ako. ako. ako.

My photo
Pasig City, National Capital Region, Philippines
ako si elliz. 20 taong gulang. nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. kumukuha ng Batsilyer ng Sining sa Sikolohiya, sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. tao. may ISIP. may puso. humihinga. BUHAY.

Tuesday, March 30, 2010

never felt this kind of rage before.

never akong nagsalita kapag nakakakita ako ng mga nagrarally sa paligid ko.

UP student ako at alam kong normal na iyon sa amin kaya maski kailan, hindi ako nagsalita.

sumusuporta pa nga ako kung minsan, lalo na't alam kong tama ang pinaglalaban nila.

pero ang ginawa nila nitong nakaraan?

na magsaboy ng pintura at mambastos ng isang chancellor, parang hindi ko na yata kayang tumahimik lang.

maikli lang naman ito.

parang hindi mga UP students kung umasta.

nakakabastos lang.

oo, may pinaglalaban sila, pero ilaban naman natin ito sa tamang paraan.

ipakita naman natin na maski nakakagago ang ginagawa ng board eh wag tayong bumaba sa level nila.

---

just saw the freakin news of another tuition increase.

wtf. from 1000 to 2,400?

tanginang yan.

akala ko ba state university ang UP??

bakit tataas na naman ang tuition?

marami pa nga ang hindi nakakarecover sa 300% increase nung 2006, sabay ngaun, tataas na naman?

anak ng pucha naman.

ano na ang UP? private school??

subsidized dapat tayo ng gobyerno, hindi ba?

kaya nga state university hindi ba?

pero ano na naman itong katarantaduhang mangyayari na magtataas na naman ng tuition?

paano na ang mga matatalinong mahihirap na gustong mag aral sa UP??

paano na nila maaabot ang pangarap nila??

ang isang normal na estudyante sa UP ay mayroon 15-20 units kada sem.

kung 2400 per unit na, halos 40,000 plus ang babayaran ng isang estudyante?

na wala nang kinaiba sa ibang mga pribadong paaralan sa tabi-tabi.

paano un??

akala ko ba premiere state U tayo??

bakit aabot ng ganoon kataas ang tuition?

eh kung ako ang estudyante, sabay ganun ang tuition, eh di sa private school na lang ako, all in pa ung ganung kataas na tuition. kumpara sa up na hindi pa kasama ang readings at iba pang mga requirements na kailangang gawin.

nakakahiya na.

kung ang 300% increase noong 2006 ay hindi ko ininda masyado, itong darating na increase ay tiyak na ipagra-rally ko na.

maski na hindi ko ito talaga gawain.

grabe, grabe lang.

nakakabastos. nakakawindang.

UP admin, gumising naman kayo.

para na ninyong pinilay sa mga matatalinong estudyante ang UP.

kung ganyan ang mangyayari, maihahanay na lang ang UP sa ibang private schools na mahal ang bayad, nawalan na tayo ng edge.

para na ninyong awa.

sana maging kayo ay mag-push ng greater state subsidy.

sapat na ang 1000 per unit ng mga mag-aaral for the next decade.

wake up, wake up.

wag magpa-alipin.

bigyan naman natin ng dangal ang 102 years old nating pamantasan.

saan ba napunta ang 300% increase?

ni hindi ninyo na pa nga naipapakita na tunay ngang may kinapuntahan ang mataas na bayarin kada sem, tapos ngayon, magtataas na naman.

maawa naman kayo.

maawa naman tayo.

magmalasakit naman tayo sa mga tunay na matatalino at nararapat na makapag-aral sa UP.

sige na naman, sige na naman.

No comments: