Malaking tulong ang nagagawa ng Personality class ko, para mas maintindihan ko ang sarili ko. Ung lecture ng Neurosis ay sobrang tumama sa akin, na-trace ko kung saan nanggaling ung pagka-neurotic ko ngayon.
Nung bata pa ako, madalas akong makumpara sa kapatid ko. Mas mabait kasi siya, mas masunurin, mas magalang, basta, lahat ng mas. Parati kong nararamdaman na iba ako sa kanya, kasi nga lahat, MAS siya eh. Mas pinapaboran siya ng mga tito at tita ko, mas isinasama siya sa lakad, mas gusto siyang kasama. Pag mga ganung times, wala na akong magawa kung di umiyak na lang. parang ang panget na bata pa lang ako, ang helpless na. I’d throw tantrums, hinihintay na amuin nila ako, para maging okay ako. I don’t need material things, I just need them to tell me na they love me too, na hindi ako iba.
Kaya siguro hanggang ngayon na tumanda na ako, ganun pa din ung pakiramdam. Gumagawa ako ng paraan para mapansin nila ako, kahit dun sa point na gagawa ako ng kasalanan para pansinin lang. May times naman, na I’d strive hard, para maging proud sila na anak nila ako. Affectionate ako, at nakakadisappoint kapag hindi ibinabalik sa iyo ung pagka-affectionate mo. Na there were times na you just wanna hug them, para maging okay ka, pero hindi nila naibibigay un. Kaya at a very young age, I tried na mahanap ung affection na iyon sa relationships, galing sa opposite sex.
But well, halos lahat naman hindi nagend up ng maayos eh. Naiwan lang ako at iniisip ng halos lahat ng super paranoid ako. Eh lumaki ako ng ganun eh. Lumaki ako na natatakot na baka iwanan ako ng mga taong mahal ko. Kaya as much as possible, ginagawa ko lahat to make them stay. Neurotic ako, nag-iisip ng kung ano- ano. Minsan, over pa ung naiisip ko. Wala daw sa lugar. Pero takot ang lahat ng may kagagawan nun. Takot na maiwan, takot na masaktan. Good thing nga siguro na clingy ako, na sensitive ako. Pero para sa akin lang iyon, kasi madali kong nararamdaman pag nagdedetach na ung tao. At umaandar na ang pagiging adik, baliw, neaurotic at paranoid ko.
Isa akong random na tao. Isa akong malaking whatever. At times, I feel, hindi ko kailangan ipaliwanag ang sarili ko. Kung bakit ako emotional, kung bakit ako paranoid. Pero, hindi ito isa sa mga pagkakataon na iyon. Sana sa pagpapaliwanag, may magbasa. May makaunawa. Mahirap kasi mag-explain sa taong hindi naman handang umunawa. Iba ako. At paninindigan ko kung sino at ano ako.
ako. ako. ako.
- elliz
- Pasig City, National Capital Region, Philippines
- ako si elliz. 20 taong gulang. nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. kumukuha ng Batsilyer ng Sining sa Sikolohiya, sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. tao. may ISIP. may puso. humihinga. BUHAY.
Saturday, September 13, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment