ako. ako. ako.

My photo
Pasig City, National Capital Region, Philippines
ako si elliz. 20 taong gulang. nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. kumukuha ng Batsilyer ng Sining sa Sikolohiya, sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. tao. may ISIP. may puso. humihinga. BUHAY.

Tuesday, December 16, 2008

bumabagabag

marami na namang mga bagay-bagay ang bumabagabag sa aking isipan.
siguro dahil magpapasko, airborn daw sabi ng mama ko.
pero, pakiramdam ko, hindi.
nararamdaman ko ito kapag dumadating ang isang espesyal na araw sa akin na minsan na ding naging espesyal para sa mga malalapit kong kaibigan.
ewan ko, magulo, oo.
pero ni hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.
maraming mga desisyon ang minsan ko nang pinagsisihan..
pero ni hindi ko akalain na hanggang ngayon ay mararamdaman ko pa din ang sakit ng desisyon na iyon.
hindi ko naman sinasadyang mang-iwan.
siguro lamang ay hindi na sila nababagay sa mundong ginagalawan ko..
at wala na din naman ang dahilan para manatili akong kasa-kasama nila.
pero ewan ko, namimiss ko sila.
at gusto ko ulit silang makasama..
mahirap na, oo mahirap na..
dahil maraming mga bagay na ang nagbago simula nang gawin ko ang desisyon na iyon.
simula nang iwanan ko ang mabarkadang parte ng pagkatao ko sa lugar na iyon na minsan ko nang ginustong balikan, pero tako ako, natatakot ako na baka hindi matanggap ng mga nakakakilala sa akin ngayon ang magulong parte ko na iyon.
hindi ako perpektong tao.
hindi din ako perpektong kaibigan.
pero kapag kasama ko ang tropa, parang ibang tao ako.
nagagawa kong huwag makialam sa sasabihin ng mga nasa paligid ko.
basta masaya kami, masaya na din ako.
namimiss ko nang maramdaman na prinsesa nila ako.
yung ihahatid pa nila akong lahat pauwi, para masigurado na maayos akong makakarating sa bahay.
namimiss ko na silang kasama, totoo iyon.
pero, hindi ko na din yata kayang iwanan kung ano man meron ako ngayon para makasama silang muli.

magulo, oo.
nakakabagabag, lalo..
hindi ko na talaga alam ang gagawin ko..
siguro nga, airborn.
at siguro na, lilipas din ito.

:(

No comments: