ako. ako. ako.

My photo
Pasig City, National Capital Region, Philippines
ako si elliz. 20 taong gulang. nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. kumukuha ng Batsilyer ng Sining sa Sikolohiya, sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. tao. may ISIP. may puso. humihinga. BUHAY.

Sunday, May 9, 2010

happy mother's day mama!

i really don't know if she'll be able to read this, she doesn't even know that a blog under my name exists, but then, i hope this will find its way to her :D

sabi nila, nasa huli raw ang pagsisisi.
kinalakihan ko ang panonood ng telenovela at lagi nalang, kapag namamatayan ng kapamilya, iyak ng iyak ang mga bida. kesyo hindi raw nila naparamdam sa mga mahal nila ang pagmamahal nila. at lumaki akong nakatatak sa isip ko na iparamdam sa mga tao sa paligid ko na mahal ko sila.

mama and i are really not that close when i was younger.
i was stubborn and she always scold me for being one.
laging pasaway, laging inaaway ang mga kapatid, sinungaling pa.
i was really not that mama's girl or papa's girl, ang tingin ko kasi sa kanila noon, kaaway. mga taong KJ na ayaw akong payagan sa mga gusto kong gawin. mga taong walang ginawa kungdi pagalitan ako ng pagalitan kapag hindi ako sumusunod sa kanila.
never akong nagsabi ng sikreto ko sa mama ko or kay papa.
pakiramdam ko kasi, hindi naman nila maiintindihan.
i grew up na kinaiinggitan ang mga friends ko dahil best friends nila ang mommy nila, wala silang tinatagong sikreto sa isa't isa. nakakapag-usap sila about anything and everything under the sun.
lumaki akong dinadasal na sana, yung mama ko, best friend ko din.
pero everytime na magkakaron ako ng chance na kausapin siya, the convo would always end up in misunderstanding.

but then things changed when i entered college.
actually, things changed when i had my first serious boyfriend.
dahil magmula noon, naramdaman ko na andiyan lang si mama for me, at ako yung lumalayo sa kanya all these time.
naging feel good na ung usapan namin.
hindi na rin niya ako masyadong pinapagalitan at ung ideas namin, though madalas pa din magkakontra, ay hindi na umaabot sa di pagkakaunawaan.

she made me feel so special at na kahit na anong gawin ko, mahal niya pa rin ako at hindi magbabago yun.

i did hurt her for a countless number of times, but then, she is still always there for me. na maski na mali mali ung desisyon ko sa buhay, andiyan lang siya, nakaalalay, sumusuporta, gumagabay.
sinasabihan na nga niya ako ngayon ng mga problema niya eh. at ganun rin ang ginagawa ko sa kanya.
kahit na sobra sobrang pasaway ko na (umiinom na ako, pero hindi nagyoyosi. naglalakwatsa at gabi na umuuwi), andiyan pa din siya for me, for us.
kahit na sobrang dami nang problemang pinagdadaanan niya sa buhay niya ngayon, hindi pa din siya nawawalan ng panahon para sa akin, para sa amin.
maski late siya nakakauwi, may time pa din para makapagkwentuhan kami. cute nga eh, parang magbarkada lang kami, kasi yung mga sinasabi ko sa barkada ko, sinasabi ko rin sa kanya. minsan nga, sa kanya ko lang sinasabi eh.

atlong last, natupad ung dasal ko.
bestfriend ko na ang mama ko.
at maski ilang ulit kong nasira ang tiwala niya noon, hindi pa din nagbago ung pagmamahal niya sa akin. tinatanggap niya ako maski ilang beses na akong nadapa. niyayakap niya ako maski ilang beses akong nagkamali. minamahal niya ako maski ilang beses ko na siyang nasaktan.

mahal na mahal ko ang mama ko.
at walang karapatan ang iba na saktan siya, wag lang nilang subukan, maski kamag-anak pa namin yan, ako ang makakalaban nila.

minamahal niya kami nang walang pag-aalinlangan.
sinusuportahan niya kami sa mga gusto naming gawin.
inaalalayan niya kami sa mga panahon na mahina kami.
at mama, sobrang salamat para diyan :)
sobrang salamat sa lahat.

i may not be the perfect daughter, obedient and respectful and all, but i do hope that you know that i'm trying to be the daughter, the person that you want me to be.
husgahan ka man ng ibang tao, alam kong alam mo naman na napalaki mo kami ng maayos. at walang dapat ipagduda dun.

mahal na mahal kita mama.
i may not always say those words, sana sa bawat araw na nagkukwentuhan tayo, sa bawat araw na inaabot tayo ng madaling araw sa pag uusap, nararamdaman niyo po un.
hindi ako perfect, pero i am trying to be the daughter that you want me to be. natuto na po ako sa mga pagkakamali ko. at hindi na ako gagawa ulit ng mga nakakalokang desisyon.
and i'm really trying my best para hindi na masira ang tiwalang binibigay niyo po sa akin.
mahal na mahal kita, at hindi kita iiwanan.

happy mother's day mama! :D

No comments: