ako. ako. ako.

My photo
Pasig City, National Capital Region, Philippines
ako si elliz. 20 taong gulang. nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. kumukuha ng Batsilyer ng Sining sa Sikolohiya, sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. tao. may ISIP. may puso. humihinga. BUHAY.

Sunday, March 29, 2009

this, too, shall pass

been super busy, with acad stuffs to be exact.
all the final papers were to be submitted on monday.
and the fact doesn't make me happy at any rate.
we were literally cramming for everything.
hapit kung hapit sa paggawa ng papel.

nakakapagod ang pagdaan ng bawat araw sa buhay ko.
bukod sa katotohanan na marami talagang requirements..
ang dami pa ng ibang mga bagay na dapat kong pagtuunan ng pansin..

nalalapit na naman ang summer classes.
ang tiyak na patayan ako sa summer dahil kinakailangan ko nang matapos ang kemistri ko nang sa gayon ay makatuloy na ako sa biology.
ang nalalapit na graduation ng mga malalapit kong kaibigan, na nangangahulugang maiiwanan na sa aming mga kamay ang mga organisasyong pinamunuan nila.
ang mga bagong responsibilidad na tinanggapo ko, sa pag-iisip na kakayanin kong hawakan ang lahat ng iyon.
hindi ko sinasabing wala akong tiwala sa sarili ko, ang kaso lamang ay ayokong mapahiya sa mga alumni ng orgs ko, at siyempre, ayokong biguin ang mga orgmates ko na nagtiwala sa akin at sa kakayahan ko na magagampanan ko ang tungkulin na tinakbuhan ko.

dagdag din sa mga iniisip ko ang mga slatemates ko..
sobrang napalapit kami sa isa't isa kaya masakit pa rin sa akin ung thought na hindi ko sila makakasama at makakatrabaho ng isang buong taon..
hindi ko alam, pero siguro, pinaasa ko ung sarili ko na makakasama ko sila sa mga sem plannings at outings at council activities, etc.
masakit pa rin na hindi ako ang kasama nila kapag ginagawa nila iyon.
pero may plano Siya, at matutupad din iyon.

dagdag din sa isipin ko ang mga taong umaaligid sa tabi-tabi.
hindi ko alam kung ilang beses kong dapat linawin na ayoko na muna ng dagdag na responsibilidad sa ngayon, lalo pa at may kinalaman sa usapin ng puso.
ayoko na muna na ma-attach sa kahit na sino dahil hindi pa ako handa, maging sino pa yang dadating na iyan.
gusto ko na munang pagtuunan ng pansin ang pag-aaral ko at ang mga posisyong hinahawakan ko sa mga organisasyon ko.

siyempre, hindi mawawala ang pag-iisip ko sa mga problema ng pamilya ko.
alam kong hirap na hirap na sila mama sa pagpapaaral sa amin, at kita na rin iyon sa ginagawa niyang pamimilit sa akin na magtapos na para makatulong naman sa pagpapaaral sa mga kapatid ko..
kung ako lang, gusto ko nang gawin yun.
kung alam lamang nila ang pagod na nararanasan ko sa bawat pagdaan ng araw.
kung alam lamang nila ang hirap na kinakaharap ko sa bawat pagpasok ko sa paaralan.
hindi biro ang mag-aral.
pero mas lalong hindi biro kapag sa UP diliman ka nag-aaral.
at lalong hindi biro kapag sikolohiya ang kurso mo, ang kurso kung saan bilang sa daliri ang hindi kasali sa honor students.
hai nako..
hai buhay..

sabi ko nga, this, too, shall pass..
makakaraos din ako..
at matatapos ko din ang lahat ng ito..
hindi ko na iisipin na sana maging matagumpay ito..
dadaan lang ito, at matatapos din :)

*wish me luck!

Saturday, March 28, 2009

maligayang pagbabalik!

haha..
after million years ng pananahimik..
isang maligayang pagbabalik sa blogging world sa akin!
:)

rundown lang ng mga chever :D


---- proclamation rally feb20,2009 ----


---- meeting de avance feb24,2009 ----


---- faultline experience feb27,09 ----


---- runaway cupid 2 feb28,09----

Saturday, March 21, 2009

hanggang sa muli nating pagkikita LEI..

nasa jeep ako pa-mrt nung may magtext sa akin..
"hindi ko alam kung dapat na ipakalat ito, pero let us pray for our friend, kabuklod, lei claudel. she passed away last night bec of asthma."

un na yun, un na ang text na nagsimula ng daan daang emosyon na bumaha nung araw na iyon..
sinundan pa ng text ng LT..
hindi ko alam kung ano ang gagawin ko..
hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko..
kasama lang kita isang bago iyon at nasa AVE pa nga tayo di ba?
kaya pala.. kaya pala nung biniro kita ay hindi ka man lang nagreact..
not the typical lei, kung baga..
kaya pala matamlay ka nun..
may nararamdaman ka na palang mali, bakit hindi ka agad na nagsabi??

alam kong as a person makulit ka talaga..
may katigasan ang ulo mo, pero bakit pagdating sa health mo, un pa din ang pinairal mo?
haiii lei..
mamimiss kita..

sino na ngayon ang kasabay kong mag-bio 11 sa first sem?
sino na ngayon ang kasabay kong ggradweyt?
sino na ngayon ang buklod rep sa mandala?
lileth...

i'm sorry hindi ako nagkaron ng panahon para mas kilalanin ka pa..
sorry kasi ni hindi tayo nakapag-bonding..
sorry kasi hanggang kulitan lang ang nagawa natin at maski sa panahon na iyon, medyo naiilang pa din ako sa iyo..
ang lakas kasi ng personalidad mo..
sorry kasi ni hindi tayo nakapagkwentuhan..
sorry kasi hindi tayo nagkaroon ng oras para magkasama at mas magkakilala..

lei.. salamat..
salamat sa lahat ng saya na idinulot mo..
salamat sa lahat ng nai-share mo..
salamat kasi naging blessing ka sa buhay ko at sa buhay ng mga taong malapit sa akin..
salamat at kahit sa maikling panahon ay naging bahagi ka ng buhay ko..
salamat sa lahat lahat ng napagsamahan natin..

mamimiss kita..
mamimiss ka namin..

pero alam ko naman okay ka na kasama Niya..
wala nang sakit diyan..
wala nang poproblemahin..
wala nang acads at extra curriculars na magpapabusy sa iyo..
ikaw na lang at ang pagmamahal Niya sa iyo..

wag mo kaming alalahanin dito..
magiging okay din kami..
pero hindi yun mangangahulugan na makakalimutan ka na namin..

parati kang magiging bahagi ng buhay namin..

mahal kita lei!
hanggang sa muli nating pagkikita..
magkukulitan pa tayo..
hintayin mo ako ha? :)

lileth arciaga claudel
aug.01,1989 - march20,2009