ako. ako. ako.

My photo
Pasig City, National Capital Region, Philippines
ako si elliz. 20 taong gulang. nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. kumukuha ng Batsilyer ng Sining sa Sikolohiya, sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. tao. may ISIP. may puso. humihinga. BUHAY.

Tuesday, October 14, 2008

..A piece of my past..

Been through one failed serious relationship and a number of an “almost” romantic connection, have surpassed problems, trials and hardships that came with those relationships, been better, gone worst, have undergone changes, felt bad about break-up and goodbyes, cried my heart out, laughed though I felt like dying, smiled though my heart was grieving, gave my everything, yet I failed. I’ll never be the person I am today without those people who chose to leave me, who chose to break my heart. Yes, I do nurture hatred, but then, that’s what I hold on to, that’s what keeps me going so that I won’t go back to where I was before.

This kind of post is super “uso” these past few months, and I guess that’s what motivated me to do my own piece. And if you happen to be reading this post, and you think that you fit the description I’ll be giving out, the memories and moments I’ll be telling about, own it, coz you’ll feel if you are the one I’m talking about, you’ll know if the memories we once had are the ones that I’m sharing. Just please forgive me if I’d be writing in taglish, there were just some ideas that are not easy to express in English.

1. Never have I known a person as talented as you are; a musician, a composer, a guitar player, an artist. You made me laugh with the simplest jokes; you made me stay on the phone for hours, you made me long to hear your versions of the latest songs. You are the first person to ever sing to me on the telephone, and I find it really sweet. We watched Slam Dunk together, while talking to each other on the phone. Never have I tired playing jack en poy to anybody on the phone but with you, it was weird at first, but then, that simple weirdness made me so fond of you. You’ve been so nice, that was why I find it so easy to fall in love with you. Simple, misteryoso, tahimik; ganyan ka ilarawan ng mga taong malapit sa iyo. Pero nakita ko ang totoong ikaw, nakausap ko ang totoong ikaw, hindi man kita nakasama dahil madalas na nagkakahiyaan, alam kong kung ano ang ipinakita mo sa akin ay ang totoong ikaw. Kinausap lang kita dahil crush ko ang best friend mo, nang tumagal ay tayo na ang nagkakausap, at nagustuhan na kita nang lumaon. Maraming nakapansin ng bigla mong pagbabago, palangiti ka na daw, mas magaan na ang dating ng aura mo, maaliwalas na daw ang mukha mo at ang sabi nila, dahil daw iyon sa akin. Kapag nasa eskwelahan, nagkakangitian lang tayo, at alam na ang ibig sabihin no’n. Ikaw ang naging inspirasyon ko sa mga quiz bees na sinalihan ko, dahil minsan mo na akong pinalakpakan nang tawagin ako sa stage para kunin ang sertipikong iginawad sa akin dahil sa pagkakapanalo sa isang essay writing contest, natawag niyon ang pansin ng lahat ng mga kamag-aral mo kaya tiyak na nag-isip sila ng kung ano sa atin. Wala naman tayong sinabi, simpleng ngiti at tango na lamang. Naramdaman ko yung espesyal na koneksiyon na iyon. Nalaman ko ang buong kwento ng buhay mo. Naikwento mo ang halos lahat ng tungkol sa iyo at sa buhay mo. Dalawang buwan lamang iyon, pero parang iyon na ang pinakamahabang dalawang buwan ko. Bigla kang nawala, nagbago, sa hindi ko nalamang dahilan. Umalis ka sa tinitirahan ninyo, lumipat at nagpalit ng numero. Hindi ko alam kung bakit, pero nasaktan ako sa pangyayaring iyon. Hindi naging tayo, pero yung sugat na iniwan mo sa puso ko ay matagal bago naghilom.

2. We’ve known each other for years, we somehow see each other grow, we’ve been classmates for two years and you were the one who taught me how to draw a Viper. You have that passion for sports cars ever since. And you, too, are passionate about your sport, basketball. You are funny, childish and “makulit”, and when we saw each other again after 9years, we both knew there was something. But then, you were still in love with you ex girlfriend. You had hurt me for quite a number of times, and left me hanging as you reconciled with her. Hindi ko malaman kung paanong bigla na lamang nag-iba ang naramdaman ko para sa iyo. Matagal na tayong magkaibigan, pero wala namang malisya iyon noon, ewan ko nga ba kung bakit at paanong minahal kita. Naghintay ako sa iyo, halos apat na buwan, umaalis ka at bumabalik din. Nawawala ka kapag kailangan ka niya, at bumabalik sa akin kapag hindi na. naguguluhan ka, iyan ang madalas mong sinasabi, pero sa kanya pa rin bumabalik, at yun yung pinakamasakit na nagawa mo sa akin. Nagsawa na ako at lumayo, pero bumalik ka, at sabi mo wala nang alisan iyon. Sinabi mong ako ang mahal mo, at ayaw mo na talaga sa kanya. hindi na ganoon katindi ang nararamdaman ko para sa iyo nung panahong iyon, pero tinanggap pa din kita. Ihihingi ko ng tawad ang pang-iiwan ko sa iyo, dahil hindi na talaga kita mahal noon. At hindi mo din naman naparamdam yung pagmamahal na sinasabi mo dahil sa pagsama-sama mo sa mga barkada mo, at sa kakulangan mo ng oras sa akin. Siguro nga, we are better off as friends.

3. I never really loved you, and I’m really sorry for that. The moment that you told me you’re leaving, tears were running down your face, and me? I just want to laugh out loud. That moment was really funny, as in really funny. I’ve never been this bitchy before, but swear, I do laugh on the floor rolling every time I remember that situation. I never really felt my importance when I’m with you, we barely saw each other, and you barely had time for me. Nung nakilala kita, hindi ko inexpect na ikaw ang tipo na magugustuhan ng best friend ko. Hindi ko din alam kung ano ang nakain ko at pinagbigyan ko ang tita mo nang hilingin niyang sagutin kita, dahil daw nagbabago ka dahil sa pagkakakilala mo sa akin. Nagiging masipag ka na daw at gumagawa na ng Gawain sa bahay. Naawa ako sa tita mo, dahil masyado na siyang maraming pinoproblema. Marami tayong pinag-aawayan, madalas na hindi magkasundo. Ayoko na naninigarilyo ka, ilang beses kang nangako pero hindi mo tinupad. Sinabi mo ding babalik ka na sa pag-aaral, pero dumaan ang ilang taon at wala pa ding nangyari sa buhay mo. Galit ako sa iyo, dahil sinasayang mo ang oras mo. Wala kang nagagawang kapakipakinabang. Umalis ka apat na taon na ang nakakaraan. Pinapangako mo akong maghihintay sa iyo, at nangako ka ring titigilan na ang paninigarilyo at mg-aaral na para maipagmalaki naman kita. Pero pagbalik mo, wala pa din, wala ka pa ding kwenta. Kahit ilang beses mo akong iyakan, at pagmakaawaan, patawarin mo ako pero hindi na ako babalik sa iyo. Nung umalis ka, pinipilit kong paiyakin ang sarili ko, sabi ko iiwan ako ng boyfriend ko pero ni hindi ako nakakaramdam ng pagkalungkot, at napagtanto ko nga na hindi kita mahal. Go on and live your life, ayusin mo ang buhay mo, para sa iyo din naman yan.

4. And they call it puppy love, but I call it stupidity. We’ve been close friends, you telling me stories and asking me for advices about your girlfriend. I must admit that from the start, I was attracted to you, but I decided to just drop the attraction because its way better to keep you as friend. Marami akong nalaman tungkol sa iyo, kung naka-ilang girlfriend ka na, ang pamilya mo ay nakilala ko at nagustuhan nila ako kahit na hindi ako ang girlfriend mo ng panahon na iyon. Hindi ko natupad na manatiling kaibigan mo, bata pa tayo nun, first year high school. Ni hindi ko alam kung ano ang pakiramdam ng mahawakan ang kamay ko ng isang lalaki, kaya iba’t ibang emosyon ang naramdaman ko nung una mong hinawakan ang kamay ko. Itinatago pa nga natin ang mga kamay natin sa ilalim ng bags natin dahil bawal sa eskwelahan. Tinutulungan kita sa mga reports mo, sa mga homeworks at seatworks. Nakatapos tayo ng first year nang magkasabay, ng wala kang bagsak dahil sa tulong ko na rin. Natawa ako sa reaksiyon mo nung sinabi kong sinasagot na kita, naglumundag ka at nagsisisigaw. Pero hindi natin pareho inakala na hindi tayo magtatagal. Pagpasok ng second year ay inis ako sa iyo. Umuwi ka ng probinsiya nang ni hindi man lang nagtetext o tumatawag sa akin. Akala ko, tapos na tayo. Hindi kita pinapansin at kahit pa tinatangka mong makipag-usap sa akin ay dinededma kita. Hanggang sa naging kayo ng isang kaibigan natin, o kung kaibigan nga ba niya ako. Kung ano-anong masasakit na salita ang sinabi ninyo sa akin. At hinding hindi ko makakalimutan nang sinabi mong hindi mo ako minahal, at niligawan mo lamang ako para makapasa ka ng first year. Iyak ako ng iyak noon. Hindi ko alam kung dahil nasasaktan ako, o nagagalit. Hindi na ako nakipag-usap sa inyo muli. Umalis ka ng Sta. Rosa, at naiwan siya doon. Kahit na wala ka na ay hindi pa din siya tumitigil sa pang iinis sa akin. Maraming beses akong napaaaway, at napahiya sa eskwelahan dahil sa kagagawan niya. galit ako sa iyo, galit ako sa inyo, at namumuhi ako sa kanya. umalis din siya ng Sta. Rosa kalaunan, at humingi ka ng tawad sa akin. Sinabi mong hindi mo kagustuhan iyon, at siya lamang ang nagsasabi ng mga sasabihin mo sa akin. Pinatawad na kita, at ngayon nga ay ninang ako ng panganay mong anak. Minsan ay sa akin ka pa din tumatakbo kapag nagkakaproblema kayo, at sigurado naman na tayong nalimutan na natin ang lahat ng masamang nangyari sa atin.

5. I was just like you, you were just like me. I get so kilig all over when you first texted me before, and you told me you were my secret admirer. We’ve known each other for years, participated in some contests together. You never fail to amuse and amaze me every time I read something that you do. You play the guitar too. Bumili ako ng smart na sim card noon dahil sa iyo. Masaya kang kausap, hindi ka boring na tao, at sobrang palabiro. Nakakaadik kang kausap. Nung nakilala kita, humanga na agad ako sa iyo. Akala ko noon, titignan na lang kita sa malayo, pero nagkasama tayo sa isang pagkakataon, nagkakilala at nagkausap. Sinabi kong crush ko ang isa mong kaibigan para hindi tayo magka-ilangan. Grumadweyt ka at akala ko, iyon na ang huli nating beses na magkikita. Pero dahil sa friendster, nagkakonekta ulit tayo. Nagkausap, nagkapalitan ng numero, at hindi ko maitago ang tuwa nung tinext mo ako at sinabi mong secret admirer kita. May pakiramdam akong ikaw yun, pero hinintay kitang umamin. Hindi ko alam kung totoo sa iyo ang sinabi mo na iyon, basta ako, kinilig. Ilang beses na din tayong nag-usap sa cellphone. Kahit na anong mapag-usapan, maging mga simpleng kalokohan, kahit anong bagay na matipuhan. Ang mga lugar na gusto kong puntahan ay kapareho ng mga lugar na gusto mong marating. Ang mga rason mo ay halos tugma sa mga rason ko. Ang mga nagustuhan mong palabas ay nagkataong gusto ko rin. Marami tayong pagkakapareho, maraming pinagkasunduan. Wala akong pakialam kung may exam ako kinaumagahan basta kausap kita. Ilang pagkakataon na rin tayong inumaga sa pag-uusap at pagkukuwentuhan. Marami na rin akong nalaman tungkol sa iyo, mga interesanteng katotohanan, at talagang nakakatuwa ang buhay mo, o nagagawa mo lamang pagaanin ang takbo ng sitwasyon sa paligid mo. Ikaw yung taong bihira magkuwento, pero kapag nagsimula na ay pagkawala lang ng load ang makakapigil. Oo, may isang punto kung saan nararamdaman kong nahuhulog na ako sa iyo. Pero, I respect our friendship so much, sobrang pinapahalagahan ko ang pagkakaibigan na yon, kaya kinalimutan ko ang naramdaman ko. Baka kawirduhan lang kasi sa isang banda. Ipagdarasal ko ng sobra na ang pagkakaibigan natin ay hindi kumupas, hindi magbago, hindi lumain ng panahon, at sana palagi nating maintindihan ang isa’t isa, dahil hindi ba nga, magkapareho tayo?

6. You are one of the few people whom I’ve trusted the most. You are the very first person I’ve loved with all my heart, and the 6months 2weeks 5days and 19hours we had was one of the most beautiful memories of my life. You respected me and never even tried to go beyond the limitations and boundaries that we have set for the both of us. We were always left alone in your shop, yet you did not do anything that will make me feel bad. We’ve been barkadas for four years, though we really were attracted to each other from the start, I was glad that you let the time pass by and courted me in the time that we both can handle the relationship. Kahit noong elementary pa tayo, kinukulit na ako ng mga kapitbahay niyo na ibigay na ang number ko sa iyo. Magkabarkada tayo, at alam ko namang alam mo ang number ko pero ganun pa din sila sa kakakulit. Lihim naman akong kinikilig. Alam kong babaero ka, at ilang babae na din ang naikukwento mo sa akin kada mag-uusap tayo sa telepono. Minsan pa’y sa akin ka humihingi ng payo kung paano makikitungo sa kanila. Magkabarkada tayo, at kahit pa ramdam naman natin ang pagkapalagay ng loob natin sa isa’t isa ay hinayaan na natin iyong maging ganoon na lamang pansamantala. Hindi ko alam kung ano ang nakain mo nung nagtapat ka. Magkasabay nating sinalubong ang bagong taon, at duon ka nagsabi na gusto mo na akong ligawan. Tamang-tama ang timing ng lahat, dumating ka dun sa panahon na humihingi ako ng senyales na ipakilala na sa akin ang taong makakatuluyan ko. Kaya lang, natatakot akong mawala ka sa akin, mawala ung pagkakaibigan, dahil sayang ang samahang inalagaan din naman natin ng apat na taon. Pero sadyang pinaglaruan tayo ng pagkakataon, nanligaw ka at ikaw ang unang-unang kumausap sa papa ko. Matapang mo siyang hinarap kahit pa nangangatog ka noon, napapangiti na lamang ako dahil na-impress mo talaga ako. Pinangako ko kasing seseryosohin ko ang lalaking kakausap ng matino kay papa para magpaalam na ligawan ako. Aayaw sana ako, pero mas malakas ung nais ko na mas mapalapit sa iyo, na maging tayo. Ikaw ang unang lalaking nagbigay sa akin ng teddy bear. At yung teddy bear na bigay mo, umiikot ang kamay, kaya tuwang-tuwa talaga ako. Ikaw ang unang lalaking nakasama kong magsimba, kahit naman nung hindi pa tayo ay magkakasama na talaga tayo paminsan. Ikaw ang unang lalaking nagluto at naghanda ng pagkain para sa akin, at ang sabi mo nga, dun mo nilagay ung gayuma mo. Ikaw ang unang lalaking sineryoso ko, minahal at binigyan ng effort na sobra sobra. Ikaw rin ang lalaking kasama ko sa kalahati ng ups and downs ng 4th year life ko. Katulad nung grade 6 tayo kung saan may kuha tayong magkasama, magkasama din tayo sa graduation day mo, at nagpakuha tayong dalawa at ang litratong iyon ang ipina-frame mo para ipangregalo sa akin sa araw ng pagtatapos ko. Naging alalay ka ni mama, taga-kuha ng litrato ko, taga-bitbit ng gamit ko, taga-suporta, taga-palakpak. Minahal ka ng pamilya ko. Kamuntikan ka pa ngang makipag-away para ipagtanggol ang mga kapatid ko hindi ba? Ikaw yung tipo ng lalaki na kapag walang gagawin sa bahay nila ay pumupunta sa amin para maki-bonding. Ikaw yung tipong isang text lang, anjan na agad to the rescue. Ikaw yung magpapaalam para pumunta ng Taguig para sa band practice pero sa bahay pala namin ang punta mo. Ikaw yung taong mahilig sa surpresa, palabiro pero kahit kailan ay hindi ginawang biro ang tungkol sa relasyon natin. Ikaw yung kapuyatan ko sa telepono, bampira nga ang tawag sa iyo ng mama ko, hindi ba? Mahal ka ng pamilya ko, at ganoon din naman ako sa inyo. Ikaw ang unang lalaking nagbigay sa akin ng bulaklak. Kilala ako ng mga pinsan mo, at ng lolo mo at ng mga kapatid mo. Ikaw din ang unang lalaking pinakilala ko sa mga lola at tito at tita ko. Hindi mo ako binibigo sa mga panahon na kailangan kita. Sabi nga nila, kapag playboy, masarap magmahal. Pero kapag playboy, playboy na talaga. Pumasok tayo ng college, with a dream na magkasama pa din tayo hanggang magtapos tayo. Pero hindi yun natupad. Nagbago kang bigla, naging busy dahil nursing nga ang kurso mo, miminsan mo lang akong nasundo, ako ang madalas na sumusundo sa iyo, sa inyo nga din ako nauunang umuwi kapag maaga ang uwian ko hindi ba? Nawalan ka ng oras sa akin, pero hindi ko inisip na sa ganun tayo hahantong. Hindi ko din alam kung ano ang paniniwalaan ko, basta nagkaroon ka ng iba, at pinili mo xa over me. Nasaktan ako, gumuho ang mundo ko. Umiwas ako sa iyo, sa inyo, sa buong barkada natin. Nagtago ako at lumayo, pero tropa un eh, hindi ako makakakawala dun. Pinakilala mo ako sa bago mo, kinaibigan niya ako, sa akin siya humihingi ng payo tungkol sa iyo, at nung nagkahiwalay kayo, sa akin ka din tumakbo. Alam kong alam mong muntik na tayong bumalik nung mga panahon na iyon. Pero sinabi mo sa akin na wag na lang, na hindi kita deserve, na dapat akong mapunta sa taong mas magmamahal sa akin, sa taong mas mag-aalaga sa akin, hindi sa tulad mong gago. Iniyakan kita, oo, pero masaya ako na iyon ang naging desisyon mo, dahil hindi ka naging sakim, dahil pinahalagahan mo ako at ang damdamin ko. Gusto ko naman magpasalamat sa iyo, dahil kung hindi sa ginawa mong pagpaparaya ay hindi ako magiging ganito kasaya ngayon. Dahil pinili mong iwanan ako kahit na alam mong mahal natin ang isa’t isa, pero hindi ako nababagay sa iyo. Salamat ng marami sa pagpapahalaga sa akin, sa pagpaparealize ng worth ko, salamat kasi pinabayaan mo ako para mahanap ko ung taong nagmamahal sa akin ngayon. Salamat ng marami sa pagmamahal mo, sa pang-unawa, sa pag-intindi, sa lahat-lahat, oo nga at playboy ka, at least naranasan kong mahalin ka at naranasan kong mahalin mo ako. Salamat!

i've been this strong because of all of you..
hindi man ako naging perpektong tao para sa minamahal ko at nagmamahal sa akin ngaun, okay lang, kasi alam ko, ung mga mali ko noon, hindi ko na uulitin sa amin ngayon. :)

No comments: