ako. ako. ako.

My photo
Pasig City, National Capital Region, Philippines
ako si elliz. 20 taong gulang. nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. kumukuha ng Batsilyer ng Sining sa Sikolohiya, sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. tao. may ISIP. may puso. humihinga. BUHAY.

Thursday, October 9, 2008

BACOLOD : plane trip at hotel accommodation

first time kong sumakay ng eroplano.
technically pala, hindi, dahil nakarating na ako ng kuwait nung 5 taon pa lamang ako.
pero, siyempre, hindi ko na gaano maalala yun, batang-bata pa ako nun eh.
sa pagkakataong ito, mas naramdaman ko kung paanong maaliw at matakot at kabahan habang nagsisimulang umangat sa ere ang eroplanong kinalululanan namin.
masakit sa ulo, para akong nasa likod ng bus na sobrang alog.
at nakakabingi ang ingay ng makina, hindi kinaya ng pagnguya ko ng bubble gum.
ramdam na ramdam ko nang umangat ang eroplano sa ere, parang bumaligtad ang sikmura ko.
tinalo pa ang experience ko sa roller coasters, mas nakakahilo talaga.
nang nasa ere na ay kitang kita ko kung paanong tumatagilid ang eroplano kapag nagmamaniobra ang piloto, talagang napakasensitibo ko lang sa mga kilos at galaw sa paligid ko.
nang maging stable na ay namigay na ng pagkain ang mga stewardess at stewards.
medyo maalog pa din ang eroplano dahil sa turbulence, naulan kasi sa labas, at malakas ang patak, ayon sa nakita ko nang sumilip ako sa bintana..
natatakot ako, madaming napapahamak kapag ganito ang panahon..
hindi pa makapagbukas ng kahit na anong electronic device dahil naka-on ang seatbelt light.
kaunting panahon lamang naging smooth ang biyahe, masama nga kasi ang panahon.
naging maingat naman ang piloto, at naging napakabait ng mga crew ng eroplano.
hindi ako nakapunta ng lavatory, wala akong kuha doon.
mula sa airport kuha ako ng kuha.
sana marami pa akong makunan ng litrato sa dalawang araw na ipapamalagi namin.
naging mas miserable pa ang pakiramdam nang pababa na ang eroplano.
nanunuot sa tenga ang sakit ng pressure..
pumapasok at dumidiretso hanggang sa may leeg ko..
ni hindi ko marinig ang sarili ko..
at hindi nakakatulong ang bubble gum ko..
halos maiyak na ako, pero sabi naman ni mama, sandali lang daw iyon..
ang lakas ng pakiramdam ko talaga..
ramdam ko pati ang paglabas ng gulong sa ilalim ng eroplano..
pati ang malakas na paglapag nito sa semento..
parang bumalibag..
pero ayos na din, at least nakalapag kami ng matiwasay..
paglabas ng eroplano ay sinalubong kami brown out nang bumababa na kami ng escalator.
naku, nagkakaproblema din ang kuryente nila dahil sa sama ng panahon.

matagal bago namin nakuha ang bagahe namin.
at paglabas ay may sumalubong kaagad sa amin para sa shuttle na maghahatid sa hotel..
ayos naman ang hotel, maganda at mukhang malinis..
wala nang bukas na kainan sa paligid, kaya umorder na lamang kami sa Cafe Ismael sa ibaba ng Royal Am Rei hotel..
hanggang 9:30 lamang daw bukas ang kusina nila, buti umabot ang order namin.
masarap ang pagkain, medyo bitin nga lang ang kanin..
nawa'y maging maayos ang una naming gabi dito..

*may ipis sa twalya ko! grrr!

No comments: