dahil ba sa wakas ay nakita ko na siya?
siya na maski kelan ay hinding-hindi ko yata mapapantayan o mahihigitan?
hai. ang stupid lang ng feeling.
dahil kahit ilang beses na sabihin na hindi ganun, iba pa din ang pakiramdam ko..
hmmm, nasasaktan ako ngaun.
bakit?
kasi narealize ko na oo nga, marami kaming pagkakapareho..
mula sa mga gusto hanggang sa gawi ata..
ampanget ng feeling na wow, of all people, may kapareho ako..
at sheeez, of all people, ung first pa niya.
galing di ba..
ewan ko ba sa utak ko, automatic ata na ikukumpara ko ang sarili ko sa mga nakaraan ng kung sino mang nakakasama ko..
ewan, matagal ko na atang nasabi na reassurance lang ang kailangan ko, pero, hmmm, ewan, iba ata ito..
naiiyak ako sa dahilan na nakita ko na siya..
naiiyak ako dahil narealize ko na oo nga, pareho nga kami..
at may sobrang liit na thought na gumagapang sa ulo ngayon..
kaya ba ako ang girlfriend niya ngayon dahil pareho kami?
kaya ba kami ngayon dahil nakikita niya siya sa akin?
sa akin nga ba siya nakatingin talaga?
hai, ang saklap..
pwede naman kasing sabihin na hindi ko pa nabubura sa friends list ko..
kesa idadahilan sa akin na dun sa isang account pala yun..
tamang tawanan lang daw ako?
na parang keber lang un dapat para sa akin?
paki ko naman kung magkaibigan kayo.
hindi magkapareho ng level un..
buti sana kung wala kayong pinagsamahan.
buti sana kung wala kayong malaking pinagdaanan.
na hanggang ngayon, bumabalik balik sa isip ko, dahil, oh well, una na nga siya.
hai, ang panget lang..
ang panget panget lang ng feeling talaga..
rant rant rant..
random rant..
sana magdisappear na agad ang pakiramdam na ito..
ang weird ng feeling na wow, nagseselos na naman ako..
at, mas wow, dahil ngayon, babae naman..
hindi ko tuloy alam kung saan ba dapat ma-weirdan..
kung ung nagseselos sa lalaki o ung nagseselos sa babae..
HINDI KO ALAM KUNG TAMA BA ANG NIREREACT KO..
basta ang alam ko lang, tang ina, NASASAKTAN AKO.
ako. ako. ako.
- elliz
- Pasig City, National Capital Region, Philippines
- ako si elliz. 20 taong gulang. nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. kumukuha ng Batsilyer ng Sining sa Sikolohiya, sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. tao. may ISIP. may puso. humihinga. BUHAY.
Monday, August 24, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment