ako. ako. ako.

My photo
Pasig City, National Capital Region, Philippines
ako si elliz. 20 taong gulang. nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. kumukuha ng Batsilyer ng Sining sa Sikolohiya, sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. tao. may ISIP. may puso. humihinga. BUHAY.

Tuesday, October 14, 2008

..A piece of my past..

Been through one failed serious relationship and a number of an “almost” romantic connection, have surpassed problems, trials and hardships that came with those relationships, been better, gone worst, have undergone changes, felt bad about break-up and goodbyes, cried my heart out, laughed though I felt like dying, smiled though my heart was grieving, gave my everything, yet I failed. I’ll never be the person I am today without those people who chose to leave me, who chose to break my heart. Yes, I do nurture hatred, but then, that’s what I hold on to, that’s what keeps me going so that I won’t go back to where I was before.

This kind of post is super “uso” these past few months, and I guess that’s what motivated me to do my own piece. And if you happen to be reading this post, and you think that you fit the description I’ll be giving out, the memories and moments I’ll be telling about, own it, coz you’ll feel if you are the one I’m talking about, you’ll know if the memories we once had are the ones that I’m sharing. Just please forgive me if I’d be writing in taglish, there were just some ideas that are not easy to express in English.

1. Never have I known a person as talented as you are; a musician, a composer, a guitar player, an artist. You made me laugh with the simplest jokes; you made me stay on the phone for hours, you made me long to hear your versions of the latest songs. You are the first person to ever sing to me on the telephone, and I find it really sweet. We watched Slam Dunk together, while talking to each other on the phone. Never have I tired playing jack en poy to anybody on the phone but with you, it was weird at first, but then, that simple weirdness made me so fond of you. You’ve been so nice, that was why I find it so easy to fall in love with you. Simple, misteryoso, tahimik; ganyan ka ilarawan ng mga taong malapit sa iyo. Pero nakita ko ang totoong ikaw, nakausap ko ang totoong ikaw, hindi man kita nakasama dahil madalas na nagkakahiyaan, alam kong kung ano ang ipinakita mo sa akin ay ang totoong ikaw. Kinausap lang kita dahil crush ko ang best friend mo, nang tumagal ay tayo na ang nagkakausap, at nagustuhan na kita nang lumaon. Maraming nakapansin ng bigla mong pagbabago, palangiti ka na daw, mas magaan na ang dating ng aura mo, maaliwalas na daw ang mukha mo at ang sabi nila, dahil daw iyon sa akin. Kapag nasa eskwelahan, nagkakangitian lang tayo, at alam na ang ibig sabihin no’n. Ikaw ang naging inspirasyon ko sa mga quiz bees na sinalihan ko, dahil minsan mo na akong pinalakpakan nang tawagin ako sa stage para kunin ang sertipikong iginawad sa akin dahil sa pagkakapanalo sa isang essay writing contest, natawag niyon ang pansin ng lahat ng mga kamag-aral mo kaya tiyak na nag-isip sila ng kung ano sa atin. Wala naman tayong sinabi, simpleng ngiti at tango na lamang. Naramdaman ko yung espesyal na koneksiyon na iyon. Nalaman ko ang buong kwento ng buhay mo. Naikwento mo ang halos lahat ng tungkol sa iyo at sa buhay mo. Dalawang buwan lamang iyon, pero parang iyon na ang pinakamahabang dalawang buwan ko. Bigla kang nawala, nagbago, sa hindi ko nalamang dahilan. Umalis ka sa tinitirahan ninyo, lumipat at nagpalit ng numero. Hindi ko alam kung bakit, pero nasaktan ako sa pangyayaring iyon. Hindi naging tayo, pero yung sugat na iniwan mo sa puso ko ay matagal bago naghilom.

2. We’ve known each other for years, we somehow see each other grow, we’ve been classmates for two years and you were the one who taught me how to draw a Viper. You have that passion for sports cars ever since. And you, too, are passionate about your sport, basketball. You are funny, childish and “makulit”, and when we saw each other again after 9years, we both knew there was something. But then, you were still in love with you ex girlfriend. You had hurt me for quite a number of times, and left me hanging as you reconciled with her. Hindi ko malaman kung paanong bigla na lamang nag-iba ang naramdaman ko para sa iyo. Matagal na tayong magkaibigan, pero wala namang malisya iyon noon, ewan ko nga ba kung bakit at paanong minahal kita. Naghintay ako sa iyo, halos apat na buwan, umaalis ka at bumabalik din. Nawawala ka kapag kailangan ka niya, at bumabalik sa akin kapag hindi na. naguguluhan ka, iyan ang madalas mong sinasabi, pero sa kanya pa rin bumabalik, at yun yung pinakamasakit na nagawa mo sa akin. Nagsawa na ako at lumayo, pero bumalik ka, at sabi mo wala nang alisan iyon. Sinabi mong ako ang mahal mo, at ayaw mo na talaga sa kanya. hindi na ganoon katindi ang nararamdaman ko para sa iyo nung panahong iyon, pero tinanggap pa din kita. Ihihingi ko ng tawad ang pang-iiwan ko sa iyo, dahil hindi na talaga kita mahal noon. At hindi mo din naman naparamdam yung pagmamahal na sinasabi mo dahil sa pagsama-sama mo sa mga barkada mo, at sa kakulangan mo ng oras sa akin. Siguro nga, we are better off as friends.

3. I never really loved you, and I’m really sorry for that. The moment that you told me you’re leaving, tears were running down your face, and me? I just want to laugh out loud. That moment was really funny, as in really funny. I’ve never been this bitchy before, but swear, I do laugh on the floor rolling every time I remember that situation. I never really felt my importance when I’m with you, we barely saw each other, and you barely had time for me. Nung nakilala kita, hindi ko inexpect na ikaw ang tipo na magugustuhan ng best friend ko. Hindi ko din alam kung ano ang nakain ko at pinagbigyan ko ang tita mo nang hilingin niyang sagutin kita, dahil daw nagbabago ka dahil sa pagkakakilala mo sa akin. Nagiging masipag ka na daw at gumagawa na ng Gawain sa bahay. Naawa ako sa tita mo, dahil masyado na siyang maraming pinoproblema. Marami tayong pinag-aawayan, madalas na hindi magkasundo. Ayoko na naninigarilyo ka, ilang beses kang nangako pero hindi mo tinupad. Sinabi mo ding babalik ka na sa pag-aaral, pero dumaan ang ilang taon at wala pa ding nangyari sa buhay mo. Galit ako sa iyo, dahil sinasayang mo ang oras mo. Wala kang nagagawang kapakipakinabang. Umalis ka apat na taon na ang nakakaraan. Pinapangako mo akong maghihintay sa iyo, at nangako ka ring titigilan na ang paninigarilyo at mg-aaral na para maipagmalaki naman kita. Pero pagbalik mo, wala pa din, wala ka pa ding kwenta. Kahit ilang beses mo akong iyakan, at pagmakaawaan, patawarin mo ako pero hindi na ako babalik sa iyo. Nung umalis ka, pinipilit kong paiyakin ang sarili ko, sabi ko iiwan ako ng boyfriend ko pero ni hindi ako nakakaramdam ng pagkalungkot, at napagtanto ko nga na hindi kita mahal. Go on and live your life, ayusin mo ang buhay mo, para sa iyo din naman yan.

4. And they call it puppy love, but I call it stupidity. We’ve been close friends, you telling me stories and asking me for advices about your girlfriend. I must admit that from the start, I was attracted to you, but I decided to just drop the attraction because its way better to keep you as friend. Marami akong nalaman tungkol sa iyo, kung naka-ilang girlfriend ka na, ang pamilya mo ay nakilala ko at nagustuhan nila ako kahit na hindi ako ang girlfriend mo ng panahon na iyon. Hindi ko natupad na manatiling kaibigan mo, bata pa tayo nun, first year high school. Ni hindi ko alam kung ano ang pakiramdam ng mahawakan ang kamay ko ng isang lalaki, kaya iba’t ibang emosyon ang naramdaman ko nung una mong hinawakan ang kamay ko. Itinatago pa nga natin ang mga kamay natin sa ilalim ng bags natin dahil bawal sa eskwelahan. Tinutulungan kita sa mga reports mo, sa mga homeworks at seatworks. Nakatapos tayo ng first year nang magkasabay, ng wala kang bagsak dahil sa tulong ko na rin. Natawa ako sa reaksiyon mo nung sinabi kong sinasagot na kita, naglumundag ka at nagsisisigaw. Pero hindi natin pareho inakala na hindi tayo magtatagal. Pagpasok ng second year ay inis ako sa iyo. Umuwi ka ng probinsiya nang ni hindi man lang nagtetext o tumatawag sa akin. Akala ko, tapos na tayo. Hindi kita pinapansin at kahit pa tinatangka mong makipag-usap sa akin ay dinededma kita. Hanggang sa naging kayo ng isang kaibigan natin, o kung kaibigan nga ba niya ako. Kung ano-anong masasakit na salita ang sinabi ninyo sa akin. At hinding hindi ko makakalimutan nang sinabi mong hindi mo ako minahal, at niligawan mo lamang ako para makapasa ka ng first year. Iyak ako ng iyak noon. Hindi ko alam kung dahil nasasaktan ako, o nagagalit. Hindi na ako nakipag-usap sa inyo muli. Umalis ka ng Sta. Rosa, at naiwan siya doon. Kahit na wala ka na ay hindi pa din siya tumitigil sa pang iinis sa akin. Maraming beses akong napaaaway, at napahiya sa eskwelahan dahil sa kagagawan niya. galit ako sa iyo, galit ako sa inyo, at namumuhi ako sa kanya. umalis din siya ng Sta. Rosa kalaunan, at humingi ka ng tawad sa akin. Sinabi mong hindi mo kagustuhan iyon, at siya lamang ang nagsasabi ng mga sasabihin mo sa akin. Pinatawad na kita, at ngayon nga ay ninang ako ng panganay mong anak. Minsan ay sa akin ka pa din tumatakbo kapag nagkakaproblema kayo, at sigurado naman na tayong nalimutan na natin ang lahat ng masamang nangyari sa atin.

5. I was just like you, you were just like me. I get so kilig all over when you first texted me before, and you told me you were my secret admirer. We’ve known each other for years, participated in some contests together. You never fail to amuse and amaze me every time I read something that you do. You play the guitar too. Bumili ako ng smart na sim card noon dahil sa iyo. Masaya kang kausap, hindi ka boring na tao, at sobrang palabiro. Nakakaadik kang kausap. Nung nakilala kita, humanga na agad ako sa iyo. Akala ko noon, titignan na lang kita sa malayo, pero nagkasama tayo sa isang pagkakataon, nagkakilala at nagkausap. Sinabi kong crush ko ang isa mong kaibigan para hindi tayo magka-ilangan. Grumadweyt ka at akala ko, iyon na ang huli nating beses na magkikita. Pero dahil sa friendster, nagkakonekta ulit tayo. Nagkausap, nagkapalitan ng numero, at hindi ko maitago ang tuwa nung tinext mo ako at sinabi mong secret admirer kita. May pakiramdam akong ikaw yun, pero hinintay kitang umamin. Hindi ko alam kung totoo sa iyo ang sinabi mo na iyon, basta ako, kinilig. Ilang beses na din tayong nag-usap sa cellphone. Kahit na anong mapag-usapan, maging mga simpleng kalokohan, kahit anong bagay na matipuhan. Ang mga lugar na gusto kong puntahan ay kapareho ng mga lugar na gusto mong marating. Ang mga rason mo ay halos tugma sa mga rason ko. Ang mga nagustuhan mong palabas ay nagkataong gusto ko rin. Marami tayong pagkakapareho, maraming pinagkasunduan. Wala akong pakialam kung may exam ako kinaumagahan basta kausap kita. Ilang pagkakataon na rin tayong inumaga sa pag-uusap at pagkukuwentuhan. Marami na rin akong nalaman tungkol sa iyo, mga interesanteng katotohanan, at talagang nakakatuwa ang buhay mo, o nagagawa mo lamang pagaanin ang takbo ng sitwasyon sa paligid mo. Ikaw yung taong bihira magkuwento, pero kapag nagsimula na ay pagkawala lang ng load ang makakapigil. Oo, may isang punto kung saan nararamdaman kong nahuhulog na ako sa iyo. Pero, I respect our friendship so much, sobrang pinapahalagahan ko ang pagkakaibigan na yon, kaya kinalimutan ko ang naramdaman ko. Baka kawirduhan lang kasi sa isang banda. Ipagdarasal ko ng sobra na ang pagkakaibigan natin ay hindi kumupas, hindi magbago, hindi lumain ng panahon, at sana palagi nating maintindihan ang isa’t isa, dahil hindi ba nga, magkapareho tayo?

6. You are one of the few people whom I’ve trusted the most. You are the very first person I’ve loved with all my heart, and the 6months 2weeks 5days and 19hours we had was one of the most beautiful memories of my life. You respected me and never even tried to go beyond the limitations and boundaries that we have set for the both of us. We were always left alone in your shop, yet you did not do anything that will make me feel bad. We’ve been barkadas for four years, though we really were attracted to each other from the start, I was glad that you let the time pass by and courted me in the time that we both can handle the relationship. Kahit noong elementary pa tayo, kinukulit na ako ng mga kapitbahay niyo na ibigay na ang number ko sa iyo. Magkabarkada tayo, at alam ko namang alam mo ang number ko pero ganun pa din sila sa kakakulit. Lihim naman akong kinikilig. Alam kong babaero ka, at ilang babae na din ang naikukwento mo sa akin kada mag-uusap tayo sa telepono. Minsan pa’y sa akin ka humihingi ng payo kung paano makikitungo sa kanila. Magkabarkada tayo, at kahit pa ramdam naman natin ang pagkapalagay ng loob natin sa isa’t isa ay hinayaan na natin iyong maging ganoon na lamang pansamantala. Hindi ko alam kung ano ang nakain mo nung nagtapat ka. Magkasabay nating sinalubong ang bagong taon, at duon ka nagsabi na gusto mo na akong ligawan. Tamang-tama ang timing ng lahat, dumating ka dun sa panahon na humihingi ako ng senyales na ipakilala na sa akin ang taong makakatuluyan ko. Kaya lang, natatakot akong mawala ka sa akin, mawala ung pagkakaibigan, dahil sayang ang samahang inalagaan din naman natin ng apat na taon. Pero sadyang pinaglaruan tayo ng pagkakataon, nanligaw ka at ikaw ang unang-unang kumausap sa papa ko. Matapang mo siyang hinarap kahit pa nangangatog ka noon, napapangiti na lamang ako dahil na-impress mo talaga ako. Pinangako ko kasing seseryosohin ko ang lalaking kakausap ng matino kay papa para magpaalam na ligawan ako. Aayaw sana ako, pero mas malakas ung nais ko na mas mapalapit sa iyo, na maging tayo. Ikaw ang unang lalaking nagbigay sa akin ng teddy bear. At yung teddy bear na bigay mo, umiikot ang kamay, kaya tuwang-tuwa talaga ako. Ikaw ang unang lalaking nakasama kong magsimba, kahit naman nung hindi pa tayo ay magkakasama na talaga tayo paminsan. Ikaw ang unang lalaking nagluto at naghanda ng pagkain para sa akin, at ang sabi mo nga, dun mo nilagay ung gayuma mo. Ikaw ang unang lalaking sineryoso ko, minahal at binigyan ng effort na sobra sobra. Ikaw rin ang lalaking kasama ko sa kalahati ng ups and downs ng 4th year life ko. Katulad nung grade 6 tayo kung saan may kuha tayong magkasama, magkasama din tayo sa graduation day mo, at nagpakuha tayong dalawa at ang litratong iyon ang ipina-frame mo para ipangregalo sa akin sa araw ng pagtatapos ko. Naging alalay ka ni mama, taga-kuha ng litrato ko, taga-bitbit ng gamit ko, taga-suporta, taga-palakpak. Minahal ka ng pamilya ko. Kamuntikan ka pa ngang makipag-away para ipagtanggol ang mga kapatid ko hindi ba? Ikaw yung tipo ng lalaki na kapag walang gagawin sa bahay nila ay pumupunta sa amin para maki-bonding. Ikaw yung tipong isang text lang, anjan na agad to the rescue. Ikaw yung magpapaalam para pumunta ng Taguig para sa band practice pero sa bahay pala namin ang punta mo. Ikaw yung taong mahilig sa surpresa, palabiro pero kahit kailan ay hindi ginawang biro ang tungkol sa relasyon natin. Ikaw yung kapuyatan ko sa telepono, bampira nga ang tawag sa iyo ng mama ko, hindi ba? Mahal ka ng pamilya ko, at ganoon din naman ako sa inyo. Ikaw ang unang lalaking nagbigay sa akin ng bulaklak. Kilala ako ng mga pinsan mo, at ng lolo mo at ng mga kapatid mo. Ikaw din ang unang lalaking pinakilala ko sa mga lola at tito at tita ko. Hindi mo ako binibigo sa mga panahon na kailangan kita. Sabi nga nila, kapag playboy, masarap magmahal. Pero kapag playboy, playboy na talaga. Pumasok tayo ng college, with a dream na magkasama pa din tayo hanggang magtapos tayo. Pero hindi yun natupad. Nagbago kang bigla, naging busy dahil nursing nga ang kurso mo, miminsan mo lang akong nasundo, ako ang madalas na sumusundo sa iyo, sa inyo nga din ako nauunang umuwi kapag maaga ang uwian ko hindi ba? Nawalan ka ng oras sa akin, pero hindi ko inisip na sa ganun tayo hahantong. Hindi ko din alam kung ano ang paniniwalaan ko, basta nagkaroon ka ng iba, at pinili mo xa over me. Nasaktan ako, gumuho ang mundo ko. Umiwas ako sa iyo, sa inyo, sa buong barkada natin. Nagtago ako at lumayo, pero tropa un eh, hindi ako makakakawala dun. Pinakilala mo ako sa bago mo, kinaibigan niya ako, sa akin siya humihingi ng payo tungkol sa iyo, at nung nagkahiwalay kayo, sa akin ka din tumakbo. Alam kong alam mong muntik na tayong bumalik nung mga panahon na iyon. Pero sinabi mo sa akin na wag na lang, na hindi kita deserve, na dapat akong mapunta sa taong mas magmamahal sa akin, sa taong mas mag-aalaga sa akin, hindi sa tulad mong gago. Iniyakan kita, oo, pero masaya ako na iyon ang naging desisyon mo, dahil hindi ka naging sakim, dahil pinahalagahan mo ako at ang damdamin ko. Gusto ko naman magpasalamat sa iyo, dahil kung hindi sa ginawa mong pagpaparaya ay hindi ako magiging ganito kasaya ngayon. Dahil pinili mong iwanan ako kahit na alam mong mahal natin ang isa’t isa, pero hindi ako nababagay sa iyo. Salamat ng marami sa pagpapahalaga sa akin, sa pagpaparealize ng worth ko, salamat kasi pinabayaan mo ako para mahanap ko ung taong nagmamahal sa akin ngayon. Salamat ng marami sa pagmamahal mo, sa pang-unawa, sa pag-intindi, sa lahat-lahat, oo nga at playboy ka, at least naranasan kong mahalin ka at naranasan kong mahalin mo ako. Salamat!

i've been this strong because of all of you..
hindi man ako naging perpektong tao para sa minamahal ko at nagmamahal sa akin ngaun, okay lang, kasi alam ko, ung mga mali ko noon, hindi ko na uulitin sa amin ngayon. :)

Sunday, October 12, 2008

the Philippines' JEEPNEY

Few countries in the third world have managed to come anywhere near finding a mass transport system that meets the needs of their millions of commuters. Some possibilities have moved off the drawing board in traffic choked cities despite scarce public funding brought about by regional economic downturns (African Business, 2001).

While commuters wait patiently for a public system that would work and is affordable, they have found many ingenious ways of getting around (African Bussiness, 2001). The Philippines for example, is known for its jeepney, the most popular mean of transportation in the country. They were originally made from the US military jeeps which were left behind from the 2nd World War. The jeep, as it was fondly called by Filipinos, was known for its flamboyant designs and crowded seating. And most of all, it is known as the symbol of Filipino creativity, innovativeness and ingenuity.

When the American troops began to leave the Philippines at the end of the World War II, hundreds of surplus jeeps were sold or given to local Filipinos. Locals then stripped down the jeeps to accommodate several passengers, added metal roofs for shade, and decorated the vehicles with vibrant colours and bright chrome hood ornaments. One of them was a musician, bandleader and composer named Clodualdo “Clod” Delfino, who claimed that he was the first one to transform a war surplus jeep into a passenger vehicle. It was in the circa 1940s- 1950s, and he drove his redesigned vehicle into several routes (Pasay- Vito Cruz, Vito Cruz- Quiapo, Quiapo- Pier, Quiapo- Grace Park, City Hall- Sta. Cruz), charging 1peso fare. He drove for 15 long hours and would earn a hundred pesos, after deducting his lunch and beer expenses. After six months, he called it quits. The entertainment business had started to look up, band musicians were in demand once more, and it was high time to re-organize his band. His jeepney became a travelling signboard for “Clod Delfino and his band” as it towed a covered wagon for their musical instruments except the bass drum. Eventually, he sold his jeepney to a friend for 3500Php. Some years later, he was told that his jeepney was resold and was picking up fares in the neighbourhood he used to live in, so went to see for himself, but it was impossible to tell which one was his because of the changes the designs had undergone. Although he has no pictures as proof, he named some of his friends to testify that he did built them on the time that he said he did.

By the time he sold his jeepney in 1946, the concept has been replicated in welding and auto-repair shops, and was later developed with many striking innovations in the structure and style by a growing industry in the 50s and 60s, and further on in the 70s to be mass-produced. Surely, it has come a long way from being the World War II Willys jeep surplus that provided an early post-war topless form of transportation, soon enough acquiring a roof, stretching the back to accommodate more passengers, taking on colours and accessories. Even as the supply of surplus jeeps and alternative mother-vehicles decreased, it continued to spawn an industry and commerce of build-from-scratch jeepney production, providing the needs of the populace for an affordable means of transportation and all imaginable hauling needs.

And who are the pioneers who made jeepney a household word? Certainly, not those people with college degrees, not those professionals, or even holders of high school diploma. They are mainly men of low-middle-class backgrounds; they have little formal education, and can barely speak English. Pioneers like Magsikap Legaspi, Leonardo Sarao and Anastacio Francisco are good examples of those people who succeeded because of “sipag at tiyaga”. They started their small businesses in the early 50s, and later on prospered into a big venture as jeepney manufacturers. They were soon known to the public, by those metal cut-outs of their names in bold letters that were put in the flanks of their products, and beneath their names, the word “custom-built” would usually appear to indicate that each was made to conform to the costumer’s designs.

Years later, Francisco Motors Corporation introduced streamlining and mechanized finishing in jeepney body building, and other manufacturers joined in the trend, trying to put some “Western” touch to be accepted by the Western people. But Sarao Motors remained to be humbly Filipino, with colours and touch of the Baroque art. Certainly, the jeepney is “Pinoy” all over, from its designs to its structure to its “burloloy” and “abubot” hanged inside the jeepneys.

A work of art on wheels? Certainly yes! Jeepney art is a combination of the "art of the accessory" and the "art of the colour" applied on a basic canvas shell of galvanized metal or buffed and glimmering stainless steel. The jeepney has undergone an evolution of the artistic side of the Filipinos, from the early 1950s wherein there was a chromatic effusion and ornamental variety, up to the present times with painted designs of almost anything and everything under the sun, depending on the likes of the driver or the painter. No two jeepneys are even alike. The body structure show distinct differences, customization starts with the body, a detail here and there. Then the differences of personal touches - a choice of accessory, horses and horns, lights and mirrors, names and dedications, a colour preference, an art theme, a religious icon or invocation - details that proudly blazons a signature, a personal statement and ownership.

The art of the borloloys also tell something. Accessories are often more defining to jeepney design than colour. Usually symmetric and for the most part concentrated and insanely crammed on the front-hood area, they number from a few to many to excessive to pathologic-excessive. There were ones with horns, horses, flags and even automotive emblems, all depending on how the driver wants his own jeepney to look like.

In jeepney art, anything goes. Some are passive artworks, compositions of jeepney artists commissioned by the manufacturers; some are kinetic, fantasy-type arts, unendingly adding layers and layers of colours and designs. Anything goes, as long as the handy jeepney artists can work on it, the jeepney will surely make your eyes follow with awe and amazement. It is art, Baroque. Pop. Mobile art. Construction art. Collage-on-wheels. Art-on-wheels. Graffiti-on-wheels. Folk art. Pinoy art. People's art. Proletarian Art. Masa Art. Truly and proudly Filipino.

On the other side, the government surely did a lot of programs to promote our jeepney all over the world. During the Marcos regime, the jeepneys became a tourist spot because of several promotions by the government. It was in the year 1968 where the jeepneys had its biggest media build-up because even beauty queens endorsed and posed with our jeepney. In 1971, the Philippine Travel and Tourism Association featured the jeepney in the Philippine Jeepney Roadshow, wherein they toured the jeepneys worldwide. Two jeepneys with a crew of drivers and a handful of Philippine handicrafts and souvenirs were set on to a marathon from Manila to London, via Europe, Middle East and Southeast Asia. And as expected, the jeepney amazed the foreigners who had the chance to see the colourful vehicle right in front of their eyes. Our jeepney even appeared in the New Yorker, courtesy of the Philippine Airlines.

There were even a number of painters who did their portraits about the jeepney, and some of them were Vicente Manansala, whose painting is in the Ateneo Art Museum, Mauro Malang-Santos and Antonio Austria who focused on its folk-art naivete and humor, and Leo Aguinaldo who paid an abstract expressionist tribute to its coloristic extravagance. And who’d forget “Gorio and his Jeepney?” A comic strip made by Ben Alcantara.

It may have undergone a lot of improvements and changes, but in the end, truly, the jeepney is still a symbol of Filipino Ingenuity, Creativity and Innovativeness, may it be supported by the government or not.

Thursday, October 9, 2008

BACOLOD : plane trip at hotel accommodation

first time kong sumakay ng eroplano.
technically pala, hindi, dahil nakarating na ako ng kuwait nung 5 taon pa lamang ako.
pero, siyempre, hindi ko na gaano maalala yun, batang-bata pa ako nun eh.
sa pagkakataong ito, mas naramdaman ko kung paanong maaliw at matakot at kabahan habang nagsisimulang umangat sa ere ang eroplanong kinalululanan namin.
masakit sa ulo, para akong nasa likod ng bus na sobrang alog.
at nakakabingi ang ingay ng makina, hindi kinaya ng pagnguya ko ng bubble gum.
ramdam na ramdam ko nang umangat ang eroplano sa ere, parang bumaligtad ang sikmura ko.
tinalo pa ang experience ko sa roller coasters, mas nakakahilo talaga.
nang nasa ere na ay kitang kita ko kung paanong tumatagilid ang eroplano kapag nagmamaniobra ang piloto, talagang napakasensitibo ko lang sa mga kilos at galaw sa paligid ko.
nang maging stable na ay namigay na ng pagkain ang mga stewardess at stewards.
medyo maalog pa din ang eroplano dahil sa turbulence, naulan kasi sa labas, at malakas ang patak, ayon sa nakita ko nang sumilip ako sa bintana..
natatakot ako, madaming napapahamak kapag ganito ang panahon..
hindi pa makapagbukas ng kahit na anong electronic device dahil naka-on ang seatbelt light.
kaunting panahon lamang naging smooth ang biyahe, masama nga kasi ang panahon.
naging maingat naman ang piloto, at naging napakabait ng mga crew ng eroplano.
hindi ako nakapunta ng lavatory, wala akong kuha doon.
mula sa airport kuha ako ng kuha.
sana marami pa akong makunan ng litrato sa dalawang araw na ipapamalagi namin.
naging mas miserable pa ang pakiramdam nang pababa na ang eroplano.
nanunuot sa tenga ang sakit ng pressure..
pumapasok at dumidiretso hanggang sa may leeg ko..
ni hindi ko marinig ang sarili ko..
at hindi nakakatulong ang bubble gum ko..
halos maiyak na ako, pero sabi naman ni mama, sandali lang daw iyon..
ang lakas ng pakiramdam ko talaga..
ramdam ko pati ang paglabas ng gulong sa ilalim ng eroplano..
pati ang malakas na paglapag nito sa semento..
parang bumalibag..
pero ayos na din, at least nakalapag kami ng matiwasay..
paglabas ng eroplano ay sinalubong kami brown out nang bumababa na kami ng escalator.
naku, nagkakaproblema din ang kuryente nila dahil sa sama ng panahon.

matagal bago namin nakuha ang bagahe namin.
at paglabas ay may sumalubong kaagad sa amin para sa shuttle na maghahatid sa hotel..
ayos naman ang hotel, maganda at mukhang malinis..
wala nang bukas na kainan sa paligid, kaya umorder na lamang kami sa Cafe Ismael sa ibaba ng Royal Am Rei hotel..
hanggang 9:30 lamang daw bukas ang kusina nila, buti umabot ang order namin.
masarap ang pagkain, medyo bitin nga lang ang kanin..
nawa'y maging maayos ang una naming gabi dito..

*may ipis sa twalya ko! grrr!

jealous much?


Result: Realistic and Rational

You're a good person, but you know that not everyone else is so good all the time. Little things can make you jealous - like if someone gets too flirty with your honey - but you also know how to shrug off the small stuff.

Be careful, though! If you spend too much time being jealous and not enough time just kicking back and having fun, then what's the point of living? Right?

STATS:

* 39% (2,941) other adults are also Realistic and Rational
* 30,904 people have taken this quiz.
* Most people who take this quiz get this result: The Opposite of Jealous

Wednesday, October 8, 2008

saan ka lulugar?

dumating na naman ako sa punto ng pag-iisip.
may exam sa friday, birthday celebration ng isa sa mga malalapit kong kaibigan, at birthday ng papa ko. pero bukas ng hapon ay lilipad na kami papuntang Bacolod, ako at si mama. sasamahan ko si mama doon para ayusin ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa agency at sa opisina. mamimiss ko ang birthday celeb ni shella, at mas lalong hindi ko Xa makakasama.

ayoko naman ikansela ang pagsama ko kay mama, dahil nabili na ang tiket ng eroplano at ayos na ang lahat ng dapat ayusin. anong gagawin ko?

naiiyak ako, dahil tiyak na hihintayin ako ni shella sa biyernes. kung ako lamang, ayokong umalis sana, pero walang kasama si mama. haii, anong gagawin ko? saan ako pupunta? :'(

Tuesday, October 7, 2008

when will i get married?


Result: In 7 Years

Nice timing! That'll give you plenty of time to find your soulmate (if you're still looking), fall in love and pick out your catering menu.

We recommend the salmon - it's a total crowd-pleaser.

STATS:

* 31% (1,540) other adults are also In 7 Years
* 17,130 people have taken this quiz.
* Most people who take this quiz get this result: In 14 Years

Monday, October 6, 2008

what should be my name? :)


Result: Phoebe

Phoebe means "bright" and "pure" in Greek, which fits you perfectly. You're a great thinker and decision-maker, and at the same time you're an optimist - you believe that deep down, everyone's a good person.

Despite all the brains, you've also got a totally ditzy side that comes out every once in a while. Which would make you a great pal for Phoebe on "Friends."

STATS:

* 31% (5,162) other adults are also Phoebe
* 69,818 people have taken this quiz.
* Most people who take this quiz get this result: Jolie


this thing right here suits me, i'm really an optimist. :)

TALENTADONG PINOY : TATAY "RICO DAHON"

sa madalas na pagkamangha ko sa mga magagaling na manunugtog..
iilan lang ang palagay ko na worthy na mai-blog dahil sa kanilang kakaibang galing at talento..
dahil diyan, BLOG WORTHY si tatay "Rico Dahon"..

napasok kami sa Mama Leng's sa kagustuhan na kumain ng tapsilog..
at salamat sa pagkakataon na iyon dahil nakilala ko si tatay Rico, isang manunugtog na gumagamit ng dahon.
marami ang namangha sa unang tingin, maraming humanga..
mas lalong mapapanganga ka kapag pinakinggan mo ang distinct na tunog na nagagawa ng pag-ihip niya sa dahon..
hindi ko alam pero parang naiiyak ako..
ang galing, ang galing galing niya..
namangha ako at napangiti..
natanggal ung bigat ng loob ko, napanganga at di naiwasan na sumabay ng ulo ko sa kada kumpas ng nagagawa niyang musika..
it's way beyond amazing.. :D

si tatay Rico, ewan ko kung co-incidence o ano, ay nakatira sa Balara, paglabas lang daw dun sa may gilid ng Vinzon's Hall..
at ilang beses na din siyang tumugtog para sa anniversary ng UP Tomo Kai, at nakasabay na din niyang tumugtog ang UP Kontra Gapi.
na-feature na din siya sa talentadong mga Pilipino sa Rated K at sa magandang umaga Pilipinas, pati na din sa TV5.
ang galing hindi ba?

palabiro din siyang tao.
may ilang beses sa aming pag-uusap din siya nagbato ng mga biro at napatawa niya ako.
masayahin siyang tao, kahit bakas na sa kanyang mukha ang katandaan.

pero, siyempre hindi din fairy tale ang buhay niya.
sa edad niyang 50 ay wala pa siyang asawa..
naranasan na niyang makipag-live in pero kalaunan ay nakipaghiwalay din dahil dalawang beses na nalaglag (o ipinalaglag) ang anak sana nila.
nakatira siya sa bahay kasama ang mga kamag-anak.

sampung taon siya nang aksidente niyang matuklasan ang pagpapatunog ng dahon..
at 40 years na din siyang tumugtog..
sayang lamang at hindi ako nagkaroon pa ng pagkakataon para magtanong pa ng ibang mga bagay.
gusto ko pa sanang malaman ang ilang detalye ng kanyang buhay.
kung may trabaho ba siya o kung paano niya binubuhay ang sarili niya, bukod sa pagtugtog sa dahon. :)

pakiramdam ko lang, dapat pahalagahan ung iilang mga tao na talagang may kakaibang talento.
dapat silang bigyang-panisn, at sana ay mapalaganap pa ung talent nila..
kasi, sayang naman kung iilan na lamang ang marunong tumugtog ng dahon di ba?

*hindi ko alam, pero bigla kong namiss ang lolo ko.
anim na taon lang ako nung mawala siya, kaya hindi talaga ako nagkaroon ng maraming maraming time kasama siya, lolo's girl pa naman ako. :'(
[waaah, umiiyak daw ako talaga dito. :'((]

Sunday, October 5, 2008

what kind of kisser are you?


Result: Tender Kisser

As soft and sweet as the kiss of a gummi bear.

You generally reserve your kisses for people you really, truly care about. And when the two of you finally lock lips, it's tender, sweet and fit for a greeting card. If your kiss was a photograph, it would be in soft focus. If your kiss was a hot dog, it would be a vegetarian hot dog. Everyone you kiss loves your kisses, because they're better than sweet iced tea on an August afternoon.

STATS:

* 25% (57,848) other adults are also Tender Kisser
* 821,481 people have taken this quiz.
* Most people who take this quiz get this result: Romantic Kisser

Saturday, October 4, 2008

love or lust? :)


Result: Love

Hearts and rainbows all the way -- you're a total romantic.

Animal lust is nice, but you'd rather be in love with someone before you start tearing them apart. When you're in a relationship, you generally treat the other person really well. You don't cheat, and you're respectful of their differences. And when you're not in a relationship, you're selective about the people you choose to kiss or even get crushes on.

You've got a great thing going on, but don't be afraid of letting that animal side come out every now and then. A couple bite marks never hurt anyone (much).

STATS:

* 63% (98,143) other adults are also Love
* 480,926 people have taken this quiz.
* Most people who take this quiz get this result: Love, just like you.

Friday, October 3, 2008

what kind of girlfriend are you?


Result: Boss Lady

You like your relationships on your terms, at your pace. Who could blame you?

You love romance, and you love having a boyfriend. Still, relationships can be pretty unpredictable and scary. That's why you like to be in charge -- that way, you can keep all the bad surprises to a minimum. The problem, of course, is that you'll never be able to control everything. So try to relax a little and have some fun. The more vulnerable you are, the more you'll be leaving yourself open to experience real love.

STATS:

* 10% (17,273) other adults are also Boss Lady
* 633,138 people have taken this quiz.
* Most people who take this quiz get this result: Dream Girl

Thursday, October 2, 2008

What's Your Perfect Relationship?




Result: Major Drama

Being in love isn't enough for you. You crave the highs and lows of a rocky relationship. You love testing your partner and making up after a fight, and you're willing to risk things getting ugly for it.

Look for someone strong and steady who can handle your emotional side. If you date a drama queen like yourself, it might be too much for your relationship to handle.

STATS:

* 20% (1,823) other adults are also Major Drama
* 43,701 people have taken this quiz.
* Most people who take this quiz get this result: Attached at the Hip

Wednesday, October 1, 2008

buhay UP :) *tamang survey lang.

1. Ano ang student number mo? Gusto mo ba ito?
- 2006 - 010161. oo naman! :)


2. Magbigay ka ng tatlong course sa UP Diliman na hindi mo talaga alam kung ano ang pinag-aaralan nila. Pwedeng magbigay ng rason kung bakit.
- ung mga courses sa solair at surp at issi. hai hai. :)

3. Meron ka bang araw na wala kang break? Anung technique ang ginagawa mo para makakain ka?
- wala naman, lahat halos ng sem ko may breaks in between ng classes ko eh.

4. Alam mo ba kung saan ang Teletubby Land? [Yung totoo, bawal bumase sa pinagkuhanan ng survey na ito]
- yun yata ung daan papuntang math building? ewan ko eh. haha! :))

5. Nakakita ka na ba ng nagpi-PDA? Sa AS? As in sa AS Entrance? In Broad Daylight? In front of many people? Ikaw ba yung gumagawa nun?
- oo naman nakakita na ako! kahit sa classroom nga na may prof sa unahan eh. hahaha! at sa waiting shed, at sa library, at sa kung saan saan! ay, ako? hindi noh!


6. Naranasan mo na bang dumaan sa Beta Way? Kahit madilim na?
- oo. pati pag madilim na. :)

7. Alam mo ba na may 4th Floor ang FC?
- alam ko, pero creepy eh, kea dq inaakyat.

8. Within the UP Campus, ano na ang pinakamalayo mong nalakad?
- mula math building hanggang gym. sinundan ko ung ruta ng ikot, alam ko, tanga di ba?

9. Meal?
- anu daw? :P

10. Sa tingin mo, bakit concealed ang profs sa Math?
- para hindi matakasan ang voltes 5, powerpuff girls at power rangers. lol!

11. Nakakuha ka na ba ng Math prof na out-of-this-world?
- ung prof ko sa algebra. hindi pumapasok pero epal magpaexam, pwede na ba un?

12. Natatakot ka ba sa tumutunog na kuryente sa tabi ng EEE building?
- hindi eh. exciting nga eh!


13. Ilang individual libraries na ang napuntahan mo within Up Diliman? Isa-isahin.
- main lib, third world (AS), cal, cmc, psych lib (AVE), eng'g lib 2. :)

14. Nakanood ka na ba ng Oblation Run? At namukhaan na isa doon ay kaklase mo?
- hindi pa. at wala yata akong balak manood dahil may classes ako parati nun.

15. Nakakita ka na ba ng Atenean na nakatambay sa UP Campus? At naki-sit in sa klase niyo?
- oo naman! bf pa nga ng classmate ko eh.

16. Nakakita ka na ba ng artista na nag-aaral sa UP? Saan?
- oo naman! si mico aytonna, si carleen aguilar, si patricia ann roque, at iba pa. pakalat-kalat yang mga yan sa UP diliman eh.

17. Sa tingin mo, ano ang pinakamahirap na subject sa UP?
- math! pasabugin ang building at mga profs jan! grrr. :))

18. Alam mo ba na tumutunog ang Carillon?
- oo naman. :)

19. Nakapasok ka na ba sa College of Music? Kwento mo naman.
- oo, at creepy na maganda ang dating ng musika na nagagawa ng mga estudyante dun.


20. Nagpapic ka na kay Oble? Kung oo, confident ka ba na gagraduate ka?
- oo! kaya nga delayed na ako eh. hahahah! :P

21. May College Shirt ka ba? Anu design?
- meron. kada taon bumibili ako eh.

22. Naranasan mo na bang mag 1vs100 sa CRS?
- oo naman! nakukuha ko pa din naman eh.

23. Naglalaro ka ba ng Guess the Course/Spot that Freshie kapag wala kang magawa habang tumatambay sa AS? Isinasabay mo ba ang Girl/Boy Hunting sa larong ito?
- oo naman! at parating tumatama ako sa hula ko kung sino ang freshie. :) boy hunting? hindi eh. isa lang tinitignan ko e. :)

24. Nangungulekta ka ba ng Kule? Ano ang favorite section mo dito?
- dati, pero hindi na ako nakakuha nung iba eh. eksenang peyups ang paborito ko.

25. Sino ang pinakastriktong guard sa UP na nakilala mo? Yung hindi mo talaga matakasan na wala kang ID?
- wala. natatakasan ko sila pag ngumingiti ako eh. *tibay! :)

26. Nakukulangan ka pa ba sa ruta ng Ikot at Toki Jeep? Anung gusto mong ibahin sa ruta nito?
- oo! mejo. sana maabot na nila ang bagong bldgs sa likod ng math, para di na maglalakad! hahaha!

27. Natatakot ka ba sa mga tingin ng mga nangangampanya tuwing Elections? Bakit?
- hindi. :) wala lang.

28. May bura ka na ba sa Form 5 mo? Anu yon?
- wala pa. hindi ko sinusulat hanggang hindi final eh.

29. Nagkaprof ka na ba na laging wala sa klase tapos tinadtad kayo ng make-up classes sa end ng sem? Sino?
- hindi pa naman. mababait mga prof ko eh.

30. Alam mo ba kung saan ginagawa ang Blue Book? Gusto mo bang magventure sa business na ito?
- hindi eh. pwede din, tapos magtatayo ako ng tindahan sa UP. :)