ako. ako. ako.

My photo
Pasig City, National Capital Region, Philippines
ako si elliz. 20 taong gulang. nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. kumukuha ng Batsilyer ng Sining sa Sikolohiya, sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. tao. may ISIP. may puso. humihinga. BUHAY.

Tuesday, September 1, 2009

magulong pulitika ng Pinas

hai, mejo nakakasawa na ang magulong kalagayan ng pulitika sa pinas..
dakdak dito, tira doon, kanya-kanyang pakulo..

bakit ba pinipilit na tumakbo si noynoy aquino?
bakit may mga taong nagpapaubaya?
hindi ba dapat kung totoo ang layunin mong maglingkod at kung naniniwala kang tunay na paglilingkod sa bayan ang maibibigay mo, hindi ka dapat na magbigay?
hindi naman magkakagulo ang pinas kung marami galing sa isang partido ang tatakbo, ang mahalaga ay kung bukal sa loob ng isang kandidato ang paglilingkod..

nakakasawa nang marinig ang mga pakulo ng mga kandidato..
marami ang trapong-trapo na ang dating..
patropa-tropa pa, ang aga aga nangangampanya..
at pwede ba, ayoko maging pink ang Malanacanyang, kaya sana, tigilan na ang pagporma ng isa jan, na wala namang nagawa kundi tadtarin ng pink fences at pink urinals ang kamaynilaan. na if i know ay nagpapayaman lamang naman dahil ung firm niya rin naman ang gumagawa ng mga foot bridges at pink fences na yan..

tigilan na sana ang pag iisip ng pangsariling kapakanan ng mga pulitiko sa Pinas..
panahon na para ibangon naman natin mula sa lugmok na kalagayan natin ang ating bansa..
sana hindi puro pangako, sana mas malakas ang dating ng bawat paggawa..

bansa natin ito, dapat tayo ang nagmamahal at nag aalaga..
tama na muna ang mga personal advancements..
kung tatakbo tayo sa pwesto, siguraduhin natin na hindi tayo puro daldal, siguraduhin natin na may magagawa tayo para sa ikauunlad ng bansa natin..

*nakakasawa nang maging katatawanan sa buong mundo, panahon na para umahon naman tayo..

No comments: