change in life is inevitable, as others may say it.
for me? i wish i'll just stay at where i was a month ago.
these past few weeks was not that great, but well, it was, but not really.
haha, weird noh?
hindi ko kasi talaga alam kung ano ang dapat na maramdaman..
about two weeks ago, i was inducted as a college councilor, i had to assume the vacant position, posisyon na iniwan ng isang slatemate ko dahil sa personal problems niya.
masaya, oo, kasi makakasama ko na ang slatemates ko, after ilang months na masabik na makasama muli sila..
kaso, mas malaki ung feeling ng lungkot at panghihinayang..
i have to resign sa dalawang positions sa orgs na hinahawakan ko..
kailangan kong iwanan ang trabahong minahal ko ng sobra..
at, iiwanan ko iyon kung kailan gamay ko na ang trabaho, kung kailan matino na ako at handa ko nang ayusin ang pamamahala doon..
hai, ang hirap ng buhay..
isa pang malaking pagbabago ay ang pagtanggap na, "dude, pare, tsong.. shet.. hindi ako gagraduate on time"..
oo, tanggap ko na naman un noon pa, masakit nga lang ngayon dahil lahat sila ay grad pic na ang primary pictures sa fs, fb at multip.. samantalang ako, next year pa..
nakakaputang ina,, bakit nga ba hindi ko inayos ang pag aaral ko para kasabay ko sila?? :(
hai. hindi ko talaga malubos maisip kung bakit ngayon ko lahat nararanasan ito..
kung kailan kelangan kong magtino, saka ako napadpad sa council..
kung kelan kailangan kong bumawi sa org, saka naman parang sapilitan akong pinagbibitiw..
sana hindi ako mapagod, baka bigla ko na namang ilaglag ang lahat..
sana kayanin ko ang work load ko..
sana magawa ko pang makapag aral nang matino..
at sana, sana, sana hindi ako mawalan ng oras para kay airen ko..
alam kong magtatampo siya pag nangyari un..
**out
ako. ako. ako.
- elliz
- Pasig City, National Capital Region, Philippines
- ako si elliz. 20 taong gulang. nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. kumukuha ng Batsilyer ng Sining sa Sikolohiya, sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. tao. may ISIP. may puso. humihinga. BUHAY.
Thursday, September 24, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment