another affected much post..
you can click away anyway :))
haha, wala lang outlet, kasi kung andun ako, supalpal si joe at shey (kahit pa super like ko si shey before, na-BV ako sa kanya kanina)
at nakakawindang si mikee lee, wala siyang punto. okay na sana sa mga simulang arguments, pero habang tumatagal, nakakahiya na lang na pinagtatanggol niya ang pinoy housemates.
yung dj, parang napadpad lang dun out of nowhere. sana man lang, hindi shallow ang mga points na sinasagot nila.
maikling analysis lang.
super bumilib ako kay ryan at sa iba pang teenters, dahil inaamin nila na mas masipag at mas disiplinado ang mga pinoy kesa sa kanila. atleast, they know how to give credit when it's due db? unlike the pinoys, who never actually admitted na mas may leadership skills at mas nakapagpapasaya ang mga teenters kesa sa kanila.
baliko ang katwiran ni Mikee. yun lang, nakakawindang talaga siya, naturingang.. ehem.
ang taong burara ay kitang kitang hindi masipag. duh, kung masipag ka, nakaligpit ang lahat ng mga gamit mo. kei? at kung disiplinado ka, dapat sinusunod mo ang lahat ng rules. kung disiplinado ang pinoy housemates simula pa lang, bakit ang daming napatawan ng force eviction sa kanila? yung pagtsitsismisan, yung hindi pagsunod sa rule book, yun ba ang pagiging disiplinado? please naman, shey joe mikee and all the other 3 na nasa pinoy team kanina, sana man lang sinabi ninyo ang totoo. hindi yung pinagtanggol ninyo ang pinoys eh wala naman sa punto.
people from the pinoy team may have stated that mas nakakarelate daw ang viewers sa mga pinoy na nasa loob. yes, nakakarelate kami, dahil pilipino kami. pero bukod dun, wala na. may joe ang pinoy housemates? excuse me, unlike joe, never na pinaglaruan ni ryan ang kapwa housemate niya. he never made fun of them. hindi siya nagpapatawa in the expense of his other housemates. remember that racism rap thing ni joe against kay bret? na super ikinasaya ng mga kapwa niya pinoy housemates? na hindi pinalabas sa tv dahil malamang, nahihiya si big brother sa inasal ng PINOY housemate niya. eh how about the most talked about spin the bottle thing? na sinuspend pa ng big brother ang live stream ng isang kakilala ko dahil sa pagrerecord niya ng spin the bottle episode na iyon, na ang nagpasimula ay, si joe, na again, ay isang pinoy housemate. yun ba ang disiplinado na sinasabi nila kanina? tama nga naman ang nasa team pinoy eh, kung disiplina lang din ang pag-uusapan, hindi ba dapat lahat ng aspeto ang titignan? hindi lang wake up call or pagbangon on time etc, pero lahat ng ginagawa dapat na nangangailangan ng disiplina, and with that, sa pinoy housemates pa din magbabackfire ito, dahil mas maraming nagawang kalokohan at kagaguhan ang pinoy housemates kumpara sa teenters.
oo nga joe, mas matagal kayo. eh ano naman kung mas matagal? tama si richard, it's not measured by the duration of your stay inside the house, it's what you did inside the house that matters. yung teenters, yes, late na silang pumasok. fine, sugatan na kayo by that time, pero kung talagang pinoy kayo, you'd still be able to fight as if hindi kayo nasaktan, nasugatan at napagod. that's what we pinoys are known for, right? not giving up, fighting until the very end, giving your best everytime. yun ang pinoy. and that's what the teenters showed us. tama yung isang taga-up debsoc, kung being pinoy by blood lang ang basehan ninyo kung bakit pinoy ang dapat maging big winner, ang babaw ng basis ninyo. so, para ninyo na ring sinabi, na dapat ay maging proud pa din tayo sa mga pinoy na nasa ibang bansa na minamata ang kapwa nila pinoy. hindi ba, nung lumabas yung isyu tungkol sa isang writer na nangmata ng kapwa pinoy niya eh andaming nag-react? na kesyo hindi daw siya pinoy, etc etc. eh si joe, pinoy pa bang maituturing? pagkatapos ng racism rap niya against bret? yung mga pinoy housemates na binabackstab ang kapwa nila housemates? gawain ba ng pinoy yun?? ano ito, double standards?
wag tayong parating papasok, let's acknowledge din naman ang mga naipakita ng mga teenternationals, na hindi man natin kalahi o hindi man purong pinoy ay nagpakita at nanindigan na parang isang tunay na pinoy. hindi lang dapat sa panlabas na anyo, o sa dugo, dahil being filipino is not skin deep lang dapat, hindi dapat ganun ka-shallow yung tingin natin. ang pagiging pinoy ay nasa isip, gawa, salita at nasa puso. wag natin tignan ang pagiging pinoy nang ganun-ganun lang. dahil tandaan natin, marami tayong mga kababayan na kinaiinisan natin dahil hindi sila nagpapaka-pinoy. so dapat, i-appreciate natin ang mga hindi natin kalahi na mas nagpapakita ng mga traits at characteristics ng pagiging pinoy. oo, pinoy big brother. pero let's put into consideration those teenternational housemates who showed the world who / what a real pinoy is. isang reality show ang pbb, at dapat hindi lang tayo parating nanonood, sana, nakikita din natin kung ano ang mga mali, at wag na nating gayahin. lalo na yung balikong katwiran na dapat pinoy ang manalo dahil pinoy big brother. oh goodness gracious. let us all be rational and critical. hindi lahat ng pinoy ay nagpakapinoy, at hindi lahat ng hindi pinoy ay nagpakita ng masamang pag-uugali at pananaw. yun lang :)
ayan, pasensiya na. affected much talaga.
sobrang SP-related kasi niya. hindi kasi lahat ng pinoy, most especially yung mga natira na sina Ivan, Devon at Fretzie ay sumalamin sa tunay na kabataang Pinoy. yung tipong mas nakarelate pa ako kay Ryan, kay Ann Li, kay Bret, kay Jeni. kasi, mas nakita ko sa kanila yung pagmamahal para sa bayan, yung paggalang sa kapwa nila, yung pagpapakumbaba, yung pagsisikap. na hindi ko nakita sa mga pinoy housemates. di ba, dapat pinagmamalaki natin ang mga traits na nagseset apart sa atin - mga pinoy, sa mga ibang lahi? pero sa show na ito, mas lumutang yung mga katangian ng pagka-pinoy sa mga teenternationals. so i really can't help but react.
pero, siyempre, in the end, tayo pa ding mga manonood ang pipili ng big 6 natin, so sana, pairalin natin yung puso sa pagpili, hindi lang kung ano yung nakikita ng mata sa physical appearance ng mga housemates, kungdi sa kung paano din sila nakisama, nakisalamuha sa loob ng pbb house.(sa dulo, pera pera lang din yan, pero sana, manalo pa din kung sino yung talagang deserving, kung sino yung nagpakatotoo, at kung sino yung mas sumalamin sa tunay na buhay ng mga kabataang Pilipino)
LIKE YEAH, AGAIN, AFFECTED MUCH.
(gusto ko nang i-litson si joe, as in! x.X)
ako. ako. ako.
- elliz
- Pasig City, National Capital Region, Philippines
- ako si elliz. 20 taong gulang. nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. kumukuha ng Batsilyer ng Sining sa Sikolohiya, sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. tao. may ISIP. may puso. humihinga. BUHAY.
Sunday, June 13, 2010
Subscribe to:
Posts (Atom)