Paano nga ba ang tamang pagpapakilala ng isang mag-aaral na nasa ikalawang antas ng kolehiyo? Mas mabuti bang unahin na muna nag pangalan at edad, pati ang lugar na kinalakihan? Ang mga eskwelahang kanyang pinag-aralan? Nararapat bang isama pati na ang pamilyang pinanggalingan? Kung ilan silang magkakapatid? Ang istorya sa likod ng kanyang pangalan? At ang iba pang bagay na maaring malaman tungkol sa kanya? O manatili na lamang sa simpleng istilo na pangalan, edad, at lugar na pinagmulan lamang ang inaalam? Alin bas a dalawa ang mas magpapakilala sa tunay na personalidad ng taong nais mong kilalanin?
Para sa akin, mas pipiliin ko nang magpakilala ng buong-buo. Walang labis, walang kulang. Dahil minsan ko lang naman masabi kung ano ang tingin ko sa sarili ko.
Bilang panimula, ako si Celliza Marrie del Mundo Rances. Labimpitong taong gulang. PILIPINO. Mula nang kumuha ako ng Sikolohiyang Pilipino sa ilalim ni Mr. Jay A. Yacat, ay mas madalas ko nang ipagmamalaki at sasabihin na Pilipino ako! Sa kursong ito ay mas maintindihan ko kung ano nga ba ang pagka-Pilipino, at ang kaibahan nito sa pagiging Pilipino. Mas madalas ko nang sabihin na masaya ako dahil Pinoy ako! Dahil sa kahit na ano pang baho ng bansang kinabibilangan ko, alam kong may magagawa ako sa sarili ko para maging isang mabuting Pilipino.
Mas madalas ko na ring masasabi na proud akong maging jologs! Oo, Pinoy lang ang jologs, at mas lalong Oo, masarap maging jologs. Yung totoo ka lang sa sarili mo. Yung mananamit sa kung paano mo gusto manamit. Yung magsasalita gamit ang wikang marapat namang ipagmalaki. Yung manonood ng sineserye, telenobela na gawang Pinoy. Yung magsusuot ng gawang Pinoy. Yung kakain ng Filipino food. Masarap maging jologs, at dahil diyan, masarap maging Pinoy!
Napagtanto ko din na hindi masamang maniwala sa mga pamahiin, dahil itong mga ito ay nagsisilbi lamang babala sa atin. Na wala namang mawawala sa oras na tayo’y maniwala. Maaari pa ngang tayo’y maligtas sa kapahamakan.
Tiyak namang napakasarap maging Pinoy, at kahit na ilang beses pa akong lumabas ng bansa, umikot sa mundo, Pilipinas pa rin ang babalikan ko. Dito ako ipinanganak, at ditto ko din gugustuhin mamatay. Dito ko ibabahagi ang kaalaman na natutunan ko sa Unibersidad ng Pilipinas, at dito ko lamang din nanaisin na magtrabaho at makatulong.
Walang masamang maging Pinoy, magulo man ang bansa natin sa ngayon. Dapat simulan natin sa sarili natin ang paglilinis sa ating pagka-Pilipino. Para sa oras na dumating na ang panahon ng ganap mong pagiging Pinoy, alam mo na ang naging mali ng iba, at hindi mo na dapat na ulitin pa iyon. =)
ako. ako. ako.
- elliz
- Pasig City, National Capital Region, Philippines
- ako si elliz. 20 taong gulang. nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. kumukuha ng Batsilyer ng Sining sa Sikolohiya, sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. tao. may ISIP. may puso. humihinga. BUHAY.
Friday, August 29, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment