and as i refuse to do those things again, it was clear to me that the relationship i'm now in won't last that long.
sorry, kasi hindi ko maipaliwanag ang sarili ko.
marami akong mga bagay na pinagsisisihan, mga maling desisyon, at siguro, isa ito sa mga dahilan kung bakit umaayaw ako ngayon.
ayoko nang may pagsisihan sa huli, ikaw na rin ang nagsabi, wag masyadong kampante sa future, hindi natin alam kung saan tayo dadalhin ng relasyon na ito.
sorry, kasi magulo ako.
hindi ko kayang isa-salita ang mga nararamdaman ko.
hindi ko maintindihan kung bakit ako ganito.
takot ako, takot na magkamali ulit, kaya marami akong nagagawang bagay para hindi na magkamali ulit.
sorry, kasi nadadamay ka.
mahal kita, mahal na mahal, alam ng Diyos na mahal kita.
gusto kong itama lahat ng mali ko.
hindi dahil sa may hinihintay pa akong kasunod mo, pero para hindi mag-backfire sa akin, sa atin ang lahat ng kagaguhang ginawa at nagawa ko.
sorry, kasi ginugulo ko ang relasyon natin.
siguro, madalas mong naiisip na wala akong pakialam, na parang balewala sa akin kapag nag aaway tayo, na okay lang sa akin umuwi ng magkagalit tayo.
pero hindi mo ba naiisip, na maaaring lumalayo ako sa iyo para hindi kita mapagsalitaan ng masama?
patawarin mo ako, duwag ako.
ilang beses na akong umiyak sa harap mo, na hindi ko dapat ginagawa.
ilang beses na tayong nag aaway, pero bibihira ung ako ang unang lalapit at hihingi ng tawad.
alam ko un, alam na alam ko.
hindi ko lang magawa na ako ang unang lumapit.
gusto kong alagaan ang sarili ko, ayoko nang ako ang unang lumapit, umiyak at magmakaawa sa harap ng taong maaari din namang iwanan ako sa huli.
sorry, kung hindi ako naniniwala sa forever.
malaking dagok ang nakuha ko sa nakaraang relasyon ko.
at kahit na anong gawin ko, kahit gaano ko kagusto, hindi ko maialis sa isip at puso ko ang sakit na pinagdaanan ko.
kaya siguro, hanggang ngayon, sa maliit na parte ng puso ko, hindi ko magawang mapaniwalaan na mahal mo nga ako, at na pwede pa akong mahalin sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ko.
sorry, hindi ako normal.
sorry, kumplikado ako.
hindi ko alam kung paano ko pa ipapaliwanag ang sarili ko sa'yo.
dahil mukhang ikaw rin mismo, gulong-gulo na.
mahal kita, pero gusto kong paniwalaan naman na hindi lahat ng pagmamahalan, kailangan ng sekswal na gawain para maipakita ung pagmamahal na un.
kaya kitang bigyan ng halik, yakapin ng mahigpit.
pero sana, hangga't maaari, maintindihan mong hanggang doon na lamang ang pwede nating gawin sa ngayon.
hindi dahil sa inilalaan ko ang sarili ko sa ibang tao, hindi dahil sa naghihintay pa ako ng kasunod mo.
kundi dahil gusto kong itama ang mali ko, gusto kong ayusin ang relasyon natin, itama ang pundasyon.
gusto kong patunayan sa sarili ko na hindi lahat ng matagumpay na relasyon, umiikot sa seks at sa physical contact.
gusto kong maramdaman na mahal mo ako, at hindi ka tumatagal at nagtitiyaga sa relasyon na ito dahil sa easy access.
gusto kong ibalik ang tiwala sa pagmamahal, ibalik ang tiwala at respeto sa sarili ko.
gusto kong dumating ang panahon na sa oras na gagawin natin iyon, hindi na ako babangungutin at magigising na umiiyak.
gusto kong buong-buong ibigay ang sarili ko sa'yo, maski hindi na kabuuan ang makukuha mo.
patawarin mo ako, kung akala mong mababa ang tingin ko sa iyo.
kung akala mong balewala sa akin ang mga pangangailangan mo.
kung akala mong hindi ko naiisip ang pagkukulang ko.
pero sana, nakukuha mo kung bakit ako nagkakaganito.
gusto kong maramdaman na hindi lang katawan ko ang habol sa akin ng tao.
na hindi lang dibdib ko ang tinitignan sa akin.
mukha na nga akong laspag eh, gusto ko lang naman na alagaan ang sarili ko.
masama ba iyon? :(
patawad, patawarin mo ako.
kung hindi sasapat ang paghingi ko ng tawad, maski masakit, mas gugustuhin ko pang pakawalan ka.
para mapunta ka sa taong magmamahal sa'yo.
sa taong iintindi, sa taong magbibigay sa'yo ng mga pangangailangan mo.
patawad, pero gusto kong maging firm sa desisyon na ito.
mahal kita, at kaya ko pa rin namang ipakita ang pagmamahal ko sa'yo nang walang sekswal na kontak.
kaya ko pa ring paliguan ka ng halik, yakapin ka ng mahigpit.
pero patawad, hanggang doon na lang muna.
hanggan doon na lang muna.
mahal kita.
ako. ako. ako.
- elliz
- Pasig City, National Capital Region, Philippines
- ako si elliz. 20 taong gulang. nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. kumukuha ng Batsilyer ng Sining sa Sikolohiya, sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. tao. may ISIP. may puso. humihinga. BUHAY.
Saturday, January 30, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment