ako. ako. ako.

My photo
Pasig City, National Capital Region, Philippines
ako si elliz. 20 taong gulang. nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. kumukuha ng Batsilyer ng Sining sa Sikolohiya, sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. tao. may ISIP. may puso. humihinga. BUHAY.

Thursday, November 13, 2008

nakakainis!

matagal na mula nang maging fan ako ng reality shows..
una kong napanood ang pinoy big brother at magmula noon ay sinundan at pinanood ko na din ang ibang installments nila.
sumunod ang pinoy dream academy, at ngayon, ang survivor philippines at fear factor argentina..

wala akong kahit na anong against sa ganitong mga format ng shows..
nakakatuwa nga namang mapanood ang mga kapwa nating pilipino na magpakatotoo sa harap ng camera..
pero ang malaking tanong, sila nga ba talaga iyon?
matagal nang debate ang pagiging totoo na iyan sa PBB..
mula pa nung simula ay pinag-awayan na iyan at inisip nang scripted ang lahat ng nangyayari..
wala namang nakapagpatunay ng mga haka-haka, pero, hindi din naman sapat ang mga pahayag para hindi ito paniwalaan..

at ang survivor na iyan.
ganito pa lamang kaaga ay may lumabas nang balita kung sino ang magiging sole survivor.
kamusta naman iyon??
hindi ba nila magagawang ilihim ang lahat para naman hindi magmukhang tanga ang mga tao sa kakapanood sa kanila??
hai nako naman.

fan ako ng reality shows, oo..
pero sana naman, pinuhin naman nila kahit papano ang mga outcomes nito..
kung hindi kayang i-live, manahimik na lamang at itago na lamang within the confines of the studio ang mga nangyayaring kababalaghan~!

No comments: