ako. ako. ako.

My photo
Pasig City, National Capital Region, Philippines
ako si elliz. 20 taong gulang. nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. kumukuha ng Batsilyer ng Sining sa Sikolohiya, sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. tao. may ISIP. may puso. humihinga. BUHAY.

Thursday, September 24, 2009

changes

change in life is inevitable, as others may say it.
for me? i wish i'll just stay at where i was a month ago.

these past few weeks was not that great, but well, it was, but not really.
haha, weird noh?
hindi ko kasi talaga alam kung ano ang dapat na maramdaman..

about two weeks ago, i was inducted as a college councilor, i had to assume the vacant position, posisyon na iniwan ng isang slatemate ko dahil sa personal problems niya.
masaya, oo, kasi makakasama ko na ang slatemates ko, after ilang months na masabik na makasama muli sila..
kaso, mas malaki ung feeling ng lungkot at panghihinayang..
i have to resign sa dalawang positions sa orgs na hinahawakan ko..
kailangan kong iwanan ang trabahong minahal ko ng sobra..
at, iiwanan ko iyon kung kailan gamay ko na ang trabaho, kung kailan matino na ako at handa ko nang ayusin ang pamamahala doon..
hai, ang hirap ng buhay..

isa pang malaking pagbabago ay ang pagtanggap na, "dude, pare, tsong.. shet.. hindi ako gagraduate on time"..
oo, tanggap ko na naman un noon pa, masakit nga lang ngayon dahil lahat sila ay grad pic na ang primary pictures sa fs, fb at multip.. samantalang ako, next year pa..
nakakaputang ina,, bakit nga ba hindi ko inayos ang pag aaral ko para kasabay ko sila?? :(

hai. hindi ko talaga malubos maisip kung bakit ngayon ko lahat nararanasan ito..
kung kailan kelangan kong magtino, saka ako napadpad sa council..
kung kelan kailangan kong bumawi sa org, saka naman parang sapilitan akong pinagbibitiw..

sana hindi ako mapagod, baka bigla ko na namang ilaglag ang lahat..
sana kayanin ko ang work load ko..
sana magawa ko pang makapag aral nang matino..
at sana, sana, sana hindi ako mawalan ng oras para kay airen ko..
alam kong magtatampo siya pag nangyari un..

**out

Sunday, September 13, 2009

when a UP student happily settles for the 2nd runner-up trophy

the most awaited event for the uaap season happened today, september 13, 2009..

and so far, it was the sweetest 2nd runner-up trophy ever..



we, jen and i, arrived at 1pm sa araneta..

we first sold our extra tickets to people who's waiting in line para sa gen ad tickets..

naawa kasi ako sa matandang lalaki, kaya aun, nakuha niya ng 50php ang gen ad ticket na nabili ko ng 200..

oh well, okay lang un, tulong na din un..



once inside the coliseum, grabe, halos maiyak ako dahil at last, naririnig ko na ang drum beats at sigawan ng mga tao..

woah, ilang buwan ko ring hinintay na muling makabalik sa araneta, muling mabingi sa drum beats at muling mapaos kakasigaw..

sobrang busy kasi ngayong sem ni hindi ako nakanood ng maski isang game ng basketball, so sobrang namiss ko ang atmosphere ng UAAP..

jampacked ang lugar ng UP, walang kupas..

every year na lang, eversince i started watching the cheerdance competition two years ago, parating sobra sobra ang kailangan na space ng mga manonood para sa UP..

at itong taong ito ay hindi naiiba sa ibang mga taong nakaraan..



pagpasok pa lang ay ramdam na ang tensiyon sa pagitan ng mga unibersidad..

lalo pa sa pagitan ng UP at UST, na alam naman natin na tunay na magkalaban pagdating sa event na ito..

ang saya ng mga sagutan ng cheers,, ang sayang muling maramdaman ang unti-unting pagkapaos habang sumisigaw ng "let's go UP!"..



ilang sandali pa ay nagsimula na ang programa, pinakilala isa isa ang mga participating schools, habang nagchcheer ang mga estudyante ng mga eskwelahang nababanggit..

konting oras pa ay nagsimula na ang competition..



i was really awed by how the AdU pep squad has improved..

grabe, almost flawless, magaling ang stunts at sabay sabay sila..

AdU was followed by NU pep squad,,

okay naman ang ginawa nila, though very high school nga lang ang stunts..

then, last year's runner-up and UP's ultimate opponent, UST salinggawi dance troupe..

hindi dumaan ang unang minuto na hindi sila nagkamali..

umabot sa apat ang nabilang naming mali, and it really showed na hindi na sila mananalo..

USTe was followed by the DLSU animo squad..

nakakabilib ang props nila, sobrang pinapakita na "uy, mayaman kami!"

magaling din ang ginawa nila, though walang lutang na stunt na matatandaan sa performance nila..



and then followed by the The UP Pep Squad,, ang pinakamagaling sa lahat.. *oh well, biased.

pero honest na critic,, medyo walang dating..

wala ung dating "oomph!"

wala ung "angas factor"

though maganda ang concept ng ikot,, pero kulang talaga sa over-all na itsura eh..

medyo ang common din ng costume..

wala ung dating "dating ng UP" na inaasahan ko sanang makita at maipagmalaki ngaun..

pero nevertheless, nagcheer pa din ako hanggang matanggal ang tonsils ko..

iba pa rin, ibang -iba pa din ang UP spirit,, at hinding hindi ko iyon ipagpapalit sa ibang klase ng pagka-high..



The UP Pep Squad was followed by the Ateneo blue babble batallion..

isa pa ding malinis na performance..

ang galing ng michael jackson-inspired part ng cheerdance nila..

bongga sa hanga ang moonwalk nila.. spell WOW..

after Admu, UE Pep Squad naman..

hindi ko napigilang maki-cheer sa "go fight red and white!"

coolness ng performance..

meron silang "jologs" vibe na madalas na niraradiate ng UP pep squad..

mas naramdaman ko sila ngayon, mas lumutang siguro dahil sa vibe na iyon..

at, sabi nga nila, save the best for last..

the last performer was the FEU Cheering Squad..

over-all, nakakatulala ang performance nila..

ang sama ko, pero all through-out, i was praying na sana magkamali sila maski isa, pero grabe, flawless!

walang mali, walang nalaglag sa pyramid, hindi nagkaproblema sa stunts..

and after that performance, malinaw na sa akin na taon ng FEU ngayon..



we waited patiently for the results..

habang hindi magkamayaw sa kakacheer ang mga tao, hindi matigil sa asaran ang crowd..

sabi ng UST, sila daw ang pamantayan..

haha, you wish!! :P



and the most awaited time has finally arrived, hawak na ng hosts ang envelope..

i was silently praying to Him na sana, he'd give this to UP.

at hindi ako binigo, madaling kausap si Bro..

binigay niya agad ang 2nd runner-up sa UP Pep Squad..

i was clapping with tears in my eyes..

kasi nga, i was silently hoping na sana, maski hindi flawless ang UP, makuha namin sa ikatlong taon ang championship..

pero hindi eh..

but then again, okay lang..

after that announcement, naging iisang boses ang araneta..

almost 2/3 of the crowd were chanting "FEU! FEU! FEU!"

na siyempre, pinasimulan ng UP students..

i guess, we really don't care what our place is, as long as USTe go home empty handed..



the ADMU BBB won as 1st runner-up,, and the crowd already went crazy..

the chants for FEU became louder, sinasabayan ng mga tao sa paligid ko ang cheer ng FEU..



at siyempre, hindi nagkamali ang hula ng karamihan..

FEU bagged the championship for the cheerdance competition this year..

and it was a well deserved win..



ang yabang lang ng USTe,, BAWI GAWI pa sila ah..

umuwi tuloy silang SAWING GAWI..

wala, walang naiuwing kahit na ano..

maski ang school pride na pinagmamalaki nila ay hindi nila nadala paglabas ng araneta..



tunay na masaya ang araw na ito..

maski na hindi naiuwi ng UP ang kampeonato, masaya pa din ang lahat sa magandang laban na ipinakita ng halos lahat ng sumali..



for FEU, congratulations! you deserve it! babawiin iyan ng UP next year, kaya galingan niyo! :)

for ADMU, clap clap for you guys! at least, pati sa cheerdance ay okay na din kayo.. kelan kaya magiging okay din sa basketball ang UP? :)

for UP, okay lang un guys.. bawi next year! :) magaling pa din tayo!! ^^



and now, as i sit and type infront of my laptop, i realized that, well, it was the sweetest 2nd runner-up trophy ever..

and it will always be sweet, as long as UST SDT goes home with nothing ^__^

Tuesday, September 1, 2009

magulong pulitika ng Pinas

hai, mejo nakakasawa na ang magulong kalagayan ng pulitika sa pinas..
dakdak dito, tira doon, kanya-kanyang pakulo..

bakit ba pinipilit na tumakbo si noynoy aquino?
bakit may mga taong nagpapaubaya?
hindi ba dapat kung totoo ang layunin mong maglingkod at kung naniniwala kang tunay na paglilingkod sa bayan ang maibibigay mo, hindi ka dapat na magbigay?
hindi naman magkakagulo ang pinas kung marami galing sa isang partido ang tatakbo, ang mahalaga ay kung bukal sa loob ng isang kandidato ang paglilingkod..

nakakasawa nang marinig ang mga pakulo ng mga kandidato..
marami ang trapong-trapo na ang dating..
patropa-tropa pa, ang aga aga nangangampanya..
at pwede ba, ayoko maging pink ang Malanacanyang, kaya sana, tigilan na ang pagporma ng isa jan, na wala namang nagawa kundi tadtarin ng pink fences at pink urinals ang kamaynilaan. na if i know ay nagpapayaman lamang naman dahil ung firm niya rin naman ang gumagawa ng mga foot bridges at pink fences na yan..

tigilan na sana ang pag iisip ng pangsariling kapakanan ng mga pulitiko sa Pinas..
panahon na para ibangon naman natin mula sa lugmok na kalagayan natin ang ating bansa..
sana hindi puro pangako, sana mas malakas ang dating ng bawat paggawa..

bansa natin ito, dapat tayo ang nagmamahal at nag aalaga..
tama na muna ang mga personal advancements..
kung tatakbo tayo sa pwesto, siguraduhin natin na hindi tayo puro daldal, siguraduhin natin na may magagawa tayo para sa ikauunlad ng bansa natin..

*nakakasawa nang maging katatawanan sa buong mundo, panahon na para umahon naman tayo..