ngayon lang ako ulit nakabalik..
matagal na panahon din akong nanatili sa forks at la push kasama ang mga characters ng buong saga..
ang dali daling umikot sa mundo nila..
siyempre, hindi literal na kasama ko sila..
pakiramdam ko lang nasa mundo nila ako dahil nag-aact out sa harapan ko ang bawat eksena..
at napapanaginipan ko pa sila..
apat na araw kong binasa ang buong saga..
sinimulan ko sa new moon, dahil hindi ako pinalad na makabili ng twilight..
nagtiyaga ako sa ebook ng twilight pagkatapos kong mabasa ang new moon..
ang ganda..
ang ganda ganda..
dalang dala ako sa bawat eksena..
pakiramdam ko kasama nila ako sa bawat pangyayari..
magaling si stephenie meyer..
wala akong masabi sa kanya..
iba ang kilig at tensiyon na dala ng nobela niya..
nakakatuwang basahin at talaga ngang hindi mo gugustuhin na iwanan ito hangga't hindi mo natatapos..
iba ang pakiramdam. :)
naging sanktuwaryo ko ang inikutan ng istorya ng nobela..
ito ang tinatakbuhan ko kapag gusto kong kumawala sa problemang binibigay ng tunay na mundong ginagalawan ko..
talaga ngang nakaka-adik..
it's worth all the money and the time i've spent reading it..
i really really hope that midnight sun will come out soon..
so that i can understand edward deeply :)
its funny how i get so engrossed with the novel..
it really has a different story..
one of the most beautiful love stories i've ever read..
i'll be waiting for the movie.. :D
ako. ako. ako.
- elliz
- Pasig City, National Capital Region, Philippines
- ako si elliz. 20 taong gulang. nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. kumukuha ng Batsilyer ng Sining sa Sikolohiya, sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. tao. may ISIP. may puso. humihinga. BUHAY.
Monday, November 24, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment