been super busy, with acad stuffs to be exact.
all the final papers were to be submitted on monday.
and the fact doesn't make me happy at any rate.
we were literally cramming for everything.
hapit kung hapit sa paggawa ng papel.
nakakapagod ang pagdaan ng bawat araw sa buhay ko.
bukod sa katotohanan na marami talagang requirements..
ang dami pa ng ibang mga bagay na dapat kong pagtuunan ng pansin..
nalalapit na naman ang summer classes.
ang tiyak na patayan ako sa summer dahil kinakailangan ko nang matapos ang kemistri ko nang sa gayon ay makatuloy na ako sa biology.
ang nalalapit na graduation ng mga malalapit kong kaibigan, na nangangahulugang maiiwanan na sa aming mga kamay ang mga organisasyong pinamunuan nila.
ang mga bagong responsibilidad na tinanggapo ko, sa pag-iisip na kakayanin kong hawakan ang lahat ng iyon.
hindi ko sinasabing wala akong tiwala sa sarili ko, ang kaso lamang ay ayokong mapahiya sa mga alumni ng orgs ko, at siyempre, ayokong biguin ang mga orgmates ko na nagtiwala sa akin at sa kakayahan ko na magagampanan ko ang tungkulin na tinakbuhan ko.
dagdag din sa mga iniisip ko ang mga slatemates ko..
sobrang napalapit kami sa isa't isa kaya masakit pa rin sa akin ung thought na hindi ko sila makakasama at makakatrabaho ng isang buong taon..
hindi ko alam, pero siguro, pinaasa ko ung sarili ko na makakasama ko sila sa mga sem plannings at outings at council activities, etc.
masakit pa rin na hindi ako ang kasama nila kapag ginagawa nila iyon.
pero may plano Siya, at matutupad din iyon.
dagdag din sa isipin ko ang mga taong umaaligid sa tabi-tabi.
hindi ko alam kung ilang beses kong dapat linawin na ayoko na muna ng dagdag na responsibilidad sa ngayon, lalo pa at may kinalaman sa usapin ng puso.
ayoko na muna na ma-attach sa kahit na sino dahil hindi pa ako handa, maging sino pa yang dadating na iyan.
gusto ko na munang pagtuunan ng pansin ang pag-aaral ko at ang mga posisyong hinahawakan ko sa mga organisasyon ko.
siyempre, hindi mawawala ang pag-iisip ko sa mga problema ng pamilya ko.
alam kong hirap na hirap na sila mama sa pagpapaaral sa amin, at kita na rin iyon sa ginagawa niyang pamimilit sa akin na magtapos na para makatulong naman sa pagpapaaral sa mga kapatid ko..
kung ako lang, gusto ko nang gawin yun.
kung alam lamang nila ang pagod na nararanasan ko sa bawat pagdaan ng araw.
kung alam lamang nila ang hirap na kinakaharap ko sa bawat pagpasok ko sa paaralan.
hindi biro ang mag-aral.
pero mas lalong hindi biro kapag sa UP diliman ka nag-aaral.
at lalong hindi biro kapag sikolohiya ang kurso mo, ang kurso kung saan bilang sa daliri ang hindi kasali sa honor students.
hai nako..
hai buhay..
sabi ko nga, this, too, shall pass..
makakaraos din ako..
at matatapos ko din ang lahat ng ito..
hindi ko na iisipin na sana maging matagumpay ito..
dadaan lang ito, at matatapos din :)
*wish me luck!
ako. ako. ako.
- elliz
- Pasig City, National Capital Region, Philippines
- ako si elliz. 20 taong gulang. nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. kumukuha ng Batsilyer ng Sining sa Sikolohiya, sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. tao. may ISIP. may puso. humihinga. BUHAY.
Sunday, March 29, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment