang UP??

bakit tataas na naman ang tuition?

marami pa nga ang hindi nakakarecover sa 300% increase nung 2006, sabay ngaun, tataas na naman?

anak ng pucha naman.

ano na ang UP? private school??

subsidized dapat tayo ng gobyerno, hindi ba?

kaya nga state university hindi ba?

pero ano na naman itong katarantaduhang mangyayari na magtataas na naman ng tuition?

paano na ang mga matatalinong mahihirap na gustong mag aral sa UP??

paano na nila maaabot ang pangarap nila??

ang isang normal na estudyante sa UP ay mayroon 15-20 units kada sem.

kung 2400 per unit na, halos 40,000 plus ang babayaran ng isang estudyante?

na wala nang kinaiba sa ibang mga pribadong paaralan sa tabi-tabi.

paano un??

akala ko ba premiere state U tayo??

bakit aabot ng ganoon kataas ang tuition?

eh kung ako ang estudyante, sabay ganun ang tuition, eh di sa private school na lang ako, all in pa ung ganung kataas na tuition. kumpara sa up na hindi pa kasama ang readings at iba pang mga requirements na kailangang gawin.

nakakahiya na.

kung ang 300% increase noong 2006 ay hindi ko ininda masyado, itong darating na increase ay tiyak na ipagra-rally ko na.

maski na hindi ko ito talaga gawain.

grabe, grabe lang.

nakakabastos. nakakawindang.

UP admin, gumising naman kayo.

para na ninyong pinilay sa mga matatalinong estudyante ang UP.

kung ganyan ang mangyayari, maihahanay na lang ang UP sa ibang private schools na mahal ang bayad, nawalan na tayo ng edge.

para na ninyong awa.

sana maging kayo ay mag-push ng greater state subsidy.

sapat na ang 1000 per unit ng mga mag-aaral for the next decade.

wake up, wake up.

wag magpa-alipin.

bigyan naman natin ng dangal ang 102 years old nating pamantasan.

saan ba napunta ang 300% increase?

ni hindi ninyo na pa nga naipapakita na tunay ngang may kinapuntahan ang mataas na bayarin kada sem, tapos ngayon, magtataas na naman.

maawa naman kayo.

maawa naman tayo.

magmalasakit naman tayo sa mga tunay na matatalino at nararapat na makapag-aral sa UP.

sige na naman, sige na naman.

Monday, March 29, 2010

Nicanor Perlas' Six Pillars Platform :)

My platform has Six Pillars. The first deals with eradicating the massive poverty, inequitable growth, lawlessness, and conflicts that plague our country. Our first pillar aims to Eradicate Poverty and Enhance Quality of Life for all, through, among others, a vibrant broad-based economy, social justice and peace.

The second addresses the pervasive corruption that is tearing the social fabric of the nation and rupturing the hearts and minds of Filipinos. Our second pillar therefore seeks to Advance Moral and Effective Governance in all institutions of society and all situations in life.



The third concerns itself with stopping the massive destruction of our ecology and our environment. Our third pillar seeks to Uphold the Integrity of Creation and respectfully partner with it as our source of life.



Our fourth pillar seeks to Build Partnerships for Social Justice. We want to introduce a new approach to real participatory governance and authentic democracy. No one can solve the problems of the country alone… tayong lahat ang kailangan upang mabago ang ating bansa. This means government working together with civil society and business in the pursuit of social justice and creating a better country.



The fifth pillar strives to Promote Creative Education and Inner Change. Better schools, colleges and universities, drawing out the many talents, intelligences, and potentials of students, are crucial. Equally as important is self-directed education and transformation. At the end of the day, it’s important to also address the factor of inner change—taking responsibility for changing our hearts and minds. No one can do our inner work for us. And there can be no genuine change in a system or institution if the people who work there do not change. Depressed, apathetic, and poorly trained people cannot create visionary and high-performance organizations, much less a world-inspiring country. Individual and cultural transformation are the foundations of the other pillars.



And then finally, the Sixth Psixillar of the platform aims to Mainstream Visionary Initiatives. There are thousands of promising initiatives throughout the country in a wide variety of fields that already point the way forward to another, much better Philippines. We will reward innovation. We will systematically discover, magnify and multiply these existing success stories.



This platform with its Six Pillars recognizes that everything is interconnected and requires a multidisciplinary approach. Ang lahat ng bagay ay magkaugnay. Reducing poverty, for example, is not simply about appropriate government policies that strengthen the economy, creates jobs and minimizes the adverse aspects of globalization. Poverty reduction also requires significant advances in peace, culture, including education, health care, sanitation, clean water, housing, micro-finance, nutrition and of course, agriculture and asset reform among others.



We are talking about a practical platform of sustainability that recognizes all of these connections. We cannot transform the system if the system is plagued with corruption. But you cannot get rid of corruption if you don’t involve the citizenry in changing behavior. And you cannot change if there’s no inner change. Everything is interrelated and systemic.

Tuesday, March 23, 2010

real.

but then, my fault again.

this post would be a bit vague.

not holding on to anything.

even have a grudge against you.

well, yeah, but then.

do hope you at least became freakin honest to me.

sinong user?

sinong nag-rebound?

people just can't let go,i guess.

people just can't be sensitive about other else's feelings.

oh well, yeah, my fault.

stupid me. nagpaloko.

i guess people from that province really do nothing good to their "kapwa".

hope good karma returns to you.

BAD VIBES.

Sunday, March 21, 2010

happy march! :)

so far so good.
no failed exams in biology.
still passing in psych of language.
holding on to food science.
what about the other 3 more subjects?
i just do hope my professors would just drop me.

this past days of March has been a real good one for me.
had the chance to bond and spend some quality time with people i missed the most.


attended dzup radio circle's college collision last week saturday.
had the chance to meet the RC's new blood.
bonded with Tim over Mcdo food.
super kwentuhan, and super higpit din ng yakap niya sa akin.
i really missed RC.


bonded with jeni last tuesday over chicken fillet and strawberry fruity twist.
we then took pictures sa garden area ng greenfield district.
abused the wi-fi service sa mcdo panay, naglaro kasi kami ng pet society.
i so love jen :)


wednesday was judgment day.
as it was the deliberations of the probee apps of buklod isip.
good thing wo de airen passed the delibs with flying colors :)
after that, hurried to kappp's tambayan for the annual meeting de avance.
realizations about the upcoming elections washed through me, but then again, i already have plans for my remaining year, can't let anything get to me again. i seriously need to graduate.
went to greenwich after the MDA.
it was until that day that i realized how much i miss kappp and my orgmates.
had a really great time eating pizza and laughing and talking about everything that crossed our minds.


thursday was buklod isip's meeting de avance.
so happy that the new members are stepping up and are finally answering the call to serve our beloved organization.
my buddy, kuya ted, was there.
to support us and the candidates as well.
ate aya even joined us for dinner.
(we ate at jollibee, super masa lang talaga, pulubi mode :D)
i missed how buklod was before, but then again, okay na rin naman at marami na kami ngayon ^^


friday was another bonding day with kappp, but this time, with my number one buddy, eejay :)
went to technohub to eat, and then played at timezone.
grabe, super stress reliever ang pang pang paradise.
sa wakas, nakasama na rin namin si oyie, na eversince ay super busy sa council work.
super dami kong nadiskubre. haha, nasa facebook account ko ung ilan sa mga iyon :)
had so much fun blowing bubbles. haha.

back to childhood days ang drama namin :))


got home at midnight and then nagyaya si tita ana na kumain sa katipunan to celebrate tito joseph's birthday.
ang saya lang :)
kopi roti after eating sa countryside restaurant..


went to starbucks with shella this saturday.
bonded over frappe and fries.
matagal kaming hindi nagkita, and it was really good na nagkita at nagkakwentuhan kami ulit :)
super dami ko nang hini alam, buti nagka-chance na mag-catch up.
we will both be back sa mer on may :)
sooo happy!!!

and then dined with my family sa tiendesitas.
what a wonderful way to end my oh-so-wonderful-and-fabulous week! :)

wow. i super love march :)

Monday, March 1, 2010

welcome march! :)

hahaha, welcomed march with a big bang!
two exams in one day.
kmusta naman un di ba?

had a great time answering my exam in food science and nutrition class, kaso, nabobo naman ako sa pagsasagot sa biology exam ko.
damn it, super duper nosebleed ung mga terms na ginamit ng prof, paano ko naman masasagutan un??
hindi pa ako nakapag aral nang mabuti dahil nag-tulog ako sa CAL lib, 3am na kasi ako nakatulog kaka-aral para sa FN exam.

3 lang subject ko ngayong sem..
bonggang bongga..
napakasipag ko talaga, lulubusin ko pa ang ieextend kong isang taon sa UP.
oh well, at least may nagawa akong productive sa pagstay ko sa UP.
contributions sa org.
sa college student council.
sa tatsulok (inter-university alliance of filipino psychology students).
nakapag-present pa ako ng research paper sa psychology students conference.
at least may nagawa akong kapaki-pakinabang. :)

kaso, marso na.
karamihan sa batchmates ko, graduating na.
ako, eto, may isang taon pa.
nagsisisi nga ba ako?
o matutuwa na maski nag-extend ako ay may panahon pa ako para pagisipan ang mga bagay na gusto kong gawin?
hmmmm. think positive na lang.
for the good naman kung bakit eh.
hindi dahil bagsak bagsak na ako.
kundi dahil may mas gusto lang talaga akong gawin.
at un ay ang pagtuunan ng pansin ang orgs ko. :)

anyway, i do hope march is a better month for me.
sana wala nang masyadong maging aberya since patapos na ang sem.
basta, think ahead and focus na lang ako..
UP LAW, dadating din ako diyan :)

Wednesday, February 17, 2010

stress ito.

oo, pangarap kong mag-law.
at ikamamatay ko yata kapag hindi ako sa up law nag-aral.
puchangalapong, hindi pumasa ung mga taong inaasahan kong papasa.
bakit ganun?
eh mas matatalino pa sa akin ung mga un?
paano na kapag ako ung kukuha ng LAE?
paano na ako??

tamad ako.
hindi maganda ang GWA.
nag-extend pa ng isang taon.
paano ako papasa ng up law??
naknampucha. kinakabahan ako.

nagreview center pa ung iba, sobrang tutok na tutok sa pag-aaral.
eh ako?
paano ako?
wala akong pera pang review center.
hindi ako masipag mag-aral.
paano ako papasa ng up law??

oh Lord, Diyos ko po.
magpapakatino na ako.
ipasa niyo lamang ako sa up law.
wala nang ibang eskwelahan para sa akin.
up lang.
ayokong mapatungan ng transcript ng ibang school ang transcript ko.
oo, panay 5 un.
pero Diyos ko, Lord, ipasa na po ninyo ako.

haii, sana, noon ko pa pinagbutihan ang pag aaral ko.
para hindi ako nagsisisi ngaun :(

I WANT UP LAW!
all i want is UP LAW!! :'(

Tuesday, February 9, 2010

ang masasabi ko ay..

hindi ko kasalanan kung tanga ang sumulat nun, at hindi naisama ang pangalan ko.

siguro nga, swerte, dahil hindi ako nakasama sa kahihiyan.

kasi, totoo naman eh, kasalanan niya, kasalanan niya ang lahat.

gumawa siya ng bagay na hindi inilalapit sa mga taong concerned.

sinira niya eh.

sinira niya lang talaga.

:-/

Sunday, February 7, 2010

and yes, i freakin' miss you!

new year na, kaso, walang kabog pa din ang pagkamiss ko sa mga taong ito.

1. it's been almost 2 years since huli tayong nagkita. may katagalan na din mula nung huli tayong mag-usap, magkakwentuhan. namimiss na kita, seriously, namimiss na kita. paano ba namang hindi? puyatan mode tayo sa sun dati, halos palagi pa. maski may exam ako ng 7am, umabot tayo ng kwentuhan ng 4am. maski mga koreanovelang pinapanood mo, kinukwento mo. napag-uusapan natin ang simpleng mga bagay. kulitan. kwentuhan. kantahan. yan ang madalas na ginagawa natin kapag magkausap tayo sa cellphone. medyo matagal na nga since nawalan ka ng sun cellular, hindi na din tayo nagkatext after nun. parati naman walang load sa globe. hai, siguro, i haven't even thanked you enough for being a part of my life. hindi man tayo naging super friends nung nagkakilala tayo about almost a decade ago. (biruin mo un? magsasampung taon na tayong magkakilala :) haha, matanda na talaga tayo noh?) pero at least, hindi hinayaan ni Lord na hindi ka maging parte ng buhay ko. salamat, salamat ng sobra sa pagkakaibigan. salamat kasi maraming pagkakataon na natatakbuhan kita, nasasabihan ng sama ng loob. namimiss ko na ikaw talaga. pati ung late night kwentuhan and everything. i hope magkakwentuhan tayo soon. magkapuyatan naman minsan. marami na tayong utang na kwento sa isa't isa. i may not say this often, pero sana naman alam mo na sobrang pinapahalagahan kita, at na mahal kita :)

2. akala talaga ng tao best friend kita. ikaw ang isa sa mga unang tao na pinagkatiwalaan ko sa UP. nakuha mo ang pansin ko sa ganda ng ngiti mo. hindi ko rin naman itinatago na ikaw ang isa sa dahilan kung bakit tinuloy ko ang application sa org. isa ka sa mga taong nasasabihan ko ng problema, at nagbibigay ng matinong advice. kahit na mukha kang gago, totoo kang tao. totoo kang kaibigan. hindi ko makakalimutan ung mga birthdays ko na tumatawag ka sa bahay para batiin ako. ung mga random days na tatawag ka, o kaya patatawagin mo ako sa inyo dahil wala kang makakwentuhan, o dahil nagpapawala ka ng amats mo. o dahil lang sa mangungumusta ka. namimiss na kita bes, namimiss na kita. namimiss ko na ung makakausap ng taong parating may sense ang sinasabi. makakausap ng taong magaan ang daloy ng usapan maski mabigat na ang problema. namimiss na kita bes. sana makausap na kita uli.

3. ikaw, ikaw ang unang kumanta sa akin sa phone, sa pabirong paraan. namimiss ko ung mga pagkakataon na kinakantahan mo ako, ung mga pagkakataon na kinukulit mo ako, na pinapakausap mo ako sa pinsan mo, na nagkukwento ka. namimiss ko ung mga pagkakataon na nagtatawanan lang tayo, dahil sa epic fail jokes mo. hindi ko maiwasang hindi maiyak kapag iniisip kita, pero, shet, namimiss na talaga kita. mula nung grumadweyt ka, at umalis, hindi na kita nakausap. maski sa friendster mo, binura mo na ako bilang friend mo. hindi ko alam kung anong nangyari sa atin. sa pagkakaibigan natin. sana maayos pa, bilang ang laki talaga ng parte mo sa buhay ko. namimiss kita, un lang masasabi ko, sobrang namimiss kita.

Saturday, January 30, 2010

and as i refuse..

and as i refuse to do those things again, it was clear to me that the relationship i'm now in won't last that long.

sorry, kasi hindi ko maipaliwanag ang sarili ko.
marami akong mga bagay na pinagsisisihan, mga maling desisyon, at siguro, isa ito sa mga dahilan kung bakit umaayaw ako ngayon.
ayoko nang may pagsisihan sa huli, ikaw na rin ang nagsabi, wag masyadong kampante sa future, hindi natin alam kung saan tayo dadalhin ng relasyon na ito.

sorry, kasi magulo ako.
hindi ko kayang isa-salita ang mga nararamdaman ko.
hindi ko maintindihan kung bakit ako ganito.
takot ako, takot na magkamali ulit, kaya marami akong nagagawang bagay para hindi na magkamali ulit.

sorry, kasi nadadamay ka.
mahal kita, mahal na mahal, alam ng Diyos na mahal kita.
gusto kong itama lahat ng mali ko.
hindi dahil sa may hinihintay pa akong kasunod mo, pero para hindi mag-backfire sa akin, sa atin ang lahat ng kagaguhang ginawa at nagawa ko.

sorry, kasi ginugulo ko ang relasyon natin.
siguro, madalas mong naiisip na wala akong pakialam, na parang balewala sa akin kapag nag aaway tayo, na okay lang sa akin umuwi ng magkagalit tayo.
pero hindi mo ba naiisip, na maaaring lumalayo ako sa iyo para hindi kita mapagsalitaan ng masama?
patawarin mo ako, duwag ako.
ilang beses na akong umiyak sa harap mo, na hindi ko dapat ginagawa.
ilang beses na tayong nag aaway, pero bibihira ung ako ang unang lalapit at hihingi ng tawad.
alam ko un, alam na alam ko.
hindi ko lang magawa na ako ang unang lumapit.
gusto kong alagaan ang sarili ko, ayoko nang ako ang unang lumapit, umiyak at magmakaawa sa harap ng taong maaari din namang iwanan ako sa huli.

sorry, kung hindi ako naniniwala sa forever.
malaking dagok ang nakuha ko sa nakaraang relasyon ko.
at kahit na anong gawin ko, kahit gaano ko kagusto, hindi ko maialis sa isip at puso ko ang sakit na pinagdaanan ko.
kaya siguro, hanggang ngayon, sa maliit na parte ng puso ko, hindi ko magawang mapaniwalaan na mahal mo nga ako, at na pwede pa akong mahalin sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ko.

sorry, hindi ako normal.
sorry, kumplikado ako.
hindi ko alam kung paano ko pa ipapaliwanag ang sarili ko sa'yo.
dahil mukhang ikaw rin mismo, gulong-gulo na.
mahal kita, pero gusto kong paniwalaan naman na hindi lahat ng pagmamahalan, kailangan ng sekswal na gawain para maipakita ung pagmamahal na un.

kaya kitang bigyan ng halik, yakapin ng mahigpit.
pero sana, hangga't maaari, maintindihan mong hanggang doon na lamang ang pwede nating gawin sa ngayon.
hindi dahil sa inilalaan ko ang sarili ko sa ibang tao, hindi dahil sa naghihintay pa ako ng kasunod mo.
kundi dahil gusto kong itama ang mali ko, gusto kong ayusin ang relasyon natin, itama ang pundasyon.
gusto kong patunayan sa sarili ko na hindi lahat ng matagumpay na relasyon, umiikot sa seks at sa physical contact.
gusto kong maramdaman na mahal mo ako, at hindi ka tumatagal at nagtitiyaga sa relasyon na ito dahil sa easy access.
gusto kong ibalik ang tiwala sa pagmamahal, ibalik ang tiwala at respeto sa sarili ko.
gusto kong dumating ang panahon na sa oras na gagawin natin iyon, hindi na ako babangungutin at magigising na umiiyak.
gusto kong buong-buong ibigay ang sarili ko sa'yo, maski hindi na kabuuan ang makukuha mo.

patawarin mo ako, kung akala mong mababa ang tingin ko sa iyo.
kung akala mong balewala sa akin ang mga pangangailangan mo.
kung akala mong hindi ko naiisip ang pagkukulang ko.
pero sana, nakukuha mo kung bakit ako nagkakaganito.
gusto kong maramdaman na hindi lang katawan ko ang habol sa akin ng tao.
na hindi lang dibdib ko ang tinitignan sa akin.
mukha na nga akong laspag eh, gusto ko lang naman na alagaan ang sarili ko.
masama ba iyon? :(

patawad, patawarin mo ako.
kung hindi sasapat ang paghingi ko ng tawad, maski masakit, mas gugustuhin ko pang pakawalan ka.
para mapunta ka sa taong magmamahal sa'yo.
sa taong iintindi, sa taong magbibigay sa'yo ng mga pangangailangan mo.

patawad, pero gusto kong maging firm sa desisyon na ito.
mahal kita, at kaya ko pa rin namang ipakita ang pagmamahal ko sa'yo nang walang sekswal na kontak.
kaya ko pa ring paliguan ka ng halik, yakapin ka ng mahigpit.
pero patawad, hanggang doon na lang muna.
hanggan doon na lang muna.

mahal kita.

Monday, January 25, 2010

a lot of things left unsaid

lots and lots and lots of things..

i don't know if my current beau would allow this, but then again, i guess this is a lot better than keeping a grudge because of what he did..

simulan na natin.
by saying simulan, i'm not stating na start all over again, or whatever.
i really don't intend to go back to that kind of relationship that we once had, yes, i do have a lot of regrets.
regrets na forever na lang magiging regrets.

bakit nga ba tayo naghiwalay?
siguro, kasi gago ka.
siguro kasi hindi mo ako inalagaan.
siguro kasi pinairal mo ang pagkamaere mo.
siguro kasi nagsawa na ako sa pang-gagago mo sa akin.
siguro kasi napagod na ako sa lahat ng panglalait na ginawa mo sa pagkatao ko.
pero hindi kasama sa mga siguro na yun ung, siguro hindi na kita mahal, kasi nung panahon na iyon, wala nang mas sasakit pa sa pagsalitaan ka ng masama ng taong minahal mo ng buong buo, ng taong inalayan mo ng lahat lahat sa iyo.

oo, aminado ako, ayaw kitang makita.
takot ako sa mararamdaman ko, hindi takot dahil mahal pa kita.
kungdi takot dahil hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa oras na magkita tayo.

sasabihin mo na namang bitter ako.
maaaring oo, maaaring hindi.
oo, bitter ako, dahil sa dami ng pinagsamahan natin, sa tagal ng ipinagtiis ko sau, sa dami ng nasaktan ko, sa dami ng pinagpalit ko, sa wala din napunta ang relasyon.
hindi, hindi ako bitter, dahil hindi ko na panghihinayangan ang pinagsamahan natin sa sakit ng mga salitang binitiwan mo.

mahal kita noon, minahal nang buong buo, nang walang pagaalinlangan.
maski magulang ko na ang pumipigil.
maski pamilya ko na ang umaayaw, sumige pa rin ako.
maski sa dami ng hadlang, sige pa rin ako.
maski sa dami ng taong nasasaktan ko as the relationship grows old, i still chose to be with you.
pero anong nakuha ko?
haliparot ako?
masamang babae?
walang kwentang girlfriend?
nonsense kausap?
bobo?
tanga?
good for nothing?
walang binatbat?

yeah right.
and for once, DAMN YOU.

sa lahat ng masasakit na salita, hindi sapat ang sorry mo.
sa lahat ng pananakit mo sa akin, hindi sapat ang sorry mo.
at kahit na kailan, hindi magiging sapat ang sorry mo.

pero bakit ko nga ba aalagaan ang galit ko sau?
ano nga bang mapapala ko?
WALA. hindi ba?

as others might say, forgive and let go.
it has been almost a year.
february 14, 2009 to be exact.
kaso, hindi pa ako handang magpatawad.
nagawa ko na matagal na ang paglelet go.

PAANO MO NGA BA PATATAWARIN ANG TAONG NI HINDI HUMINGI NG TAWAD SA LAHAT NG KASALANANG NAGAWA NIYA?
paano?

let time heal all wounds, but then, time alone is not enough.

you went ahead with your life, and i assume, you are happy now.
i am happy too, as people around have seen.
i am now complete.
i've already regained the self-respect na nawala sa akin sa 14 months ng relasyon natin.
i'm tougher now. stronger. better.

and with all these, i thank you, for a being a part of my life.
maski gusto ko nang burahin ang oras at panahon na kasama kita.
yes, i am thankful. but no, i am still not ready to forgive you.

let time speak for itself.
i've moved on.
i'm now okay.
i do hope you would be too, if not now, soon.

forgiveness would follow, i hope this is the beginning.

pinapaubaya ko na ang lahat ng sama ng loob ko kay God.
at sana, in time, maturuan muli ang puso ko na magpatawad.
gaya ng muling pagkatuto ng puso ko na magmahal :)