ako. ako. ako.

My photo
Pasig City, National Capital Region, Philippines
ako si elliz. 20 taong gulang. nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. kumukuha ng Batsilyer ng Sining sa Sikolohiya, sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. tao. may ISIP. may puso. humihinga. BUHAY.

Friday, August 29, 2008

ang unang beses (2007 sikpil paper)

Feeling cLose? Lumugar ka nga!

Nauuso ang iba’t ibang mga salita sa panahon na ito, at sa totoo lang, kaya na nating gumawa ng makabagong edisyon ng diksiyonaryong Filipino dahil sa dami nito. Nariyan ang “lobat” na naging word of the year, ang “miskol,” “pasaway,” “pampam,” at iba pang mga katagang tunay namang nakakatawag ng pansin. Pero minsan mo na bang narinig ang “ feeling close?” Nasabihan o nakapagsabi ka na ba nito sa kapwa mo?

Madaling sabihin, madali din namang bigyan ng kahulugan. “Feeling” meaning, pakiramdam, “close” as in, close, yun tipong hindi ka na nahihiya o nag-aalangan dun sa tao. Madali namang mahihinuha ang pagpapakahulugan sa katangang iyan. Pero kelan ka nga ba masasabihan ng “feeling close” ka?

Dalawang buwan pa lamang ang nakakaraan nang sumali ako sa isang clan sa Sun. [ang clan ay parang org, pero sa text nga lang :)] Hindi ko sila lahat kilala, mangilan-ngilan lang ung talagang nakita at nakasama ko na sa personal, at elementary pa kami nun. Nung simula, hindi ako gaano komportable na makipagtext sa kanila, kasi nga hindi ko naman sila kilala eh, nahatak lang ako ng kaibigan ko nung elementary na sumali dahil hindi naman nga daw sila nangangain ng tao. Nang kalaunan ay naging ok na din naman. Pakiramdam ko tuloy ngayon, napaka-feeling close ko sa kanila dahil nakikisali ako sa usapan nila, sa mga kulitan nila sa “group messaging.” Okay din naman dahil masaya din na hindi nawawalan ng nagtetext sa iyo.

Hanggang sa nakilala at naka-close ko ang isang particular na ka-clan. Si Joshua, taga- UE Manila siya, at talaga namang ang daling nag-jive ng personalidad namin. Pareho kaming madaldal at walang “ dull moment” pag nagkakasama kami. Magkasama kaming nanonood ng UAAP games, at siya pa ang bumili ng ticket ko sa DLSU- UE game. Sabay kaming umuuwi pagkatapos ng lingkod aral sa Sampaloc. Okay naman kami sa pagkakaibigan namin na iyon, hanggang sa di malamang dahilan ay bigla siyang nagpapaalam na aalis na daw siya. Siyempre ako, ayon sa pagkakaalam ko na magkaibigan kami, tanong ako ng tanong kung anong problema, kung anong nangyari, kung bakit siya aalis, kung saan siya pupunta. Nung una, sinasabi na lang niya na wag na akong magtanong kasi hindi din naman niya sasagutin. Hindi ko alam kung bakit pero naiyak ako sa pagpapaalam niya, sabihin pa na sandali lang kami nagkakilala. Nagkaroon nga kasi ng “instant connection” kung tatawagin ng iba. Alam ko sa una, pinagpapasensiyahan niya pa ang kakulitan ko sa pagtatanong. Ilang araw din ang lumipas bago niya muling nabanggit yun. At kagabi, ewan ko kung anong pumasok sa kanya at muli na namang nagbanggit ng nagpaalam. Kung sa akin lamang naman, apektado ako, dahil kahit sa maikling panahon ng pagkakakilala namin ay naging kaibigan ko na din naman siya, at naging mahalaga na din naman sa akin. Pilit ko siyang tinatanong kung bakit, pilit kong pinapaamin sa kanya ang tunay na dahilan ng pagpapaalam niya. Marahil nga ay naging napakakulit ko sa pagtatanong, at nairita na din siya, kaya sinabi niyang “pwede bang huwag ka nang magtext? Wag ka na magparamdam?” Sa gulat ko ay natanong ko siya ng isang “bakit?” Hindi niya naman sinagot ang tanong ko, bagkus ang reply sa text message ko ay, “ hindi ka ba nakakaintindi? Tagalong na yun ah, lumayo ka na. much better, wag ka nang magparamdam!” Napatulala ako habang binabasa ko ang text niya, oo nga’t tagalong na iyon ay parang gusto ko pa ding I-text siya para magtanong kung anong ibig sabihin nun, pero dahil sa nagsalita na siya ay nanahimik na lamang ako at hindi na nagtext. Hindi man lantarang sinabi sa akin na “hoy! Masyado ka nang feeling close!” Sa mga katagang sinabi niya naman ay parang ganoon na din ang kahulugan nun. Nakakainis mang isipin, pero yung akala kong sapat nang panahon para maging kaibigan ko siya, ay kulang pa pala para sa ibang tao. Na akala kong ok kami ay may hindi pala sinasabi sa akin. Na minsan, hindi lahat ng akay para sa akin, ay okay para ibang tao. At hindi lahat ng naging close ko sa mahabang panahon, ay magiging katumbas ng mga taong naging close ko sa maikling panahon.

Sa pangyayaring iyon ay natuto na ako. Napagtanto ko na hindi lahat ng tao ay magiging ganun kadali ang pag-“warm up” sa iyo, at hindi lahat ng magiging close mo ay ganun din ang tingin nila sa iyo. Dahil maari minsan na nahihiya lamang silang magsabi, at kumuha lang ng tiyempo para ipaalam sa inyo ang totoo.


Feeling cute? Kala mo gwapo/ maganda ka?!

Dahil nga sa nasimulan ko ang talakayan tungkol sa feeling close, itutuloy ko na ito sa mga “feeling cute.” Ito yung tawag sa mga taong hindi naman maganda o gwapo eh sobra kung umasta na ganun sila.

Madami na akong nakasalubong na ganyan sa daan, tipong akala mo eh mga kay guguwapo at gaganda na ubod ng porma, mga ang hahangin kung umasta, pero kung titignan mo naman ang mukha eh, nako, balik na lang ulit sa porma. Hindi naman sa namimintas, at alam ko naman kung sino ang taong nararapat na bigyan ng karampatang papuri.

Minsan na akong may nakasabay na feeling cute sa LRT, nagkasabay kaming sumakay sa Vito Cruz Station. Halata namang taga-**** (others), dahil nakikita naman na branded ang suot niyang damit, bukod sa I.D lace niyang berde. Sabihin na nating oo nga’t maporma siya, pero naku naman, hindi karapat-dapat na tapunan ng isa pang tingin. Akala pa niya eh siya ang tinitignan sa buong train ng LRT na iyon. Hay naku nga naman talaga. Tinalo pa ang airconditioning unit ng bagong LRT train sa hangin niya. May pangiti-ngiti pa, at akala mo, crush siya ng lahat.

Nung highschool pa ako ay may kaklase akong babae na kung pumorma eh akala mo gusto ng lahat. Kung makapag-miniskirt eh kala mo ang ganda ng legs. Hindi naman sa talagang nanglalait, pero hindi naman talaga maganda ang legs. Kung magpakita ng dibdib, akala mo titignan yun ng mga lalaki, eh hindi naman siya kagandahan para pagtuunan ng pansin.

Sabihin na lang natin na hindi panglalait ang pakay ko, kung hindi ang pagsasabi na dapat, ang lahat ng bagay ay nasa lugar. Hindi din naman ako kagandahan, at aminado naman ako doon, pero hindi ko din naman inilalagay yung sarili ko sa lugar na maari akong punahin ng iba. At mas lalong hindi ko inisip na maganda ako sa mata ng iba, baka masobrahan kasi eh maging kasing kapal na ako ng mga taong pinupuna ko dito.

Maging tama lang, wag sobra, wag kulang. Para hindi tayo nasasaktan!

PAGBABAGO (2007 sikpil paper)

Paano nga ba ang tamang pagpapakilala ng isang mag-aaral na nasa ikalawang antas ng kolehiyo? Mas mabuti bang unahin na muna nag pangalan at edad, pati ang lugar na kinalakihan? Ang mga eskwelahang kanyang pinag-aralan? Nararapat bang isama pati na ang pamilyang pinanggalingan? Kung ilan silang magkakapatid? Ang istorya sa likod ng kanyang pangalan? At ang iba pang bagay na maaring malaman tungkol sa kanya? O manatili na lamang sa simpleng istilo na pangalan, edad, at lugar na pinagmulan lamang ang inaalam? Alin bas a dalawa ang mas magpapakilala sa tunay na personalidad ng taong nais mong kilalanin?

Para sa akin, mas pipiliin ko nang magpakilala ng buong-buo. Walang labis, walang kulang. Dahil minsan ko lang naman masabi kung ano ang tingin ko sa sarili ko.

Bilang panimula, ako si Celliza Marrie del Mundo Rances. Labimpitong taong gulang. PILIPINO. Mula nang kumuha ako ng Sikolohiyang Pilipino sa ilalim ni Mr. Jay A. Yacat, ay mas madalas ko nang ipagmamalaki at sasabihin na Pilipino ako! Sa kursong ito ay mas maintindihan ko kung ano nga ba ang pagka-Pilipino, at ang kaibahan nito sa pagiging Pilipino. Mas madalas ko nang sabihin na masaya ako dahil Pinoy ako! Dahil sa kahit na ano pang baho ng bansang kinabibilangan ko, alam kong may magagawa ako sa sarili ko para maging isang mabuting Pilipino.

Mas madalas ko na ring masasabi na proud akong maging jologs! Oo, Pinoy lang ang jologs, at mas lalong Oo, masarap maging jologs. Yung totoo ka lang sa sarili mo. Yung mananamit sa kung paano mo gusto manamit. Yung magsasalita gamit ang wikang marapat namang ipagmalaki. Yung manonood ng sineserye, telenobela na gawang Pinoy. Yung magsusuot ng gawang Pinoy. Yung kakain ng Filipino food. Masarap maging jologs, at dahil diyan, masarap maging Pinoy!

Napagtanto ko din na hindi masamang maniwala sa mga pamahiin, dahil itong mga ito ay nagsisilbi lamang babala sa atin. Na wala namang mawawala sa oras na tayo’y maniwala. Maaari pa ngang tayo’y maligtas sa kapahamakan.

Tiyak namang napakasarap maging Pinoy, at kahit na ilang beses pa akong lumabas ng bansa, umikot sa mundo, Pilipinas pa rin ang babalikan ko. Dito ako ipinanganak, at ditto ko din gugustuhin mamatay. Dito ko ibabahagi ang kaalaman na natutunan ko sa Unibersidad ng Pilipinas, at dito ko lamang din nanaisin na magtrabaho at makatulong.

Walang masamang maging Pinoy, magulo man ang bansa natin sa ngayon. Dapat simulan natin sa sarili natin ang paglilinis sa ating pagka-Pilipino. Para sa oras na dumating na ang panahon ng ganap mong pagiging Pinoy, alam mo na ang naging mali ng iba, at hindi mo na dapat na ulitin pa iyon. =)

Thursday, August 28, 2008

kakaibang karanasan (2007 exposure trip)

Kakaibang karanasan!

“ See, if I live in Cavite and my work is in Manila, I have to expense myself a hundred and twenty or a hundred and sixty pesos to transport myself!”

Nang sabihin ng aming propesor sa Sikolohiyang Pilipino na dapat kaming makalikom ng labinlimang oras sa volunteer work, agad akong natuwa at hinintay ko ang araw na masisimulan na namin kumpletuhin ang requirement na iyon. Ang una kong binalak ay isasama ito sa CWTS group namin, dahil nga sa isang non government organization din kami nag-volunteer, ang Kythe Foundation na nangangalaga at tumutulong sa mga batang may malubhang sakit. Pero dahil sa marami pang proseso ang pagdadaanan bago tuluyang makapag-volunteer ay nagpasya kaming humanap na lamang ng ibang org na aalayan ng serbisyo.

Hanggang sa isang text ni Mariel ang nagpasaya sa grupo namin, nakahanap na daw siya ng org, at hindi basta basta ang volunteer work na gagawin namin. Tutulong kami sa pag-gawa ng documentary ng isang alternative media organization, ang TUDLA.

Nagsimula kami nang Sabado, bandang alas-Nueve ng umaga. Nagkita kami sa Philcoa, at magkakasabay na dumiretso sa Sampaloc, kung saan ang location ng documentaryong gagawin. Pero siyempre, bago kami magsimulang lumibot ay pina- orient muna kami sa tumatayong lider ng ALMARIL (alyansa ng mga mamamayan sa riles).

Mayroon daw nangyayaring aklasan sa riles, dahil pinapagibang kusa ni Gloria at ng NHA ang mga bahay na nagkumpol-kumpol dito. Pinapatanggal ang bahay na nakatirik, dahil sa railroad rehabilitation project ng gobyerno. At siyempre, dahil sa doon na nakatira, lumaki, nagka-anak, nagka-apo at namatay ang iba, sumama ang loob ng mga nakatira sa riles. At handa nilang ipaglaban ang lugar na tinitirahan hanggang sa kamatayan.

Matinding pagpapahiwatig ang ginagawa ng mga taga-riles. Nariyan ang pakikipag-usap, at halos pakikiusap nila sa gobyerno na huwag na lamang silang paalisin sa lugar na kinatitirikan ng mga bahay nila. Paano ba naman ay napaka-drama ng pinapagawa ng NHA, na kanya-kanyang giba ng mga bahay, ang bahay na itinayo mo ay ikaw rin mismo ang sisira at gigiba. Hindi ba sadyang napakasakit nun? Dahil nga sa ibang tao ang nasa gobyerno, at dahil sa ambiguity ng sitwasyon, sadyang mataas na lebel ng pagpapahiwatig yung ginagawa nila, samantalang dahil sa mas nakakataas ang mga nasa gobyerno, hindi na nila kailangan na taasan ang lebel ng pagpapahiwatig.

May napansin naman ako sa paraan ng pananalita ng mga nag-orient sa amin. Yung wikang ginagamit nila ay mas mataas yung antas, ibig sabihin, nasa cluster 3 ng Filipino Negative Emotions yung gusto nilang iparating. Na kesyo pinapasahol ng gobyerno ang kalagayan ng mga mamamayan sa riles. Na poot at pagkamuhi sa gobyerno ang gusto nilang maramdaman ng tao, na dapat ay masuklam sila sa administrasyon dahil hindi naman ito gumagawa ng paraan para paunlarin, o pabutihin ang kalagayan nila.

Poverty limits options. Na hindi ganap ang kalayaan ng mga tao na naghihirap. Katulad sa riles, dalawa lamang ang maaring pagpilian. Gigibain nila ang sariling bahay at lilipat sa relocation sites na halos nasa dulo ng mga probinsiya, kung saan malayo sa ospital, paaralan at trabaho, o mananantili sa tabi ng riles, na malapit sa lahat ng pangangailangan ngunit hindi naman nila maiiwasan ang panganib na dulot ng pagtira sa ganoong lugar. Sabi ng karamihan sa mga nakausap namin, kaya hindi sila lilipat ay dahil sa doon na sila lumaki sa riles, pero ang tanong ko sa kanila, kung sakali bang may matinong pagkakakitaan sa relocation sites ay hindi na sila babalik ditto? Ang sagot nila ay oo, sa madaling sabi, kung may choice lamang sila na mapabuti ang buhay nila sa relocation sites ay walang magiging problema sa paglipat nila.

To have freedom is to live a comfortable life. Hindi ko tuloy alam kung dapat bang isipin na hindi komportable ang mga taong naninirahan sa may riles. Mayroon mang mangilan-ngilang pamilya na nakatira sa ilalim ng tulay (tulay sa may Altura), pero mas marami naman sa kanila ang nakakagulat na ang itsura ng mga tahanan, kahit pa nasa may riles sila. Ang isang bahay doon ay hanggang 3rd floor, at talaga namang nakakaloka dahil may aircon ang bawat palapag ng bahay. Ang ilan naman ay may flat televisions at personal computer, ang iba doon ay nakikiuso sa latest na modelo ng cellphone. Limitado man ang options nila, kahit nasa tabi sila ng riles ay tiyak naming komporteable ang buhay ng ilan sa kanila.

Sa pangalawang araw ng pagpunta namin ay nagpasya na kaming magtanong tanong sa mga nakatira sa riles kung bakit hindi sila umaalis doon. Sa kabilang parte naman kami ng riles naglakad. Hindi ko alam kung kabutihang palad o kamalasan ba ang makakita ng mga matatandang manong na nag-iinuman. Una, maari naming silang hingan ng pahayag, pero siyempre, puro kami babae, kaya natatakot kami para sa aming kaligtasan, lalo pa’t wala kami sa lugar namin. Bago pa man kami makalapit sa mga manong na nag-iinuman ay may isang lalaki na ang agad na lumapit sa amin. Tinanong niya kung taga-saan kami at kung ano ang pakay naming sa lugar na iyon. Nang malaman na taga-UP Diliman kami ay bigla na lamang nag-ingles si kuya. Ang tanong niya ay sa ingles, kahit pa ang sagot naming lahat ay sa tagalong na. Ang pinaka-nakakalokang tanong ni manong ay: “I will ask you something, what if you live in Cavite and your work is here in Manila, is it supportable that you will go home there?” Pa-bibo pa ako sa pagsagot ng “siyempre hindi kuya, hindi praktikal!” na sinundan ng mas nakakaloka niyang sagot! “ See, if I live in Cavite and my work is in Manila, I have to expense myself a hundred and twenty or a hundred and sixty pesos to transport myself!” At sa pangungusap na yaon ay hindi na naming naiwasan na magpalitan ng sulyap ng mga kasama ko. Hindi man verbal ay nagkaintindihan na kami ng mga kaibigan ko sa mga nais naming iparating sa isa’t isa. Minsan nang nabanggit ng aming propesor ang kaibahan sa wika. Na ang mga taong mas mababa ang naabot sa edukasyon ay sinubukan pa rin na pumantay sa kausap nila. Katulad na lamang ng ginawa ni manong “expense” (binigay naming codename sa manong na ingles ng ingles). Nalaman niya na taga-UP kami, kaya bigla na lamang ay sumabay sa pag-iingles, maski na hindi kami nagsasalita sa ingles. Maaaring naisip ni kuya na kailangan niyang magpakita ng dunong dahil nga taga-UP kami. Na kailangan niyang ipakita na hindi lahat ng taga-riles ay walang naabot sa pinag-aralan. Wala naman sigurong problema sa amin kung kinausap niya kami sa ingles. Ang naging problema lamang ay yung pagtatangka niyang ipahiya kami sa pamamagitan ng ginawa niya. Unang-una, alam naming na hindi kami nararapat na magsalita ng ingles doon. Dahil katulad nga ng napag-usapan sa klase, hindi naman lahat ng tao ay maiintindihan ang wikang banyaga na iyon. Katualad na lamang ng mga tao sa nakatira sa riles. Tipong bihira ang maswertehan na makapag-aral para makaintindi ng ingles. Naalala ko tuloy ang kontratang pinapipirmahan ng NHA sa mga taong pumayag na ma-relocate. Ang kontrata ay nakasulat sa ingles, at hindi hinahayaan ng representative ng NHA na basahin ng tao ang ibang nakalagay sa parte ng kontrata, ibinubuka lamang nila ito sa parte kung saan pipirma ang tao, at ni hindi ipinaliwanag ang nilalaman nito. At dahil sa nakasulat ito sa ingles, hindi naiintindihan ng mga mamamayan sa riles ang nilalaman ng kontrata at magugulat na lamang sila sa oras na ipatupad na ang nilalaman nito. Ang nagagawa nga naman ng wika. Maaring manlinlang, maari rin namang magtaguyod, at humikayat.

Sa paglalakad lakad namin sa riles ay marami kaming mga taong nakasalamuha. Kapag nandun ka naman kasi sa lugar na iyon ay hindi ka maaring magsuplada, kung hindi ay baka mabastos ka. Kaya ayos na lamang kahit papano ang ngumiti sa mga makakasalubong. Ang mangilan ngilang pagbati ng tao ay sinasagot ko na lamang ng tango. Hindi na naman bago sa akin ang lugar na iyon, sa Sampaloc ipinanganak at lumaki ang mama ko, ang papa ko naman ay may mga kamag-anak sa Antipolo. Kaya hindi na ako nanibago sa paglalakad at paglilibot. Ang mga lola ko sa side ni papa ay apektado ng demolisyon, dahil ilang metro lamang ang layo nila mula sa riles, eh kailangan gibain ang mga bahay 15 meters mula sa riles. Ang mga catcalls na ginagawa ng kalalakihan ay marapat na hindi pansinin, kasi kapag nag-react ka, gulo ang kalalabasan. Hindi naman din ako natatakot na umikot-ikot doon mag-isa, palibhasa ay kumpare ng lolo ko ang barangay chairman doon. Kailangan lamang na makisama at sumakay sa trip ng mga tao sa paligid mo, dahil yung una pa lamang na pakikipag-usap sa mga orgs ay kailangan na ng mabuti at magandang pakikitungo para payagan kami na mag-volunteer sa kanila. Kailangan ng paggalang sa oras na makikipag usap na sa mga matatanda, at kailangan ng ibayong pag-iingat sa pagsasalita.

Sa dami ng taong nakausap namin dun, pare-pareho halos ang sinasabi nila. Na ayaw nilang umalis sa riles dahil sa andun ang kabuhayan nila, bukod pa roon, doon na daw sila ipinanganak kaya doon na din mamamatay. May ibang mga pahayag nga lang na sa tingin ko ay talaga namang hindi magkakasundo. Mahal daw nila ang lugar nila pero sa oras na magkaroon ng magandang trabaho at kabuhayan sa relocation sites ay handa silang lumipat doon. Maari ay hindi ko lamang Makita ang punto nila. Na tipong alin ba sa mga pahayag na sinabi nila ang mas matimbang para sa kanila. Sa halos apat na oras na inilagi namin doon ay naging masaya kami sa pakikipagkwentuhan kila Amir, Garnet at Buddy, sila ang mga tumatayong lider ng ALMARIL, sila ang nag-orient sa amin tungkol sa isyu ng lugar, at sila din ang nakasama namin sa pag-ikot. Naramdaman namin yung maayos nilang pakikitungo, at bukal din sa amin ang makisalamuha sa kanila dahil sa ilang beses na din naming pagpunta sa kanila.

Sa huling pagpunta naming doon ay ginawa na namin ang dokumentaryo. Medyo masaya ang parte na ito, bukod sa kinulit lang naming ng kinulit si Mayo, ang bidang batang lalaki ng dokumentaryo. Anak siya ng isa sa taga-riles, at talaga namang napakagwapong bata. Ang pagkakamali lamang marahil ng org member na kukuha sa dokumentaryo ay ang bilhan si Mayo ng Chao Fan. Si Mayo lang kasi ang binigyan nila, kaya ang ibang mga batang taga-riles ay nakatunganga kay Mayo habang ito ay kumakain. Minura pa nga si Mayo ng kuya niya dahil sa sobrang gutom yata ng bata ay hindi na naisipang mang-alok ng iba. Hindi ko din naman iisipin na maiisip pa ni Mayo ang ialok iyon sa iba. Marahil ay unang beses pa lamang niya na kumain noon, dahil nga saw ala naming trabaho ang mga magulang niya. Ang ikinatuwa ko na lamang ay ang malaman na pumapasok ang bata sa paaralan. Bagama’t mahirap ang buhay, kahit papaano ay nag-aaral si Mayo, at maaring mabigyan pa siya ng magandang kinabukasan.

Sa pag-iikot ikot naming lahat sa riles ay napagtanto ko kung gaano ako kaswerte sa mga magulang ko. Kung gaano ako kaswerte dahil may bahay akong tinitirhan, na hindi na kailangang gibain. Swerte ako dahil nakakakain ako ng tatlong beses sa isang araw, at hindi ko kinakailangan na makipag-away sa mga kapatid ko para makakuha ng pagkain. Swerte ako dahil may cellphone ako, at nasusunod ang halos lahat ng luho ko, samantalang ang mga batang lumalaki sa riles ay salat sa material na bagay. Natutuwa nga lamang ako at kumpleto ang kabataan nila. Nakakapaglaro sila sa labas, sa ilalim ng init ng sikat ng araw. Naranasan ko mang maglaro noon ay hindi sa labas, kung di sa loob ng bahay, sa garahe ng sasakyan. Napagtanto ko na maraming mga bagay ang dapat ipagpasalamat. Sa pagpunta ko sa riles na iyon ay doon ko muling naranasan maging bata. Ang matuwa sa paligid, para akong turista habang namamangha sa kung paano nila binubuhay ang mga sarili at pamilya nila, habang nakakakaya pa nilang maglibang, uminom at tumambay. Namamangha ako sa kung paano silang nagkakasya sa isang maliit na silong, kung paano sila nabubuhay doon, natutulog, kumakain at nagpapahinga. Doon ko naranasan ang unang pagsakay ko sa trolley, o yung mas kilala bilang padyak, at habang nakasakay roon ay natutuwa sa kung paano nakakaya ng isang matanda o ng isang bata ang itulak at paandarin ang trolley na iyon na may sakay na anim hanggang sampung katao. Napagtanto ko na ang mga taong namumuhay doon ay all-around, maraming alam at maraming kayang gawin, samantalang ako, iisipin ko pa lang ay parang gusto ko nang mag-back out. Natutuwa ako hindi sa kalagayan nila, kung hindi sa patuloy nila na paglaban sa kahirapan at sa mga kaguluhan ng buhay, na sa kabila ng hirap na dinadaanan ay nagagawa pa nilang magbiro at tumawa.

Napagtanto ko sa aking sarili na kaya kong makisalamuha, na kaya kong makisama sa mga tao na noon ko lamang nakita, at ang maging masaya sa piling nila. Narealize ko na hindi lahat ng taga-riles ay masama ang intensiyon, at hindi lahat sila ay gumagawa ng masama. Naiiisip ko ang swerte ko, dahil sa hindi kami (ng mga kapatid ko) pinaranas ng hirap na naranasan nila mama noon, at sa pinayagan niya ako na mamulat sa katotohanan ng buhay sa pamamagitan ng pagpayag niya sa sumama ako sa volunteer work na iyon.

Ang pagpunta sa tabi ng riles ng tren ay isang paraan upang mamulat sa katotohanan ng mundo, ng buhay, ng Pilipinas. Na hindi lamang sa pelikula makikita ang hirap na tinatamasa ng mga kababayan natin. Ang exposure trip na iyon ay nagbigay sa akin ng libong dahilan para magpasalamat sa buhay na meron ako ngayon. At para pangalagaan ang kung ano mang meron ako at magkakaroon ako sa darating na mga panahon. Iisipin ko na lamang si Mayo, isang musmos na walang kamuwang-muwang sa mundo na ginagalawan niya. Ngunit bagama’t bata, alam kong nararamdaman niya ang hirap na nararanasan nila, dahil pagkalam ng sikmura. Iisipin ko na lamang si Mayo, na sa kabila ng hirap ng buhay ay marunong ngumiti at mag-enjoy. Iisipin ko na lamang si Mayo, na kahit pa salat ay nag-aaral at pinipilit na makatapos.

Ang mga taong nakilala ko sa riles ay patuloy na magiging inspirasyon ko. Patuloy kong iisipin na ang mga kaibigang nakilala ko sa riles ay aking magiging kaibigan sa kabila ng distansiya. At kahit tapos na ang volunteer work na ito, parang gusto ko nang ituloy ang pagsali sa TUDLA, para mas marami pa akong makita, matutunan at maranasan, mga bagay na hindi normal na makikita sa lugar na kinalakihan ko. =)

Wednesday, August 27, 2008

PERSONALITY 101 : TRAIT TAXONOMIES

Bilang isang mag-aaral ng Sikolohiya, mahalagang malaman kung ano-ano nga ba ang iba’t ibang klase ng traits. TRAITS are defined as broad regularities in a person’s psychological function; or, basic structural elements of personality. Ang traits ay ang pinaka-batayan ng personalidad. Ang traits, kasama ng situation, ay pinaniniwalaang nagpepredict ng behavior.

Matagal na panahon na ding nagsimula ang mga pag-aaral at pagbibigay ng katawagan sa mga grupo na kinapapalooban ng personalidad ng isang tao. Halimbawa nito ang Greek Theory of Humors (Hippocrates of Kos, Galen of Pergamon). Sinasabi ditto na ang katawan natin ay composed ng fluids, at ang mga fluids na ito ay tinatawag na Humors. May apat na kategorya ang Humors, ito ay ang CHOLERIC (yellow bile), MELANCHOLIC (black bile), SANGUINE (blood) at PHLEGMATIC (mucus). Ipinapaloob sa apat na kategoryang ito ang personalidad ng mga taong malungkutin, masayahin, mahilig mag-isip at iba pa. halimbawa din ang AYURVEDA, CHINESE PHILOSOPHY (kung saan hinati naman ang personalidad ng tao sa limang elemento, ang metal, wood, earth, water at fire) at ang teorya ni WILLIAM SHELDON sa pangangatawan ng tao (Endomorphic, Mesomorphic, Ectomorphic.) Ang mga ito ay mga teoryang umusbong bago ang taong 1968 kung saan ang kanilang paninidigan ay kung ano ang personalidad, iyon din ang magiging behavior mo.

Ang sumunod na mga pag-aaral ay tumingin na sa epekto ng sitwasyon sa behavior ng tao. Bago pa ma-formulate ang Five-Factor Model, lumabas ang iba’t iba pang trait taxonomies. Isa dito ang PEN model ni Hans Eysenck. Sinasabi dito na mayroong tatlong mahalaga at malaking grupo ng traits. Ito ay Psychotism, Extraversion at Neuroticism.
Ipinakita dito na isang mislabeled term ang Psychotism, hindi ito madalas na konektado sa mga serial killers, though at times, ang mga traits na napapaloob dito ay mga traits din na pinopossess ng mga serial killers. Ang mataas sa P ay iniisip at nakikita bilang mga agresibong tao, wala o mababa ang awa sa kapwa, anti-social, egocentric, at nasisiyahan kapag nakikitang nahihirapan ang mga tao sa paligid. *katakot di ba? Ang mataas naman sa E ay nakikita bilang mga adventure/ thrill seekers, mas gusting mag-aral nang may kasama, nag-aaral sa mga lugar na rich sa iba’t ibang stimuli, madaldal, nasisiyahan na mapasama sa malaking grupo at hindi namomroblema sa pakikipag-usap sa mga hindi kakilala. Samantalang ang mababa sa E ay tinatawag na mga introverts, kung saan mas pinipili nila ang tahimik na paligid at mas madalas na maiwanan na mag-isa. Ang mataas naman sa N ay madalas na nag-eengage sa Counterfactual Thinking. ?ano iyon? Ito ung mga tanong na nagsisimula sa what if. Madalas ay nagdadala ang mga tanong na ito ng frustration sa taong nag-iisip nito. Ang mataas din sa N ay matagal na makaget-over, madalas na nagbabalik sa nakaraan upang pahirapan ang kanilang mga sarili. Ang mababa sa N naman ay mga taong secure and stable, madali nilang nalalampasan ang mga problema, at madalas ay hindi affected sa mga nangyayari, tipong pag dumaan na, hayaan na. ikaw, saan ka kaya napapabilang diyan?
Kasama rin sa mahabang listahan ay ang 16 PF (personality factors) ni Raymond Catel, na student assistant ni Spearman. *sikat xa!  Ang INTERPERSONAL CIRCUMPLEX, at ang personality assessment na ginawa ni Jerry Wiggins. Pahuhuli ba naman ang mga Pinoy? Marami nang nagawang mga personality tests dito sa Pilipinas: ang PPP (panukat ng pagkataong Pilipino) ni Propesora Annadaisy Carlota ng UPD, ang PUP (panukat ng ugaling Pilipino) nina Propesor Virgilio Enriquez at Angeles Guanzon – LapeƱa ng UPD, ang PKP (panukat ng katangian ng personalidad) nina Timothy Church at Marcia Katigbak ng ADMU.

Sa makabagong panahon, umusbong ang sikat na sikat na FIVE FACTOR MODEL nina Paul Costa at Robert McCrae. Tinignan nito ang limang dimension ng personalidad, ang mas kilala sa tawag na OCEAN. Isa-isahin natin ang bawat dimension nito.
O = openness to experience, which is characterized as the proactive seeking and appreciation of experience for a person’s own sake, the tolerance and exploration, even if there is a delight for the unfamiliar. Its goal is to seek out new experiences or staying with old or traditional ones. People who’d score high in this scale is believed to be appreciative of the arts, imaginative, creative, original, prefers variety, curious and liberal. People who scored low were seen as down-to-earth, uncreative, conventional, prefers routine, uncurious and conservative.
C = conscientiousness, this is characterized by organization, persistence and motivation in tasks. Its goal is to pursue task-related goals. People who’d score high in this scale are perceived to be conscientious, hardworking, well-organized, punctual, ambitious, and persevering, while low scorers were seen as negligent, lazy, disorganized, late, aimless, quitting, and irresponsible.
E = extraversion, which is characterized by the need for stimulation and arousal. It is a robust predictor of happiness. Its goal is to be stimulated, or aroused. People who scores high in this scale are affectionate, likes to be in groups, talkative, active, fun-loving and passionate, on the other hand, people who scored low are reserved, loner, quiet, passive, sober and unfeeling.
A = agreeableness, which is the Nice dimension of personality. Its goal is to connect with people while avoiding conflict. People who are high in A are softhearted, trusting, generous, acquiescent, lenient and good-natured, while people low in A are ruthless, suspicious, stingy, antagonistic, critical and irritable.
N = neuroticism, or the dimension opposing emotional stability. People who are highly neurotic are often worrying, hot-tempered, self-pitying, self-conscious, emotional and vulnerable. Low neurotics are people who are seen as calm, even-tempered, self-satisfied, comfortable, unemotional, and hardy.
So, what scores would you have on these scales?

After that elaboration, tignan naman natin ang mga key assumptions na pumapaloob dito. TRAITS ARE MEANINGFUL INDIVIDUAL VARIABLES or DIFFERENCES. Oo nga naman, bawat tao ay may sariling set ng traits, bawat tao ay magkakaiba sa bawat dimension ng personalidad, at walang dalawang tao ang magkapareho dito. TRAITS ARE STABLE OVER TIME. Ina-assume nito na ang traits ay hindi nagbabago sa pagdaan ng panahon, stable na ito, at hindi na maaring i-shape o baguhin. Though may mga pag-aaral na nagsasabing ang ugali ay nagsisimulang magstabilize hanggang sa edad na trenta (30). TRAITS ARE STABLE ACROSS SITUATIONS. Kung ano ung personalidad mo, un ka sa kahit na ano pang sitwasyon ang mapuntahan mo. Sa mga panahong ito, tinitignan na ang behavior ay sanhi ng interaksiyon ng personalidad (traits) at ng sitwasyon (environment).

Saang dimensiyon ka ba napapaloob? Ang ideal mate mo ba ay gusto mong maging kapareho ng personalidad mo, o kabaligtaran? Kung gusto mong malaman ang mga scores mo sa bawat dimensions, subukan mong sagutan ang pinaikling version ng IPIP-NEO, hanapin mo ito sa google o yahoo search engine, at nawa’y makatulong ito upang mas lalo mong maintindihan ang iyong ugali, at higit sa lahat, ang iyong sarili.

Tuesday, August 26, 2008

BAKIT...

BADTRIP KUMAIN SA FASTFOOD RESTAURANTS / FOOD KIOSKS MAG-ISA?


Una.
Walang magbabantay sa place na gusto mong upuan dahil wala kang kasama. Alangan namang iwanan mo ang gamit mo don saka ka umorder, good luck na lang sa risk na biglang magdisappear ang things mo.


Pangalawa.
Ikaw ang oorder by your self. Mag-isa ka, meaning, hawak mo gamit mo, maski sandamakmak pa libro mo, plus ung tray pa ng inorder mo. Kamusta naman un db? Madulas ka pa sa basang sahig, kaawa-awa ka naman.


Pangatlo.
Magmumukha kang tanga. Let’s face it, iilan lang ang may courage na kumain nang mag-isa. Sisikmurain mo ang tingin ng mga taong dumadaan na waring nanlilibak, na parang, bakit ka mag-isa, kawawa ka naman blah blah blah. Tititigan mo na lang ang pagkain mo at magmamadali kang kumain. Hahaha!

Pang-apat. Aminin na natin, hindi masayang kumain mag-isa. Hindi mo maeenjoy ang pagkain dahil mag-isa ka lang. mukha kang tanga, wala kang kausap, wala kang kasama. Madalas na sa pagsasabay kumain ay nasasabay ang kwentuhan at kumustahan, good luck na lang sa iyo kung hindi ka tignan ng tao kapag kinausap mo at kinumusta ang sarili mo. *unless siguro kung naka-headset ka at magaling kang magpanggap na may kausap ka..



BAKIT MAS BADTRIP MAG-IKOT SA MALL MAG-ISA?


Una. Marami kang makikitang tao sa paligid, tapos ikaw, nag-iisa? Ganun ka ba talagang kaawa-awa para ni wala man lang nagkagusto na sumama sa iyo sa pag-iikot? I can hear Angelina shouting, with the popular hand gesture, “you’re such a LOSER!”


Pangalawa.
Wala kang makakakwentuhan tungkol sa mga magagandang bagay na makikita mo sa paligid. Harapin naman natin na kapag pumunta tayo ng mall ay nagwi-window shopping tayo, at may mga pagkakataon na may nagugustuhan tayo at itinuturo pa naman un, sabay sasabihin kung bakit iyon gusto at tuloy tuloy na ang usapan. Kausapin mo na lang ang sarili mo, kapag ganun! Ayan na ulit si Angelina. 

Pangatlo. Wala kang kasama sa pang-ookray. Sa mall, maraming tao. Sa mall, maraming maporma. Sa mall, maraming hindi akma ang porma. At magkakaroon at magkakaroon ng pagkakataon na matatawa ka na lang sa sarili mo at bigla ay mang-ookray ka. malamang sa malamang, kung mag-isa ka, hindi ka na lamang magsasalita. Pero kung may kasama ka, aba, tuloy tuloy ang pang-ookray!


Pang-apat.
Maraming couples ang makikita mo sa paligid. At malulungkot ka na naman na bakit ikaw ay walang kasamang pwedeng umakbay sa’yo, yumakap paminsan-minsan, kahawak ng kamay habang naglalakad. Oo, dadating sa pagkakataon na nakakainggit na may makita kang couple na magkasama habang nag-iikot at sweet na sweet pa.

AMININ NA NATIN, hindi masayang mag-isa. Pero minsan, maiiwan ka na wala ka nang choice. Siguro, tanggapin na lang natin na lahat tayo ay dadaan sa panahon na kailangan natin maiwan mag-isa, PARA MALAMAN NATIN ANG HALAGA NANG MAY KASAMA. (“,)

Monday, August 25, 2008

pinakamahirap na tanong

mula pa nung huwebes, pinipilit ko nang itago sa mga malalapit kong kaibigan ang mga nangyayari. ayokong magkwento, ayokong mapag-usapan. dahil hirap na hirap akong sagutin ung tanong na KAMUSTA KA NA? BAKIT KAYO NAG-BREAK?

sa lahat ng mga nangyari, sa lahat ng mga pinagsamahan, sa lahat ng pinagdaanan, alam kong wala akong pinagsisihan. naging masaya ako sa lahat ng panahon na kasama ko siya, kuntento kahit dun sa mga pagkakataon na walang malinaw na tawag kung ano nga ba kami. minahal ko siya nang buong-buo, inintindi, inunawa kahit dun sa mga panahon na sobrang nasasaktan na ako. alam ko kasi na seryoso ung relasyon na iyon, at hindi ko pwedeng pairalin ang pagkaimmature ko. pinilit kong magbago para sa kanya, binalewala ung mga bagay na gusto ko, kinalimutan ung mga katangian na hinahanap ko dahil hindi mabuti na sabihin kong magbago siya ayon sa gusto kong maging siya. minahal ko siya kung sino siya, nang hindi humiling na magbago siya para sa akin.

oo, marami siyang pagkukulang. oo, maraming mga panahon na hindi kami maayos. pero sa kabila noon, hindi ako nagdamdam, hindi ko hiningi na punan ung mga kulang na un, dahil kaya ko namang punan un, masyado ko siyang mahal para pakawalan ko siya ng ganun-ganun lang. hirap akong paniwalain ang sarili ko na "oo nga, wala na kami." naghihintay pa din ako ng message niya sa bawat umagang gigising ako. hindi pa siguro ako ganon katatag para bitawan ko ang lahat ng iyon.

nakakasawa, oo, alam ko na yon, matagal na. nagsisimula pa lang kami ay alam ko at ramdam kong doon din ang tungo nito, pero pilit kong binalewala un, dahil sa alam kong malalim ang pinagsamahan namin, at sa pag-aakalang hindi ako papayag sa lahat ng pakikipag-hiwalay niya. akala ko, ako ang unang susuko. akala ko, ako ang unang bibitaw, pero hindi pala, nauna pa siya, kahit minsan ay napapagod na ako, nauna pa din siya, nauna pa din siyang sumuko. ilang beses na rin, ilang beses na rin akong umiyak, nagmakaawa para wag niya akong iwanan. hindi ako naniniwalang kakayanin ko nang wala siya. ganun ko siya kamahal. maraming pagkakataon na pinipilit ko nang kumawala, gusto kong sa akin na manggaling ang pag-ayaw. pero hindi ko kaya, dahil mahal ko siya. maraming istorya ng paghihiwalay. minsan, selos sa atensiyon. minsan, maliliit na bagay na lumalaki kapag nagdidiskusyon na. madalas, ung pagiging mapilit at makulit ko. pero sa kabila noon, hindi ko siya sinukuan, dahil umaasa ako na dadating ung panahon na matatapos din lahat ng di-pagkakaunawaan dahil unti-unti naming nakikilala ang isa't isa. inisip ko, na nahihirapan lang kamig mag-adjust, kaya kami nagkakaron ng di pagkakaintindihan. at sa lahat ng mga panahon na iyon, pinilit kong maging matatag, para sa amin, para sa kanya.

pero hindi lahat nagtatagumpay, oo, ilang araw na rin kaming hiwalay. oo, ilang araw na rin akong lihim na umiiyak sa higaan ko, dahil ayokong malaman ng mga magulang ko, dahil ayokong matanong kung bakit. maraming panahon na hindi ko maintindihan kung saan ako lulugar sa buhay niya. maraming pagkakataon na inisip ko nang sukuan siya, pero madalas, hindi ako nagtatagumpay. tumagal kami ng sampung buwan. siguro, masasabi kong isa sa mga dahilan noon ay dahil hindi ko siya basta-basta sinukuan. kahit sa mga pagkakataon na sumuko na siya, marami pa rin akong dahilan para manatili at mahalin siya. naging totoo ako, sa lahat ng panahon na magkasama kami, ako ung pinakita ko, walang pagkukunwari.

marami kaming pinagdaanan. masaya, mahirap, malungkot. sa lahat ng iyon, alam kong may malaki iyong maitutulong sa pagkatao ko. sa pag-unlad ko. oo, nakakalungkot na ako na lamang mag-isa ang haharap sa mga problema na dadating sa buhay ko. wala na ung matibay kong sandigan na tangi kong inaasahan sa mga panahon na kailangan ko ng karamay. mahirap nga siguro akong intindihin, dahil walang nakakatagal sa akin.

inakala niya, mahirap siyang intindihin, mahirap siyang pakisamahan, pero hindi ako nahirapan dun. ramdam ko ung sinseridad ng mga sinasabi niya, kahit na sinasabi ng mga tao sa paligid ko na pagdudahan na iyon.

ayokong mapagod. alam na alam niya na ayokong mapagod. at siguro, sa ngayon, pangangalagaan ko na muna ang sarili ko. iingatan ko na muna ang pride ko. hindi ako hahabol, kahit mahal ko pa siya. hindi ako magmamakaawa, kahit gustong-gusto ko nang bumalik siya. maghihintay lang ako, at kung hindi dumating, may matututunan naman ako doon.

sana sa mga susunod na araw ay wala nang maglakas loob na magtanong sa akin kung kumusta na ako. naiintindihan kong concern lamang kayo, ngunit, sana maintindihan ninyo rin, kung gaano kahirap sa akin ang sagutin iyan.

Sunday, August 24, 2008

A very special love. A very special realization.

Minsan lang ako magkagusto na manood ng romantic flick. Minsan lang din ako magyaya at magplano. At mas lalong minsan lang ako mag-blog tungkol sa pelikulang napanood ko. Kapag may mga movie reviews, madalas kong sinasabi ang “okay”, “maganda ung movie!”, “kilig!” at kung ano-ano pang magdedescribe sa simpleng kababawan ng pelikula. Pero itong pelikula na ito, talagang mag-iiwan ng tatak sa isip at puso ko.


A VERY SPECIAL LOVE. John Lloyd plays Miggy, a hot-tempered guy who doesn’t even know how to say sorry. anak sa labas ng isang mayamang lalaki, pinipilit at sinusubukan niyang i-earn ang apelyidong naibigay sa kanya, but unfortunately, madalas ay kinokontra siya ng kanyang kuya sa mga bagay na gusto niyang gawin.


Sarah plays Laida, a girl beaming with possitivity, sunshine kumbaga. isang simpleng babaeng nangarap na mahalin ng taong palaging laman ng kanyang mga panaginip, at ang lalaking iyon nga ay si Miggy. Masayahin ang pamilya niya, at suportado siya sa kanyang mga desisyon ng kanyang mga magulang.


Pumasok si Laida bilang isa sa mga editorial staff ng magazine publication na hinahawakan ni Miggy. Takot ang namamayani sa opisina, dahil nga sa pagiging hot-tempered ni Miggy. The stoy unfolds the truth regarding Miggy’s coldness towards the people around him. Anak siya sa labas, at kahit kalian ay hindi siya na-appreciate ng kanyang mga kapatid. Si Laida ang nagbigay ng positive feeling kay Miggy, empowering him sa lahat ng mga endeavor na haharapin nila. Unti-unti, nagkapuso si Miggy at natutunan din nito na mahalin ang sarili niya, pati na rin si Laida. Masyadong spoiler para sa mga hindi pa nakakanood kung ikukuwento ko nang buo. Manuod na lang kayo, and it’s really worth it.


The movie made me cry for, like, 6 times. To think na it was only just a romantic flick. Isa sa mga iniyakan kong eksena nung pinapaalis na ni Miggy si Laida sa opisina dahil nagsara na nga ito. Sinabi ni Laida na “ang dali mo namang sumuko. Kung iniisip mong sinukuan ka na ng lahat ng tao, andito pa ako. Kung iniisip mong wala nang magmamahal sau, andito pa din ako.” Sabay sinagot ni Miggy ng “hindi ko naman sinabing mahalin mo ako, kaya don’t make me feel as if I have to love you back. pwde ba, maawa ka naman sa sarili mo, kahit bali-baliktarin mo ako, wala na akong maibibigay sa iyo. Mapapagod ka lang umasa, mapapagod ka lang maghintay. Mapagod ka lang maghintay na mamahalin ka din.” At ang pamatay na linya na tumagos-tagos sa aking buong pagkatao ay “kahit minsan, hindi ko naramdamang nakakapagod kang mahalin. Ngayon lang.” sabay walk-out. There’s these certain situations na ramdam na ramdam ko ung sakit. Ung pilit na ikinikintal mo sa isip nung taong mahal mo na mahal mo siya, at hindi mo siya iiwan, pilit mong pinapadama un sa kanya, pero pilit ka niyang itinataboy palayo. Damang-dama ko ung sakit nun. Ramdam na ramdam ko. Ung tipong alam na alam mo sa sarili mo na hindi mo siya susukuan, pero siya mismo ung nagpapasuko sa iyo, siya mismo ung nananagad sa iyo.


Isa pa sa mga nakakaiyak na eksena ay nung dinamayan si Laida ng buong pamilya niya sa pagkabigo niya kay Miggy. That was such a very perfect family. Hanggang ngayon, hindi ako makapagsalita sa pamilya ko, hanggang ngayon, walang nakakaalam pa. at ang sakit sakit na ang sarili ko lang ang tangi kong karamay ngayon. Sarili ko lang makakaintindi sa akin. Gusto ko na lang iiyak lahat ng ito, pero hindi ako parating pinapayagan ng pagkakataon. Sa lahat, ito ung knakatakutan ko, ung maiwanan mag-isa. Ung maiwan na sarili mo na lang ung tanging maaasahan mo. Oftentimes, I’d result to covering up my emotions. Tumawa kahit na alam namang pilit, maging masaya sa harap ng ibang tao, para hindi na matanong, dahil mahirap sumagot nang wala ka namang maisasagot.


Todo kilig ang pelikula. Tamang-tama sanang panoorin nung mga couples na medyo kumikiling sa negatibong pag-iisip ung kanilang kapartner. Which reminded me of somebody. Hindi siya mahirap mahalin, hindi din naman siya anak sa labas, pero masyado siyang mabigat sa sarili niya. He pushes people away. Ni hindi siya naniniwala na may tao talagang kayang magmahal sa kanya. He has this dark and dusky aura, as he calls it. But he is worth loving, he was worth loving.


Sobrang nakarelate lang ako sa takbo ng story ng movie. It was really hard to believe in goodness lalo na kung ung taong pinaniniwalaan mo ay wala mismong tiwala sa kabaitang meron siya. Its hard to believe in love, lalo na kung ung taong minamahal mo ay hindi naniniwala na pwede siyang mahalin, at pwede siyang magmahal. The situation was Laida-ish. Nakakfrustrate pero you still try to make him feel how important he is, pero pag binitawan ka na, at itinaboy na, tama na nga bang sumuko na? I wish I could tell him na, ANDITO PA AKO, believing in everything that he is na hindi niya pinapaniwalaan. Na andito pa ako, dahil hindi siya nakakapagod mahalin, hanggang sa ngayon lang na binitawan na niya ako. This is fucking hard.


Another emo post. Supposedly, I’ll be blogging about the movie, but unfortunately, I really am so affected that I can’t just stay silent about this.


In the end, Miggy acknowledged Laida’s presence, the change that she has influenced him to take, ung pagbabago na nakabuti para kay Miggy, ung pagbabago na matagal hinintay ng mga tao sa paligid niya. UNG PAGKAKAROON NG PUSO.


I may not have watched this with him, as it was planned, pero sobrang tinagusan lang ako nito. Two thumbs up for the writer, for everybody behind this successful movie, for they were able to make me think about everything that has happened. Stay positive as the movie would imply, nothing bad would happen if I comply.


KUNG TALAGANG MAHAL MO, KAHIT MADAMING ATRASO, KAKAYANIN. TATANGGAPIN MO LAHAT, IBIBIGAY LAHAT NG KAYA, WALANG KASI-KASI, WALANG PERO-PERO, MAHAL MO EH. KAHIT INAALILA KA NA, KAHIT SINISIGAWAN KA, KAHIT NA HINDI NAKIKITA ANG MGA GINAGAWA MO, MAMAHALIN MO PA DIN.


* it was supposedly a tenth monthsary movie date. 08.24.08

Friday, August 22, 2008

shallow

pababaw na pababaw na mga konsepto.

mga pangungusap na wala naman talagang kahulugan.

maiiwan ka din namang nakalutang.

hindi na nga ba dapat pagtuunan ng pansin?

bahala na.

bahala na.

matatapos din ito.

matatapos din ang kababawang ito.

pangako.

what if?..

what if everything you ever wanted suddenly became something you wish you did not hoped for?

what if the person you really love become somebody you wish you never have known?

what if that "something" that made you happy became something that hurt you the most?

what if those things you believed in were not really true?

what if the happiness that you once felt was not really happiness at all?

what if the feeling of hurt remains?

what if everything you valued were not really that of importance?

what if your everything meant really nothing to him?

what if these questions does not really have concrete answers?

WHAT IF, WHAT YOU CALLED LOVE, IS NOT REALLY LOVE AT ALL?

Thursday, August 21, 2008

(falling in, staying and falling out) OF LOVE

FALLING IN LOVE IS NEVER BY CHOICE, IT IS BY CHANCE.
STAYING IN LOVE IS NEVER BY CHANCE, IT IS BY CHOICE.
AND FALLING OUT OF LOVE? IT HAS ALWAYS BEEN A DECISION.


Sabi nila, hindi mo daw mapipili ung taong mamahalin mo, kasi daw, kusa mo na lang mararamdaman un. Kusa na lang daw ung spark, at pag tinamaan ka, patay ka. Sabi nila, wala ka namang choice once maramdaman mo na un, kasi uunti-untiin nito ung pag-kain sa pagkatao mo, hanggang sa maamin mo na sa sarili mo, at sa kanya ung pagmamahal mo. Sabi nila, pag nasa ganung punto ka na daw, there’s no turning back, na madadala ka na nung sayang nararamdaman mo hanggang sa pagririsk ng puso mo na magreresulta din sa sakit na mararmdaman mo sa huli, pag hindi siya ang para sa iyo.

Sabi nila, pag nasa relasyon ka na daw, gagawin mo na ang lahat, wag lang mawala sau ung taong mahal mo. Sa simula kasi, lalaki ung gumagawa ng paraan para mapasakanya ka. Pero once na kanya ka na, mapapansin mong unti-unti nawawalan na sila ng gana, at maiiwan ka to do all the work in maintaining the relationship. Minsan, mas masarap dun sa stage ng ligawan, kasi, pakiramdam mo, ikaw ung pinaka-importanteng tao sa buong mundo, dahil sobra-sobra sila magparamdam ng pagmamahal, best foot forward parati, magagandang qualities nila ang makikita mo. Sana nga lang, hindi ka magsisi sa oras na lumabas na ung totoo nilang ugali. Sabi nila, choice mo ang manatili sa isang relasyon. Out of all the million single people in the world, mas pinili mo ang matali sa relasyon na wala naman talagang kasiguraduhan. Mas pinili mo ang masaktan at magmahal. Wala namang nagsabing hindi iyon masaya, pero wala din namang katiyakan na tunay kang liligaya. Dadating at dadating dun sa panahon na magkakasawaan kayo, pero bakit ang mga mag-asawa, nagkakasawaan ba? Siguro dahil sa wala lang silang choice dahil natali na sila sa napakasalan nila. O siguro dahil mas matimbang ung pagmamahalan nila kumpara sa excitement na dala ng relasyon nila.

Desisyon ang makipaghiwalay. Desisyon na dapat ay pinag-iisipan nang mabuti, pinagninilayan. Desisyon na pag nagkamali ka ay mahihirapan ka nang bawiin. Desisyon ang mang-iwan, at mahirap iyon gawin lalo na kung sinasaalang-alang mo ang nararamdaman ng taong mahal mo. Lalo na kung talagang mahal mo siya, at ayaw mong mawala sa iyo. Pero, may iba din naman na sa sobrang pagmamahal dun sa tao ay mas pipiliin pang iwan na lamang siya kesa sa masaktan ito nang paulit-ulit dahil sa hindi naman niya kayang magbago para sa taong mahal niya. Maganda ba ang puntong ito, o hindi? Sa akin, maaring oo, maaring hindi. Minsan na din akong dumaan sa ganyang sitwasyon. Magkaibigan kami ng apat na taon, pero tinawid pa din naming ung manipis na linya sa gitna ng pagiging magkaibigan, at magka-ibigan. Tumagal din naman ng anim na buwan ang relasyon na iyon. Pero hanggang dun na lang un. Nakipaghiwalay siya, tangan ang tanging rason na ayaw na niya akong masaktan. Playboy kasi siya, at hindi niya kayang baguhin iyon, na manatili lamang sa isang girlfriend. Siguro sa sitwasyon na iyon, maganda na ding iyon ung naging desisyon niya. Dahil ayoko naman din ng pinaglalaruan. Siguro sa magkaparehong sitwasyon lamang iyon magiging katanggap-tanggap. Sa iba pang sitwasyon, konkretong dahilan ang kailangan.

Kahit na ano pa yan, ang pagmamahal ay kusang darating sa tao, tandaan na lang natin na sa oras na dumating un, kailangan natin itong hawakan sa ating mga kamay nang maayos, hindi mahigpit para hindi nakakasakal, hindi maluwag para hindi makakapagloko, ung tama lang, para hindi ito mawala sa atin. Darating ung tao na mamahalin ka ng higit pa sa buhay niya, at pag dumating siya, pahalagahan mo at wag mong pakakawalan, dahil pag pinakawalan mo na ito, hindi na ito babalik sa iyo, lalo pa’t makahanap ito ng mas magpapahalaga sa kanya. kung hindi man magtagumpay ang relasyong kinapapalooban mo ngayon, may dadating pa para sau. Sabi nga nila, endings are always happy, if you are not happy, then that is not the end.

what does it takes to be in a relationship?

COURAGE. Kasi kahit alam mong masasaktan ka, i-ririsk mo pa din ung puso mo sa pag-iisip na “baka sasaya na ako this time”. Kasi, kahit malinaw sau na kung sa dulo hindi kayo, masasaktan at masasaktan ka, pero tutuloy ka pa din dahil sa pag-asa na baka sumaya ka na.

UNDERSTANDING. Sa kabila ng lahat ng mga bagay na ginagawa niya na hindi mo alam, iniintindi mo pa din. Sa kabila ng walang pakundangang pananakit niya sau, iniintindi mo pa din. Sa kabila ng pagkawala niya ng oras sau, andiyan ka pa rin, naghihintay. Sa kabila ng lahat-lahat, andiyan ka pa rin, nagmamahal. Kahit hindi mo maintindihan, kailangan mong intindihin, dahil wala kang choice.

PATIENCE. Sa mga mood swings, sa mga araw na hindi kayo magkaintindihan, magpapasensiya ka, kasi mahal mo siya, at ayaw mong mawala siya sau. Sa mga hindi pagkakaunawaan, kailangan mong magpsensiya, ikaw lang ang kailangan na magtimpi.

SACRIFICING. Marami kang gustong gawin, maraming gustong puntahan, pero dahil sa kayo, nalilimit un sa mga lugar na kaya niyo na lang puntahan. Kung ano ung iyo, kanya na din, pero kung ano ung kanya, hindi mo masasabi na iyo. Matututo kang i-give up ung pansarili mong desires, para sa kanya, dahil sa kanya. Mas iisipin mo ung kapakanan niya, kesa sa sarili mo, kasi mas mahalaga siya sau. Pababayaan mo ung sarili mo, kasi siya ung aalagaan mo, at hihilingin mo na lang na sana alagaan ka din niya.

OPENNESS. Sa pagtanggap na habang nasa relasyon kayo ay may magbabago. Na hindi mo hawak kung magiging para sa mabuti ba ang pagbabago na iyon. Na dadating at dadating ang panahon na magkakasawaan kayo, pero dapat bukas ka dun sa katotohanan na mahal ninyo at isa’t isa, at normal na magkasawaan pero dapat na i-rekindle ung love, ung excitement, ung passion, ung intimacy.

FAITHFULNESS. Siya na lang ang pwede mong tignan, sa kanya ka lang. kahit simpleng pakikipag-usap sa barkada, hindi na pwde kung ayaw mo na mag-away kayo. Siya ang may-ari ng puso mo, siya lang hangga’t kayo.

PLENTY OF TIME. Mapabayaan na lahat, wag lang siya. Mawalan na ng oras sa lahat, wag lang sa kanya. Kahit marami kang gagawin, ok lang, basta makasama mo lang siya. Kahit marami kang tatapusin, ok lang magpuyat, kasi masaya ka naman nung mga oras na dapat ginagawa mo un dahil kasama mo siya.

MATURITY. Sa pagtanggap sa mga baluktot na katuwiran. Sa pagtanggap sa mga maling rason. Sa pag-intindi sa mga bagay na hindi mo naiintindihan talaga. Sa pagiging bukas sa lahat ng posibilidad na maaring maganap habang kayong dalawa ung magkasama.

TRUST. Basic foundation of a relationship, kung wala ito, kung may lamat na ito, wala na kayong pupuntahang iba kundi sa hiwalayan. pagtitiwala na kahit hindi kayo magkasama, wala siyang gagawin na ikakasakit ng damdamin mo. pagtitiwala na kahit na malayo kayo sa isa’t isa, ikaw lang ang laman ng puso niya. pagtitiwala na hindi dapat pagdudahan ung pagmamahal niya. Tiwala, na maski mawalan siya ng paraan para makipagcommunicate sau ay sa iyo pa rin siya, at ang pagmamahal niya.

LOVE. Pagmamahal sa kabila ng pagdududa, sa kabila ng mga sinasabi ng mga tao sa inyo, sa kabila ng sakit na nararamdaman mo. Mamahalin at mamahalin mo siya, magbubulag-bulagan sa mga pagkakamali, babalewalain ung mga panahon na sinaktan ka niya. DAHIL MAHAL MO SIYA, AT MASAYA KA SA KANYA.

Ang relasyon daw, dapat nakakatulong sa paglago ng tao, sabay daw dapat kayong lalago nung taong mahal mo. Sabay ninyo dapat iintindihin ang isa’t isa. Sabay ninyong papatawarin ang mga mali at kasalanan, sabay ninyong haharapin ung mga problema. Sabay daw dapat kayong titingin dun sa future na nasa harap ninyo. Sabay daw dapat kayong mangangarap para sa kinabukasan ninyo. Sabay kayong dalawa, tulad ng magkahawak-kamay ninyong paglalakad sa mga pupuntahan ninyo. Sabay daw dapat, walang nauuna, walang naiiwan. SA RELASYON, DAPAT WALANG MAIIWAN MAG-ISA.

Tuesday, August 19, 2008

kababawan na ba ito?

wala naman akong masyadong sasabihin kundi ang magreklamo sa araw na ito. marami akong ginagawa, oo. sa acads, sa bahay, sa orgs, sa relasyon. pero sinisigurado ko namang tinatapos ko iyon nang maayos. at ginagawa ko kahit na sumasabay iyon sa ibang mga dapat gawin. minsan lang ako tumanggi, siguro naman may paninindigan kong masasabi iyan. masyado daw akong mabait, sabi ng nanay ko, kaya inaako ko ang lahat lahat, para hindi na mapahiya, o kung ano pa man. pero sa oras na humindi ako, sana naman respetuhin na hindi talaga ang ibig kong sabihin dito. alam ko ang mga obligasyon ko sa mga organisasyon na kinabibilangan ko. hindi naman ako sasali kung balak ko lang iwanan sa ere ang mga taong minahal ko kasabay ng pagmamahal ko sa org, hindi ba? sunod-sunod ang pagdiriwang ng anibersaryo ng mga org na kinabibilangan ko. at sa anniv week ng bawat org, hindi ako nagpakita o nagparamdam sa ibang org ko. bakit? para patas. para buong oras ko, nasa organisasyon na nagdiriwang ng anibersaryo. mali ba ito? ayokong masabihan na mas may oras ka sa ganitong org kumpara sa ganito. binabalanse ko ang lahat. binabalanse ko. minsan ko lang pagtuunan ng pansin ang pag-aaral ko. minsan lang ako humindi dahil may ginagawa akong may kinalaman sa pag-aaral ko. MINSAN LANG maging importante sa akin ang dapat na nauuna sa listahan ng mga prayoridad ko. minsan ko lang pagtuunan ng pansin ang pag-aaral ko. sana naman, naiintindihan ninyo iyon. hindi ako matalinong estudyante, masaya na ako basta't pumapasa ako. hindi din ako nag-aaral kapag naiisip kong kakayanin ko naman ang exam. pero pag seryosong mga bagay bagay tulad ng proposals at exams sa mga majors ko, hayaan ninyo namang manahimik ako sa lungga ko para mag-aral at tapusin ang mga dapat tapusin. ayokong mapagod at topakin. ayokong bigla na lamang iwanan at bitawan ang lahat ng ito.kaya kong gawin iyon, alam ninyong kaya kong gawin iyon.KAYA, BIGYAN NIYO LANG AKO NG PANAHON PARA SA SARILI AT PAG AARAL KO.

*patawad sa ranting session na ito. wala lang akong makausap na makakakuha sa punto ko.

Monday, August 18, 2008

VAGINAL MONOLOGUES : VIRGINITY

i don't usually do my posts in english, but hey, a little english in a while will not hurt me.
i've been talking with a close friend of mine about a certain sensitive topic for girls. VIRGINITY. yeah right, everybody seems to lose their virginity at a very young age. but was it really a meaningless concept nowadays? since i've been taking Personality Psychology, i decided to weight this concept using freud's theory. haha! what would the ID, EGO, and SUPEREGO think about this?

ID: pleasure, pleasure, pleasure, pleasure, pleasure. why not lose your virginity, kung masaya at nasiyahan ka naman di ba? eh ano naman ung mawawala sa iyo? masaya ka naman, nag-enjoy ka, at samantalahin yan habang bata ka pa, habang fresh ka pa. get yourself laid, habang at hangga't may chance. kasi pag may asawa ka na, asawa mo na ang nagmamay-ari sa iyo. at, isipin mo, ung mapapangasawa mo ba, virgin pa? unfair naman un sa iyo kung siya eh andami nang natikman, tapos ikaw, siya lang ang titikim sa iyo? try ka naman ng ibang putahe girl! at, di ba, mas masarap isipin na may concept pa din ng true love? dahil may lalaki pa din na magmamahal sa iyo kahit na hindi ka na buo. I'D GO FOR PLEASURE!

EGO: that's immoral. that's against the norms. oo nga at realidad na madami nang babae ang hindi na birhen sa ngayon, pero bakit ka sasama at bibilang sa kanila? isipin mo ang reality. paano kung wala nang tumanggap na lalaki sa iyo? paano kung mabuntis ka? paano kung hindi mo talaga mahal ang lalaki at nadala ka lang? ikaw ang mahihirapan, ikaw ang apektado. isipin mo ang mga maaaring mangyari. masisira ka sa ibang lalaki sa oras na malaman nilang hindi ka na buo. paano ka na? paano ka na mag-aasawa? REALITY CHECK GIRL!

SUPEREGO: it's a NO! against the norms. immoral. ipinagbabawal ng simbahan! kasalanan ang ibigay ang iyong pagkabirhen sa labas ng kasal. hindi iyan maari. kahihiyan iyan para sa pamilya mo. kasalanan iyan sa Diyos. ang pakikipagtalik ay marapat lamang na ginagawa ng mga taong may asawa. nang mga taong may basbas na ng Panginoon. ang gawain na iyon ay sagrado! ang mga kasal na tao lamang ang maaaring gumawa nun! KASALANAN ANG MAKIPAGTALIK SA LABAS NG BASBAS NG KASAL!

quite a dilemma for all the conventional girls out there. well, as one of my professors would tell us, enjoy your life while you are young, and getting yourself laid is one way of enjoying it. :D but in the end, it all boils down to the value system, and to the girl's conviction. i just hope whatever a girl's decision may be, OUR society would not judge her as to how the older generations would think about her.

Sunday, August 17, 2008

dalawampu't pitong taon ng Bukluran

sa patuloy na paghanap ng kahulugan, napadpad ako sa Bukluran. oo nga't tinatalakay nila nang malaliman ang Sikolohiyang Pilipino, at lahat ng mga katutubong konsepto, minsan ko lamang makita ang ibang "side" ng pagkatao ng mga miyembro nito.

ika-16 ng Agosto, Penthouse 4th floor, Aberdeen court
malakas na tugtugan ang maririnig sa oras na iluwal ka ng elevator sa ika-apat na palapag. masaya ang bawat taong nakakasalubong ko. kahit pa may pag-aalinlangan sa pagdalo ay nilakasan ko ang loob ko para makapasok nang diretso sa silid na pinagdarausan nang kasiyahan. oo, aplikante ako, at oo, inaasahan ko na ang mga mata ng mga taong madadatnan ko sa silid na iyon. grabe, naka-dress silang lahat, ako lang yata ang naglakas-loob na magblouse at skirt. naloka ako dun. hindi p man din ako nagtatagal ay tinawag na kami para magbihis. sasayaw daw. NA NAMAN. ewan ko, wala ako sa ensayo nila, at goodluck na lang talaga sa akin kung makakasayaw ako nang matino. buti na lamang at ketchup song na nung pumasok ako at umeksena. gumitna pa daw ako, at ako ang sentro ng atensiyon. windang! nakarinig naman ako ng palakpak, at nakakita ng ngiti sa pagtatapos ng presentasyon na iyon. mukha namang nasiyahan sila. pagtapos noon ay kumain na kami, halos dalawang lamesa ang walang laman. hindi masarap ang sweet and sour meatballs. naturingang chinese food pa naman. naubos ko ang buchi sa mesa namin, paborito ko lang talaga iyon. programa na ang sumunod. nagkaroon ako nang pagkakataon na makakwentuhan si Ian, isang miyembro ng bukluran. taga-Pasig pala siya. sa laki at lawak ng UPD, may makikilala pa pala akong ibang taga-Pasig. at ibang taga-RHS Main. konting kwentuhan at nagpasiya na akong magpapirma sa mga alumni na naroon at dumalo. medyo hindi kahirapan ang naibigay na tanong sa akin. may iba din naman na basta na lamang pumirma. inaantabayanan ko ang magbibigay ng "hardcore SP question", pero sa kabutihang palad, wala naman. tatlo lamang sa mga dumalong alumni ang hindi ko napapirma. achievement na ring masasabi dahil huli na akong nagsimula sa pagpapapirma.

isang tanong ang umulit nang makalawang beses nung gabing iyon. pareho iyong itinanong sa akin ng mga alumni, at ang tanong ay: ano ang magiging dahilan para hindi ka tanggapin ng Bukluran? nakakabaliw mag-isip. ano nga ba? hindi ako responsableng aplikante siguro. hindi ako madalas na umaattend ng mga aktibidad. hindi ko pa ganung naiintindihan ang konstitusyon. at hindi ko pa gaanong gamay ang mga konsepto ng sikolohiyang pilipino. sa dulo, sumuko din ako, at ang sagot ko ay "wala akong maisip", una, dahil wala naman talaga. pangalawa, mabababaw ang naibibigay kong rason, pangatlo, ang mga naibigay kong rason ay maari kong gawan nang paraan para hindi maging rason. oo nga naman, tama si ate Louise. dapat kong sabihin ang "wala akong maisip" nang may conviction. dahil wala naman talaga akong maisip na dahilan para hindi ako tanggapin ng Bukluran. naisip ko, na "oo nga, kung walang rason, bakit hindi mo sabihin nang may paninindigan na walang rason talaga." may punto, hindi ba? maari ring gamitin iyan sa pang-araw araw na pamumuhay. kung alam mong walang rason para bumagsak ka, wala kang dapat ikabahala, dahil alam mong WALA TALAGANG RASON. parang umiikot na lamang ako.

habang gumagabi, umiingay ang mga tao. habang gumagabi, bumababaw ang usapan. sumasayaw at nagyayakapan ang mga tao. nagkukumustahan na para bang hindi sila nagkita nang matagal na panahon. tinamaan ako sa sinabi ni kuya Maloy, ang BTT ng Bukluran noong nakaraang taon. sa oras ba ng iyong pagtatapos at sa oras nang pagtapak ng iyong paa sa labas ng unibersidad, nasaan na ang Sikolohiyang malaya at mapagpalaya na iyong ipinapaglaban sa Bukluran? magtatapos na nga ba iyon sa oras ng graduation mo?

ninais kong mapabilang sa Bukluran, hindi dahil sa dagdag ito sa mga affiliation na maaring ilagay sa resume o sa kung saan pa man. ninais kong mapabilang hindi dahil sa gusto ko lang, para may makasama, ganun. ninais kong mapabilang dahil sa mas malalim na aspeto nito, dahil ipinaglalaban at isinusulong ng Bukluran ang Sikolohiyang Pilipino. ang sikolohiyang malaya, mapagpalaya at mapagpabagong-isip. ninais kong mapabilang dahil naniniwala ako na ang sikolohiya ay may mahalagang papel sa pagsusuri at pagbabago ng lipunan. dahil naniniwala ako na ang Sikolohiyang Pilipino ay may kinikilingan, at kumikiling ito sa masang Pilipino. naniniwala ako na ang Sikolohiyang Pilipino ay marapat na sumalamin sa pangangailangan ng lipunang Pilipino. masyadong mabigat? pakiramdam ko, hindi! sa tulong ng Bukluran ay mahahanap ko ang tunay na kahulugan ng MALAYA at MAPAGPALAYA. dahil ang Bukluran ay BUHAY.

Saturday, August 16, 2008

gabi ng kultura, gabi ng dangal

sa minsanang pagdalo ko sa mga palatuntunan, isa ito sa mga naging paborito ko, at nag-iwan nang tatak sa aking isipan. SAYAWITSAN. masaya ang lawit na nilalabasan? hindi ah, kahit pa iyan ang pamagat na ibiniro ng nag-host nang palatuntunan nung gabing iyon. sayaw, awit at balagtasan ang tunay na kahulugan ng sayawitsan. nagsimula ito nang medyo huli na sa oras, pero naging napakasaya nito para sa lahat ng mga dumalo. maraming grupo at organisasyon sa unibersidad ang nagpaunlak sa imbitasyon ng Bukluran na magbigay ng kanilang maliit na presentasyon para sa mga taong manonood sa gabi na iyon. naging paborito ko ang presentasyon na inihanda ng KONTRA-GAPI. wala lang, magaling lang talaga sila, at Pilipinong-pilipino ang gawain nila. may sumayaw pang mga babae sa saliw ng musika mula sa mga gong at mga kawayan na tinutugtog ng KG. isa pang masayang parte ay nung nagbasa si ate Anj nang mga tula, kung saan pinaglaruan nila ang tunog at ang iyong imahinasyon. tuloy tuloy lang ang mental images habang binabasa ang tula, pero sa dulo, nagpapakulo lamang pala ng tubig ang tinutukoy. haha! benta lang talaga. interactive din ang huling tula nila. kunektado ito sa pagsasabi ng totoo, at paghahanap ng katotohanan. masaya ako, at nasiyahan ako sa gabi na ito. kahit pa, medyo muntik na akong mapaiyak sa sayaw na inihandog ng batch ko para sa mga nanonood. oo na, harapin na natin, hindi ako magaling sumayaw. oo, marunong, pero utang na loob, wag sa harap ng napakaraming taong hindi ko kakilala. tapos na iyon, at palagay ko, hindi ko na uulitin iyon.

naging napakasaya ng gabi ko kasama ang batchmates ko, at lahat ng dumalo. napagtanto kong muli na dapat at marapat natin na itaguyod ang sariling atin. tangkilikin natin ang sining na sariling atin. di hamak na mas magaganda ang mga sayaw natin, ang mga awit na nagawa sa bansa natin, at ang balagtasan na nagpapakita ng tunay na dunong ng mga Pilipino. bakit hindi natin paunlarin ang sariling atin? hindi ba?

Friday, August 15, 2008

paano?

paano pag marami kang gustong sabihin pero hindi mo masimulan?

paano kapag ang mga ideya ay kusang tumatakbo sa iyong isipan?

kailan ka matututong isaayos ang ang iyong diwa?

kailan mo malalaman ang tamang panahon para magsasalita?


saan mo ilulugar ang sarili mo sa sitwasyong magulo?

hahayaan mo na lamang ba itong guluhin ang iyong ulo?

paano mo isasatinig ang mga hinaing?

paano ito sasabihin para mabigyang pansin?


patuloy na umiikot ang mundo.

pero hindi ito magbabago para sa iyo.

magkusa kang alamin ang mga sagot.

at kung ayaw mo'y ibaon na lamang ang tanong sa limot.


nasa UP ka dahil may magagawa ka.

nasa UP ka dahil kaya mong harapin ang problema.

at ang pagpasok dito ay may kasamang responsibilidad.

kasama na rito ang pag-abot sa pangarap na hinahangad.


kaya mong magsagawa ng pagbabago.

at sa maliit na paraan ay magagawa mo.

simulan mo sa sarili mong mga pangarap.

saka isunod ang bansang nililingap.


sarili ang pagmumulan

ng pagbabagong inaasam

yan ang ating tandaan

para sa magandang kinabukasan!


*nakukuha mo bang random ako at hindi pa makaget over ngayon?
nahahalata mo bang tagalog ang ginagamit ko?

Thursday, August 14, 2008

BUKLOD ISIP's ACLE : bagong pananaw

minsan lang ako magseryoso sa mga bagay na nangangailangan nang pagseseryoso. siguro isa na doon ang pag-aaral. madalas akong umiiwas sa mga pagkakataon kung saan maiipit ako sa mga diskusyon, sa takot na walang maisagot, walang masabi, o basta, wala lang. mabibilang sa kamay ang mga pagkakataong sinubok kong makipagtagisan ng kaalaman sa taong kakilala, pero malimit sa sitwasyon ang pananahimik ko sa isang tabi para manood at makinig na lamang. minsan lang iyon, at isa ang araw na ito sa mga minsan na hindi ko malilimutan.

unang pagkakataon kong sumama sa Acle. siguro dahil sa mga nakaraang taon ay umuuwi lamang ako. o kaya, naiiwan sa isang pakakataon kung saan ang panonood ng pelikula ang magiging pinakamagandang gawin. pero naiba ito ngayong semestre. dumalo ako sa acle ng UP BUKLOD- ISIP. tungkol ito sa paghihikayat ng pagbabago sa pananaw ng mga tao, ng mga Pilipino sa bansa nating Pilipinas.

oo, masyado nang madalas na napapag-usapan ang problema ng bansa. kung paanong unti-unting ang mga pinoy ay nalulugmok sa kahirapan. nasusuong sa mga problemang hindi magiging madali para sa kanila na lampasan. mga seryosong bagay na binabalewala ng gobyerno. at tayo? bilang mga ordinaryong mamayan, ano nga ba ang ginagawa natin?

sa halos tatlong taong pamamalagi ko sa UPD, marami akong natutunan. kung paanong ang iskolar ng bayan ay kailangang maging kritikal sa pag-iisip. at oo nga pala, isa ako sa mga tinatawag na "iskolar ng bayan". mataas masyado ang tingin ng ibang mga tao sa pangalan ng unibersidad na pinag-aaralan ko. at sa taas ng tingin nila, madalas kong iniisip na hindi ako nararapat dito, sa lugar na ito, sa posisyon na ito. minsan, mabuti pang huwag na lamang ipagmalaki ang unibersidad kong mahal, bakit kamo? dahil mahirap na sagarin ang sarili mo para maabot mo ang mga standards na naitanim na sa isip nila tungkol sa mga nag-aaral sa UP. paano nga ba natatawag na iskolar ng bayan? bakit kailangang bigyan pa ng katawagan?

stereotypes. unang una, nakakasawa! lilinawin ko lang. hindi lahat ng nag-aaral sa UP, matalino. hindi lahat ng nag-aaral sa UP, nerd; weird; geek. hindi lahat ng nag-aaral sa UP, masunurin; responsable. TAO din kami. nag-eenjoy. nagcucut ng klase. bumabagsak sa exams. natutulog habang nagtuturo ang prof. un! ang kaibahan lang siguro namin sa inyo, pinapaaral kami ng pera ng tao. ang tuition namin ay parte sa binabayaran ng nanay mo, ng nanay ng kapitbahay mo, ng nanay at tatay ng blockmate mo, samakatuwid, buwis ng mga taong nagpapakahirap sa trabaho ang nagpapaaral sa amin. at kami, anong magagawa namin? sa ngayon, WALA. hindi kami mga saviors. hindi kami mga superheroes na kayang solusyunan ang mga problema ninyo. hindi kami mga mayayaman na nilalang para hingan ng pera. estudyante kami, at nag-aaral kami. wala kaming magagawa sa ngayon. hindi instant gratification ang sagot sa problema. hindi kawanggawa na nangungunang ipinapakita ng gobyerno. ang marapat na ibigay sa mga taong nangangailangan ay tulong para sa sarili. hindi pinansiyal, hindi pagkain. tulungan ang mga nasa ibaba na marealize ang mga dapat nilang marealize. na gawin ang mga dapat nilang gawin. na magtrabaho kung kinakailangan, hindi ung parang mga asong nakatanghod sa grasya, awa na ibibigay ng mga nakakaangat sa buhay. empowerment ang kailangan. tulong na may mas matagal na magagawa para sa mga nangangailangan.

SIMULAN SA SARILI. you can't give what you don't have. tama nga naman. simulan ang pagbabago sa sarili. babalik at babalik tayo sa konsepto na iyan eh. hinding hindi mawawala sa konteksto ang sarili, dahil iyan ang pagsisimulan mo. simulan sa sarili ang pagbabago. mangarap para sa sarili nang sa ganoon ay may marating, may maabot, may maitulong. anong maibibigay mo kung ikaw mismo sa sarili mo ay wala? ay kulang? sa loob manggagaling ang lahat. ayusin muna ang loob bago pangaraping makatulong sa labas. ayusin muna ang sarili, bago pangaraping makatulong sa kapwa, sa bayan, sa bansa, sa mundo.

sagot sa mga tanong? tayo, bilang mga ordinaryong mamamayan ay marapat na mangarap at subukang abutin ito. paunlarin ang sarili nang sa gayon ay mapaunlad ang bansa. wag na munang isipin ang national scope. simulan natin sa maliit, sa loob, papalabas.

ang mga iskolar ng bayan ay iskolar rin para sa bayan. marapat na mag-aral, magsikap, magpunyagi. para sa oras na may matapos na, ay maibalik tayo sa lipunan na nagpaaral sa atin. tayo ag pag-asa, pero siguro, hindi pa sa ngayon.

babalik at babalik tayo sa ating sentro. ang SARILI

subok lang

sa katunayan, pangalawang beses ko na itong pag-gawa ng blog.



wala lang, wala din kasi akong gaanong napala sa unang blog na ginawa ko.



hindi ko na-update, hindi ko nabuksan, sa madaling sabi, naging basura na lamang ito.



bakit pa ao gumawa ngayon? SUBOK lang.



malay natin, mapanatili ko itong updated,at maiayos ko sa pagkakataong ito.



marami kasi akong kwento.



marami akong natututunan.



at patutunayan kong, HINDI AKO GANUN KABABAW.