ako. ako. ako.

My photo
Pasig City, National Capital Region, Philippines
ako si elliz. 20 taong gulang. nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. kumukuha ng Batsilyer ng Sining sa Sikolohiya, sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. tao. may ISIP. may puso. humihinga. BUHAY.

Tuesday, September 30, 2008

answering personality and psychological exams and surveys

obvious naman di ba?

nag eenjoy lang talaga akong magsagot ng mga ganyan nowadays..

pang-unwind din kasi eh. :)

bumababaw na ang blog posts ko.

hahaha!

wala kasing time na gumawa ng mga mahahaba at informative sa ngayon.

mejo ngarag na ngarag kasi sa acads eh..

kea nag eenjoy muna ako :)


ps. paturo naman kung paano ung exchange links na iyon.

Monday, September 29, 2008

fucked up!

yea yea..
first day ng online enlistment.
at andito ako sa computer lab ng department para mag-encode ng napakahabang psychological test na requirement sa major..
haizst, hindi ko inexpect na ganito kahaba ito..

patay patay ako bukas..
hanggang 530 pa ako, ang dami dami gagawin..
at may make-up class pa..
nakakapagod at times ang buhay psych, infairness naman..

pero, pero, masaya naman..
nakakaenjoy, lalo na kapag personality ang pinapag-aralan..
marami pa akong concepts na hindi pa nadidiscuss dito..
sana magka-time na ng bongga para maipost ko na ung mga nasa drafts.

anyway, paalam for now, takas lang ito dito sa department, at spss lang talaga ang paalam ko. :)
ciao! :D


*2:45 P.M talaga ito.. ewan ko kung bakit late ang oras ng blogger.. haha! :))

Sunday, September 28, 2008

CONFESSION: I’m still in love with Barney.

I was really delighted when one of my closest friends gave me a Barney stuffed toy on my 18th birthday. That was my favorite, among all the jewelries, the bags, the shirts and everything; among all the gifts, it was just that Barney is a really big part of me. When I turned 7, an unknown visitor also gave me a Barney story book, and I fell in love with Barney ever since. Well, that was one thing in common with the two most beautiful days in my life: Barney.

The story was about Lotty, who was so afraid of moving in to another town, of going into a new school, of moving out, period. She was afraid of leaving the life that she’s been used to, of leaving the people she grew up with, of leaving behind the life she loved. And then one night, when Lotty cried herself to sleep, Barney came to life. He showed Lotty the new place that she’ll be living in, the new school, the new people she’ll meet, the new life she’ll live. He showed her the rainbow, and how happy life can be if she’ll just learn to accept the changes and just be contented with it. He showed her that you really don’t have to be afraid about life and the changes that come with it, because it’s quite normal, and change is the only constant thing in this world. And then when everything else fails, she still has Barney with her, Barney as her best friend. Just as she was about to hug him, her mother woke her up, and told her to go to her room and sleep because the next day would be a great day.

What’s so important with this story? CHANGES. I learned to be a bit stronger, and to hold on to life. Changes are constant; I just have to deal with it. And with whatever change that I have to deal with, I just remember I still have Barney, and he’ll never change, he’ll never leave. I want to be like Lotty at one point in time. Well at least at that certain point where, she got to experience how it is being a child.

Well, why do I hold on to childhood so much? Maybe because I never really experienced it, maybe because I never really felt it. I grew up living to the expectations of the people around me, living to prove to them how good I am, living to be the best that I can be so that I’ll never an option anymore. I was never really seen as the good child, I was the rebellious one, I’ll answer back if I need to, and I’ll disagree if I have to. I’m not that someone who’ll just accept everything, I always ask why or how come, and they hated me for it. I can never be as good as my younger sister, who’s everything that’s not me. This bitterness that I’m feeling inside was out of the bad memories that I had with my own extended family. During Christmas time, there was never an instance where I had more gifts than her. There was this one time where I only got one gift, she has five. My parents explained to me that it was just because I’m older, and I’m growing up, so I don’t need additional toys or dresses or bags. Later on, I realized that it was not really that way; I was just not the favorite one, I was just not the favorite niece. Then everything just came back to me, reminisced the memories, revisiting my past. And then there I was, crying myself to sleep because my aunt favored my younger sister over me. There I was, just staring at them when they were laughing and playing and telling stories. There I was, just looking at all the gifts that she got when I only have one. There I was, consoling myself when my auntie brought her to the school she graduated from and I was left alone with the yaya. Well, there was a never a time they were proud of me. I come home from school, bringing with me a white merit card, with a smile on my face, but for them it was just nothing. They never really appreciated it, they were never really proud of me. And what the hell are my parents doing when I was feeling down? Nothing, they never knew, because they would never understand. They’d just think na I’m just being inggit with whatever my sister has. So I strived harder to get everybody’s attention, at least to get my parents’ attention. I was never out of the honor list; it was consistent since kinder two up to high school. I was a Manila Science High School passer, and I even passed UPD out of luck. I knew my parents were proud of me, they even boasted it around with their high school and college friends. And as for some of my uncles and aunties? They will never be proud of me, I guess. After seeing me as a nobody, they now look at me as if I’m somebody who’s way too high for them to even talk to. It was hard, trying to get people from your family to like you, trying to get them to understand you. Fucking hard, I finally gave up.
I’m all grown-up now, and I have to deal with a lot of problems that would come my way in a year or two. I’ve stopped trying to get everybody’s attention, and just strived to make myself proud of me. That was a big change, a big leap of change. It was like moving out, moving away from the life that you are used to live, moving away from people that you’ve grown up with. And it was not difficult for me, because I needed and I wanted to see myself in a different light. I wanted to be seen as me, the imperfect me and not as somebody who’s just living up to their expectations, somebody who’s trying to be perfect for them. I don’t want to remain as an option; I want to be the choice. I need to get going and leave the bitterness behind.

And as for Barney? He will always be my stuffed toy to cry on, and I’ll always love him. I'll just wait for the day when he comes to life to give me my much needed hug.

Saturday, September 27, 2008

ako, bilang UP student

1.Student number: 2006 - 01061

2. College: College of Social Sciences and Philosophy (CSSP)

3. Course: BA Psychology

4. Nag-shift ka ba o na-kickout?: ito ang course ko from the start :)

5. Saan ka kumuha ng UPCAT: National Engineering Center (may part kaya un kung bakit linked ako sa eng'g majors? haha! :D)

6. Favorite GE Subject: Philo 11, Soc Sci 3

7. Favorite PE: Streetdance! Touch Rugby! :)

8. Saan ka nag-aabang ng hot girls/boys sa UP?: sa Gym.. lahat ng hot members ng UP Streetdance Club, andun! pati ung hottest among the hottest members ng men's basketball team! :)

9. Favorite Prof/s: Sir Yacat, Sir Eric, Sir Jerome, Ma'am Margie

10. Pinaka-ayaw na GE subject: KAS 2! MBB 1!

11. Kumuha ka ba ng Wed or Sat classes?: Wed classes, oo. Saturday, hindi. :)

12. Nakapag-field trip ka ba? Yup, tagaytay for my Geog 1 class! yay! :))

13. Naging College Scholar (CS) or University Scholar (US) ka ba sa UP? NEVER! may plano ako, pero hindi pa nasasakatuparan!

14. Ano ang Org/Frat/Soro mo? : madami eh.. UP Kalipunan para sa Agham Panlipunan at Pilosopiyang Pilipino, DZUP Radio Circle, UP Children's Rights Advocates League, and hopefully, maging member ng UP BUkluran sa Sikolohiyang Pilipino :)

15. Saan ka tumatambay parati? sa Third World Library, sa tambayan ng KAPPP, sa DZUP station, or sa Tambuk. :)

16. Dorm, boarding house or bahay? Bahay.

17. Kung walang UPCAT at malaya kang makakapili ng course, anong pipiliin mo? Psych :) mahal ko ito eh. :D

18. Sino ang pinaka-una mong nakilala sa UP? si Bea. :) katabi ko xa sa orientation, at friends pa din kami gang ngayon. :)

19. First play na napanood mo sa UP? As You Like it. :)

20. Name the 5 most conyo orgs in UP: oooooohhhhh... :) wag na lang, away ito eh!

21. Name 5 of the coolest orgs/frat/soro in UP: ung orgs ko? bias eh :)

22. May frat/soro ba na nagrecruit sa iyo?: Meron, i turned every invi down. :)

23. Saan ka madalas maglunch? CASAA, o minsan, hindi na lang naglulunch!

24. Masaya ba sa UP? HINDI! SUPER SA MEGA ANG SAYA!

25. Nakasama ka na ba sa rally? Yup. Ni-require ng prof eh!

26. Ilang beses ka bumoto sa Student Council? 2 times pa lang :)

27. Name at least five leftist groups in UP: ai, masama mag-name drop :)

28. Pinangarap mo rin bang mag-laude nung freshman ka? OO naman, pero wala na eh. sinira ng math ang buhay ko. :((

29. Kanino ka pinaka-patay na patay sa UP? kay UP Streetdance member.. ssshhh.. :)

30. Kung di ka UP, anong school ka? wala, pinangako ko sa sarili ko na kung hindi ako papasa ng UP, hindi na ako mag-aaral. good thing, pumasa ako! hahaha! :))


-- the survey made me realize a lot of things..
and really, i love UP to the highest level :) --

Thursday, September 25, 2008

pakawalan ang pakawala

sabi nila, para madali mo daw makalimutan ang mga bagay bagay, ilabas mo ung nararamdaman mong sama ng loob ukol dun.
at iyon ang gagawin ko sa mga kasunod na posts na mababasa ninyo.
pero siyempre, hindi ko papangalanan kung sino ang tinutukoy ko.
sana pagkatapos ng hakbang na ito ay tuluyan ko nang maitapon ang pait ng kahapon ko.
at matutunan ko nang mamuhay ng masaya, at maligaya.

HATE#1
lakambining social climber
yea yea, i know itatanggi mo yan, pero tangina mo, magaling ka masyado.
may pabest friend-best friend ka pang nalalaman jan, pagkatapos mong makasama at makapasok sa sikat na barkada ay nilaglag mo kami. nilaglag mo ako.
kami, ako na sumalo sa iyo nung panahon na ginagago ka ng mga tao na iyon.
nung panahon na nilalait ka dahil payatot ka at kulot pa.
baka nakakalimutan mo, isa ka din sa mga dating tinapak-tapakan. isa ka sa mga dating pinagtatawanan. isa ka sa mga kinukutya. at isa ka sa amin na galit sa kanila.
at hindi dahil one of them ka na ay in na in ka na talaga.
salamat sa pagpapahiya mo sa akin sa buong batch natin, sa harap ng lahat ng mga kaklase nating babae nung retreat. salamat sa pagpapaiyak mo sa akin ng mangilang beses.
salamat sa pag-prove mo sa akin, na kapag basura ka, basura ka na talaga, hindi na dapat pulutin pa. at ang lahat ng pinagsamahan natin ay basura na sa akin ngayon.
salamat sa lahat ng kaplastikan mo.
hindi ako galit sau dahil nilaglag mo ako, o kami.
galit ako itinanggi mo kami, galit ako dahil itinaboy mo ako.
akala ko all those two years na magkasama tayo, na nag-uusap tayo, nakilala mo na ako. nakilala mo na ang tunay na ugali ko.
hindi ba nga, madami tayong similarities, kaya nga-click tayo as very close friends?
hindi man ako naging parte ng sikat na barkadang kinabilangan mo na, sasabihin ko lang sa iyo, na isa ako sa mga naging tunay na kaibigan mo. dahil ako ung kasama mo nung panahon na wala kang makasama, nung panahon na wala kang kakampi, nung panahon na wala kang matakbuhan. at iyan ang isa sa mga dahilan kung bakit kasumpa-sumpa ka.
dahil ni hindi mo nagawang pahalagahan ung pagkakaibigan na iyon.
inaksaya mo ung dalawang taon ko, inaksaya mo ung pagkakaibigan na inoffer ko sa iyo. inaksaya mo lahat ng effort ko para ipagtanggol ka.
but still, at the end of it all, IT WAS NOT MY LOST, IT'S YOURS.
nung tinalikuran mo ako, tinapos mo na ang pagkakaibigan natin, at ngayon, after 3 years, tutuldukan ko na iyon, at hindi na babalikan pa. kung gaano ka-angelic ang mukha mo, ganun naman kasama ang ugali mo. salamat ng marami talaga.
and don't dare play the song "i will be here" again, coz you were never there.


HATE#2
cardinal chismosa at warrior inggitera
mag-join forces pa kayo. fuck you both!
pag walang ginagawa sa inyo ang tao, patahimikin ninyo na.
pasensiya kang inggitera ka kung galing ako ng public school at nakapasok ako sa top, at nakapasok ako sa honors. to tell you straight, i deserve it. dahil pinaghirapan ko un.
pareho naman kayo eh, plastic. pag nakaharap kala mo kung sinong okay, pag talikod, kung ano ano na ang sasabihin ninyo. i don't give a damn. nabuhay naman ako ng four years nung high school na nasa paligid ko kayo. at nung nagcollege na nawala kayo sa sirkulasyon ng buhay ko, im more than happy, as in.
kahit kailan, hindi ko kayo nakita as mabubuting mga nilalang, dahil kahit kailan naman hindi ninyo ako pinakitaan ng kabutihan ninyo.
buti na lang, nagawa kong i-prove ang sarili ko sa inyo.
at kung nasaan man ako ngayon, bunga ito ng paghihirap ko.
and oh, i can hear you girls saying:
"ano? si Celliza? eh di ba galing public un? paano siyang nakapasok sa UP?"
well, its for you to find out. fuck off!


Hate#3
magkano ka ba? bayad ka yata eh!
and for you pulgas aso? a big big whatever!
salamat sa lahat ng pangmamaliit. sa lahat ng panglalait.
sa lahat ng mga efforts mo to put me down, but well, look at me now, nasan ba ako?
mas mataas na ang kinalalagyan ko sa iyo.
hindi ko alam kung bakit ayaw na ayaw mo sa akin. well, ayaw na ayaw ko din naman sa iyo. dahil hindi ka patas. dahil may favoritism ka. dahil obvious na obvious ang pinapaboran mo ay ang katunggali ko, at hindi ako.
hindi ko alam kung bakit ang init ng dugo mo sa akin.
wala naman akong ginawang mali.
napakita ko naman sa iyo na mabuti akong estudyante, at kaya kong dalhin ang sarili ko.
eh ikaw? marami kang batas na ibinibigay. na ikaw mismo ang hindi sumusunod.
marami kang pinapagawa, na labas na sa mga dapat mong ipagawa bilang teacher namin.
at bilang isang mataas na pinuno, dapat pantay ang tingin mo sa lahat.
nabayaran ka nga ba kaya hindi mo pinayagan na buksan ang records ng kalaban ko?
dahil alam mo naman na mas mataas ang grades ko sa kanya.
magkano ka nga ba?





..to be continued..

Wednesday, September 24, 2008

updates updates coming soon!

WOW, atleast i got some more free time to squeeze in this short post.

for those who've been visiting my blog religiously (as if there were any), i'm sorry i still haven't posted anything new yet.

got lots of blog entries waiting to be edited and posted.

still effin busy with fucking school stuffs and practicum thingies.

i might update my blog two weeks from now.

which would obviously be our semestral break already.

and of course now, i could squeeze in some stories.

and rants. :)

i had my final interview awhile ago, and i kinda sucked at it.

i have to pass the org profile first thing tomorrow morning.

i have to submit my socio 101 second exam tomorrow, which i barely started yet.

gotta go to masscom at 1pm to get my new dzup shirt.

we have a coverage for the moa signing between up cmc and abs-cbn on saturday.

i have loads of stuffs to finish by the weekend.

and oh, exams are scheduled already next week.

i do hope i can get a life after this.

i just wanna fly away. haha!

ciao for now, time to hit the sack. :)

Monday, September 15, 2008

geog camp! :)

when words are not enough to describe the feelings, let the pictures do it!
geography camp 08. august 30-31, 2008
*yea yea, pictures are half-a month late! but well, special thanks to KUYA KHAIL for the cds of geog camp pics. :D

other pics at my multiply site, anyway.
www.lichaii.multiply.com






Sunday, September 14, 2008

KAMPO TREXO : SAMAHANG SINGTINGKAD NG ARAW!

“Soleil, soleil, soleil, soleil.. we are hot, hot, hot! Soleil’s hot, hot, hot!”

Ika-30 ng Agosto, taong 2008. Alas singko kuwarenta’y singko ng umaga. Palma Hall Steps. UP Diliman. Limang bus. Mahigit labinlimang facilitator. Isang propesora. Apat na pangkat. Mahigit isang daang estudyante. Taunang Geography Camp ng Junior Philippine Geographic Society.

Kaba. Takot. Alinlangan. Pagkasabik. Halo-halong emosyon. Unang pagkakataon kong sasama sa isang outdoor camp. Hanggang sa eskwelahan ko lamang nung high school ako nakatulog nung girl scout pa lang ako. At ang matindi pa doon, takot, dahil unang beses kong sasama sa isang overnight na hindi ko naman talaga ganoon ka-close ang mga kasama ko. Iilang buwan pa lamang kaming magkakaklase. Iilan lamang din sa kanila ang nakakausap ko talaga, mabibilang sa isang kamay. Paano akong tatagal sa isang lugar na alangan ako kung talaga ngang makakasundo ko ang karamihan sa mga makakasama ko?

Ala-sais y medya. Bumukas na makina. Malakas na buga ng aircon. Maingay na mga estudyante. Nagkakagulo sa upuan. Nagsisimulang mag-usap. Nagkahiwa-hiwalay ang mga magkakaklase. Nakitabi sa mga taga-ibang pangkat. “Attendance na!” sigaw ng facilitator. “Wala pa si Tin!” sigaw ng isa. “Akala ko ba five forty-five ang alis?” sigaw ng iba pa. “Hindi nakakasend ang Globe!” buntong hininga ko. Badtrip, paano naman ako magtetext sa mama ko? Paano naman ako magtetext sa boyfriend ko? Mag-aalala sila. Wala akong makakausap. Hindi ko kaklase ang katabi ko. Ni hindi ko siya kilala. Paano ito? Buntong hininga na lamang ulit.

Lampas ala-siyete. Paalis na bus. Tahimik na mga tao. Nakaupo na ang lahat. Nagsasalita ang facilitator. Magdadasal na daw. Iniwan na ang mga nahuling dumating. Paalam pansamantala sa Maynila. “Hindi pa din ako makasend, Mel, nakakatext ka ba?” tanong ko sa kaklase at orgmate ko na nasa may unahan ko. “Hindi pa din ate eh, ikaw ate Ionee?” baling ni Mel kay Ionee na nasa unahan ko din. “Hindi din eh, hindi ako makakapagtext kay nanay.” sagot ni Ionee. Aanim lamang ang kakilala at kabiruan at nakakausap kong kaklase. Dalawa pa roon ang hindi sumama. Apat lang kami, nasa may unahan kami nila Mel, at napunta sa likod si Kim, mag-isa. Swerte na din ako at nakasama ko sa lugar sina Mel, mas lalong hindi yata ako magiging okay kung nasa likod ako at mag-isa. Nasa Katipunan na ang bus. Nakatapos na din magdasal para sa isang ligtas na biyahe. Badtrip pa din ako dahil hindi pa din ako nakakasend. “Uy, dadaan pala tayo sa amin!” napabulalas na lang ako kina Mel at Ionee. “Sige, ituro mo sa amin ah!” balik sagot ni Ionee. “Ate Elliz, paano ba mag-unli sa smart?” tanong ni Mel. “Send 15 to 258, Mel.” Wala sa loob na sagot ko. Walang load ang smart ko, paano ako magtetext nito? Ni hindi pa alam nila mama na umalis na kami. “Ayun oh, ayun, dun kami nakatira, sa green na gate!” turo ko sa kaliwang parte ng kalsada. “Ai, anlapit lang pala!” sabi ni Ionee. Pagkaraan sa amin ay tuloy- tuloy na ang pagturo ko. Dumaan kasi kami sa paaralan ko nung high school, at nung elementarya. Alam na alam ko daw ang dinadaanan namin, siyempre naman, lugar ko na iyon eh! Doon ako lumaki, at aasahan naman na kapag kinalakihan mo, alam na alam mo ang lugar. Pagkalabas ng Expressway ay tahimik na kami. Sa sobrang aga ng oras na sinabing aalis kami ay nakatulog na ang halos lahat sa antok. Mangilan-ngilan lamang ang talagang nag-uusap at nagkukuwentuhan. Nahihinuha kong hindi pa ganoon kalalim ang lebel ng disclosure ng ilan. Malamang sa malamang ay mga bagay na may kinalaman sa pag-aaral ang pinag-uusapan nila. Umidlip na din ako. Inaantok ako dahil hindi ako nakatulog ng mahaba, at pagod pa ako nung nakaraang gabi. Makakaya ko kayang tumagal dun? Kailangang makitungo ng maayos.

Expressway. KFC. Jollibee. Starbucks. Agahan. Lampas alas-otso. Maingay na ulit. Ginising ako ni Ionee. Bumaba ang lahat para bumili ng pagkain. Marami nang gutom. Hinintay ako nila Ionee sa labas ng bus, pati si Kim, hinintay namin. Ang hirap mag-isip kung saan kami bibili ng pagkain. Hindi pare-pareho ang gusto namin, pero sa huli ay nagkasundo na ding sa KFC na lamang bumili. Pumila na kami, magkasunod kami ni Ionee sa pila, habang dahil sa tagal nila Mel galing sa palikuran ay nasa may likod na sila ng pila umabot. Umorder ako ng pang-almusal at pangtanghalian. Hindi daw kasi kasama sa binayaran naming ang tanghalian. Tumulad si Ionee sa order ko. Iba ang order ni Mel, at almusal lamang ang binili ni Kim. Magkakasabay kaming bumalik sa bus, at kumain. Sinubukan kong magtext, at sa wakas! Nakasend na din ako. Natext ko na si mama, at si Josh. 

Nagbalik ang ulirat ko dahil sa muling pag-ingay ng paligid. Nasa Tagaytay na kami, at nag-stop over kami para maglecture sandali si Ma’am Nantes. Wala akong gaanong naintindihan. Ninamnam ko lang ang ganda ng paligid na huli ko yatang napuntahan limang taon na ang nakaraan. Nagkuhanan ng litrato pagkatapos ng lecture. Minalas ako dahil sira ang camera ko. Nagkulitan na lamang kami nila Kim, at nagkuhanan ng litrato sa cellphone nila. Pagbalik naming sa bus ay malapit na daw kami sa Kampo Trexo. Hindi na kami nakatulog ulit. Nagkwentuhan na lamang ang mga tao. Oo nga pala, magkakaklase ang mga kasama naming sa bus, labingdalawa lamang kami na galing sa klase namin. Mahirap makitungo at makipag-usap pag ganun. Hindi ako gaanong nasasakyan ng katabi ko. Madaldal ako, pero hindi ko siya madaldal dahil alangan un para sa akin. Hindi ko naman siya kilala, at lalaki siya kaya hindi ako makaisip ng topic na maaari naming pagusapan.

Ang malapit ay malayo pa pala. Lampas trenta minuto din ang paglalakbay papunta sa Kampo Trexo. Nasabik ang halos lahat nang lumapit na sa gate ng kampo. Nag-ayos na ng gamit, at tumayo na. Nang pinayagan na kaming bumaba ay namangha kami sa katahimikan ng paligid. Tamang-tama nga naman talaga ang lugar na iyon. Lumakad na kami papasok nang makababa na si Kim. Pagdating doon ay saka ko lamang nalaman na yellow team pala kami ng buong klase ko. Ay, puro pulang damit ang dala ko! Sa ilang minutong paghihintay ay ilang beses kong narinig na tinawag nila akong “classmate,” dahil hindi nila alam ang pangalan ko. Tinawag na kami ng mga facilitator at sinabi na pagkatapos ng pag-welcome sa amin ay sasabihin na nila kung sino ang makakasama namin sa tent. Takot ko lang, sana sina Ionee na lang ang kasama ko. Dahil mahirap na muling magsimula na makitungo.

Pero hindi pa pala doon natatapos ang takot ko. Oo nga pala, hindi ko pa din nakausap ang lahat ng mga kaklase ko. At dito na tiyak magsisimula ang exposure trip ko! Isa itong adventure na sana ay ikatuwa ko ang kalalabasan! 

Nametags. Dilaw na panyo. Team leader. Pintura. Group cheer. Tatlumpung minuto. Simula ng pakikipagkilala. Simula ng pakikitungo at pakikisalamuha. Gagawa daw ng team cheer. Gagawa daw ng flag. Nagtatanungan ng pangalan. Nagtatawanan sa mga nakakabaliw na ideya ng bawat isa na nagsasalita para paunlarin ang diskusiyon. Sa wakas, Soleil ang pangalan ng pangkat. Singtingkad ng araw ang kulay ng grupo. Hot daw kami, wala na kasing maisip na dahilan. Si Yuri ang gumawa ng flag. Nagconceptualize ng cheer kaming natira. May sayaw, may kakanta, parang tribo lang ah! Tapos na ang tatlumpong minuto. Magkakakilala na ang halos lahat. Nag-uusap na at nagtatawanan. May ibang nagkakahiyaan. Una ang Soleil. Nagcheer. Nagpakitang gilas. Napangiti ang lahat. Pag-upo, nagtinginan. May koneksiyon na.

Pagkatapos ng lahat ay sinabi na ang tent assignments. Napunta ako sa tent number 19, kasama sina Amanda, Erika at Ara. Mga kaklase ko nga sila, pero ni hindi ko alam na andun pala sila sa klase namin. Sayang, sana sina Ionee na lang. Pagkatapos mag-ayos ng gamit sa tent ay naghanda na para magtanghalian. Umupo kami sa iisang mesa at nagsimula nang kumain, marahan, nagkakahiyaan. Kailangan ng babangka, para masimulan ang usapan. Nagsalita ang team leader, maghahati daw sa apat na mas maliit pang pangkat. Nagbilangan. Nagkakilanlan ang magkakagrupo. Dun nagsimula ang usapan. Kung paanong si ganito ay konektado kay ganyan, at si ganyan ay konektado kay ganoon. Ganun daw kapag una mo pa lamang nakilala at nakasama, humahanap ka ng common ground ninyo, ng pupuwedeng magkonekta sa inyo na may matibay na hawak.

Nagsimula ang mga aktibidad. Group games. Tinamaan ako ng malas. Natapilok ako. Namamaga ang paa ko. Nag-alala ang mga ka-grupo ko. Nangambang hindi na ako makakasali sa ibang aktibidad. Nag-alala din ang mga facilitator. May tumakbo para kumuha ng yelo. May nag-alalay. Kamuntik pa akong buhatin. Pagtulong. Tinatanong nila kung okay lang ako. May nagsabing wala lang daw iyon at wag ko nang isipin dahil kaya ko naman. Hindi naman daw iyon gaanong sasakit. Nasa isip lamang daw iyon. Okay, sabi ko. Iisipin ko na lamang na hindi iyon sasakit. Iisipin ko na lamang na walang nangyari. Pagdating ng yelo, tumuloy na ako sa aktibidad. Kaya ko nga naman, sabi ko sa sarili ko. Hinabilinan pa akong magpahinga muna sandali kung biglang kikirot ang paa ko. Amazing race. Wall climbing. Rapelling. Zip line. Natapos ko pa ang lahat ng pisikal na aktibidad. Nakitakbo ako sa kanila, hindi ko pwedeng iwanan ang grupo ko sa ere. Pinagpawisan. Napagod. Nakibagay.

Huling aktibidad. GPS reading. Compass reading. Madali lamang ang magbasa ng direksiyon gamit ang kompas. Pero hindi ko naintindihan ang pag-gamit nung GPS na iyon. Parang ipinahiram lang sa amin, at bahala na kami tumuklas ng paraan ng pag-gamit. Bahala na. Tiyak namang hindi iyon ipapagamit sa orienteering kinabukasan. Gutom na kami. Wala nang pakialam sa ibang itinuturo. Hindi naman namin naiintindihan na.

Pagod. Mabaho. Ngarag. Kailangan na ng ligo. Pero mahaba pa ang pila. Sige, nauna na sila. Ang pangkat naming ay tuloy pa din sa kwentuhan at tawanan. Halakhakan at hagikgikan. May presentasyon pa pala kinagabihan. Tulong tulong sa pag-iisip. Kumain muna kami. Tapos naligo. Ayan, fresh na. Balik sa pagpaplano. Naging panatag na ang mga tao sa isa’t isa. Nakikibagay na sa gusting konsepto ng presentasyon. Ang iba, sige lang ng sige. Bahala na, kaya yan. Kakayanin naman yan, dahil magkakasama eh. Nawala na ang pagka-alangan ko sa kanila. Ok na ako na hindi gumagamit ng cellphone. Na hindi nagtetext at naghahanap ng kausap. May nakakausap na ako. Nakakasundo ko na sila kahit papaano.

Presentasyon. Kanta. Sayaw. Tawa. Kalokohan. Kung ano-ano na lang. Wala yatang nakagawa ng maayos na presentasyon. Pero ang napansin ko sa lahat, naguusap na. Wala nang dead air. Wala nang blank spaces and pauses. Ok na sila. Ok na ang lahat. Maging ang mga facilitator ay naki-kanta. Nakitawa. Nakisabay at nakigaya sa pang-ookray. Masaya ang gabi. Maraming natutunan. Alas-onse. Lights off na daw. Nasa tent na ako. Katabi ko si Erika. Andun na din sina Amanda at Ara. Wala kaming mapagkwentuhan. Nasa ikalawang antas pa lamang sila. Iba-iba din ang kurso. Pero ang maganda dun, panatag nang makakatulog sa tabi ng isa’t isa. Lumabas ako ng tent. Nakasalubong ko ung isang facilitator. “Ok na ba ang paa mo?” nakangiting tanong niya. “Oo, salamat sa pag-aalala.” Nakangiti ring tugon ko. “Uy, concern!” pang-aasar ng ilang kagrupo ko. Napangiti na lang ako, at bumalik na sa tent. Bago matulog, nagpunta sa bawat tent si Ionee, nag-good night sa aming lahat. Dahil daw wala siya sa bahay nang weekend na iyon ay kami ang igu-good night niya. Ganoon daw kasi siya sa bahay nila. Ang mga Pilipino nga naman, sadyang malambing, at malapit sa pamilya.

Matutulog na ako. Gising pa ang iba sa kanila. Nagkukuwentuhan pa. Nagkakakilanlan nang lubos. Maaga pa kinabukasan. Kailangan ng enerhiya para sa orienteering. Tulog na ang mga kasama ko. May kumakatok sa tent. May facilitator, nakikiusap, baka pwede daw sa amin muna si Yuri dahil nilanggam ang tent nila. Maliit na ung tent. Pero sige, kesa naman walang tulugan si Yuri. Nakapuwesto na ang lahat. Tulugan na talaga!

Malamig na hangin. Huni ng ibon. Sinag ng araw. Oo, umaga na nga. Nagising ako. Gising na ang halos lahat. Ang iba, hindi natulog. Naaliw yata sa kwentuhan nila. Mag-aayos na. mag-aagahan na kasi. Mistulang bangag ang iba. Isa na ako dun. Hindi ako sanay magising ng maaga. Pero sige, alang alang sa geog camp. At nakakahiya namang maiwan ako sa higaan. Kakain na. almusal. Sabay sabay ang lahat. Nasa iisang mesa. Nagtitinginan. Oo nga, bangag nga. Ang mga maingay ay natahimik. Ang mga tahimik ay mas lalong nanahimik. Maghintay pa ng kaunti. Iingay na muli iyan. Pagtapos ng agahan. Tinawag na ang lahat. Magsisimula na ang orienteering. At magiging isang buong grupo na muli ang Soleil. May humawak ng kompas. May humawak ng mapa. Kailangang manalo.

Malakas na pito. Takbo dito, takbo doon. Turo ng kompas dito, turo ng kompas doon. Nagkamali ang Soleil. Sisihan ang nagaganap. Kasalanan ni ganito, kasalanan ni ganyan. Ni hindi inako ang pagkakamali. Buti na lamang, may naglakas loob na manguna at mamuno. Naayos ang mga dapat ayusin. Nagkasigawan. Nagkasisihan. Nagpaikot ikot. Naligaw. Nawala. Pero sabay sabay na nakabalik. Magkakasamang nakabalik. Hindi kami nanalo. Pero napatunayan ang samahan kahit sa ganung kaliit na paraan.

Pahinga. War games daw ang kasunod. Hinati ang lahat ng grupo. Napunta kami sa iba’t ibang pangkat. Kagrupo ang mga mula sa pangkat ng ibang seksiyon. Tumahimik muli. Makikisama na naman. Pero isang laro lang. Pagbigyan na. Batuhan ng plastic na may tubig. Pag nabasa ang flag, out na. Ok, game. Nanalo ang grupo namin. Lahat ng papuri papunta sa team. Paano kaya kung natalo? Sisihan din kaya ang mangyayari? Naligo na ang lahat pagtapos noon. Kumain ng tanghalian. At naghandang umalis.

Kaba. Takot. Alinlangan. Iyan nung simula. Lungkot. Panghihinayang. Sana maulit pa. Sana mas matagal pa. Iyan na nung huli. Masaya ang Geog Camp. Nasiyahan akong kasama ang mga taong akala ko ay ni hindi ko makakausap. Umabot nga siguro kami sa antas ng pakikisama, kung hindi man sa pakikipagpalagayang-loob. Dahil napasaya at tunay na na-enjoy namin ang dalawang araw na iyon. Sulit ang lahat ng panahon na tahimik ang iba. Dahil nung huli, lahat ay halos ayaw na munang umuwi. O kung hindi man ay ayaw magpaawat sa kwentuhan. Ang nabuong samahan ng Soleil sa Kampo Trexo, tunay na naging singtingkad nga ng araw!


RANCES, Celliza Marrie D.
BA Psychology

Saturday, September 13, 2008

SELF REFLECTION : NEUROTIC NGA KASI AKO!

Malaking tulong ang nagagawa ng Personality class ko, para mas maintindihan ko ang sarili ko. Ung lecture ng Neurosis ay sobrang tumama sa akin, na-trace ko kung saan nanggaling ung pagka-neurotic ko ngayon.

Nung bata pa ako, madalas akong makumpara sa kapatid ko. Mas mabait kasi siya, mas masunurin, mas magalang, basta, lahat ng mas. Parati kong nararamdaman na iba ako sa kanya, kasi nga lahat, MAS siya eh. Mas pinapaboran siya ng mga tito at tita ko, mas isinasama siya sa lakad, mas gusto siyang kasama. Pag mga ganung times, wala na akong magawa kung di umiyak na lang. parang ang panget na bata pa lang ako, ang helpless na. I’d throw tantrums, hinihintay na amuin nila ako, para maging okay ako. I don’t need material things, I just need them to tell me na they love me too, na hindi ako iba.

Kaya siguro hanggang ngayon na tumanda na ako, ganun pa din ung pakiramdam. Gumagawa ako ng paraan para mapansin nila ako, kahit dun sa point na gagawa ako ng kasalanan para pansinin lang. May times naman, na I’d strive hard, para maging proud sila na anak nila ako. Affectionate ako, at nakakadisappoint kapag hindi ibinabalik sa iyo ung pagka-affectionate mo. Na there were times na you just wanna hug them, para maging okay ka, pero hindi nila naibibigay un. Kaya at a very young age, I tried na mahanap ung affection na iyon sa relationships, galing sa opposite sex.

But well, halos lahat naman hindi nagend up ng maayos eh. Naiwan lang ako at iniisip ng halos lahat ng super paranoid ako. Eh lumaki ako ng ganun eh. Lumaki ako na natatakot na baka iwanan ako ng mga taong mahal ko. Kaya as much as possible, ginagawa ko lahat to make them stay. Neurotic ako, nag-iisip ng kung ano- ano. Minsan, over pa ung naiisip ko. Wala daw sa lugar. Pero takot ang lahat ng may kagagawan nun. Takot na maiwan, takot na masaktan. Good thing nga siguro na clingy ako, na sensitive ako. Pero para sa akin lang iyon, kasi madali kong nararamdaman pag nagdedetach na ung tao. At umaandar na ang pagiging adik, baliw, neaurotic at paranoid ko.

Isa akong random na tao. Isa akong malaking whatever. At times, I feel, hindi ko kailangan ipaliwanag ang sarili ko. Kung bakit ako emotional, kung bakit ako paranoid. Pero, hindi ito isa sa mga pagkakataon na iyon. Sana sa pagpapaliwanag, may magbasa. May makaunawa. Mahirap kasi mag-explain sa taong hindi naman handang umunawa. Iba ako. At paninindigan ko kung sino at ano ako.

Friday, September 12, 2008

bisikleta. tapsilog. circle. BUDDIES :)

Setyembre. Miyerkules. Alas kwatro kinse. Tambuk. Maingay na kapaligiran. Dumadaang mga estudyante. Kuya Ted. Elliz. Iba pang kids.

“Saan tayo pupunta?” tanong ni Kuya Ted.
“Kahit saan po, kayo po, san ninyo ba gusto?” sagot ko. Medyo alangan ako. Naiilang dahil hindi naman kami talaga nag-uusap ni Kuya Ted. Unang beses iyon. Paano kaya tatakbo ang buddy date na iyon?

“Saan ka pa ba hindi pa nakakapunta?” tanong ulit niya.
“Malabon zoo?” singit ni Dee.
“Nakapunta na po ako dun eh!” muling sagot ko.
Bonifacio High Street. Market Market. Trinoma. Mall of Asia. SM North. Megamall. Tiendesitas. Hai, napuntahan na naming yata ang lahat. Aha!
“Kuya Ted, nagba-bike ka ba?” ako naman ang nagtanong.
“Oo, bakit?” sagot niya.
“Nakapunta ka na po ba sa Quezon City Circle?” tanong ko muli.
“Hindi pa, bakit?” ani niya.
“Doon na lang tayo kuya!” bulalas ko. Matagal na akong hindi nakakapag bisikleta. Mula high school pa ata. Nasasabik ako dahil nasira ang bisikleta namin sa bahay, kaya naisipan ko rin dun magyaya. May ilang taon na rin mula nung huli akong magpunta sa circle. Field trip pa namin iyon nung 3rd year high school.

Backpack. File case. Shoulder bag. Nag-ayos na. Ok na, aalis na kami. Ano nga kaya ang mga pwede kong itanong. Ano nga kaya ang pwede kong malaman. Hanggang saan nga ba ang maari kong itanong. Seryoso si Kuya Ted, ung ang tingin ng halos lahat sa kanya. May matutuklasan kaya akong iba sa kanya sa hapon na iyon? Umalis na kami ng tambuk. Nakipag-usap siya ng konti kay Lei. Tapos dumiretso na kami sa sakayan. Nag-uusap. Nagtatanong.

“Bakit hanggang bago mag-8pm pwede ka pa kuya? May lakad ka mamaya?” tanong ko.
“Wala, hihintayin ko ang kapatid ko.” Sagot niya.
“Taga-dito po? Anong course?”
“Oo, Lingusitics.”
“May class siya? Late po ba talaga uwi niya?”
“Hindi, may gagawin sa org”
“Ah, ok po.”
Patlang.

“Anong sasakyan natin?” binasag niya ang saglit na katahimikan.
“Kahit ano po na dadaan sa circle kuya, Mrt, SM North, kahit Philcoa” sagot ko.
“Ok, Sige. Ayun, Philcoa, sakay na tayo?” at nagpauna siyang lumakad.
“Ay, puno na kuya.” Dismayadong sagot ko.

May tumawag sa kanya. Ka-batch ko siya, ayon sa I.D. niya, pero hindi ko siya kilala. Nag-usap sila. Sikat nga si Kuya Ted. Dating Psych Department Representative. Nagtrabaho sa council. Kamusta nga kaya sa council? Ayan, may maitatanong na ako.

Pagtapos nilang mag-usap ay sumakay na kami. Naglalabas ako ng pera para magbayad nang magsalita siya, “naunahan na kita!” sabay bayad. Nagsimula na kaming mag-usap. Council ang topic. Kumusta doon, anong nangyayari, paano doon. Wala akong balak na pumasok sa pulitika. Alam kong mahirap doon. Madumi, at magulo. At iyon din mismo ang sinabi niya. Tumino sa akin ang sinabi niya, “kung hindi ka matatag, kung hindi mo kayang ipaglaban ang prinsipyo mo, kung madali kang ma-sway, wag ka doon. Hindi bagay ang mahihina doon. At, mahina ako.” May himig ng pagkainis, panghihinayang ang tinig niya. Maraming kontrobersiya. At, sa hinuha ko, hindi siya ganung nasiyahan sa pagiging parte niya ng council.

Philcoa na. Bumaba ang mga tao. Nangamba ako, medyo malayo ang lalakarin namin. Sana ay ok lang kay kuya Ted.

“Medyo malayo ung lalakarin natin.” Nag-aalangan kong sabi.
“Sanay ka ba maglakad ng mahaba?” tanong niya.
“Opo, pag masama ang loob ko, naglalakad lang ako. Para pag-uwi ko, pagod na ako at matutulog na lang. Kayo po?”
“Pareho pala tayo. Ganyan din ako. At humahanap ako ng lugar kung saan pwede akong maupo.”
May mapapag-usapan na naman kami. May nag-cut na jeep. Napunta sa driving ang usapan.
“Marunong ka bang mag-drive Elliz?”
“Opo, pero automatic ang dina-drive ko. Kayo po?”
“Oo din, nung summer lang. Manual naman sa akin.”

Mula sa pagda-drive, hanggang sa presyo ng gasoline at bilihin. Malawak na scope ng usapan. Inexpect ko iyon, pero hindi ko masyadong naexpect na masaya pala pag-usapan ang mga iyon.
Circle. Naglakad. Nag-ikot. May nadaanan na chess table.

“Marunong ka bang mag-chess Elliz?”
“Opo kuya, pero hindi ako magaling.”
“Tara, laro tayo.”
“Pwede po ba diyan?”
“Pwede, ayun oh, may chess sets dun. Pero, gusto mo bang mag-bike muna?”

Mas appealing ang pagba-bike. Lalo na nung nalaman ko na varsity pala siya ng chess nung elementary at high school days niya. Nagkwento siya tungkol dun. Nakita naming ang hanay ng mga bisikleta. Nagrenta kami at parang mga bata na nagbisikleta lang. tinatangka ko siyang kunan ng litrato, documentation sana, pero, maalog ang bisikleta. Nasubukan pa naming mag-usap habang nag-iikot nang nakabisikleta. Nakatatlong ikot kami. Nang mapagod na ay umupo sa ilalim ng puno at nagtuloy ng kwentuhan. Pamilya. Pag-aaral. Insights sa buhay. Pangarap. Ambisyon. Palagay sa mga bagay. Masaya siyang kausap. Masarap kasama. Marami akong natutunan sa araw at pagsasama na iyon. Natuklasan na mga bagay na siguro ay hindi niya sinasabi sa mga taong simpleng nakakasalamuha lamang niya. O dahil lamang ba sa buddy niya ako kaya iyon nai-disclose sa akin. Siguro naman hindi. Nasabi ko din sa kanya ang tingin ko sa buhay. Mga nais kong gawin, mga plano, kung mayroon man. Maraming napag-usapan. Masasayang bagay, malulungkot. Mga kinaiinisan, mga kinatuwaan. Marami akong natutunan at pahahalagahan ko iyon, tiyak iyon.

Tinawag na kami nung lalaki, tapos na raw ang oras namin sa bike. Kala ko pa naman unlimited time. Namiss ko kasi iyon eh. Ibinalik namin ang bisikleta, at naghanap ng makakainan. Patay, wala na yata akong pera, sa isip ko lang. Sana may ATM dito. Pero ayos lang naman, mura ang pagkain. Namangha ako sa appetite niya. Ang dami niyang nakain. At mas marami pang nai-share. Lovelife. At ilan pang tingin sa mga bagay-bagay. Alas-siyete y medya na. Tumawag ang kapatid niya saktong halos pagkatapos naming kumain. Babalik na siya ng UP, at ako, uuwi na. Buntong hininga sa gitna ng ilang patlang. Hindi naman siguro kami mauubusan ng pag-uusapan sa mga susunod na araw, marami pang maibabahagi, sigurado iyon. Naglakad na kami pa-Philcoa. Doon ako sasakay pa-MRT, at tatawid naman siya pa-UP. Pamilya ang topic habang naglalakad. Suliranin sa pamilya. Kakulitan ng mga kapatid. Hindi pa kami gaano natapos, nasa Philcoa na pala.

“Hihintayin na kitang sumakay.” Sabi niya.
“Ok po, eto na kuya, pwede na. Salamat po!” at sumakay na ako.
“Salamat din, ingat ka.” pahabol niya.

Kumaway pa kami sa isa’t isa. Masaya ang karanasan na iyon. Sana pag nagkita na kami ulit, hindi na masyado halata ang pagka-alangan. Buddy ko siya, at malaking pasasalamat ko talaga na nabigyan ako ng pagkakataon na mas makilala siya.

Wednesday, September 10, 2008

VIA Signature strengths

Mr. Ton "Sunshine" Clemente asked us to answer this certain questionnaire for usa to find out daw our strengths and weaknesses.

if you wanna find out about yours, try visiting this website.
www.authentichappiness.org

Your Top Strength
Appreciation of beauty and excellence
You notice and appreciate beauty, excellence, and/or skilled performance in all domains of life, from nature to art to mathematics to science to everyday experience.

Your Second Strength
Hope, optimism, and future-mindedness
You expect the best in the future, and you work to achieve it. You believe that the future is something that you can control.

Your Third Strength
Spirituality, sense of purpose, and faith
You have strong and coherent beliefs about the higher purpose and meaning of the universe. You know where you fit in the larger scheme. Your beliefs shape your actions and are a source of comfort to you.

Your Fourth Strength
Fairness, equity, and justice
Treating all people fairly is one of your abiding principles. You do not let your personal feelings bias your decisions about other people. You give everyone a chance.

Your Fifth Strength
Kindness and generosity
You are kind and generous to others, and you are never too busy to do a favor. You enjoy doing good deeds for others, even if you do not know them well.

Strength#6
Creativity, ingenuity, and originality
Thinking of new ways to do things is a crucial part of who you are. You are never content with doing something the conventional way if a better way is possible.

Strength#7
Curiosity and interest in the world
You are curious about everything. You are always asking questions, and you find all subjects and topics fascinating. You like exploration and discovery.

Strength#8
Gratitude
You are aware of the good things that happen to you, and you never take them for granted. Your friends and family members know that you are a grateful person because you always take the time to express your thanks.

Strength#9
Honesty, authenticity, and genuineness
You are an honest person, not only by speaking the truth but by living your life in a genuine and authentic way. You are down to earth and without pretense; you are a "real" person.

Strength#10
Capacity to love and be loved
You value close relations with others, in particular those in which sharing and caring are reciprocated. The people to whom you feel most close are the same people who feel most close to you.

Strength#11
Judgment, critical thinking, and open-mindedness
Thinking things through and examining them from all sides are important aspects of who you are. You do not jump to conclusions, and you rely only on solid evidence to make your decisions. You are able to change your mind.

Strength#12
Perspective (wisdom)
Although you may not think of yourself as wise, your friends hold this view of you. They value your perspective on matters and turn to you for advice. You have a way of looking at the world that makes sense to others and to yourself.

Strength#13
Leadership
You excel at the tasks of leadership: encouraging a group to get things done and preserving harmony within the group by making everyone feel included. You do a good job organizing activities and seeing that they happen.

Strength#14
Social intelligence
You are aware of the motives and feelings of other people. You know what to do to fit in to different social situations, and you know what to do to put others at ease.

Strength#15
Bravery and valor
You are a courageous person who does not shrink from threat, challenge, difficulty, or pain. You speak up for what is right even if there is opposition. You act on your convictions.

Strength#16
Zest, enthusiasm, and energy
Regardless of what you do, you approach it with excitement and energy. You never do anything halfway or halfheartedly. For you, life is an adventure.

Strength#17
Citizenship, teamwork, and loyalty
You excel as a member of a group. You are a loyal and dedicated teammate, you always do your share, and you work hard for the success of your group.

Strength#18
Industry, diligence, and perseverance
You work hard to finish what you start. No matter the project, you "get it out the door" in timely fashion. You do not get distracted when you work, and you take satisfaction in completing tasks.

Strength#19
Love of learning
You love learning new things, whether in a class or on your own. You have always loved school, reading, and museums-anywhere and everywhere there is an opportunity to learn.

Strength#20
Modesty and humility
You do not seek the spotlight, preferring to let your accomplishments speak for themselves. You do not regard yourself as special, and others recognize and value your modesty.

Strength#21
Forgiveness and mercy
You forgive those who have done you wrong. You always give people a second chance. Your guiding principle is mercy and not revenge.

Strength#22
Caution, prudence, and discretion
You are a careful person, and your choices are consistently prudent ones. You do not say or do things that you might later regret.

Strength#23
Humor and playfulness
You like to laugh and tease. Bringing smiles to other people is important to you. You try to see the light side of all situations.

Strength#24
Self-control and self-regulation
You self-consciously regulate what you feel and what you do. You are a disciplined person. You are in control of your appetites and your emotions, not vice versa.

Tuesday, September 9, 2008

PERSONALITY 101 : NEUROSIS

Neurosis, as it was defined by Karen Horney, is the maladaptive and counterproductive way of dealing with the social world. This results from Parental Indifference nung bata ka pa lang.

Teka, paano nga ba nakikipagdeal ang mga bata sa Parental Indifference? May iba na ginagamitan ng Basic Hostily ang parents nila. Ung tipong, “if you don’t love me, then I don’t love you too.” Sila ung mga batang malayo ang loob sa parents nila. Ung iba naman, Fear / Anxiety. Sila ung tipong “I love you, please love me too. Don’t leave me, I need you.” Sila ung mga batang naiyak kapag pinapagalitan, ung mga batang kailangan ay inaamo para maging ok sila. Ung iba naman, Withdrawal. Sila tipong “I don’t care.” Sila ung mga batang walang pakialam, kesyo ayaw na sa kanila, o gusto silang makasama, keber lang. kahit anong mangyari, wala lang silang pakialam. Ginagawa nila iyon para hindi sila masaktan.

At dahil dun sa mga responses na iyon, nagkakaroon ng Neurotric Trends ang mga tao. May tatlong klase ng trends. Una ay ung Moving-Against. Sila ung mga taong may neurotic need for power, achievement, may need to exploit others and gusto nila na inaadmire sila. Gusto nila na parating nasa itaas para may mapatunayan. Nagresulta ito dun sa mga batang basic hostility ang response sa Parental Indifference. Second, ung Moving-Towards. Sila ung mga taong may neurotic need for affection, approval, for a partner and to be in a relationship, they tend to fall in love with the idea of love, and they need to be constantly in touch with their significant other. Takot sila na maiwanan, kaya ginagawa nila lahat para magstay ung taong ayaw nilang mawala sa kanila. Sila na ung mga batang fear/anxiety ang response. At ung last ay ung Moving-Away. These are the people who have a neurotic need for autonomy and independence, does not want to be in contact, self-sufficient and indifferent. Sila ung mga tipong kulang na lang ay sumigaw ng “I want to be alone!” kapag may gusting gumulo sa pananahimik ng buhay nila. Sila ung mga batang withdrawal ang response.

Ang TYRANNY OF SHOULDS ay nakakapagpataas ng neurosis. Ito ung mindset na ang buhay ay dapat na nagaganap sa certain lang na paraan. Na dapat planado ang lahat, at siyempre, kapag nag-fail ka, madidisappoint ka at makakadagdag un sa neurosis.

Sunday, September 7, 2008

UP pep squad dominated once again :)

yeah right, though i really feel as if i'm a big loser for not being able to watch the cheerdance competition live in araneta, but well, THE UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES PEP SQUAD once again made every UP student proud.

i was not there, i know, but i can really feel that team spirit, and it was like bursting from our television set.

i felt bad, for not being able to get a ticket, for not being patient enough to line up and wait on that same day, but well, that might be God's plan, coz we are going to win.

i might keep this post short and simple, concise enough just for the readers to know how proud i am to be a student of UP.

congratulations to the UP PEP SQUAD.

don't give up the title, fight for it!

yeah, SUGOD UP! :)

Friday, September 5, 2008

PERSONALITY 101 : THE ARCHETYPES

THE HERO
the type that strives for achievement
faces the challenges of the world
discovers greatness at a certain point
faces a crisis of faith and confidence

sa konteksto ng Pilipino, sumikat na isa sa mga superhero natin si Darna, kung saan dumaan din siya sa panahon ng krisis na pati siya, pinagdudahan niya ung sarili niya at ung kakayahan niya.


THE SHADOW
the representation of the dark side
accept and integrate the shadow into the self.

Tutal si Darna na din ang naibigay na example, kilala naman natin ang mortal niyang kalaban na si Valentina. Kung saan sinubok nito ang kakayahan ni Darna para ipagtanggol ang buong mundo.

THE ANIMUS / THE ANIMA
These are the male and female counterparts of the hero.

Sa mga fairy tales, ang wise man at ang good mother ang isa sa mga Animus at Anima ng mga bida.


Naniniwala ako na lahat tayo ay may hero archetype, at shadow archetype. Kasi, may mga ginagawa tayo para umasenso, at lahat din naman tayo ay may masamang ugali. Pero, ikaw, nakita mo na ba ang Animus / Anima mo?

Wednesday, September 3, 2008

PERSONALITY 101 : FREUDIAN PERSONALITY PROCESSES

1. ANXIETY – this is characterized by a negative feeling of threat, whether internal or external.
Types of anxiety:
 Neurotic Anxiety – something that you want threatens you. There is a conflict between id and ego.
 Moral Anxiety – you did something but you were anxious about it. There is a conflict between ego and superego. i.e. engaging in pre-marital sex
 Reality Anxiety – threat in the real world. There is a conflict between ego and reality.

I have even read something as Mathematics Anxiety, which is obviously characterized by a negative feeling towards mathematics.

2. INSTINCTS – a psychic representation of a physical need. It motivates us to do things.
Components:
 AIM – to reduce tension
 SOURCE – part of the body where tension comes from
 IMPETUS – strength of the tension
 OBJECT – person or target of the instinct in the real world
Pathways:
 EXPRESSED – doing something for it.
 MODIFY – changing/ substituting the target
 BLOCK TEMPORARILY – not doing it temporarily because of other matters

3. DEFENSE MECHANISMS – these are different strategies used by the ego to cope up with tension or stress. ( MY FAVORITE PART!  )

 REPRESSION – the ego removes the threat from awareness.
 DENIAL – the ego distorts reality
 REACTION FORMATION – the ego transforms an unacceptable impulse by expressing the opposite.
 PROJECTION – the ego attributes the unacceptable impulse at someone else.
 DISPLACEMENT – the ego substitutes an easier/ less threatening object.
 SUBLIMATION – the ego converts an unacceptable impulse into a socially acceptable form.
 RATIONALIZATION – ego uses logic to justify unacceptable behavior.
 INTELLECTUALIZATION – the ego removes emotional content and then replaces it with something academic in form.
 REGRESSION – ego retreats into earlier behavior patterns. i.e. returning to places you’ve been to with your ex, and then reminisces the memories.
 UNDOING – ego engages in compensatory behavior to undo an action.
*which of these have you engaged in to?

(Just for awareness about the personality processes that each of us would surely undergo in to.)

Tuesday, September 2, 2008

blogging personality




Your Blogging Type is Artistic and Passionate



You see your blog as the ultimate personal expression - and work hard to make it great.

One moment you may be working on a new dramatic design for your blog...

And the next, you're passionately writing about your pet causes.

Your blog is very important - and you're careful about who you share it with.

Monday, September 1, 2008

anong klaseng blogger daw ako.. :)




You Are a Pundit Blogger!



Your blog is smart, insightful, and always a quality read.

You're up on the latest news, and you have an interesting spin on things.

Of all the blogging types, you put the most thought and effort into your blog.

Truly appreciated by many, surpassed by only a few