ako. ako. ako.

My photo
Pasig City, National Capital Region, Philippines
ako si elliz. 20 taong gulang. nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. kumukuha ng Batsilyer ng Sining sa Sikolohiya, sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. tao. may ISIP. may puso. humihinga. BUHAY.

Saturday, August 1, 2009

nakakapagod ka Hulyo!

ang pagkapanalo ko sa dalawang posisyon sa pinakamamahal kong mga organisasyon at tunay na nagbigay sa akin ng dagdag na sakit ng ulo at dalahin. hai, july is kappp's anniversary month. wala nang mas bubusy pa sa buwan na ito, sa dami ng activities na naka-line up kada linggo, ewan ko na lang kung hindi pa makilala ang kappp after ng buwan na ito. yan ang akala namin. pero nagkamali kami. ang pagpopromote ng org ay nauwi sa series ng nakakahiyang forum, sa quiz bee na anim lang ang participants, at sa anniv night na maski sabi nila ay okay lang pero kakaunti naman ang nagpunta..

ano na ang nangyayari sa KAPPP?
nasaan na ang mga nais naming gawin at ung mga gusto na mangyari?

aaminin ko, malaki ang pagkukulang ko, well, oo, kasi nga, maraming times na petiks lang ako, pero, ginawa ko naman sa abot ng aking makakaya ung dapat kong gawin. nakakaiyak.

tapos ngayon, nag aaway away ang mga tao. nagkakagulo. saan ba ako lulugar? ayoko nang gumatong, ayoko nang makialam lalo pa't hindi ko naman alam ang nangyayari. hai kappp, kelan kaya dadaan nang matiwasay ang isang buong taon para sa atin? kada taon na lang, away at diskusyon. hindi na nagbago.

nakakapagod ka Hulyo, sana dumaan naman ang anniv month nang hindi nag-aaway away ang mga tao. sana dumating na ang glory year ng kappp. sana next year na un. sana. sana.

No comments: