wala naman akong masyadong sasabihin kundi ang magreklamo sa araw na ito. marami akong ginagawa, oo. sa acads, sa bahay, sa orgs, sa relasyon. pero sinisigurado ko namang tinatapos ko iyon nang maayos. at ginagawa ko kahit na sumasabay iyon sa ibang mga dapat gawin. minsan lang ako tumanggi, siguro naman may paninindigan kong masasabi iyan. masyado daw akong mabait, sabi ng nanay ko, kaya inaako ko ang lahat lahat, para hindi na mapahiya, o kung ano pa man. pero sa oras na humindi ako, sana naman respetuhin na hindi talaga ang ibig kong sabihin dito. alam ko ang mga obligasyon ko sa mga organisasyon na kinabibilangan ko. hindi naman ako sasali kung balak ko lang iwanan sa ere ang mga taong minahal ko kasabay ng pagmamahal ko sa org, hindi ba? sunod-sunod ang pagdiriwang ng anibersaryo ng mga org na kinabibilangan ko. at sa anniv week ng bawat org, hindi ako nagpakita o nagparamdam sa ibang org ko. bakit? para patas. para buong oras ko, nasa organisasyon na nagdiriwang ng anibersaryo. mali ba ito? ayokong masabihan na mas may oras ka sa ganitong org kumpara sa ganito. binabalanse ko ang lahat. binabalanse ko. minsan ko lang pagtuunan ng pansin ang pag-aaral ko. minsan lang ako humindi dahil may ginagawa akong may kinalaman sa pag-aaral ko. MINSAN LANG maging importante sa akin ang dapat na nauuna sa listahan ng mga prayoridad ko. minsan ko lang pagtuunan ng pansin ang pag-aaral ko. sana naman, naiintindihan ninyo iyon. hindi ako matalinong estudyante, masaya na ako basta't pumapasa ako. hindi din ako nag-aaral kapag naiisip kong kakayanin ko naman ang exam. pero pag seryosong mga bagay bagay tulad ng proposals at exams sa mga majors ko, hayaan ninyo namang manahimik ako sa lungga ko para mag-aral at tapusin ang mga dapat tapusin. ayokong mapagod at topakin. ayokong bigla na lamang iwanan at bitawan ang lahat ng ito.kaya kong gawin iyon, alam ninyong kaya kong gawin iyon.KAYA, BIGYAN NIYO LANG AKO NG PANAHON PARA SA SARILI AT PAG AARAL KO.
*patawad sa ranting session na ito. wala lang akong makausap na makakakuha sa punto ko.
ako. ako. ako.
- elliz
- Pasig City, National Capital Region, Philippines
- ako si elliz. 20 taong gulang. nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. kumukuha ng Batsilyer ng Sining sa Sikolohiya, sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. tao. may ISIP. may puso. humihinga. BUHAY.
Tuesday, August 19, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment