ako. ako. ako.

My photo
Pasig City, National Capital Region, Philippines
ako si elliz. 20 taong gulang. nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. kumukuha ng Batsilyer ng Sining sa Sikolohiya, sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. tao. may ISIP. may puso. humihinga. BUHAY.

Saturday, August 16, 2008

gabi ng kultura, gabi ng dangal

sa minsanang pagdalo ko sa mga palatuntunan, isa ito sa mga naging paborito ko, at nag-iwan nang tatak sa aking isipan. SAYAWITSAN. masaya ang lawit na nilalabasan? hindi ah, kahit pa iyan ang pamagat na ibiniro ng nag-host nang palatuntunan nung gabing iyon. sayaw, awit at balagtasan ang tunay na kahulugan ng sayawitsan. nagsimula ito nang medyo huli na sa oras, pero naging napakasaya nito para sa lahat ng mga dumalo. maraming grupo at organisasyon sa unibersidad ang nagpaunlak sa imbitasyon ng Bukluran na magbigay ng kanilang maliit na presentasyon para sa mga taong manonood sa gabi na iyon. naging paborito ko ang presentasyon na inihanda ng KONTRA-GAPI. wala lang, magaling lang talaga sila, at Pilipinong-pilipino ang gawain nila. may sumayaw pang mga babae sa saliw ng musika mula sa mga gong at mga kawayan na tinutugtog ng KG. isa pang masayang parte ay nung nagbasa si ate Anj nang mga tula, kung saan pinaglaruan nila ang tunog at ang iyong imahinasyon. tuloy tuloy lang ang mental images habang binabasa ang tula, pero sa dulo, nagpapakulo lamang pala ng tubig ang tinutukoy. haha! benta lang talaga. interactive din ang huling tula nila. kunektado ito sa pagsasabi ng totoo, at paghahanap ng katotohanan. masaya ako, at nasiyahan ako sa gabi na ito. kahit pa, medyo muntik na akong mapaiyak sa sayaw na inihandog ng batch ko para sa mga nanonood. oo na, harapin na natin, hindi ako magaling sumayaw. oo, marunong, pero utang na loob, wag sa harap ng napakaraming taong hindi ko kakilala. tapos na iyon, at palagay ko, hindi ko na uulitin iyon.

naging napakasaya ng gabi ko kasama ang batchmates ko, at lahat ng dumalo. napagtanto kong muli na dapat at marapat natin na itaguyod ang sariling atin. tangkilikin natin ang sining na sariling atin. di hamak na mas magaganda ang mga sayaw natin, ang mga awit na nagawa sa bansa natin, at ang balagtasan na nagpapakita ng tunay na dunong ng mga Pilipino. bakit hindi natin paunlarin ang sariling atin? hindi ba?

No comments: