ako. ako. ako.

My photo
Pasig City, National Capital Region, Philippines
ako si elliz. 20 taong gulang. nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. kumukuha ng Batsilyer ng Sining sa Sikolohiya, sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. tao. may ISIP. may puso. humihinga. BUHAY.

Monday, October 6, 2008

TALENTADONG PINOY : TATAY "RICO DAHON"

sa madalas na pagkamangha ko sa mga magagaling na manunugtog..
iilan lang ang palagay ko na worthy na mai-blog dahil sa kanilang kakaibang galing at talento..
dahil diyan, BLOG WORTHY si tatay "Rico Dahon"..

napasok kami sa Mama Leng's sa kagustuhan na kumain ng tapsilog..
at salamat sa pagkakataon na iyon dahil nakilala ko si tatay Rico, isang manunugtog na gumagamit ng dahon.
marami ang namangha sa unang tingin, maraming humanga..
mas lalong mapapanganga ka kapag pinakinggan mo ang distinct na tunog na nagagawa ng pag-ihip niya sa dahon..
hindi ko alam pero parang naiiyak ako..
ang galing, ang galing galing niya..
namangha ako at napangiti..
natanggal ung bigat ng loob ko, napanganga at di naiwasan na sumabay ng ulo ko sa kada kumpas ng nagagawa niyang musika..
it's way beyond amazing.. :D

si tatay Rico, ewan ko kung co-incidence o ano, ay nakatira sa Balara, paglabas lang daw dun sa may gilid ng Vinzon's Hall..
at ilang beses na din siyang tumugtog para sa anniversary ng UP Tomo Kai, at nakasabay na din niyang tumugtog ang UP Kontra Gapi.
na-feature na din siya sa talentadong mga Pilipino sa Rated K at sa magandang umaga Pilipinas, pati na din sa TV5.
ang galing hindi ba?

palabiro din siyang tao.
may ilang beses sa aming pag-uusap din siya nagbato ng mga biro at napatawa niya ako.
masayahin siyang tao, kahit bakas na sa kanyang mukha ang katandaan.

pero, siyempre hindi din fairy tale ang buhay niya.
sa edad niyang 50 ay wala pa siyang asawa..
naranasan na niyang makipag-live in pero kalaunan ay nakipaghiwalay din dahil dalawang beses na nalaglag (o ipinalaglag) ang anak sana nila.
nakatira siya sa bahay kasama ang mga kamag-anak.

sampung taon siya nang aksidente niyang matuklasan ang pagpapatunog ng dahon..
at 40 years na din siyang tumugtog..
sayang lamang at hindi ako nagkaroon pa ng pagkakataon para magtanong pa ng ibang mga bagay.
gusto ko pa sanang malaman ang ilang detalye ng kanyang buhay.
kung may trabaho ba siya o kung paano niya binubuhay ang sarili niya, bukod sa pagtugtog sa dahon. :)

pakiramdam ko lang, dapat pahalagahan ung iilang mga tao na talagang may kakaibang talento.
dapat silang bigyang-panisn, at sana ay mapalaganap pa ung talent nila..
kasi, sayang naman kung iilan na lamang ang marunong tumugtog ng dahon di ba?

*hindi ko alam, pero bigla kong namiss ang lolo ko.
anim na taon lang ako nung mawala siya, kaya hindi talaga ako nagkaroon ng maraming maraming time kasama siya, lolo's girl pa naman ako. :'(
[waaah, umiiyak daw ako talaga dito. :'((]

No comments: