ako. ako. ako.

My photo
Pasig City, National Capital Region, Philippines
ako si elliz. 20 taong gulang. nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. kumukuha ng Batsilyer ng Sining sa Sikolohiya, sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. tao. may ISIP. may puso. humihinga. BUHAY.

Tuesday, December 23, 2008

birthday blast

well, it wasn't actually a blast..
it was just a happy day, because i get to see people i rarely see..

started the day waking up with a few text greetings from friends.
waiting for a "special" greeting from my boyfriend, but then, it seemed like my birthday was just another common, plain day for him.
oh well. :(

ate lunch with my brothers and sisters, and then started cooking carbonara for my handa!
yey! i plan to bring to some of it when i come to my bestfriend's place later in the evening.

my bheztie jullan came by at 3pm, and watched me as i sliced and diced the ham.
whatever, haha, as if i cook good anyway.

come 5pm, naghanda na ako para magsimba.
nagpasama ako kay Apok, one of my bestfriends.
wala na palang mass sa Sta. Rosa ng 6pm?
so sumugod pa kami sa Cathedral para makapagsimba.
ni hindi man lang ako tinetext ng magaling na Joshua na un.
well, birthday ko at hindi ako pwede mabadtrip.

after the mass, pumunta kami ni Apok kina Julie.
na-meet na rin sa wakas ni Apok si Justin, at kyut na kyut siya sa bata.
pinagsaluhan namin ung dala kong carbonara, masarap naman daw at pwede na akong mag-asawa.
kung matitikman kaya ni Josh ito, un din ang sasabihin niya?
i doubt it.

pagkatapos namin kumain, iniwan ko muna sina Julie at dumaan ako kina Benjo.
may dala din akong carbonara para sa kanila.
kaso, wala si Benj sa tindahan, si Patrick lang at si Sai na girlfriend niya.
iniwan ko ang pagkain at sinabi kong babalik na lang ako.
siguro, ganito talaga kada taon na magbibirthday ako.
hindi ko maiiwasan na gustuhing dumaan kina Benjo, bilang napakalaking parte siya ng buhay ko.
hindi ba nga, minsan ko na siyang tinuring "God's birthday gift to me?"
and i guess, he will always be.
he'll always stay as my birthday gift.

hinintay ko lang na matapos sin Apok sa pakikipagkwentuhan kina Julie, tapos, umuwi na siya.
as for me, bumalik ako sa tindahan nina Benjo.
only to find out na ubos na ang carbonara, inubos nina Patrick.
masarap daw kasi.
biniro pa ako ni Benjo, na ihahatid daw niya ako at baka pwedeng humingi pa ulit.
sinakyan ko naman ang biro niya.
at oo, hinatid nga niya ako.

ilang beses na din akong sumasakay sa motor niya.
at ang sarap lang ng pakiramdam.
hinatid niya ako, at nag-refill ng carbonara.
pagkatapos ay muli akong hinatid sa opisina ni mama.
hindi na siya umakyat pa dahil baka galit pa daw sa kanya si mama.
malaki ang respeto niya sa parents ko.
at nakakatuwa na hindi un nagbago maski matagal na kaming wala.

to sum it all up, masaya ang 19th birthday ko.
nakita ko ang lahat ng gusto kong makita.
maski pa ni hindi ako pinuntahan ni Joshua para personal na batiin.
maski pa hindi ko siya naramdaman ngayong araw na ito.
maski pa hindi niya napantayan ang ginawa ko para sa kaarawan niya.
okay lang, masaya at kuntento ako.
siguro, ang mga taong nakita ko ngayon, sila lamang ang mga taong tatagal pa ng 19 more years sa buhay ko.

happy birthday elliz! :)

Tuesday, December 16, 2008

bumabagabag

marami na namang mga bagay-bagay ang bumabagabag sa aking isipan.
siguro dahil magpapasko, airborn daw sabi ng mama ko.
pero, pakiramdam ko, hindi.
nararamdaman ko ito kapag dumadating ang isang espesyal na araw sa akin na minsan na ding naging espesyal para sa mga malalapit kong kaibigan.
ewan ko, magulo, oo.
pero ni hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.
maraming mga desisyon ang minsan ko nang pinagsisihan..
pero ni hindi ko akalain na hanggang ngayon ay mararamdaman ko pa din ang sakit ng desisyon na iyon.
hindi ko naman sinasadyang mang-iwan.
siguro lamang ay hindi na sila nababagay sa mundong ginagalawan ko..
at wala na din naman ang dahilan para manatili akong kasa-kasama nila.
pero ewan ko, namimiss ko sila.
at gusto ko ulit silang makasama..
mahirap na, oo mahirap na..
dahil maraming mga bagay na ang nagbago simula nang gawin ko ang desisyon na iyon.
simula nang iwanan ko ang mabarkadang parte ng pagkatao ko sa lugar na iyon na minsan ko nang ginustong balikan, pero tako ako, natatakot ako na baka hindi matanggap ng mga nakakakilala sa akin ngayon ang magulong parte ko na iyon.
hindi ako perpektong tao.
hindi din ako perpektong kaibigan.
pero kapag kasama ko ang tropa, parang ibang tao ako.
nagagawa kong huwag makialam sa sasabihin ng mga nasa paligid ko.
basta masaya kami, masaya na din ako.
namimiss ko nang maramdaman na prinsesa nila ako.
yung ihahatid pa nila akong lahat pauwi, para masigurado na maayos akong makakarating sa bahay.
namimiss ko na silang kasama, totoo iyon.
pero, hindi ko na din yata kayang iwanan kung ano man meron ako ngayon para makasama silang muli.

magulo, oo.
nakakabagabag, lalo..
hindi ko na talaga alam ang gagawin ko..
siguro nga, airborn.
at siguro na, lilipas din ito.

:(

Monday, December 15, 2008

faculty follies

ginagalang ko sila, nirerespeto at tinitingala.
pero sa isang gabing ito, hindi ko sigurado kung nagbago nga ba ang tingin ko sa kanila.

nagkaroon ako ng pagkakataong mapanood ang faculty follies, isang presentasyong handog ng mga propesor at propesora para sa ika-sandaang taong anibersaryo ng unibersidad..
marami sa mga nagperform ang ikinagulat ko ng todo.
hindi dahil sa nakakatawa sila kundi dahil sa hindi ko talaga inaasahan na gagawa sila ng ganon sa harap ng kanilang mga estudyante.
hindi ko inaasahan na ganun ang maging kalalabasan ng presentasyon..
pero sa lahat lahat..
sold-out sa kakatawanan ang isang ito..
sana taon-taunin na ang ganitong klase ng presentasyon :)

oo, laugh trip nga talaga. :)

Saturday, December 13, 2008

christmas / birthday wishlist!

since i'm turning 19, i'm also dying to have these 19 things before this year ends..

oh yeah! :)

TWILIGHT (HARDBOUND!) - MERON NA AKO! YEAH! :)) thanks mama! :D

1. BELLE DE JOUR PLANNER *SA POWERBOOKS MERON NETO.. :)


2.* kung wala nung Belle de Jour, eto..
"THIS PLANNER WILL CHANGE YOUR LIFE IN 2009" / UP PLANNER

3. CHICKLITS (CATHY HOPKINS, SOPHIE KINSELA, KATE CANN, JANNA N. MALCOM, MEG CABOT) *kahit ebooks lang :)

4. PRINCESS DIARIES 1-10! *paperback :)

5. TWILIGHT STATEMENT SHIRTS *o kea, perang pambili na lang :)

6. TWILIGHT STATEMENT PINS, MERCHANDISE, etc.. *cge na friends :D

7. UP CENTENNIAL JACKET

8. BUKLOD-ISIP JACKET :)

9. FIRST ALBUM NI DAVID ARCHULETA

10. PERSONALIZED SKETCH NI EDWARD CULLEN * personally, Rob Pattinson is not equal to Edward Cullen. :)

11. lahat ng songs ng a1 at westlife. :) *kahit burned sa cd lang!

12. apple earphones para sa ipod ko. *uh-oh.. huhu.. sira na kasi ung earphones ng ipod nano ko.. :((

13. INSTALLER NG SPSS :)

14. PINK ACOUSTIC GUITAR. :) *gusto ko na matuto, swear!

15. GIFT CERTIFICATE SA GMASK. *enough para mapa-gmask ko ang laptop ko.. haha! :)

16. ISANG SET NG LOVE PET COLORED PENS :)

17. COLORFUL NAIL POLISH! :)

18. CARD NA MAY LETTER, A TEXT / INSTANT MESSAGE GREETING :)

19. see all my close friends, friends and family on my special day :)

hai. hindi naman ako demanding eh.. :)
madali din ako i-please. :D
hehe.. :)

nakigaya, nakigaya..
kumusta naman? :)

Sunday, December 7, 2008

paalam, Marky

okay..
mahirap talaga paniwalaan sa simula..

mula starstruck, sinubaybayan ko si marky..
mark angelo cielo in real life..
namangha ako sa talento niya..
sa galing niyang sumayaw..
and when i say magaling, it's effin fuckin magaling! :)
kaya niyang makipagsabayan sa streetboys..
napahanga ako noon pa lang..
kaya tuwang-tuwa ako nung siya ang nanalo.

and when he started out sa t.v.
well, pinapanood namin un..
may talent din siya sa pag-arte.
at pagpapatawa..
kakaiba siya..
napakahumble at napakabait..
at never niyang ikinahiya kung saan siya nagmula..

kaya super at talagang nawindang ako nung narinig ko ung balita..
napabalikwas ako talaga..
ang hirap paniwalaan..
to think na he's really too young and malayo pa ang mararating ng showbiz career niya..
nakakalungkot lang talaga..

rumors about his death started spreading..
kesyo nag-suicide, kesyo ganito, kesyo ganyan..
sana, we just let Marky rest, wherever he is..
kung ayaw ng family niya na magsalita, just let it be.
respect na lang sa family.

Marky, your fans will miss you.
and we will pray for you..
rest in peace zaido green!

maraming mga pangyayari ang hindi inaasahan na dadating sa mga buhay natin.
hindi man ako malapit sa yumaong aktor, damang-dama ko naman ang lungkot dahil isa ako sa mga milyon-milyong humanga sa galing ng talento ng batang ito.
dadating ang dapit-hapon sa ating lahat, kaya sana, bago pa dumating ito, nagawa na natin ang lahat ng gusto at dapat nating gawin para wala tayong pagsisihan.
hindi madaling iwanan ang mundong ginagalawan natin, pero isipin natin na mas lalong hindi ito madali sa pamilyang iiwanan natin.
habang maaga pa ay maging kuntento na sa buhay, maging masaya at gawin ang lahat ng makakaya para makapagpasaya. :')