ako. ako. ako.

My photo
Pasig City, National Capital Region, Philippines
ako si elliz. 20 taong gulang. nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. kumukuha ng Batsilyer ng Sining sa Sikolohiya, sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. tao. may ISIP. may puso. humihinga. BUHAY.

Tuesday, December 23, 2008

birthday blast

well, it wasn't actually a blast..
it was just a happy day, because i get to see people i rarely see..

started the day waking up with a few text greetings from friends.
waiting for a "special" greeting from my boyfriend, but then, it seemed like my birthday was just another common, plain day for him.
oh well. :(

ate lunch with my brothers and sisters, and then started cooking carbonara for my handa!
yey! i plan to bring to some of it when i come to my bestfriend's place later in the evening.

my bheztie jullan came by at 3pm, and watched me as i sliced and diced the ham.
whatever, haha, as if i cook good anyway.

come 5pm, naghanda na ako para magsimba.
nagpasama ako kay Apok, one of my bestfriends.
wala na palang mass sa Sta. Rosa ng 6pm?
so sumugod pa kami sa Cathedral para makapagsimba.
ni hindi man lang ako tinetext ng magaling na Joshua na un.
well, birthday ko at hindi ako pwede mabadtrip.

after the mass, pumunta kami ni Apok kina Julie.
na-meet na rin sa wakas ni Apok si Justin, at kyut na kyut siya sa bata.
pinagsaluhan namin ung dala kong carbonara, masarap naman daw at pwede na akong mag-asawa.
kung matitikman kaya ni Josh ito, un din ang sasabihin niya?
i doubt it.

pagkatapos namin kumain, iniwan ko muna sina Julie at dumaan ako kina Benjo.
may dala din akong carbonara para sa kanila.
kaso, wala si Benj sa tindahan, si Patrick lang at si Sai na girlfriend niya.
iniwan ko ang pagkain at sinabi kong babalik na lang ako.
siguro, ganito talaga kada taon na magbibirthday ako.
hindi ko maiiwasan na gustuhing dumaan kina Benjo, bilang napakalaking parte siya ng buhay ko.
hindi ba nga, minsan ko na siyang tinuring "God's birthday gift to me?"
and i guess, he will always be.
he'll always stay as my birthday gift.

hinintay ko lang na matapos sin Apok sa pakikipagkwentuhan kina Julie, tapos, umuwi na siya.
as for me, bumalik ako sa tindahan nina Benjo.
only to find out na ubos na ang carbonara, inubos nina Patrick.
masarap daw kasi.
biniro pa ako ni Benjo, na ihahatid daw niya ako at baka pwedeng humingi pa ulit.
sinakyan ko naman ang biro niya.
at oo, hinatid nga niya ako.

ilang beses na din akong sumasakay sa motor niya.
at ang sarap lang ng pakiramdam.
hinatid niya ako, at nag-refill ng carbonara.
pagkatapos ay muli akong hinatid sa opisina ni mama.
hindi na siya umakyat pa dahil baka galit pa daw sa kanya si mama.
malaki ang respeto niya sa parents ko.
at nakakatuwa na hindi un nagbago maski matagal na kaming wala.

to sum it all up, masaya ang 19th birthday ko.
nakita ko ang lahat ng gusto kong makita.
maski pa ni hindi ako pinuntahan ni Joshua para personal na batiin.
maski pa hindi ko siya naramdaman ngayong araw na ito.
maski pa hindi niya napantayan ang ginawa ko para sa kaarawan niya.
okay lang, masaya at kuntento ako.
siguro, ang mga taong nakita ko ngayon, sila lamang ang mga taong tatagal pa ng 19 more years sa buhay ko.

happy birthday elliz! :)

Tuesday, December 16, 2008

bumabagabag

marami na namang mga bagay-bagay ang bumabagabag sa aking isipan.
siguro dahil magpapasko, airborn daw sabi ng mama ko.
pero, pakiramdam ko, hindi.
nararamdaman ko ito kapag dumadating ang isang espesyal na araw sa akin na minsan na ding naging espesyal para sa mga malalapit kong kaibigan.
ewan ko, magulo, oo.
pero ni hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.
maraming mga desisyon ang minsan ko nang pinagsisihan..
pero ni hindi ko akalain na hanggang ngayon ay mararamdaman ko pa din ang sakit ng desisyon na iyon.
hindi ko naman sinasadyang mang-iwan.
siguro lamang ay hindi na sila nababagay sa mundong ginagalawan ko..
at wala na din naman ang dahilan para manatili akong kasa-kasama nila.
pero ewan ko, namimiss ko sila.
at gusto ko ulit silang makasama..
mahirap na, oo mahirap na..
dahil maraming mga bagay na ang nagbago simula nang gawin ko ang desisyon na iyon.
simula nang iwanan ko ang mabarkadang parte ng pagkatao ko sa lugar na iyon na minsan ko nang ginustong balikan, pero tako ako, natatakot ako na baka hindi matanggap ng mga nakakakilala sa akin ngayon ang magulong parte ko na iyon.
hindi ako perpektong tao.
hindi din ako perpektong kaibigan.
pero kapag kasama ko ang tropa, parang ibang tao ako.
nagagawa kong huwag makialam sa sasabihin ng mga nasa paligid ko.
basta masaya kami, masaya na din ako.
namimiss ko nang maramdaman na prinsesa nila ako.
yung ihahatid pa nila akong lahat pauwi, para masigurado na maayos akong makakarating sa bahay.
namimiss ko na silang kasama, totoo iyon.
pero, hindi ko na din yata kayang iwanan kung ano man meron ako ngayon para makasama silang muli.

magulo, oo.
nakakabagabag, lalo..
hindi ko na talaga alam ang gagawin ko..
siguro nga, airborn.
at siguro na, lilipas din ito.

:(

Monday, December 15, 2008

faculty follies

ginagalang ko sila, nirerespeto at tinitingala.
pero sa isang gabing ito, hindi ko sigurado kung nagbago nga ba ang tingin ko sa kanila.

nagkaroon ako ng pagkakataong mapanood ang faculty follies, isang presentasyong handog ng mga propesor at propesora para sa ika-sandaang taong anibersaryo ng unibersidad..
marami sa mga nagperform ang ikinagulat ko ng todo.
hindi dahil sa nakakatawa sila kundi dahil sa hindi ko talaga inaasahan na gagawa sila ng ganon sa harap ng kanilang mga estudyante.
hindi ko inaasahan na ganun ang maging kalalabasan ng presentasyon..
pero sa lahat lahat..
sold-out sa kakatawanan ang isang ito..
sana taon-taunin na ang ganitong klase ng presentasyon :)

oo, laugh trip nga talaga. :)

Saturday, December 13, 2008

christmas / birthday wishlist!

since i'm turning 19, i'm also dying to have these 19 things before this year ends..

oh yeah! :)

TWILIGHT (HARDBOUND!) - MERON NA AKO! YEAH! :)) thanks mama! :D

1. BELLE DE JOUR PLANNER *SA POWERBOOKS MERON NETO.. :)


2.* kung wala nung Belle de Jour, eto..
"THIS PLANNER WILL CHANGE YOUR LIFE IN 2009" / UP PLANNER

3. CHICKLITS (CATHY HOPKINS, SOPHIE KINSELA, KATE CANN, JANNA N. MALCOM, MEG CABOT) *kahit ebooks lang :)

4. PRINCESS DIARIES 1-10! *paperback :)

5. TWILIGHT STATEMENT SHIRTS *o kea, perang pambili na lang :)

6. TWILIGHT STATEMENT PINS, MERCHANDISE, etc.. *cge na friends :D

7. UP CENTENNIAL JACKET

8. BUKLOD-ISIP JACKET :)

9. FIRST ALBUM NI DAVID ARCHULETA

10. PERSONALIZED SKETCH NI EDWARD CULLEN * personally, Rob Pattinson is not equal to Edward Cullen. :)

11. lahat ng songs ng a1 at westlife. :) *kahit burned sa cd lang!

12. apple earphones para sa ipod ko. *uh-oh.. huhu.. sira na kasi ung earphones ng ipod nano ko.. :((

13. INSTALLER NG SPSS :)

14. PINK ACOUSTIC GUITAR. :) *gusto ko na matuto, swear!

15. GIFT CERTIFICATE SA GMASK. *enough para mapa-gmask ko ang laptop ko.. haha! :)

16. ISANG SET NG LOVE PET COLORED PENS :)

17. COLORFUL NAIL POLISH! :)

18. CARD NA MAY LETTER, A TEXT / INSTANT MESSAGE GREETING :)

19. see all my close friends, friends and family on my special day :)

hai. hindi naman ako demanding eh.. :)
madali din ako i-please. :D
hehe.. :)

nakigaya, nakigaya..
kumusta naman? :)

Sunday, December 7, 2008

paalam, Marky

okay..
mahirap talaga paniwalaan sa simula..

mula starstruck, sinubaybayan ko si marky..
mark angelo cielo in real life..
namangha ako sa talento niya..
sa galing niyang sumayaw..
and when i say magaling, it's effin fuckin magaling! :)
kaya niyang makipagsabayan sa streetboys..
napahanga ako noon pa lang..
kaya tuwang-tuwa ako nung siya ang nanalo.

and when he started out sa t.v.
well, pinapanood namin un..
may talent din siya sa pag-arte.
at pagpapatawa..
kakaiba siya..
napakahumble at napakabait..
at never niyang ikinahiya kung saan siya nagmula..

kaya super at talagang nawindang ako nung narinig ko ung balita..
napabalikwas ako talaga..
ang hirap paniwalaan..
to think na he's really too young and malayo pa ang mararating ng showbiz career niya..
nakakalungkot lang talaga..

rumors about his death started spreading..
kesyo nag-suicide, kesyo ganito, kesyo ganyan..
sana, we just let Marky rest, wherever he is..
kung ayaw ng family niya na magsalita, just let it be.
respect na lang sa family.

Marky, your fans will miss you.
and we will pray for you..
rest in peace zaido green!

maraming mga pangyayari ang hindi inaasahan na dadating sa mga buhay natin.
hindi man ako malapit sa yumaong aktor, damang-dama ko naman ang lungkot dahil isa ako sa mga milyon-milyong humanga sa galing ng talento ng batang ito.
dadating ang dapit-hapon sa ating lahat, kaya sana, bago pa dumating ito, nagawa na natin ang lahat ng gusto at dapat nating gawin para wala tayong pagsisihan.
hindi madaling iwanan ang mundong ginagalawan natin, pero isipin natin na mas lalong hindi ito madali sa pamilyang iiwanan natin.
habang maaga pa ay maging kuntento na sa buhay, maging masaya at gawin ang lahat ng makakaya para makapagpasaya. :')

Wednesday, November 26, 2008

twilight

I got the chance to watch the movie adaptation of TWILIGHT, the first book of the twilight saga by Stephenie Meyer. If I haven’t read the novel, I’d be so delighted with how the movie goes, by the romance and the shivers it gives out, the fullness of the characters, but then having read it first was a different story. There were a lot of flaws, a lot of changes, a lot of errors, a lot of distortion. The first part wasn’t finished yet but I already have counted like 15 mistakes, it’s frustrating. I know, I know, it was awesome, the movie itself, but the novel was a lot wonderful, for me, as somebody who loved the characters from the novel, and it was way beyond perfect. The characters were honed beautifully, and the actors who played their roles were really not that meant for it, not that I’m saying that they did not portray the roles rightly, it was just that, I’m expecting more from them.

Edward Cullen is drop-dead gorgeous, as he was seen in the eyes of the humans in the novel. Not that I’m saying that Rob Pattinson was not gorgeous, yes he was, but way different than Edward's gorgeousness I should say. He portrayed the role differently; it shows that he does not really have a background with the novel, with how Edward was described in the story. Edward was not arrogant, he was shy and lovely and loving and perfect. He did try to frighten Bella, but not in the way the movie showed it. It was different, it was not Edward Cullen, it was just Rob Pattinson. Edward was my dream guy, okay, dream vampire guy, but then, the movie did not really showed more of that “dream guy” side of Edward. It focused on the cinematic effects and all that. For me, what’s most important was not how the movie turns out to be, but on how it was directly translated from the novel itself. It’s a different thing all together, specially when you first fell in love with the fictional character of the novel, and then suddenly, the images were distorted by the movie adaptation.

The scenes were not chronologically arranged according to the novel. Oh right, as if I have the right to complain. But then, I loved the way the novel is written, so I guess, I’m expecting something more of like the novel from the movie.

but then, i loved the baseball scene. oh yeah. :) guess that was enough to best describe that part of the movie.

It was difficult, it was frustrating, especially when you get to love the characters from the novel and yet, the movie suddenly gives another interpretation. It was like a property that was destroyed, but then, Steph agreed with the producers and the director, so I guess, how the movie was interpreted was A-ok for her.

Though you might have read my rants about how the movie was a lot different from the novel, if I haven’t read the novel yet, the movie would be awesome. It was definitely a box office hit. It really is a romantic one, and you’ll fall in love with it over and over again. But I guess for me- who loved Bella and Edward and everybody else as they were described in the novel- the original story would still be the best for me. I’d just stick on with how my mind imagined and interpreted Bella and Edward, and the rest of the gang.

:)

Monday, November 24, 2008

twilight addiction

ngayon lang ako ulit nakabalik..
matagal na panahon din akong nanatili sa forks at la push kasama ang mga characters ng buong saga..
ang dali daling umikot sa mundo nila..
siyempre, hindi literal na kasama ko sila..
pakiramdam ko lang nasa mundo nila ako dahil nag-aact out sa harapan ko ang bawat eksena..
at napapanaginipan ko pa sila..

apat na araw kong binasa ang buong saga..
sinimulan ko sa new moon, dahil hindi ako pinalad na makabili ng twilight..
nagtiyaga ako sa ebook ng twilight pagkatapos kong mabasa ang new moon..

ang ganda..
ang ganda ganda..
dalang dala ako sa bawat eksena..
pakiramdam ko kasama nila ako sa bawat pangyayari..
magaling si stephenie meyer..
wala akong masabi sa kanya..
iba ang kilig at tensiyon na dala ng nobela niya..
nakakatuwang basahin at talaga ngang hindi mo gugustuhin na iwanan ito hangga't hindi mo natatapos..
iba ang pakiramdam. :)

naging sanktuwaryo ko ang inikutan ng istorya ng nobela..
ito ang tinatakbuhan ko kapag gusto kong kumawala sa problemang binibigay ng tunay na mundong ginagalawan ko..
talaga ngang nakaka-adik..

it's worth all the money and the time i've spent reading it..
i really really hope that midnight sun will come out soon..
so that i can understand edward deeply :)

its funny how i get so engrossed with the novel..
it really has a different story..
one of the most beautiful love stories i've ever read..

i'll be waiting for the movie.. :D

Thursday, November 13, 2008

nakakainis!

matagal na mula nang maging fan ako ng reality shows..
una kong napanood ang pinoy big brother at magmula noon ay sinundan at pinanood ko na din ang ibang installments nila.
sumunod ang pinoy dream academy, at ngayon, ang survivor philippines at fear factor argentina..

wala akong kahit na anong against sa ganitong mga format ng shows..
nakakatuwa nga namang mapanood ang mga kapwa nating pilipino na magpakatotoo sa harap ng camera..
pero ang malaking tanong, sila nga ba talaga iyon?
matagal nang debate ang pagiging totoo na iyan sa PBB..
mula pa nung simula ay pinag-awayan na iyan at inisip nang scripted ang lahat ng nangyayari..
wala namang nakapagpatunay ng mga haka-haka, pero, hindi din naman sapat ang mga pahayag para hindi ito paniwalaan..

at ang survivor na iyan.
ganito pa lamang kaaga ay may lumabas nang balita kung sino ang magiging sole survivor.
kamusta naman iyon??
hindi ba nila magagawang ilihim ang lahat para naman hindi magmukhang tanga ang mga tao sa kakapanood sa kanila??
hai nako naman.

fan ako ng reality shows, oo..
pero sana naman, pinuhin naman nila kahit papano ang mga outcomes nito..
kung hindi kayang i-live, manahimik na lamang at itago na lamang within the confines of the studio ang mga nangyayaring kababalaghan~!

Sunday, November 9, 2008

BUKID na ako!

sa wakas!
after isang sem ng muling pag-aaral ng sikolohiyang pilipino, pakikisama, pakikisalamuha sa mga miyembro at alumni ng organisasyon, aba, sa wakas, miyembro na ako!

hindi naging madali ang proseso..
isang buong araw halos walang tulog..
bawal ang pag-gamit ng cellphone..
at madaming mga aktibidad ang inihanda para sa mga inductees..
NA HINDI KO NA SASABIHIN AT IISA-ISAHIN..

basta, ang dulo ay, masaya ako dahil sa wakas, miyembro na ako..
napabilang ako sa mundo ng mga tao na naniniwala sa at nagpapalaganap ng sikolohiyang pilipino..
iba yung dating ng saya..
dahil dumating sila sa oras na muli ay pakapa-kapa ako sa unibersidad..
sa oras na naghahanap ako ng kalinga ng mga kaibigan at taong magmamahal bilang kapamilya..
masaya, walang paglagyan ng tuwa.. :)

Friday, November 7, 2008

enrollment and frist day blues

magaling magaling..
kinailangan ko pang bumalik sa ikalawang araw para makapagbayad lang..
nakakatuwa talaga ang sistema ng enrollment ng UP..
University of Pila talaga!
bakit bakit???
napakahaba ng pila, napakabagal ng pagproseso..
lahat na lamang NAPAKA..

halos magmakaawa ako para makakuha ng majors..
kahit na ano lamang, sabi ko..
pero wala, wala talaga..
hindi ako pinagbigyan..
buti na lamang, buti na lamang talaga..
napakabait ng departamento ng Filipino..
nakakuha ako ng tatlong subject sa kanila..
at ang isa ko pang GE ay kinailangan kong i-cancel para makuha ang sikolohiya ng wikang filipino..
naswertihan pa din ako dahil wala pang tatlong oras ay naka-20 units na agad ako..

napakatagal ng pila para sa lahat ng dapat na tapusin..
sa post-advising, validation and checking..
bakit ba hindi malagyan ng matinong sistema para naman hindi nahihirapan ang bawat isa..
nakakapagod kaya tumayo at pumila ng napakatagal na panahon!

hindi pa ako nakaabot sa validation..
bumalik pa ako kinabukasan para pumila ulit..
hai, kawalan ng sistema talaga!
buti na lamang ay madali na nung umaga, at dalawang oras pa lamang ako sa palma hall ay nakapagbayad na agad ako..
pasalamat na lamang sila at natapos ako agad..

ang unang araw ng klase ay talagang disaster..
alas-siyete ang pasok ko at hindi dumating ang propesor..
gusto ko nang maiyak sa pagkainis..
at ang maganda pa dun..
ung kasunod kong klase ay hindi din nagpakita ang prof ko..
tae tae talaga..
basta talaga first day, hindi na dapat pumapasok ang mga estudyante!

hai, reklamo lang naman ang magagawa ko..
kasi siyempre, mahal ko pa din ang UP at wala akong balak na iwanan ito dahil sa medyo bulok na sistema ng enrollment at sadyaang hindi pagpasok ng mga propesor sa unang araw ng klase..

masaya pa rin ako at nakapag-enroll ako..
at masaya akong gusto ko ang lahat ng klase ko ngayong semestre. :)

Wednesday, November 5, 2008

Bilang na Araw

Kasalukuyan akong nanonood ng Bilang na Araw, isang dokumentaryo ng the Correspondents na tumatalakay sa mga kapwa nating Pilipino na nakikipaglaban sa mga sakit nila sa kabila ng taning na ibinigay ng mga doctor sa kanila. Hindi ko maiwasang maiyak, maluha kapag kamatayan na ang usapan. Sino ba naman ang gusting pumanaw sa batang edad hindi ba? Pero, sino nga ba din naman ang may gusto na pahirapan ang kanyang pamilya sa pag-aalaga sa maysakit na kaanak?

Sa dami ng mga sakit na hindi na kayang gamutin ng siyensiya, ano pa ang magiging saysay ng buhay sa oras na dapuan ka ng isa sa mga ito? Madalas kong sinasabi na gusto kong maunang mamatay kaysa sa mga magulang ko, dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa oras na mauna sila sa akin. Pero ano nga bang mararamdaman natin sa oras na malaman nating tinaningan na ang buhay natin? Malulungkot ba tayo? O matutuwa dahil makakasama na natin ang Poong Maykapal? Ang kamatayan nga ba ay isang bagay na hindi dapat katakutan?

Isa sa mga tinalakay nilang kaso ay ang kay Yan-Yan Sumilang. 11 years old siya ngunit mukha siyang limang taon dahil sa sakit na osteopetrosis. Ang sabi ng mga doctor ay wala pang gamut ang sakit na ito, at dalawa lamang sa buong Pilipinas ang may sakit na ganito. Ang sabi pa, kapag lumampas daw ng sampung taon na hindi pa gumagaling ay wala nang pag-asa itong mabuhay pa ng matagal. Bakit sa dinami-dami ng maaring tamaan ng sakit na hindi gumagaling ay yaon pang mga batang marami pang kayang gawin sa oras na tumanda na sila? Bakit sila pa? mahirap kuwestiyunin, pero kung ako ngang nakapanood lamang ng istorya niya ay masakit at mabigat na sa kalooban ang matanggap yon, paano pa kaya ang pamilya niya? mabigat sa loob kasi bata pa siya eh. At isa siyang mabait na bata na nais tulungan ang mga magulang niya sa oras na tumanda siya.

Anong gagawin mo sa oras na malaman mong may taning na ang buhay mo? Mahirap na tanong. Mas mahirap sagutin hindi ba? Ako? Hindi ko sasabihing hindi ako iiyak. Lalo pa’t mababaw lang talaga ang luha ko, at madali akong maiyak o madala sa mga malulungkot na pangyayari sa buhay ko, paano pa kaya kung ako mismo ang makakaranas noon hindi ba? Siguro, gagawin ko ang lahat ng mga gusto kong gawin. Pupunta sa mga lugar na gusto kong puntahan. Magbobonding kasama ang mga taong sobra kong pinapahalagahan. Kakain, tatawa, makikipagkwentuhan. At sa bawat pagtatapos ng bawat araw sa akin, magpapasalamat ako sa Panginoon sa isang araw pang idinagdag niya sa buhay ko, hindi ko hihilingin na sana ay magising pa ako kinabukasan, kung hindi sana ay matanggap ng mga taong malalapit sa akin ang aking magiging pagpanaw. Mahirap tanggapin na sa mga susunod na panahon ay kamatayan din an gating haharapin. Una una nga lamang naman iyan, siguro, ang mas mahalaga ay yung kahandaan mo para matanggap na isang araw, mamamaalam ka na sa mundong iyong ginagalawan, at ibabalik mo na sa Panginoon ang buhay na hiniram mo.

Marami sa atin ang natatakot na mamatay. Pero ito nga ba ay dapat nating katakutan? May taning man o wala, hindi ang haba ng buhay ang importante, what counts more is the quality of the life that you lived.

Tuesday, November 4, 2008

okay okay..

super daming busy these past few days..

super dami nang dapat i-post na hindi pa din naipopost hanggang ngayon..

i'm doing a tiny review of documentaries na ipinapalabas sa abs-cbn and gma..

and the latest was that of mga manununsod ng donsol..

i'll be posting the other details and the reviews soon..

grabe, andami nang hindi naiupdate dito..

the sembreak..

the anniversary week..

the "undas"..

the USA election..

basta, super dami na na hindi pa naihahabol..

soon enough, maayos ko din ito..

as of now, babalik muna ako sa malalim na pag-iisip kung paano ako makakaipon ng sapat na pera para mabili lahat ng gusto kong bilhin..

at ang latest na dagdag sa addictions ko ay ang TWILIGHT SAGA..

na ewan ko kung bakit pero kating-kati na talaga akong makabili..

hahahaha!:))

kailangan ko ng trabaho..

kailangan ko kahit part-time lang..

hai hai hai..

dasvidanya! :)

Tuesday, October 14, 2008

..A piece of my past..

Been through one failed serious relationship and a number of an “almost” romantic connection, have surpassed problems, trials and hardships that came with those relationships, been better, gone worst, have undergone changes, felt bad about break-up and goodbyes, cried my heart out, laughed though I felt like dying, smiled though my heart was grieving, gave my everything, yet I failed. I’ll never be the person I am today without those people who chose to leave me, who chose to break my heart. Yes, I do nurture hatred, but then, that’s what I hold on to, that’s what keeps me going so that I won’t go back to where I was before.

This kind of post is super “uso” these past few months, and I guess that’s what motivated me to do my own piece. And if you happen to be reading this post, and you think that you fit the description I’ll be giving out, the memories and moments I’ll be telling about, own it, coz you’ll feel if you are the one I’m talking about, you’ll know if the memories we once had are the ones that I’m sharing. Just please forgive me if I’d be writing in taglish, there were just some ideas that are not easy to express in English.

1. Never have I known a person as talented as you are; a musician, a composer, a guitar player, an artist. You made me laugh with the simplest jokes; you made me stay on the phone for hours, you made me long to hear your versions of the latest songs. You are the first person to ever sing to me on the telephone, and I find it really sweet. We watched Slam Dunk together, while talking to each other on the phone. Never have I tired playing jack en poy to anybody on the phone but with you, it was weird at first, but then, that simple weirdness made me so fond of you. You’ve been so nice, that was why I find it so easy to fall in love with you. Simple, misteryoso, tahimik; ganyan ka ilarawan ng mga taong malapit sa iyo. Pero nakita ko ang totoong ikaw, nakausap ko ang totoong ikaw, hindi man kita nakasama dahil madalas na nagkakahiyaan, alam kong kung ano ang ipinakita mo sa akin ay ang totoong ikaw. Kinausap lang kita dahil crush ko ang best friend mo, nang tumagal ay tayo na ang nagkakausap, at nagustuhan na kita nang lumaon. Maraming nakapansin ng bigla mong pagbabago, palangiti ka na daw, mas magaan na ang dating ng aura mo, maaliwalas na daw ang mukha mo at ang sabi nila, dahil daw iyon sa akin. Kapag nasa eskwelahan, nagkakangitian lang tayo, at alam na ang ibig sabihin no’n. Ikaw ang naging inspirasyon ko sa mga quiz bees na sinalihan ko, dahil minsan mo na akong pinalakpakan nang tawagin ako sa stage para kunin ang sertipikong iginawad sa akin dahil sa pagkakapanalo sa isang essay writing contest, natawag niyon ang pansin ng lahat ng mga kamag-aral mo kaya tiyak na nag-isip sila ng kung ano sa atin. Wala naman tayong sinabi, simpleng ngiti at tango na lamang. Naramdaman ko yung espesyal na koneksiyon na iyon. Nalaman ko ang buong kwento ng buhay mo. Naikwento mo ang halos lahat ng tungkol sa iyo at sa buhay mo. Dalawang buwan lamang iyon, pero parang iyon na ang pinakamahabang dalawang buwan ko. Bigla kang nawala, nagbago, sa hindi ko nalamang dahilan. Umalis ka sa tinitirahan ninyo, lumipat at nagpalit ng numero. Hindi ko alam kung bakit, pero nasaktan ako sa pangyayaring iyon. Hindi naging tayo, pero yung sugat na iniwan mo sa puso ko ay matagal bago naghilom.

2. We’ve known each other for years, we somehow see each other grow, we’ve been classmates for two years and you were the one who taught me how to draw a Viper. You have that passion for sports cars ever since. And you, too, are passionate about your sport, basketball. You are funny, childish and “makulit”, and when we saw each other again after 9years, we both knew there was something. But then, you were still in love with you ex girlfriend. You had hurt me for quite a number of times, and left me hanging as you reconciled with her. Hindi ko malaman kung paanong bigla na lamang nag-iba ang naramdaman ko para sa iyo. Matagal na tayong magkaibigan, pero wala namang malisya iyon noon, ewan ko nga ba kung bakit at paanong minahal kita. Naghintay ako sa iyo, halos apat na buwan, umaalis ka at bumabalik din. Nawawala ka kapag kailangan ka niya, at bumabalik sa akin kapag hindi na. naguguluhan ka, iyan ang madalas mong sinasabi, pero sa kanya pa rin bumabalik, at yun yung pinakamasakit na nagawa mo sa akin. Nagsawa na ako at lumayo, pero bumalik ka, at sabi mo wala nang alisan iyon. Sinabi mong ako ang mahal mo, at ayaw mo na talaga sa kanya. hindi na ganoon katindi ang nararamdaman ko para sa iyo nung panahong iyon, pero tinanggap pa din kita. Ihihingi ko ng tawad ang pang-iiwan ko sa iyo, dahil hindi na talaga kita mahal noon. At hindi mo din naman naparamdam yung pagmamahal na sinasabi mo dahil sa pagsama-sama mo sa mga barkada mo, at sa kakulangan mo ng oras sa akin. Siguro nga, we are better off as friends.

3. I never really loved you, and I’m really sorry for that. The moment that you told me you’re leaving, tears were running down your face, and me? I just want to laugh out loud. That moment was really funny, as in really funny. I’ve never been this bitchy before, but swear, I do laugh on the floor rolling every time I remember that situation. I never really felt my importance when I’m with you, we barely saw each other, and you barely had time for me. Nung nakilala kita, hindi ko inexpect na ikaw ang tipo na magugustuhan ng best friend ko. Hindi ko din alam kung ano ang nakain ko at pinagbigyan ko ang tita mo nang hilingin niyang sagutin kita, dahil daw nagbabago ka dahil sa pagkakakilala mo sa akin. Nagiging masipag ka na daw at gumagawa na ng Gawain sa bahay. Naawa ako sa tita mo, dahil masyado na siyang maraming pinoproblema. Marami tayong pinag-aawayan, madalas na hindi magkasundo. Ayoko na naninigarilyo ka, ilang beses kang nangako pero hindi mo tinupad. Sinabi mo ding babalik ka na sa pag-aaral, pero dumaan ang ilang taon at wala pa ding nangyari sa buhay mo. Galit ako sa iyo, dahil sinasayang mo ang oras mo. Wala kang nagagawang kapakipakinabang. Umalis ka apat na taon na ang nakakaraan. Pinapangako mo akong maghihintay sa iyo, at nangako ka ring titigilan na ang paninigarilyo at mg-aaral na para maipagmalaki naman kita. Pero pagbalik mo, wala pa din, wala ka pa ding kwenta. Kahit ilang beses mo akong iyakan, at pagmakaawaan, patawarin mo ako pero hindi na ako babalik sa iyo. Nung umalis ka, pinipilit kong paiyakin ang sarili ko, sabi ko iiwan ako ng boyfriend ko pero ni hindi ako nakakaramdam ng pagkalungkot, at napagtanto ko nga na hindi kita mahal. Go on and live your life, ayusin mo ang buhay mo, para sa iyo din naman yan.

4. And they call it puppy love, but I call it stupidity. We’ve been close friends, you telling me stories and asking me for advices about your girlfriend. I must admit that from the start, I was attracted to you, but I decided to just drop the attraction because its way better to keep you as friend. Marami akong nalaman tungkol sa iyo, kung naka-ilang girlfriend ka na, ang pamilya mo ay nakilala ko at nagustuhan nila ako kahit na hindi ako ang girlfriend mo ng panahon na iyon. Hindi ko natupad na manatiling kaibigan mo, bata pa tayo nun, first year high school. Ni hindi ko alam kung ano ang pakiramdam ng mahawakan ang kamay ko ng isang lalaki, kaya iba’t ibang emosyon ang naramdaman ko nung una mong hinawakan ang kamay ko. Itinatago pa nga natin ang mga kamay natin sa ilalim ng bags natin dahil bawal sa eskwelahan. Tinutulungan kita sa mga reports mo, sa mga homeworks at seatworks. Nakatapos tayo ng first year nang magkasabay, ng wala kang bagsak dahil sa tulong ko na rin. Natawa ako sa reaksiyon mo nung sinabi kong sinasagot na kita, naglumundag ka at nagsisisigaw. Pero hindi natin pareho inakala na hindi tayo magtatagal. Pagpasok ng second year ay inis ako sa iyo. Umuwi ka ng probinsiya nang ni hindi man lang nagtetext o tumatawag sa akin. Akala ko, tapos na tayo. Hindi kita pinapansin at kahit pa tinatangka mong makipag-usap sa akin ay dinededma kita. Hanggang sa naging kayo ng isang kaibigan natin, o kung kaibigan nga ba niya ako. Kung ano-anong masasakit na salita ang sinabi ninyo sa akin. At hinding hindi ko makakalimutan nang sinabi mong hindi mo ako minahal, at niligawan mo lamang ako para makapasa ka ng first year. Iyak ako ng iyak noon. Hindi ko alam kung dahil nasasaktan ako, o nagagalit. Hindi na ako nakipag-usap sa inyo muli. Umalis ka ng Sta. Rosa, at naiwan siya doon. Kahit na wala ka na ay hindi pa din siya tumitigil sa pang iinis sa akin. Maraming beses akong napaaaway, at napahiya sa eskwelahan dahil sa kagagawan niya. galit ako sa iyo, galit ako sa inyo, at namumuhi ako sa kanya. umalis din siya ng Sta. Rosa kalaunan, at humingi ka ng tawad sa akin. Sinabi mong hindi mo kagustuhan iyon, at siya lamang ang nagsasabi ng mga sasabihin mo sa akin. Pinatawad na kita, at ngayon nga ay ninang ako ng panganay mong anak. Minsan ay sa akin ka pa din tumatakbo kapag nagkakaproblema kayo, at sigurado naman na tayong nalimutan na natin ang lahat ng masamang nangyari sa atin.

5. I was just like you, you were just like me. I get so kilig all over when you first texted me before, and you told me you were my secret admirer. We’ve known each other for years, participated in some contests together. You never fail to amuse and amaze me every time I read something that you do. You play the guitar too. Bumili ako ng smart na sim card noon dahil sa iyo. Masaya kang kausap, hindi ka boring na tao, at sobrang palabiro. Nakakaadik kang kausap. Nung nakilala kita, humanga na agad ako sa iyo. Akala ko noon, titignan na lang kita sa malayo, pero nagkasama tayo sa isang pagkakataon, nagkakilala at nagkausap. Sinabi kong crush ko ang isa mong kaibigan para hindi tayo magka-ilangan. Grumadweyt ka at akala ko, iyon na ang huli nating beses na magkikita. Pero dahil sa friendster, nagkakonekta ulit tayo. Nagkausap, nagkapalitan ng numero, at hindi ko maitago ang tuwa nung tinext mo ako at sinabi mong secret admirer kita. May pakiramdam akong ikaw yun, pero hinintay kitang umamin. Hindi ko alam kung totoo sa iyo ang sinabi mo na iyon, basta ako, kinilig. Ilang beses na din tayong nag-usap sa cellphone. Kahit na anong mapag-usapan, maging mga simpleng kalokohan, kahit anong bagay na matipuhan. Ang mga lugar na gusto kong puntahan ay kapareho ng mga lugar na gusto mong marating. Ang mga rason mo ay halos tugma sa mga rason ko. Ang mga nagustuhan mong palabas ay nagkataong gusto ko rin. Marami tayong pagkakapareho, maraming pinagkasunduan. Wala akong pakialam kung may exam ako kinaumagahan basta kausap kita. Ilang pagkakataon na rin tayong inumaga sa pag-uusap at pagkukuwentuhan. Marami na rin akong nalaman tungkol sa iyo, mga interesanteng katotohanan, at talagang nakakatuwa ang buhay mo, o nagagawa mo lamang pagaanin ang takbo ng sitwasyon sa paligid mo. Ikaw yung taong bihira magkuwento, pero kapag nagsimula na ay pagkawala lang ng load ang makakapigil. Oo, may isang punto kung saan nararamdaman kong nahuhulog na ako sa iyo. Pero, I respect our friendship so much, sobrang pinapahalagahan ko ang pagkakaibigan na yon, kaya kinalimutan ko ang naramdaman ko. Baka kawirduhan lang kasi sa isang banda. Ipagdarasal ko ng sobra na ang pagkakaibigan natin ay hindi kumupas, hindi magbago, hindi lumain ng panahon, at sana palagi nating maintindihan ang isa’t isa, dahil hindi ba nga, magkapareho tayo?

6. You are one of the few people whom I’ve trusted the most. You are the very first person I’ve loved with all my heart, and the 6months 2weeks 5days and 19hours we had was one of the most beautiful memories of my life. You respected me and never even tried to go beyond the limitations and boundaries that we have set for the both of us. We were always left alone in your shop, yet you did not do anything that will make me feel bad. We’ve been barkadas for four years, though we really were attracted to each other from the start, I was glad that you let the time pass by and courted me in the time that we both can handle the relationship. Kahit noong elementary pa tayo, kinukulit na ako ng mga kapitbahay niyo na ibigay na ang number ko sa iyo. Magkabarkada tayo, at alam ko namang alam mo ang number ko pero ganun pa din sila sa kakakulit. Lihim naman akong kinikilig. Alam kong babaero ka, at ilang babae na din ang naikukwento mo sa akin kada mag-uusap tayo sa telepono. Minsan pa’y sa akin ka humihingi ng payo kung paano makikitungo sa kanila. Magkabarkada tayo, at kahit pa ramdam naman natin ang pagkapalagay ng loob natin sa isa’t isa ay hinayaan na natin iyong maging ganoon na lamang pansamantala. Hindi ko alam kung ano ang nakain mo nung nagtapat ka. Magkasabay nating sinalubong ang bagong taon, at duon ka nagsabi na gusto mo na akong ligawan. Tamang-tama ang timing ng lahat, dumating ka dun sa panahon na humihingi ako ng senyales na ipakilala na sa akin ang taong makakatuluyan ko. Kaya lang, natatakot akong mawala ka sa akin, mawala ung pagkakaibigan, dahil sayang ang samahang inalagaan din naman natin ng apat na taon. Pero sadyang pinaglaruan tayo ng pagkakataon, nanligaw ka at ikaw ang unang-unang kumausap sa papa ko. Matapang mo siyang hinarap kahit pa nangangatog ka noon, napapangiti na lamang ako dahil na-impress mo talaga ako. Pinangako ko kasing seseryosohin ko ang lalaking kakausap ng matino kay papa para magpaalam na ligawan ako. Aayaw sana ako, pero mas malakas ung nais ko na mas mapalapit sa iyo, na maging tayo. Ikaw ang unang lalaking nagbigay sa akin ng teddy bear. At yung teddy bear na bigay mo, umiikot ang kamay, kaya tuwang-tuwa talaga ako. Ikaw ang unang lalaking nakasama kong magsimba, kahit naman nung hindi pa tayo ay magkakasama na talaga tayo paminsan. Ikaw ang unang lalaking nagluto at naghanda ng pagkain para sa akin, at ang sabi mo nga, dun mo nilagay ung gayuma mo. Ikaw ang unang lalaking sineryoso ko, minahal at binigyan ng effort na sobra sobra. Ikaw rin ang lalaking kasama ko sa kalahati ng ups and downs ng 4th year life ko. Katulad nung grade 6 tayo kung saan may kuha tayong magkasama, magkasama din tayo sa graduation day mo, at nagpakuha tayong dalawa at ang litratong iyon ang ipina-frame mo para ipangregalo sa akin sa araw ng pagtatapos ko. Naging alalay ka ni mama, taga-kuha ng litrato ko, taga-bitbit ng gamit ko, taga-suporta, taga-palakpak. Minahal ka ng pamilya ko. Kamuntikan ka pa ngang makipag-away para ipagtanggol ang mga kapatid ko hindi ba? Ikaw yung tipo ng lalaki na kapag walang gagawin sa bahay nila ay pumupunta sa amin para maki-bonding. Ikaw yung tipong isang text lang, anjan na agad to the rescue. Ikaw yung magpapaalam para pumunta ng Taguig para sa band practice pero sa bahay pala namin ang punta mo. Ikaw yung taong mahilig sa surpresa, palabiro pero kahit kailan ay hindi ginawang biro ang tungkol sa relasyon natin. Ikaw yung kapuyatan ko sa telepono, bampira nga ang tawag sa iyo ng mama ko, hindi ba? Mahal ka ng pamilya ko, at ganoon din naman ako sa inyo. Ikaw ang unang lalaking nagbigay sa akin ng bulaklak. Kilala ako ng mga pinsan mo, at ng lolo mo at ng mga kapatid mo. Ikaw din ang unang lalaking pinakilala ko sa mga lola at tito at tita ko. Hindi mo ako binibigo sa mga panahon na kailangan kita. Sabi nga nila, kapag playboy, masarap magmahal. Pero kapag playboy, playboy na talaga. Pumasok tayo ng college, with a dream na magkasama pa din tayo hanggang magtapos tayo. Pero hindi yun natupad. Nagbago kang bigla, naging busy dahil nursing nga ang kurso mo, miminsan mo lang akong nasundo, ako ang madalas na sumusundo sa iyo, sa inyo nga din ako nauunang umuwi kapag maaga ang uwian ko hindi ba? Nawalan ka ng oras sa akin, pero hindi ko inisip na sa ganun tayo hahantong. Hindi ko din alam kung ano ang paniniwalaan ko, basta nagkaroon ka ng iba, at pinili mo xa over me. Nasaktan ako, gumuho ang mundo ko. Umiwas ako sa iyo, sa inyo, sa buong barkada natin. Nagtago ako at lumayo, pero tropa un eh, hindi ako makakakawala dun. Pinakilala mo ako sa bago mo, kinaibigan niya ako, sa akin siya humihingi ng payo tungkol sa iyo, at nung nagkahiwalay kayo, sa akin ka din tumakbo. Alam kong alam mong muntik na tayong bumalik nung mga panahon na iyon. Pero sinabi mo sa akin na wag na lang, na hindi kita deserve, na dapat akong mapunta sa taong mas magmamahal sa akin, sa taong mas mag-aalaga sa akin, hindi sa tulad mong gago. Iniyakan kita, oo, pero masaya ako na iyon ang naging desisyon mo, dahil hindi ka naging sakim, dahil pinahalagahan mo ako at ang damdamin ko. Gusto ko naman magpasalamat sa iyo, dahil kung hindi sa ginawa mong pagpaparaya ay hindi ako magiging ganito kasaya ngayon. Dahil pinili mong iwanan ako kahit na alam mong mahal natin ang isa’t isa, pero hindi ako nababagay sa iyo. Salamat ng marami sa pagpapahalaga sa akin, sa pagpaparealize ng worth ko, salamat kasi pinabayaan mo ako para mahanap ko ung taong nagmamahal sa akin ngayon. Salamat ng marami sa pagmamahal mo, sa pang-unawa, sa pag-intindi, sa lahat-lahat, oo nga at playboy ka, at least naranasan kong mahalin ka at naranasan kong mahalin mo ako. Salamat!

i've been this strong because of all of you..
hindi man ako naging perpektong tao para sa minamahal ko at nagmamahal sa akin ngaun, okay lang, kasi alam ko, ung mga mali ko noon, hindi ko na uulitin sa amin ngayon. :)

Sunday, October 12, 2008

the Philippines' JEEPNEY

Few countries in the third world have managed to come anywhere near finding a mass transport system that meets the needs of their millions of commuters. Some possibilities have moved off the drawing board in traffic choked cities despite scarce public funding brought about by regional economic downturns (African Business, 2001).

While commuters wait patiently for a public system that would work and is affordable, they have found many ingenious ways of getting around (African Bussiness, 2001). The Philippines for example, is known for its jeepney, the most popular mean of transportation in the country. They were originally made from the US military jeeps which were left behind from the 2nd World War. The jeep, as it was fondly called by Filipinos, was known for its flamboyant designs and crowded seating. And most of all, it is known as the symbol of Filipino creativity, innovativeness and ingenuity.

When the American troops began to leave the Philippines at the end of the World War II, hundreds of surplus jeeps were sold or given to local Filipinos. Locals then stripped down the jeeps to accommodate several passengers, added metal roofs for shade, and decorated the vehicles with vibrant colours and bright chrome hood ornaments. One of them was a musician, bandleader and composer named Clodualdo “Clod” Delfino, who claimed that he was the first one to transform a war surplus jeep into a passenger vehicle. It was in the circa 1940s- 1950s, and he drove his redesigned vehicle into several routes (Pasay- Vito Cruz, Vito Cruz- Quiapo, Quiapo- Pier, Quiapo- Grace Park, City Hall- Sta. Cruz), charging 1peso fare. He drove for 15 long hours and would earn a hundred pesos, after deducting his lunch and beer expenses. After six months, he called it quits. The entertainment business had started to look up, band musicians were in demand once more, and it was high time to re-organize his band. His jeepney became a travelling signboard for “Clod Delfino and his band” as it towed a covered wagon for their musical instruments except the bass drum. Eventually, he sold his jeepney to a friend for 3500Php. Some years later, he was told that his jeepney was resold and was picking up fares in the neighbourhood he used to live in, so went to see for himself, but it was impossible to tell which one was his because of the changes the designs had undergone. Although he has no pictures as proof, he named some of his friends to testify that he did built them on the time that he said he did.

By the time he sold his jeepney in 1946, the concept has been replicated in welding and auto-repair shops, and was later developed with many striking innovations in the structure and style by a growing industry in the 50s and 60s, and further on in the 70s to be mass-produced. Surely, it has come a long way from being the World War II Willys jeep surplus that provided an early post-war topless form of transportation, soon enough acquiring a roof, stretching the back to accommodate more passengers, taking on colours and accessories. Even as the supply of surplus jeeps and alternative mother-vehicles decreased, it continued to spawn an industry and commerce of build-from-scratch jeepney production, providing the needs of the populace for an affordable means of transportation and all imaginable hauling needs.

And who are the pioneers who made jeepney a household word? Certainly, not those people with college degrees, not those professionals, or even holders of high school diploma. They are mainly men of low-middle-class backgrounds; they have little formal education, and can barely speak English. Pioneers like Magsikap Legaspi, Leonardo Sarao and Anastacio Francisco are good examples of those people who succeeded because of “sipag at tiyaga”. They started their small businesses in the early 50s, and later on prospered into a big venture as jeepney manufacturers. They were soon known to the public, by those metal cut-outs of their names in bold letters that were put in the flanks of their products, and beneath their names, the word “custom-built” would usually appear to indicate that each was made to conform to the costumer’s designs.

Years later, Francisco Motors Corporation introduced streamlining and mechanized finishing in jeepney body building, and other manufacturers joined in the trend, trying to put some “Western” touch to be accepted by the Western people. But Sarao Motors remained to be humbly Filipino, with colours and touch of the Baroque art. Certainly, the jeepney is “Pinoy” all over, from its designs to its structure to its “burloloy” and “abubot” hanged inside the jeepneys.

A work of art on wheels? Certainly yes! Jeepney art is a combination of the "art of the accessory" and the "art of the colour" applied on a basic canvas shell of galvanized metal or buffed and glimmering stainless steel. The jeepney has undergone an evolution of the artistic side of the Filipinos, from the early 1950s wherein there was a chromatic effusion and ornamental variety, up to the present times with painted designs of almost anything and everything under the sun, depending on the likes of the driver or the painter. No two jeepneys are even alike. The body structure show distinct differences, customization starts with the body, a detail here and there. Then the differences of personal touches - a choice of accessory, horses and horns, lights and mirrors, names and dedications, a colour preference, an art theme, a religious icon or invocation - details that proudly blazons a signature, a personal statement and ownership.

The art of the borloloys also tell something. Accessories are often more defining to jeepney design than colour. Usually symmetric and for the most part concentrated and insanely crammed on the front-hood area, they number from a few to many to excessive to pathologic-excessive. There were ones with horns, horses, flags and even automotive emblems, all depending on how the driver wants his own jeepney to look like.

In jeepney art, anything goes. Some are passive artworks, compositions of jeepney artists commissioned by the manufacturers; some are kinetic, fantasy-type arts, unendingly adding layers and layers of colours and designs. Anything goes, as long as the handy jeepney artists can work on it, the jeepney will surely make your eyes follow with awe and amazement. It is art, Baroque. Pop. Mobile art. Construction art. Collage-on-wheels. Art-on-wheels. Graffiti-on-wheels. Folk art. Pinoy art. People's art. Proletarian Art. Masa Art. Truly and proudly Filipino.

On the other side, the government surely did a lot of programs to promote our jeepney all over the world. During the Marcos regime, the jeepneys became a tourist spot because of several promotions by the government. It was in the year 1968 where the jeepneys had its biggest media build-up because even beauty queens endorsed and posed with our jeepney. In 1971, the Philippine Travel and Tourism Association featured the jeepney in the Philippine Jeepney Roadshow, wherein they toured the jeepneys worldwide. Two jeepneys with a crew of drivers and a handful of Philippine handicrafts and souvenirs were set on to a marathon from Manila to London, via Europe, Middle East and Southeast Asia. And as expected, the jeepney amazed the foreigners who had the chance to see the colourful vehicle right in front of their eyes. Our jeepney even appeared in the New Yorker, courtesy of the Philippine Airlines.

There were even a number of painters who did their portraits about the jeepney, and some of them were Vicente Manansala, whose painting is in the Ateneo Art Museum, Mauro Malang-Santos and Antonio Austria who focused on its folk-art naivete and humor, and Leo Aguinaldo who paid an abstract expressionist tribute to its coloristic extravagance. And who’d forget “Gorio and his Jeepney?” A comic strip made by Ben Alcantara.

It may have undergone a lot of improvements and changes, but in the end, truly, the jeepney is still a symbol of Filipino Ingenuity, Creativity and Innovativeness, may it be supported by the government or not.

Thursday, October 9, 2008

BACOLOD : plane trip at hotel accommodation

first time kong sumakay ng eroplano.
technically pala, hindi, dahil nakarating na ako ng kuwait nung 5 taon pa lamang ako.
pero, siyempre, hindi ko na gaano maalala yun, batang-bata pa ako nun eh.
sa pagkakataong ito, mas naramdaman ko kung paanong maaliw at matakot at kabahan habang nagsisimulang umangat sa ere ang eroplanong kinalululanan namin.
masakit sa ulo, para akong nasa likod ng bus na sobrang alog.
at nakakabingi ang ingay ng makina, hindi kinaya ng pagnguya ko ng bubble gum.
ramdam na ramdam ko nang umangat ang eroplano sa ere, parang bumaligtad ang sikmura ko.
tinalo pa ang experience ko sa roller coasters, mas nakakahilo talaga.
nang nasa ere na ay kitang kita ko kung paanong tumatagilid ang eroplano kapag nagmamaniobra ang piloto, talagang napakasensitibo ko lang sa mga kilos at galaw sa paligid ko.
nang maging stable na ay namigay na ng pagkain ang mga stewardess at stewards.
medyo maalog pa din ang eroplano dahil sa turbulence, naulan kasi sa labas, at malakas ang patak, ayon sa nakita ko nang sumilip ako sa bintana..
natatakot ako, madaming napapahamak kapag ganito ang panahon..
hindi pa makapagbukas ng kahit na anong electronic device dahil naka-on ang seatbelt light.
kaunting panahon lamang naging smooth ang biyahe, masama nga kasi ang panahon.
naging maingat naman ang piloto, at naging napakabait ng mga crew ng eroplano.
hindi ako nakapunta ng lavatory, wala akong kuha doon.
mula sa airport kuha ako ng kuha.
sana marami pa akong makunan ng litrato sa dalawang araw na ipapamalagi namin.
naging mas miserable pa ang pakiramdam nang pababa na ang eroplano.
nanunuot sa tenga ang sakit ng pressure..
pumapasok at dumidiretso hanggang sa may leeg ko..
ni hindi ko marinig ang sarili ko..
at hindi nakakatulong ang bubble gum ko..
halos maiyak na ako, pero sabi naman ni mama, sandali lang daw iyon..
ang lakas ng pakiramdam ko talaga..
ramdam ko pati ang paglabas ng gulong sa ilalim ng eroplano..
pati ang malakas na paglapag nito sa semento..
parang bumalibag..
pero ayos na din, at least nakalapag kami ng matiwasay..
paglabas ng eroplano ay sinalubong kami brown out nang bumababa na kami ng escalator.
naku, nagkakaproblema din ang kuryente nila dahil sa sama ng panahon.

matagal bago namin nakuha ang bagahe namin.
at paglabas ay may sumalubong kaagad sa amin para sa shuttle na maghahatid sa hotel..
ayos naman ang hotel, maganda at mukhang malinis..
wala nang bukas na kainan sa paligid, kaya umorder na lamang kami sa Cafe Ismael sa ibaba ng Royal Am Rei hotel..
hanggang 9:30 lamang daw bukas ang kusina nila, buti umabot ang order namin.
masarap ang pagkain, medyo bitin nga lang ang kanin..
nawa'y maging maayos ang una naming gabi dito..

*may ipis sa twalya ko! grrr!

jealous much?


Result: Realistic and Rational

You're a good person, but you know that not everyone else is so good all the time. Little things can make you jealous - like if someone gets too flirty with your honey - but you also know how to shrug off the small stuff.

Be careful, though! If you spend too much time being jealous and not enough time just kicking back and having fun, then what's the point of living? Right?

STATS:

* 39% (2,941) other adults are also Realistic and Rational
* 30,904 people have taken this quiz.
* Most people who take this quiz get this result: The Opposite of Jealous

Wednesday, October 8, 2008

saan ka lulugar?

dumating na naman ako sa punto ng pag-iisip.
may exam sa friday, birthday celebration ng isa sa mga malalapit kong kaibigan, at birthday ng papa ko. pero bukas ng hapon ay lilipad na kami papuntang Bacolod, ako at si mama. sasamahan ko si mama doon para ayusin ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa agency at sa opisina. mamimiss ko ang birthday celeb ni shella, at mas lalong hindi ko Xa makakasama.

ayoko naman ikansela ang pagsama ko kay mama, dahil nabili na ang tiket ng eroplano at ayos na ang lahat ng dapat ayusin. anong gagawin ko?

naiiyak ako, dahil tiyak na hihintayin ako ni shella sa biyernes. kung ako lamang, ayokong umalis sana, pero walang kasama si mama. haii, anong gagawin ko? saan ako pupunta? :'(

Tuesday, October 7, 2008

when will i get married?


Result: In 7 Years

Nice timing! That'll give you plenty of time to find your soulmate (if you're still looking), fall in love and pick out your catering menu.

We recommend the salmon - it's a total crowd-pleaser.

STATS:

* 31% (1,540) other adults are also In 7 Years
* 17,130 people have taken this quiz.
* Most people who take this quiz get this result: In 14 Years

Monday, October 6, 2008

what should be my name? :)


Result: Phoebe

Phoebe means "bright" and "pure" in Greek, which fits you perfectly. You're a great thinker and decision-maker, and at the same time you're an optimist - you believe that deep down, everyone's a good person.

Despite all the brains, you've also got a totally ditzy side that comes out every once in a while. Which would make you a great pal for Phoebe on "Friends."

STATS:

* 31% (5,162) other adults are also Phoebe
* 69,818 people have taken this quiz.
* Most people who take this quiz get this result: Jolie


this thing right here suits me, i'm really an optimist. :)

TALENTADONG PINOY : TATAY "RICO DAHON"

sa madalas na pagkamangha ko sa mga magagaling na manunugtog..
iilan lang ang palagay ko na worthy na mai-blog dahil sa kanilang kakaibang galing at talento..
dahil diyan, BLOG WORTHY si tatay "Rico Dahon"..

napasok kami sa Mama Leng's sa kagustuhan na kumain ng tapsilog..
at salamat sa pagkakataon na iyon dahil nakilala ko si tatay Rico, isang manunugtog na gumagamit ng dahon.
marami ang namangha sa unang tingin, maraming humanga..
mas lalong mapapanganga ka kapag pinakinggan mo ang distinct na tunog na nagagawa ng pag-ihip niya sa dahon..
hindi ko alam pero parang naiiyak ako..
ang galing, ang galing galing niya..
namangha ako at napangiti..
natanggal ung bigat ng loob ko, napanganga at di naiwasan na sumabay ng ulo ko sa kada kumpas ng nagagawa niyang musika..
it's way beyond amazing.. :D

si tatay Rico, ewan ko kung co-incidence o ano, ay nakatira sa Balara, paglabas lang daw dun sa may gilid ng Vinzon's Hall..
at ilang beses na din siyang tumugtog para sa anniversary ng UP Tomo Kai, at nakasabay na din niyang tumugtog ang UP Kontra Gapi.
na-feature na din siya sa talentadong mga Pilipino sa Rated K at sa magandang umaga Pilipinas, pati na din sa TV5.
ang galing hindi ba?

palabiro din siyang tao.
may ilang beses sa aming pag-uusap din siya nagbato ng mga biro at napatawa niya ako.
masayahin siyang tao, kahit bakas na sa kanyang mukha ang katandaan.

pero, siyempre hindi din fairy tale ang buhay niya.
sa edad niyang 50 ay wala pa siyang asawa..
naranasan na niyang makipag-live in pero kalaunan ay nakipaghiwalay din dahil dalawang beses na nalaglag (o ipinalaglag) ang anak sana nila.
nakatira siya sa bahay kasama ang mga kamag-anak.

sampung taon siya nang aksidente niyang matuklasan ang pagpapatunog ng dahon..
at 40 years na din siyang tumugtog..
sayang lamang at hindi ako nagkaroon pa ng pagkakataon para magtanong pa ng ibang mga bagay.
gusto ko pa sanang malaman ang ilang detalye ng kanyang buhay.
kung may trabaho ba siya o kung paano niya binubuhay ang sarili niya, bukod sa pagtugtog sa dahon. :)

pakiramdam ko lang, dapat pahalagahan ung iilang mga tao na talagang may kakaibang talento.
dapat silang bigyang-panisn, at sana ay mapalaganap pa ung talent nila..
kasi, sayang naman kung iilan na lamang ang marunong tumugtog ng dahon di ba?

*hindi ko alam, pero bigla kong namiss ang lolo ko.
anim na taon lang ako nung mawala siya, kaya hindi talaga ako nagkaroon ng maraming maraming time kasama siya, lolo's girl pa naman ako. :'(
[waaah, umiiyak daw ako talaga dito. :'((]

Sunday, October 5, 2008

what kind of kisser are you?


Result: Tender Kisser

As soft and sweet as the kiss of a gummi bear.

You generally reserve your kisses for people you really, truly care about. And when the two of you finally lock lips, it's tender, sweet and fit for a greeting card. If your kiss was a photograph, it would be in soft focus. If your kiss was a hot dog, it would be a vegetarian hot dog. Everyone you kiss loves your kisses, because they're better than sweet iced tea on an August afternoon.

STATS:

* 25% (57,848) other adults are also Tender Kisser
* 821,481 people have taken this quiz.
* Most people who take this quiz get this result: Romantic Kisser

Saturday, October 4, 2008

love or lust? :)


Result: Love

Hearts and rainbows all the way -- you're a total romantic.

Animal lust is nice, but you'd rather be in love with someone before you start tearing them apart. When you're in a relationship, you generally treat the other person really well. You don't cheat, and you're respectful of their differences. And when you're not in a relationship, you're selective about the people you choose to kiss or even get crushes on.

You've got a great thing going on, but don't be afraid of letting that animal side come out every now and then. A couple bite marks never hurt anyone (much).

STATS:

* 63% (98,143) other adults are also Love
* 480,926 people have taken this quiz.
* Most people who take this quiz get this result: Love, just like you.

Friday, October 3, 2008

what kind of girlfriend are you?


Result: Boss Lady

You like your relationships on your terms, at your pace. Who could blame you?

You love romance, and you love having a boyfriend. Still, relationships can be pretty unpredictable and scary. That's why you like to be in charge -- that way, you can keep all the bad surprises to a minimum. The problem, of course, is that you'll never be able to control everything. So try to relax a little and have some fun. The more vulnerable you are, the more you'll be leaving yourself open to experience real love.

STATS:

* 10% (17,273) other adults are also Boss Lady
* 633,138 people have taken this quiz.
* Most people who take this quiz get this result: Dream Girl

Thursday, October 2, 2008

What's Your Perfect Relationship?




Result: Major Drama

Being in love isn't enough for you. You crave the highs and lows of a rocky relationship. You love testing your partner and making up after a fight, and you're willing to risk things getting ugly for it.

Look for someone strong and steady who can handle your emotional side. If you date a drama queen like yourself, it might be too much for your relationship to handle.

STATS:

* 20% (1,823) other adults are also Major Drama
* 43,701 people have taken this quiz.
* Most people who take this quiz get this result: Attached at the Hip

Wednesday, October 1, 2008

buhay UP :) *tamang survey lang.

1. Ano ang student number mo? Gusto mo ba ito?
- 2006 - 010161. oo naman! :)


2. Magbigay ka ng tatlong course sa UP Diliman na hindi mo talaga alam kung ano ang pinag-aaralan nila. Pwedeng magbigay ng rason kung bakit.
- ung mga courses sa solair at surp at issi. hai hai. :)

3. Meron ka bang araw na wala kang break? Anung technique ang ginagawa mo para makakain ka?
- wala naman, lahat halos ng sem ko may breaks in between ng classes ko eh.

4. Alam mo ba kung saan ang Teletubby Land? [Yung totoo, bawal bumase sa pinagkuhanan ng survey na ito]
- yun yata ung daan papuntang math building? ewan ko eh. haha! :))

5. Nakakita ka na ba ng nagpi-PDA? Sa AS? As in sa AS Entrance? In Broad Daylight? In front of many people? Ikaw ba yung gumagawa nun?
- oo naman nakakita na ako! kahit sa classroom nga na may prof sa unahan eh. hahaha! at sa waiting shed, at sa library, at sa kung saan saan! ay, ako? hindi noh!


6. Naranasan mo na bang dumaan sa Beta Way? Kahit madilim na?
- oo. pati pag madilim na. :)

7. Alam mo ba na may 4th Floor ang FC?
- alam ko, pero creepy eh, kea dq inaakyat.

8. Within the UP Campus, ano na ang pinakamalayo mong nalakad?
- mula math building hanggang gym. sinundan ko ung ruta ng ikot, alam ko, tanga di ba?

9. Meal?
- anu daw? :P

10. Sa tingin mo, bakit concealed ang profs sa Math?
- para hindi matakasan ang voltes 5, powerpuff girls at power rangers. lol!

11. Nakakuha ka na ba ng Math prof na out-of-this-world?
- ung prof ko sa algebra. hindi pumapasok pero epal magpaexam, pwede na ba un?

12. Natatakot ka ba sa tumutunog na kuryente sa tabi ng EEE building?
- hindi eh. exciting nga eh!


13. Ilang individual libraries na ang napuntahan mo within Up Diliman? Isa-isahin.
- main lib, third world (AS), cal, cmc, psych lib (AVE), eng'g lib 2. :)

14. Nakanood ka na ba ng Oblation Run? At namukhaan na isa doon ay kaklase mo?
- hindi pa. at wala yata akong balak manood dahil may classes ako parati nun.

15. Nakakita ka na ba ng Atenean na nakatambay sa UP Campus? At naki-sit in sa klase niyo?
- oo naman! bf pa nga ng classmate ko eh.

16. Nakakita ka na ba ng artista na nag-aaral sa UP? Saan?
- oo naman! si mico aytonna, si carleen aguilar, si patricia ann roque, at iba pa. pakalat-kalat yang mga yan sa UP diliman eh.

17. Sa tingin mo, ano ang pinakamahirap na subject sa UP?
- math! pasabugin ang building at mga profs jan! grrr. :))

18. Alam mo ba na tumutunog ang Carillon?
- oo naman. :)

19. Nakapasok ka na ba sa College of Music? Kwento mo naman.
- oo, at creepy na maganda ang dating ng musika na nagagawa ng mga estudyante dun.


20. Nagpapic ka na kay Oble? Kung oo, confident ka ba na gagraduate ka?
- oo! kaya nga delayed na ako eh. hahahah! :P

21. May College Shirt ka ba? Anu design?
- meron. kada taon bumibili ako eh.

22. Naranasan mo na bang mag 1vs100 sa CRS?
- oo naman! nakukuha ko pa din naman eh.

23. Naglalaro ka ba ng Guess the Course/Spot that Freshie kapag wala kang magawa habang tumatambay sa AS? Isinasabay mo ba ang Girl/Boy Hunting sa larong ito?
- oo naman! at parating tumatama ako sa hula ko kung sino ang freshie. :) boy hunting? hindi eh. isa lang tinitignan ko e. :)

24. Nangungulekta ka ba ng Kule? Ano ang favorite section mo dito?
- dati, pero hindi na ako nakakuha nung iba eh. eksenang peyups ang paborito ko.

25. Sino ang pinakastriktong guard sa UP na nakilala mo? Yung hindi mo talaga matakasan na wala kang ID?
- wala. natatakasan ko sila pag ngumingiti ako eh. *tibay! :)

26. Nakukulangan ka pa ba sa ruta ng Ikot at Toki Jeep? Anung gusto mong ibahin sa ruta nito?
- oo! mejo. sana maabot na nila ang bagong bldgs sa likod ng math, para di na maglalakad! hahaha!

27. Natatakot ka ba sa mga tingin ng mga nangangampanya tuwing Elections? Bakit?
- hindi. :) wala lang.

28. May bura ka na ba sa Form 5 mo? Anu yon?
- wala pa. hindi ko sinusulat hanggang hindi final eh.

29. Nagkaprof ka na ba na laging wala sa klase tapos tinadtad kayo ng make-up classes sa end ng sem? Sino?
- hindi pa naman. mababait mga prof ko eh.

30. Alam mo ba kung saan ginagawa ang Blue Book? Gusto mo bang magventure sa business na ito?
- hindi eh. pwede din, tapos magtatayo ako ng tindahan sa UP. :)

Tuesday, September 30, 2008

answering personality and psychological exams and surveys

obvious naman di ba?

nag eenjoy lang talaga akong magsagot ng mga ganyan nowadays..

pang-unwind din kasi eh. :)

bumababaw na ang blog posts ko.

hahaha!

wala kasing time na gumawa ng mga mahahaba at informative sa ngayon.

mejo ngarag na ngarag kasi sa acads eh..

kea nag eenjoy muna ako :)


ps. paturo naman kung paano ung exchange links na iyon.

Monday, September 29, 2008

fucked up!

yea yea..
first day ng online enlistment.
at andito ako sa computer lab ng department para mag-encode ng napakahabang psychological test na requirement sa major..
haizst, hindi ko inexpect na ganito kahaba ito..

patay patay ako bukas..
hanggang 530 pa ako, ang dami dami gagawin..
at may make-up class pa..
nakakapagod at times ang buhay psych, infairness naman..

pero, pero, masaya naman..
nakakaenjoy, lalo na kapag personality ang pinapag-aralan..
marami pa akong concepts na hindi pa nadidiscuss dito..
sana magka-time na ng bongga para maipost ko na ung mga nasa drafts.

anyway, paalam for now, takas lang ito dito sa department, at spss lang talaga ang paalam ko. :)
ciao! :D


*2:45 P.M talaga ito.. ewan ko kung bakit late ang oras ng blogger.. haha! :))

Sunday, September 28, 2008

CONFESSION: I’m still in love with Barney.

I was really delighted when one of my closest friends gave me a Barney stuffed toy on my 18th birthday. That was my favorite, among all the jewelries, the bags, the shirts and everything; among all the gifts, it was just that Barney is a really big part of me. When I turned 7, an unknown visitor also gave me a Barney story book, and I fell in love with Barney ever since. Well, that was one thing in common with the two most beautiful days in my life: Barney.

The story was about Lotty, who was so afraid of moving in to another town, of going into a new school, of moving out, period. She was afraid of leaving the life that she’s been used to, of leaving the people she grew up with, of leaving behind the life she loved. And then one night, when Lotty cried herself to sleep, Barney came to life. He showed Lotty the new place that she’ll be living in, the new school, the new people she’ll meet, the new life she’ll live. He showed her the rainbow, and how happy life can be if she’ll just learn to accept the changes and just be contented with it. He showed her that you really don’t have to be afraid about life and the changes that come with it, because it’s quite normal, and change is the only constant thing in this world. And then when everything else fails, she still has Barney with her, Barney as her best friend. Just as she was about to hug him, her mother woke her up, and told her to go to her room and sleep because the next day would be a great day.

What’s so important with this story? CHANGES. I learned to be a bit stronger, and to hold on to life. Changes are constant; I just have to deal with it. And with whatever change that I have to deal with, I just remember I still have Barney, and he’ll never change, he’ll never leave. I want to be like Lotty at one point in time. Well at least at that certain point where, she got to experience how it is being a child.

Well, why do I hold on to childhood so much? Maybe because I never really experienced it, maybe because I never really felt it. I grew up living to the expectations of the people around me, living to prove to them how good I am, living to be the best that I can be so that I’ll never an option anymore. I was never really seen as the good child, I was the rebellious one, I’ll answer back if I need to, and I’ll disagree if I have to. I’m not that someone who’ll just accept everything, I always ask why or how come, and they hated me for it. I can never be as good as my younger sister, who’s everything that’s not me. This bitterness that I’m feeling inside was out of the bad memories that I had with my own extended family. During Christmas time, there was never an instance where I had more gifts than her. There was this one time where I only got one gift, she has five. My parents explained to me that it was just because I’m older, and I’m growing up, so I don’t need additional toys or dresses or bags. Later on, I realized that it was not really that way; I was just not the favorite one, I was just not the favorite niece. Then everything just came back to me, reminisced the memories, revisiting my past. And then there I was, crying myself to sleep because my aunt favored my younger sister over me. There I was, just staring at them when they were laughing and playing and telling stories. There I was, just looking at all the gifts that she got when I only have one. There I was, consoling myself when my auntie brought her to the school she graduated from and I was left alone with the yaya. Well, there was a never a time they were proud of me. I come home from school, bringing with me a white merit card, with a smile on my face, but for them it was just nothing. They never really appreciated it, they were never really proud of me. And what the hell are my parents doing when I was feeling down? Nothing, they never knew, because they would never understand. They’d just think na I’m just being inggit with whatever my sister has. So I strived harder to get everybody’s attention, at least to get my parents’ attention. I was never out of the honor list; it was consistent since kinder two up to high school. I was a Manila Science High School passer, and I even passed UPD out of luck. I knew my parents were proud of me, they even boasted it around with their high school and college friends. And as for some of my uncles and aunties? They will never be proud of me, I guess. After seeing me as a nobody, they now look at me as if I’m somebody who’s way too high for them to even talk to. It was hard, trying to get people from your family to like you, trying to get them to understand you. Fucking hard, I finally gave up.
I’m all grown-up now, and I have to deal with a lot of problems that would come my way in a year or two. I’ve stopped trying to get everybody’s attention, and just strived to make myself proud of me. That was a big change, a big leap of change. It was like moving out, moving away from the life that you are used to live, moving away from people that you’ve grown up with. And it was not difficult for me, because I needed and I wanted to see myself in a different light. I wanted to be seen as me, the imperfect me and not as somebody who’s just living up to their expectations, somebody who’s trying to be perfect for them. I don’t want to remain as an option; I want to be the choice. I need to get going and leave the bitterness behind.

And as for Barney? He will always be my stuffed toy to cry on, and I’ll always love him. I'll just wait for the day when he comes to life to give me my much needed hug.

Saturday, September 27, 2008

ako, bilang UP student

1.Student number: 2006 - 01061

2. College: College of Social Sciences and Philosophy (CSSP)

3. Course: BA Psychology

4. Nag-shift ka ba o na-kickout?: ito ang course ko from the start :)

5. Saan ka kumuha ng UPCAT: National Engineering Center (may part kaya un kung bakit linked ako sa eng'g majors? haha! :D)

6. Favorite GE Subject: Philo 11, Soc Sci 3

7. Favorite PE: Streetdance! Touch Rugby! :)

8. Saan ka nag-aabang ng hot girls/boys sa UP?: sa Gym.. lahat ng hot members ng UP Streetdance Club, andun! pati ung hottest among the hottest members ng men's basketball team! :)

9. Favorite Prof/s: Sir Yacat, Sir Eric, Sir Jerome, Ma'am Margie

10. Pinaka-ayaw na GE subject: KAS 2! MBB 1!

11. Kumuha ka ba ng Wed or Sat classes?: Wed classes, oo. Saturday, hindi. :)

12. Nakapag-field trip ka ba? Yup, tagaytay for my Geog 1 class! yay! :))

13. Naging College Scholar (CS) or University Scholar (US) ka ba sa UP? NEVER! may plano ako, pero hindi pa nasasakatuparan!

14. Ano ang Org/Frat/Soro mo? : madami eh.. UP Kalipunan para sa Agham Panlipunan at Pilosopiyang Pilipino, DZUP Radio Circle, UP Children's Rights Advocates League, and hopefully, maging member ng UP BUkluran sa Sikolohiyang Pilipino :)

15. Saan ka tumatambay parati? sa Third World Library, sa tambayan ng KAPPP, sa DZUP station, or sa Tambuk. :)

16. Dorm, boarding house or bahay? Bahay.

17. Kung walang UPCAT at malaya kang makakapili ng course, anong pipiliin mo? Psych :) mahal ko ito eh. :D

18. Sino ang pinaka-una mong nakilala sa UP? si Bea. :) katabi ko xa sa orientation, at friends pa din kami gang ngayon. :)

19. First play na napanood mo sa UP? As You Like it. :)

20. Name the 5 most conyo orgs in UP: oooooohhhhh... :) wag na lang, away ito eh!

21. Name 5 of the coolest orgs/frat/soro in UP: ung orgs ko? bias eh :)

22. May frat/soro ba na nagrecruit sa iyo?: Meron, i turned every invi down. :)

23. Saan ka madalas maglunch? CASAA, o minsan, hindi na lang naglulunch!

24. Masaya ba sa UP? HINDI! SUPER SA MEGA ANG SAYA!

25. Nakasama ka na ba sa rally? Yup. Ni-require ng prof eh!

26. Ilang beses ka bumoto sa Student Council? 2 times pa lang :)

27. Name at least five leftist groups in UP: ai, masama mag-name drop :)

28. Pinangarap mo rin bang mag-laude nung freshman ka? OO naman, pero wala na eh. sinira ng math ang buhay ko. :((

29. Kanino ka pinaka-patay na patay sa UP? kay UP Streetdance member.. ssshhh.. :)

30. Kung di ka UP, anong school ka? wala, pinangako ko sa sarili ko na kung hindi ako papasa ng UP, hindi na ako mag-aaral. good thing, pumasa ako! hahaha! :))


-- the survey made me realize a lot of things..
and really, i love UP to the highest level :) --

Thursday, September 25, 2008

pakawalan ang pakawala

sabi nila, para madali mo daw makalimutan ang mga bagay bagay, ilabas mo ung nararamdaman mong sama ng loob ukol dun.
at iyon ang gagawin ko sa mga kasunod na posts na mababasa ninyo.
pero siyempre, hindi ko papangalanan kung sino ang tinutukoy ko.
sana pagkatapos ng hakbang na ito ay tuluyan ko nang maitapon ang pait ng kahapon ko.
at matutunan ko nang mamuhay ng masaya, at maligaya.

HATE#1
lakambining social climber
yea yea, i know itatanggi mo yan, pero tangina mo, magaling ka masyado.
may pabest friend-best friend ka pang nalalaman jan, pagkatapos mong makasama at makapasok sa sikat na barkada ay nilaglag mo kami. nilaglag mo ako.
kami, ako na sumalo sa iyo nung panahon na ginagago ka ng mga tao na iyon.
nung panahon na nilalait ka dahil payatot ka at kulot pa.
baka nakakalimutan mo, isa ka din sa mga dating tinapak-tapakan. isa ka sa mga dating pinagtatawanan. isa ka sa mga kinukutya. at isa ka sa amin na galit sa kanila.
at hindi dahil one of them ka na ay in na in ka na talaga.
salamat sa pagpapahiya mo sa akin sa buong batch natin, sa harap ng lahat ng mga kaklase nating babae nung retreat. salamat sa pagpapaiyak mo sa akin ng mangilang beses.
salamat sa pag-prove mo sa akin, na kapag basura ka, basura ka na talaga, hindi na dapat pulutin pa. at ang lahat ng pinagsamahan natin ay basura na sa akin ngayon.
salamat sa lahat ng kaplastikan mo.
hindi ako galit sau dahil nilaglag mo ako, o kami.
galit ako itinanggi mo kami, galit ako dahil itinaboy mo ako.
akala ko all those two years na magkasama tayo, na nag-uusap tayo, nakilala mo na ako. nakilala mo na ang tunay na ugali ko.
hindi ba nga, madami tayong similarities, kaya nga-click tayo as very close friends?
hindi man ako naging parte ng sikat na barkadang kinabilangan mo na, sasabihin ko lang sa iyo, na isa ako sa mga naging tunay na kaibigan mo. dahil ako ung kasama mo nung panahon na wala kang makasama, nung panahon na wala kang kakampi, nung panahon na wala kang matakbuhan. at iyan ang isa sa mga dahilan kung bakit kasumpa-sumpa ka.
dahil ni hindi mo nagawang pahalagahan ung pagkakaibigan na iyon.
inaksaya mo ung dalawang taon ko, inaksaya mo ung pagkakaibigan na inoffer ko sa iyo. inaksaya mo lahat ng effort ko para ipagtanggol ka.
but still, at the end of it all, IT WAS NOT MY LOST, IT'S YOURS.
nung tinalikuran mo ako, tinapos mo na ang pagkakaibigan natin, at ngayon, after 3 years, tutuldukan ko na iyon, at hindi na babalikan pa. kung gaano ka-angelic ang mukha mo, ganun naman kasama ang ugali mo. salamat ng marami talaga.
and don't dare play the song "i will be here" again, coz you were never there.


HATE#2
cardinal chismosa at warrior inggitera
mag-join forces pa kayo. fuck you both!
pag walang ginagawa sa inyo ang tao, patahimikin ninyo na.
pasensiya kang inggitera ka kung galing ako ng public school at nakapasok ako sa top, at nakapasok ako sa honors. to tell you straight, i deserve it. dahil pinaghirapan ko un.
pareho naman kayo eh, plastic. pag nakaharap kala mo kung sinong okay, pag talikod, kung ano ano na ang sasabihin ninyo. i don't give a damn. nabuhay naman ako ng four years nung high school na nasa paligid ko kayo. at nung nagcollege na nawala kayo sa sirkulasyon ng buhay ko, im more than happy, as in.
kahit kailan, hindi ko kayo nakita as mabubuting mga nilalang, dahil kahit kailan naman hindi ninyo ako pinakitaan ng kabutihan ninyo.
buti na lang, nagawa kong i-prove ang sarili ko sa inyo.
at kung nasaan man ako ngayon, bunga ito ng paghihirap ko.
and oh, i can hear you girls saying:
"ano? si Celliza? eh di ba galing public un? paano siyang nakapasok sa UP?"
well, its for you to find out. fuck off!


Hate#3
magkano ka ba? bayad ka yata eh!
and for you pulgas aso? a big big whatever!
salamat sa lahat ng pangmamaliit. sa lahat ng panglalait.
sa lahat ng mga efforts mo to put me down, but well, look at me now, nasan ba ako?
mas mataas na ang kinalalagyan ko sa iyo.
hindi ko alam kung bakit ayaw na ayaw mo sa akin. well, ayaw na ayaw ko din naman sa iyo. dahil hindi ka patas. dahil may favoritism ka. dahil obvious na obvious ang pinapaboran mo ay ang katunggali ko, at hindi ako.
hindi ko alam kung bakit ang init ng dugo mo sa akin.
wala naman akong ginawang mali.
napakita ko naman sa iyo na mabuti akong estudyante, at kaya kong dalhin ang sarili ko.
eh ikaw? marami kang batas na ibinibigay. na ikaw mismo ang hindi sumusunod.
marami kang pinapagawa, na labas na sa mga dapat mong ipagawa bilang teacher namin.
at bilang isang mataas na pinuno, dapat pantay ang tingin mo sa lahat.
nabayaran ka nga ba kaya hindi mo pinayagan na buksan ang records ng kalaban ko?
dahil alam mo naman na mas mataas ang grades ko sa kanya.
magkano ka nga ba?





..to be continued..

Wednesday, September 24, 2008

updates updates coming soon!

WOW, atleast i got some more free time to squeeze in this short post.

for those who've been visiting my blog religiously (as if there were any), i'm sorry i still haven't posted anything new yet.

got lots of blog entries waiting to be edited and posted.

still effin busy with fucking school stuffs and practicum thingies.

i might update my blog two weeks from now.

which would obviously be our semestral break already.

and of course now, i could squeeze in some stories.

and rants. :)

i had my final interview awhile ago, and i kinda sucked at it.

i have to pass the org profile first thing tomorrow morning.

i have to submit my socio 101 second exam tomorrow, which i barely started yet.

gotta go to masscom at 1pm to get my new dzup shirt.

we have a coverage for the moa signing between up cmc and abs-cbn on saturday.

i have loads of stuffs to finish by the weekend.

and oh, exams are scheduled already next week.

i do hope i can get a life after this.

i just wanna fly away. haha!

ciao for now, time to hit the sack. :)

Monday, September 15, 2008

geog camp! :)

when words are not enough to describe the feelings, let the pictures do it!
geography camp 08. august 30-31, 2008
*yea yea, pictures are half-a month late! but well, special thanks to KUYA KHAIL for the cds of geog camp pics. :D

other pics at my multiply site, anyway.
www.lichaii.multiply.com






Sunday, September 14, 2008

KAMPO TREXO : SAMAHANG SINGTINGKAD NG ARAW!

“Soleil, soleil, soleil, soleil.. we are hot, hot, hot! Soleil’s hot, hot, hot!”

Ika-30 ng Agosto, taong 2008. Alas singko kuwarenta’y singko ng umaga. Palma Hall Steps. UP Diliman. Limang bus. Mahigit labinlimang facilitator. Isang propesora. Apat na pangkat. Mahigit isang daang estudyante. Taunang Geography Camp ng Junior Philippine Geographic Society.

Kaba. Takot. Alinlangan. Pagkasabik. Halo-halong emosyon. Unang pagkakataon kong sasama sa isang outdoor camp. Hanggang sa eskwelahan ko lamang nung high school ako nakatulog nung girl scout pa lang ako. At ang matindi pa doon, takot, dahil unang beses kong sasama sa isang overnight na hindi ko naman talaga ganoon ka-close ang mga kasama ko. Iilang buwan pa lamang kaming magkakaklase. Iilan lamang din sa kanila ang nakakausap ko talaga, mabibilang sa isang kamay. Paano akong tatagal sa isang lugar na alangan ako kung talaga ngang makakasundo ko ang karamihan sa mga makakasama ko?

Ala-sais y medya. Bumukas na makina. Malakas na buga ng aircon. Maingay na mga estudyante. Nagkakagulo sa upuan. Nagsisimulang mag-usap. Nagkahiwa-hiwalay ang mga magkakaklase. Nakitabi sa mga taga-ibang pangkat. “Attendance na!” sigaw ng facilitator. “Wala pa si Tin!” sigaw ng isa. “Akala ko ba five forty-five ang alis?” sigaw ng iba pa. “Hindi nakakasend ang Globe!” buntong hininga ko. Badtrip, paano naman ako magtetext sa mama ko? Paano naman ako magtetext sa boyfriend ko? Mag-aalala sila. Wala akong makakausap. Hindi ko kaklase ang katabi ko. Ni hindi ko siya kilala. Paano ito? Buntong hininga na lamang ulit.

Lampas ala-siyete. Paalis na bus. Tahimik na mga tao. Nakaupo na ang lahat. Nagsasalita ang facilitator. Magdadasal na daw. Iniwan na ang mga nahuling dumating. Paalam pansamantala sa Maynila. “Hindi pa din ako makasend, Mel, nakakatext ka ba?” tanong ko sa kaklase at orgmate ko na nasa may unahan ko. “Hindi pa din ate eh, ikaw ate Ionee?” baling ni Mel kay Ionee na nasa unahan ko din. “Hindi din eh, hindi ako makakapagtext kay nanay.” sagot ni Ionee. Aanim lamang ang kakilala at kabiruan at nakakausap kong kaklase. Dalawa pa roon ang hindi sumama. Apat lang kami, nasa may unahan kami nila Mel, at napunta sa likod si Kim, mag-isa. Swerte na din ako at nakasama ko sa lugar sina Mel, mas lalong hindi yata ako magiging okay kung nasa likod ako at mag-isa. Nasa Katipunan na ang bus. Nakatapos na din magdasal para sa isang ligtas na biyahe. Badtrip pa din ako dahil hindi pa din ako nakakasend. “Uy, dadaan pala tayo sa amin!” napabulalas na lang ako kina Mel at Ionee. “Sige, ituro mo sa amin ah!” balik sagot ni Ionee. “Ate Elliz, paano ba mag-unli sa smart?” tanong ni Mel. “Send 15 to 258, Mel.” Wala sa loob na sagot ko. Walang load ang smart ko, paano ako magtetext nito? Ni hindi pa alam nila mama na umalis na kami. “Ayun oh, ayun, dun kami nakatira, sa green na gate!” turo ko sa kaliwang parte ng kalsada. “Ai, anlapit lang pala!” sabi ni Ionee. Pagkaraan sa amin ay tuloy- tuloy na ang pagturo ko. Dumaan kasi kami sa paaralan ko nung high school, at nung elementarya. Alam na alam ko daw ang dinadaanan namin, siyempre naman, lugar ko na iyon eh! Doon ako lumaki, at aasahan naman na kapag kinalakihan mo, alam na alam mo ang lugar. Pagkalabas ng Expressway ay tahimik na kami. Sa sobrang aga ng oras na sinabing aalis kami ay nakatulog na ang halos lahat sa antok. Mangilan-ngilan lamang ang talagang nag-uusap at nagkukuwentuhan. Nahihinuha kong hindi pa ganoon kalalim ang lebel ng disclosure ng ilan. Malamang sa malamang ay mga bagay na may kinalaman sa pag-aaral ang pinag-uusapan nila. Umidlip na din ako. Inaantok ako dahil hindi ako nakatulog ng mahaba, at pagod pa ako nung nakaraang gabi. Makakaya ko kayang tumagal dun? Kailangang makitungo ng maayos.

Expressway. KFC. Jollibee. Starbucks. Agahan. Lampas alas-otso. Maingay na ulit. Ginising ako ni Ionee. Bumaba ang lahat para bumili ng pagkain. Marami nang gutom. Hinintay ako nila Ionee sa labas ng bus, pati si Kim, hinintay namin. Ang hirap mag-isip kung saan kami bibili ng pagkain. Hindi pare-pareho ang gusto namin, pero sa huli ay nagkasundo na ding sa KFC na lamang bumili. Pumila na kami, magkasunod kami ni Ionee sa pila, habang dahil sa tagal nila Mel galing sa palikuran ay nasa may likod na sila ng pila umabot. Umorder ako ng pang-almusal at pangtanghalian. Hindi daw kasi kasama sa binayaran naming ang tanghalian. Tumulad si Ionee sa order ko. Iba ang order ni Mel, at almusal lamang ang binili ni Kim. Magkakasabay kaming bumalik sa bus, at kumain. Sinubukan kong magtext, at sa wakas! Nakasend na din ako. Natext ko na si mama, at si Josh. 

Nagbalik ang ulirat ko dahil sa muling pag-ingay ng paligid. Nasa Tagaytay na kami, at nag-stop over kami para maglecture sandali si Ma’am Nantes. Wala akong gaanong naintindihan. Ninamnam ko lang ang ganda ng paligid na huli ko yatang napuntahan limang taon na ang nakaraan. Nagkuhanan ng litrato pagkatapos ng lecture. Minalas ako dahil sira ang camera ko. Nagkulitan na lamang kami nila Kim, at nagkuhanan ng litrato sa cellphone nila. Pagbalik naming sa bus ay malapit na daw kami sa Kampo Trexo. Hindi na kami nakatulog ulit. Nagkwentuhan na lamang ang mga tao. Oo nga pala, magkakaklase ang mga kasama naming sa bus, labingdalawa lamang kami na galing sa klase namin. Mahirap makitungo at makipag-usap pag ganun. Hindi ako gaanong nasasakyan ng katabi ko. Madaldal ako, pero hindi ko siya madaldal dahil alangan un para sa akin. Hindi ko naman siya kilala, at lalaki siya kaya hindi ako makaisip ng topic na maaari naming pagusapan.

Ang malapit ay malayo pa pala. Lampas trenta minuto din ang paglalakbay papunta sa Kampo Trexo. Nasabik ang halos lahat nang lumapit na sa gate ng kampo. Nag-ayos na ng gamit, at tumayo na. Nang pinayagan na kaming bumaba ay namangha kami sa katahimikan ng paligid. Tamang-tama nga naman talaga ang lugar na iyon. Lumakad na kami papasok nang makababa na si Kim. Pagdating doon ay saka ko lamang nalaman na yellow team pala kami ng buong klase ko. Ay, puro pulang damit ang dala ko! Sa ilang minutong paghihintay ay ilang beses kong narinig na tinawag nila akong “classmate,” dahil hindi nila alam ang pangalan ko. Tinawag na kami ng mga facilitator at sinabi na pagkatapos ng pag-welcome sa amin ay sasabihin na nila kung sino ang makakasama namin sa tent. Takot ko lang, sana sina Ionee na lang ang kasama ko. Dahil mahirap na muling magsimula na makitungo.

Pero hindi pa pala doon natatapos ang takot ko. Oo nga pala, hindi ko pa din nakausap ang lahat ng mga kaklase ko. At dito na tiyak magsisimula ang exposure trip ko! Isa itong adventure na sana ay ikatuwa ko ang kalalabasan! 

Nametags. Dilaw na panyo. Team leader. Pintura. Group cheer. Tatlumpung minuto. Simula ng pakikipagkilala. Simula ng pakikitungo at pakikisalamuha. Gagawa daw ng team cheer. Gagawa daw ng flag. Nagtatanungan ng pangalan. Nagtatawanan sa mga nakakabaliw na ideya ng bawat isa na nagsasalita para paunlarin ang diskusiyon. Sa wakas, Soleil ang pangalan ng pangkat. Singtingkad ng araw ang kulay ng grupo. Hot daw kami, wala na kasing maisip na dahilan. Si Yuri ang gumawa ng flag. Nagconceptualize ng cheer kaming natira. May sayaw, may kakanta, parang tribo lang ah! Tapos na ang tatlumpong minuto. Magkakakilala na ang halos lahat. Nag-uusap na at nagtatawanan. May ibang nagkakahiyaan. Una ang Soleil. Nagcheer. Nagpakitang gilas. Napangiti ang lahat. Pag-upo, nagtinginan. May koneksiyon na.

Pagkatapos ng lahat ay sinabi na ang tent assignments. Napunta ako sa tent number 19, kasama sina Amanda, Erika at Ara. Mga kaklase ko nga sila, pero ni hindi ko alam na andun pala sila sa klase namin. Sayang, sana sina Ionee na lang. Pagkatapos mag-ayos ng gamit sa tent ay naghanda na para magtanghalian. Umupo kami sa iisang mesa at nagsimula nang kumain, marahan, nagkakahiyaan. Kailangan ng babangka, para masimulan ang usapan. Nagsalita ang team leader, maghahati daw sa apat na mas maliit pang pangkat. Nagbilangan. Nagkakilanlan ang magkakagrupo. Dun nagsimula ang usapan. Kung paanong si ganito ay konektado kay ganyan, at si ganyan ay konektado kay ganoon. Ganun daw kapag una mo pa lamang nakilala at nakasama, humahanap ka ng common ground ninyo, ng pupuwedeng magkonekta sa inyo na may matibay na hawak.

Nagsimula ang mga aktibidad. Group games. Tinamaan ako ng malas. Natapilok ako. Namamaga ang paa ko. Nag-alala ang mga ka-grupo ko. Nangambang hindi na ako makakasali sa ibang aktibidad. Nag-alala din ang mga facilitator. May tumakbo para kumuha ng yelo. May nag-alalay. Kamuntik pa akong buhatin. Pagtulong. Tinatanong nila kung okay lang ako. May nagsabing wala lang daw iyon at wag ko nang isipin dahil kaya ko naman. Hindi naman daw iyon gaanong sasakit. Nasa isip lamang daw iyon. Okay, sabi ko. Iisipin ko na lamang na hindi iyon sasakit. Iisipin ko na lamang na walang nangyari. Pagdating ng yelo, tumuloy na ako sa aktibidad. Kaya ko nga naman, sabi ko sa sarili ko. Hinabilinan pa akong magpahinga muna sandali kung biglang kikirot ang paa ko. Amazing race. Wall climbing. Rapelling. Zip line. Natapos ko pa ang lahat ng pisikal na aktibidad. Nakitakbo ako sa kanila, hindi ko pwedeng iwanan ang grupo ko sa ere. Pinagpawisan. Napagod. Nakibagay.

Huling aktibidad. GPS reading. Compass reading. Madali lamang ang magbasa ng direksiyon gamit ang kompas. Pero hindi ko naintindihan ang pag-gamit nung GPS na iyon. Parang ipinahiram lang sa amin, at bahala na kami tumuklas ng paraan ng pag-gamit. Bahala na. Tiyak namang hindi iyon ipapagamit sa orienteering kinabukasan. Gutom na kami. Wala nang pakialam sa ibang itinuturo. Hindi naman namin naiintindihan na.

Pagod. Mabaho. Ngarag. Kailangan na ng ligo. Pero mahaba pa ang pila. Sige, nauna na sila. Ang pangkat naming ay tuloy pa din sa kwentuhan at tawanan. Halakhakan at hagikgikan. May presentasyon pa pala kinagabihan. Tulong tulong sa pag-iisip. Kumain muna kami. Tapos naligo. Ayan, fresh na. Balik sa pagpaplano. Naging panatag na ang mga tao sa isa’t isa. Nakikibagay na sa gusting konsepto ng presentasyon. Ang iba, sige lang ng sige. Bahala na, kaya yan. Kakayanin naman yan, dahil magkakasama eh. Nawala na ang pagka-alangan ko sa kanila. Ok na ako na hindi gumagamit ng cellphone. Na hindi nagtetext at naghahanap ng kausap. May nakakausap na ako. Nakakasundo ko na sila kahit papaano.

Presentasyon. Kanta. Sayaw. Tawa. Kalokohan. Kung ano-ano na lang. Wala yatang nakagawa ng maayos na presentasyon. Pero ang napansin ko sa lahat, naguusap na. Wala nang dead air. Wala nang blank spaces and pauses. Ok na sila. Ok na ang lahat. Maging ang mga facilitator ay naki-kanta. Nakitawa. Nakisabay at nakigaya sa pang-ookray. Masaya ang gabi. Maraming natutunan. Alas-onse. Lights off na daw. Nasa tent na ako. Katabi ko si Erika. Andun na din sina Amanda at Ara. Wala kaming mapagkwentuhan. Nasa ikalawang antas pa lamang sila. Iba-iba din ang kurso. Pero ang maganda dun, panatag nang makakatulog sa tabi ng isa’t isa. Lumabas ako ng tent. Nakasalubong ko ung isang facilitator. “Ok na ba ang paa mo?” nakangiting tanong niya. “Oo, salamat sa pag-aalala.” Nakangiti ring tugon ko. “Uy, concern!” pang-aasar ng ilang kagrupo ko. Napangiti na lang ako, at bumalik na sa tent. Bago matulog, nagpunta sa bawat tent si Ionee, nag-good night sa aming lahat. Dahil daw wala siya sa bahay nang weekend na iyon ay kami ang igu-good night niya. Ganoon daw kasi siya sa bahay nila. Ang mga Pilipino nga naman, sadyang malambing, at malapit sa pamilya.

Matutulog na ako. Gising pa ang iba sa kanila. Nagkukuwentuhan pa. Nagkakakilanlan nang lubos. Maaga pa kinabukasan. Kailangan ng enerhiya para sa orienteering. Tulog na ang mga kasama ko. May kumakatok sa tent. May facilitator, nakikiusap, baka pwede daw sa amin muna si Yuri dahil nilanggam ang tent nila. Maliit na ung tent. Pero sige, kesa naman walang tulugan si Yuri. Nakapuwesto na ang lahat. Tulugan na talaga!

Malamig na hangin. Huni ng ibon. Sinag ng araw. Oo, umaga na nga. Nagising ako. Gising na ang halos lahat. Ang iba, hindi natulog. Naaliw yata sa kwentuhan nila. Mag-aayos na. mag-aagahan na kasi. Mistulang bangag ang iba. Isa na ako dun. Hindi ako sanay magising ng maaga. Pero sige, alang alang sa geog camp. At nakakahiya namang maiwan ako sa higaan. Kakain na. almusal. Sabay sabay ang lahat. Nasa iisang mesa. Nagtitinginan. Oo nga, bangag nga. Ang mga maingay ay natahimik. Ang mga tahimik ay mas lalong nanahimik. Maghintay pa ng kaunti. Iingay na muli iyan. Pagtapos ng agahan. Tinawag na ang lahat. Magsisimula na ang orienteering. At magiging isang buong grupo na muli ang Soleil. May humawak ng kompas. May humawak ng mapa. Kailangang manalo.

Malakas na pito. Takbo dito, takbo doon. Turo ng kompas dito, turo ng kompas doon. Nagkamali ang Soleil. Sisihan ang nagaganap. Kasalanan ni ganito, kasalanan ni ganyan. Ni hindi inako ang pagkakamali. Buti na lamang, may naglakas loob na manguna at mamuno. Naayos ang mga dapat ayusin. Nagkasigawan. Nagkasisihan. Nagpaikot ikot. Naligaw. Nawala. Pero sabay sabay na nakabalik. Magkakasamang nakabalik. Hindi kami nanalo. Pero napatunayan ang samahan kahit sa ganung kaliit na paraan.

Pahinga. War games daw ang kasunod. Hinati ang lahat ng grupo. Napunta kami sa iba’t ibang pangkat. Kagrupo ang mga mula sa pangkat ng ibang seksiyon. Tumahimik muli. Makikisama na naman. Pero isang laro lang. Pagbigyan na. Batuhan ng plastic na may tubig. Pag nabasa ang flag, out na. Ok, game. Nanalo ang grupo namin. Lahat ng papuri papunta sa team. Paano kaya kung natalo? Sisihan din kaya ang mangyayari? Naligo na ang lahat pagtapos noon. Kumain ng tanghalian. At naghandang umalis.

Kaba. Takot. Alinlangan. Iyan nung simula. Lungkot. Panghihinayang. Sana maulit pa. Sana mas matagal pa. Iyan na nung huli. Masaya ang Geog Camp. Nasiyahan akong kasama ang mga taong akala ko ay ni hindi ko makakausap. Umabot nga siguro kami sa antas ng pakikisama, kung hindi man sa pakikipagpalagayang-loob. Dahil napasaya at tunay na na-enjoy namin ang dalawang araw na iyon. Sulit ang lahat ng panahon na tahimik ang iba. Dahil nung huli, lahat ay halos ayaw na munang umuwi. O kung hindi man ay ayaw magpaawat sa kwentuhan. Ang nabuong samahan ng Soleil sa Kampo Trexo, tunay na naging singtingkad nga ng araw!


RANCES, Celliza Marrie D.
BA Psychology