ako. ako. ako.

My photo
Pasig City, National Capital Region, Philippines
ako si elliz. 20 taong gulang. nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. kumukuha ng Batsilyer ng Sining sa Sikolohiya, sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. tao. may ISIP. may puso. humihinga. BUHAY.

Tuesday, December 23, 2008

birthday blast

well, it wasn't actually a blast..
it was just a happy day, because i get to see people i rarely see..

started the day waking up with a few text greetings from friends.
waiting for a "special" greeting from my boyfriend, but then, it seemed like my birthday was just another common, plain day for him.
oh well. :(

ate lunch with my brothers and sisters, and then started cooking carbonara for my handa!
yey! i plan to bring to some of it when i come to my bestfriend's place later in the evening.

my bheztie jullan came by at 3pm, and watched me as i sliced and diced the ham.
whatever, haha, as if i cook good anyway.

come 5pm, naghanda na ako para magsimba.
nagpasama ako kay Apok, one of my bestfriends.
wala na palang mass sa Sta. Rosa ng 6pm?
so sumugod pa kami sa Cathedral para makapagsimba.
ni hindi man lang ako tinetext ng magaling na Joshua na un.
well, birthday ko at hindi ako pwede mabadtrip.

after the mass, pumunta kami ni Apok kina Julie.
na-meet na rin sa wakas ni Apok si Justin, at kyut na kyut siya sa bata.
pinagsaluhan namin ung dala kong carbonara, masarap naman daw at pwede na akong mag-asawa.
kung matitikman kaya ni Josh ito, un din ang sasabihin niya?
i doubt it.

pagkatapos namin kumain, iniwan ko muna sina Julie at dumaan ako kina Benjo.
may dala din akong carbonara para sa kanila.
kaso, wala si Benj sa tindahan, si Patrick lang at si Sai na girlfriend niya.
iniwan ko ang pagkain at sinabi kong babalik na lang ako.
siguro, ganito talaga kada taon na magbibirthday ako.
hindi ko maiiwasan na gustuhing dumaan kina Benjo, bilang napakalaking parte siya ng buhay ko.
hindi ba nga, minsan ko na siyang tinuring "God's birthday gift to me?"
and i guess, he will always be.
he'll always stay as my birthday gift.

hinintay ko lang na matapos sin Apok sa pakikipagkwentuhan kina Julie, tapos, umuwi na siya.
as for me, bumalik ako sa tindahan nina Benjo.
only to find out na ubos na ang carbonara, inubos nina Patrick.
masarap daw kasi.
biniro pa ako ni Benjo, na ihahatid daw niya ako at baka pwedeng humingi pa ulit.
sinakyan ko naman ang biro niya.
at oo, hinatid nga niya ako.

ilang beses na din akong sumasakay sa motor niya.
at ang sarap lang ng pakiramdam.
hinatid niya ako, at nag-refill ng carbonara.
pagkatapos ay muli akong hinatid sa opisina ni mama.
hindi na siya umakyat pa dahil baka galit pa daw sa kanya si mama.
malaki ang respeto niya sa parents ko.
at nakakatuwa na hindi un nagbago maski matagal na kaming wala.

to sum it all up, masaya ang 19th birthday ko.
nakita ko ang lahat ng gusto kong makita.
maski pa ni hindi ako pinuntahan ni Joshua para personal na batiin.
maski pa hindi ko siya naramdaman ngayong araw na ito.
maski pa hindi niya napantayan ang ginawa ko para sa kaarawan niya.
okay lang, masaya at kuntento ako.
siguro, ang mga taong nakita ko ngayon, sila lamang ang mga taong tatagal pa ng 19 more years sa buhay ko.

happy birthday elliz! :)

No comments: