Neurosis, as it was defined by Karen Horney, is the maladaptive and counterproductive way of dealing with the social world. This results from Parental Indifference nung bata ka pa lang.
Teka, paano nga ba nakikipagdeal ang mga bata sa Parental Indifference? May iba na ginagamitan ng Basic Hostily ang parents nila. Ung tipong, “if you don’t love me, then I don’t love you too.” Sila ung mga batang malayo ang loob sa parents nila. Ung iba naman, Fear / Anxiety. Sila ung tipong “I love you, please love me too. Don’t leave me, I need you.” Sila ung mga batang naiyak kapag pinapagalitan, ung mga batang kailangan ay inaamo para maging ok sila. Ung iba naman, Withdrawal. Sila tipong “I don’t care.” Sila ung mga batang walang pakialam, kesyo ayaw na sa kanila, o gusto silang makasama, keber lang. kahit anong mangyari, wala lang silang pakialam. Ginagawa nila iyon para hindi sila masaktan.
At dahil dun sa mga responses na iyon, nagkakaroon ng Neurotric Trends ang mga tao. May tatlong klase ng trends. Una ay ung Moving-Against. Sila ung mga taong may neurotic need for power, achievement, may need to exploit others and gusto nila na inaadmire sila. Gusto nila na parating nasa itaas para may mapatunayan. Nagresulta ito dun sa mga batang basic hostility ang response sa Parental Indifference. Second, ung Moving-Towards. Sila ung mga taong may neurotic need for affection, approval, for a partner and to be in a relationship, they tend to fall in love with the idea of love, and they need to be constantly in touch with their significant other. Takot sila na maiwanan, kaya ginagawa nila lahat para magstay ung taong ayaw nilang mawala sa kanila. Sila na ung mga batang fear/anxiety ang response. At ung last ay ung Moving-Away. These are the people who have a neurotic need for autonomy and independence, does not want to be in contact, self-sufficient and indifferent. Sila ung mga tipong kulang na lang ay sumigaw ng “I want to be alone!” kapag may gusting gumulo sa pananahimik ng buhay nila. Sila ung mga batang withdrawal ang response.
Ang TYRANNY OF SHOULDS ay nakakapagpataas ng neurosis. Ito ung mindset na ang buhay ay dapat na nagaganap sa certain lang na paraan. Na dapat planado ang lahat, at siyempre, kapag nag-fail ka, madidisappoint ka at makakadagdag un sa neurosis.
ako. ako. ako.
- elliz
- Pasig City, National Capital Region, Philippines
- ako si elliz. 20 taong gulang. nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. kumukuha ng Batsilyer ng Sining sa Sikolohiya, sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. tao. may ISIP. may puso. humihinga. BUHAY.
Tuesday, September 9, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
aysows, moving towards ako! hehe!
nakakainis ka!
gaya gaya ka!
moving towards din kea ako! :)
hahaha!
oh ayan, pareho na nga tau :D
Post a Comment