ako. ako. ako.

My photo
Pasig City, National Capital Region, Philippines
ako si elliz. 20 taong gulang. nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. kumukuha ng Batsilyer ng Sining sa Sikolohiya, sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. tao. may ISIP. may puso. humihinga. BUHAY.

Friday, August 21, 2009

HOW TO FIND YOUR ONE TRUE LOVE: MAG SUMMER CLASSES KA!

yay! 60 days and counting... ^_^

hindi pa ganun katagal, alam ko sasabihin yan ng ibang makakabasa, eh, paki niyo ba? masaya ako na umabot kami ng 60days, at tiyak na aabot kami ng 60xinfinity days ^^

hahahahaha!
as the title suggests, paano nga ba makita si one true love?
we say, magsummer classes ka!

nagsimula ang lahat noong nakaraang summer, naging kaklase ko siya, at doon na nagbago ang ikot ng mundo ko..

hindi ko talaga alam kung paanong nagkalapit kami..
basta ang naaalala ko lamang ay naging magkatabi kami sa likurang bahagi ng classroom namin sa chem lec..
halos magkalapit lang din ang inuupuan namin sa lab..
magkatalikuran ko be exact..
nanghiram ako sa kanya ng notes na ni hindi ko naman kinopya, haha, pagpapakyut lang talaga para makausap siya..
matagal ko na rin kasi siyang nakikita sa department, hindi ko nga lamang mawari kung dapat bang batiin o hindi..
malakas kasi ang dating niya..
tipong "wala akong paki sa inyo, basta ako, okay lang ako"
bago pa man kami magpakilala sa lab ay alam ko na ang pangalan niya.
alam ko nga kasi na psych major xa.

mejo naiilang din ako na kausapin siya nung una..
tahimik kasi at parang hindi kami magkakasundo..
bukod nga sa aura niya na wala siyang paki talaga sa paligid niya.

we both really don't know kung bakit naging close kami.
kung bakit pagbalik ng groupmate niya galing sa matagal na pagkakasakit ay nagpasya na rin siyang sumama sa amin kapag magtatanghalian kami nina sha.
well, matagal na namin siyang gusto ayain, un nga lang, disappear mode parati after ng lec, kaya hindi na namin nayayaya..

after ng isang lunch na iyon ay naging mas madalas ang pagsama niya sa amin.
binigyan na nga kami ng lab partner ko ng group name "single ladies"
mula nung mga panahon na iyon, weird na talaga ang pakiramdam ko.
parang gusto ko lang na malapit sa kanya.
parang high school na laging gustong makita ang crush niya.

dumating pa sa point na kinuha niya ang number ko.
well, hindi naman siguro para magpakyut din kung di para sa academic stuffs. :)
nagkatext kami, nagrereply ako sa kanya kahit na sun ang pinapangtext niya..
hindi ko alam noon kung paanong pahahabain ang usapan, para hindi mangailangan na tapusin agad ito..
napagkasunduan din namin na magba-bio na kami ng first sem at classmates kami.
lab partners pa nga dapat.
ultimo ang sched namin, halos swak na swak dahil magkatext kami nung kumukuha kami ng subjects..

ang weird ng feeling na naaaliw (when i say naaaliw, alam na ng kapatid ko ang ibig sabihin niyan) ako sa kanya.
given na pareho kaming babae at kahit pa nagkakacrush ako sa babae ay hanggang crush lang naman un..

lumala nang lumala ang weirdness ng pakiramdam ko at ang fondness ko sa kanya.
wala lang, isa pala siyang maingay na bata, makulit at masaya kasama, masarap kausap, parang pag kasama mo siya, no dull moment talaga.
hindi na dumadaan ang araw na hindi kami magkatext..
hanggang sa dumating ung sobrang halagang araw na hiningan ko ng sign si God..

leyt na kasi kami noon, at mas nauna siyang umalis sa bahay kesa sa akin.
sa guadalupe siya sumasakay ng mrt, sa shaw naman ako.
magkatext kami nung umaga na iyon..
sabi ko kay Lord, kapag ito hinintay ako, bahala na po. maski mali sa paningin ng iba, hahayaan ko nang mahulog ako sa kanya, tapos, bahala na si Batman.
kaso, ayon, ewan ko ba kung sadya at ginusto talaga ni bro, nagtext siya sa akin na hihintayin na lamang niya ako at sabay na kami pumasok..
hindi ko alam kung dapat ba akong magtatalon sa tuwa o maiyak sa pakiramdam na ipinagkanulo ako ni Bro (wahahaha)
bumaba ako sa platform at nang makita kong wala siya sa female area ay napabuntong-hininga ako. joketime lang pala, i love you na ulit Bro.
hilig ko ang tumingin sa salamin sa gilid, ung may tv sa ilalim.
at tamang pagtingin ko dun ay nakita kong naglalakad siya papunta sa female area.
nak nang.. kmusta naman un.. hindi pala joke..
totoo pala, at kailangan nang maging tunay ni Batman dahil siya na ang bahala sa akin dahil unti-unti ay nahuhulog na nga ako..

ang pagsasabay na iyon sa pagpasok ay napadalas..
hanggang sa kada araw ay magkasabay na kaming pumapasok..
nadagdagan na din ang mga activities namin together..
minsan ay inaya niya akong mag-bubble tea..
at kahit na may kamahalan ay go pa din ako, para lang makasama siya.

ung unang pagpunta na iyon sa bubble tea naging napakahalaga sa akin.
masaya kasing titigan ang mga mata niya..
masaya kasing makita ang ngiti niya.
masaya kasing marinig ang mga weird ideas niya.
nung nasa bubble tea kami, may 2 lesbian couple.
hinihintay ko kung ano ang sasabihin niya, para din malaman ko kung open ba siya sa ganung klase ng relasyon, kasi, mukhang doon patutungo ung nararamdaman ko para sa kanya. though alam ko na mas malamang sa malamang na i-dismis ko ang feelings ko at wag nang ipaalam sa kanya.
ang tanging nasabi niya lang ayaw daw niya ng lesbian couple na may "butch".
gusto niya ung normal looking lang..

sumasama ako sa kanya dahil gusto ko siyang kasama.
dahil parang kulang ang araw ko kapag wala siya.
bukod don, sumasama ako sa kanya para malaman ko kung ano ba siya.
kung may possibility ba na magustuhan niya rin ako, ako na isang babae tulad niya.
medyo nahirapan akong malaman ang "preference" niya.
ni hindi kasi siya nagkkwento ng lovelife maski na i've practically laid my whole life open in front of her.
haha, matigas si ate, mahirap pigain.
may time pa na nasaktan ako dahil nasabi niyang ang lovelife niya ay exclusively for her bestfriend lang daw. (binara ako, awts)

--- itutuloy ---

No comments: