ako. ako. ako.

My photo
Pasig City, National Capital Region, Philippines
ako si elliz. 20 taong gulang. nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. kumukuha ng Batsilyer ng Sining sa Sikolohiya, sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. tao. may ISIP. may puso. humihinga. BUHAY.

Friday, August 28, 2009

an outlet fo ranting.

my blog's not created to be a ranting site, but why do i always find myself venting out here?

badtrip na araw..
lahat na lang panget..
walang nangyaring maganda sa personal na buhay ko *bukod sa fruitful na discussion sa 180 at 171, na well, acad life ko naman..

last night didn't end up nicely..
dahil sa isang attempt to take our picture together-- hindi pala kami together, kung hindi ung nakabukas na windows ng webcam namin-- para ilagay sa private blog ko sa multiply, ayun, nagkainisan kami.
wala naman akong intensiyon na anything, gusto ko lang makakuha ng picture namin, nakakainggit kasi na kami ay walang picture together..
tapos ikinainis niya, wala lang..
hindi naman ako vain na tao o kung ano pa man, normal lang din naman siguro na gusto mong magkaroon ng litrato nung taong mahal mo, nung mahalaga sau, nung tanging taong kinaiikutan ng buhay mo..
pero, well, ayaw niya eh.
siguro nga, ibang tao pa din ang tingin niya sa akin, para isipin niya na dapat pa akong magpaalam kung kukuha ng ganung litrato..
hai, maski kasi na ganun na nga lang ung itsura nung picture, ung fact lang na magkasama kami dun, okay na ako..
un lang naman ung point dun..

slept at 4am, woke up at 9am..
tapos, tinapos ang 171 paper at pinrint ang lahat ng dapat i-print.
i even printed out a copy of the invitation sa specialty paper para ibigay sa kanya dahil baka hindi daw siya payagan na pumunta sa anniv night bukas..
ayon, pumasok at natuwa sa discussion.

tapos, may bonggang text akong nabasa..
na kesyo msama daw ang pakiramdam niya at uuwi na siya..
nakakatuwa, alam naman niya kung saan ang room ko, ni hindi ako dinaanan para magpaalam nang personal..
kung kelan naman hindi ako nagcheck nang nagcheck ng fone ko, saka ganun ang natanggap ko..
sa madaling salita, hindi kami nagkita ngayon.
at un ang ikinainis ko.
wala lang, pwede naman kasi magsabi ng personal.
kasi, nung wednesday na masama ang pakiramdam ko ay hinintay ko pa siya para magkasabay kami umuwi..
pero, hindi niya nagwa un ngayon maski sinabi ko nang hindi na ako papasok sa 2 next na classes ko para makasama siya..

there, hindi nga ako pumasok..
at para kahit papano ay ma-relax ako dahil sa sobrang inis ko, naglakad ako..
plano ko, hanggang philcoa lang, kasi un ang normal na ginagawa ko kapag stressed na ako..
pero ewan ko, extra bad ata talaga ang araw na ito at na-endure ko ang maglakad hanggang sa mrt quezon ave.

habang naglalakad ako, andami dami nang tanong na pumasok sa isip ko..
ano ba itong nangyayari..
bakit ko hinahayaan na maapektuhan na naman ung pag aaral ko..
bakit ang stupid ko lang..
bakit pakiramdam ko, iniiwan na ako sa ere nung tanging taong kinakapitan ko..
may saysay pa ba lahat..
mga tanong na hindi ko naman nahanapan ng sagot..
kasi nga, patuloy na nag-generate ng mga tanong at random thoughts ang utak ko..
hindi ko naramdaman na napagod ako maglakad, mas naramdaman ko ung pagod ng metacognition na naganap habang naglalakad ako..

nakauwi ako sa bahay, nagtext siya, nagkausap kami sandali..
sabay sabi niyang tinatamad siyang pumunta ng anniv night bukas..
alam ko na naman un eh, dahil matagal ko na siyang kinukulit na magpaalam pero hindi siya nagpapaalam..
ewan ko, hindi ko pinaniwalaan ung gut feel na iyon dahil nag eexpect ako na pupunta pa din siya dahil alam naman niya ung hirap ko dito sa pag aayos nitong anniv night ng buklod isip..
but then again, maski girlfriend niya ako, at ako ang punong abala sa event na ito, hindi pa din siya pupunta..
kahit na ilang beses kong sabihin na okay lang, hindi naman iyon ung nararamdaman at gusto kong sabihin..
talk about cognitive dissonance,, hai.
maski ilang beses kong sabihin na bahala siya, piping dalangin ko pa din na sana sabihin niya one of the next minutes na pupunta siya..
pero mukhang aasa naman ako sa wala..

hai, mukhang ung tanging tao na gusto kong makasama sa pagdiriwang na iyon ay tuluyan na ngang iiwan na ako sa ere..

alam kong alam niya kung gaano ka-importante ang anniv night na iyon para sa akin, kasi kapag hindi naging okay yun, sirang-sira na talaga ako.

hindi made for ranting ang blog na ito, pero wala nmn akong ibang outlet, so wala din akong choice..

**8:42pm

No comments: