Feeling cLose? Lumugar ka nga!
Nauuso ang iba’t ibang mga salita sa panahon na ito, at sa totoo lang, kaya na nating gumawa ng makabagong edisyon ng diksiyonaryong Filipino dahil sa dami nito. Nariyan ang “lobat” na naging word of the year, ang “miskol,” “pasaway,” “pampam,” at iba pang mga katagang tunay namang nakakatawag ng pansin. Pero minsan mo na bang narinig ang “ feeling close?” Nasabihan o nakapagsabi ka na ba nito sa kapwa mo?
Madaling sabihin, madali din namang bigyan ng kahulugan. “Feeling” meaning, pakiramdam, “close” as in, close, yun tipong hindi ka na nahihiya o nag-aalangan dun sa tao. Madali namang mahihinuha ang pagpapakahulugan sa katangang iyan. Pero kelan ka nga ba masasabihan ng “feeling close” ka?
Dalawang buwan pa lamang ang nakakaraan nang sumali ako sa isang clan sa Sun. [ang clan ay parang org, pero sa text nga lang :)] Hindi ko sila lahat kilala, mangilan-ngilan lang ung talagang nakita at nakasama ko na sa personal, at elementary pa kami nun. Nung simula, hindi ako gaano komportable na makipagtext sa kanila, kasi nga hindi ko naman sila kilala eh, nahatak lang ako ng kaibigan ko nung elementary na sumali dahil hindi naman nga daw sila nangangain ng tao. Nang kalaunan ay naging ok na din naman. Pakiramdam ko tuloy ngayon, napaka-feeling close ko sa kanila dahil nakikisali ako sa usapan nila, sa mga kulitan nila sa “group messaging.” Okay din naman dahil masaya din na hindi nawawalan ng nagtetext sa iyo.
Hanggang sa nakilala at naka-close ko ang isang particular na ka-clan. Si Joshua, taga- UE Manila siya, at talaga namang ang daling nag-jive ng personalidad namin. Pareho kaming madaldal at walang “ dull moment” pag nagkakasama kami. Magkasama kaming nanonood ng UAAP games, at siya pa ang bumili ng ticket ko sa DLSU- UE game. Sabay kaming umuuwi pagkatapos ng lingkod aral sa Sampaloc. Okay naman kami sa pagkakaibigan namin na iyon, hanggang sa di malamang dahilan ay bigla siyang nagpapaalam na aalis na daw siya. Siyempre ako, ayon sa pagkakaalam ko na magkaibigan kami, tanong ako ng tanong kung anong problema, kung anong nangyari, kung bakit siya aalis, kung saan siya pupunta. Nung una, sinasabi na lang niya na wag na akong magtanong kasi hindi din naman niya sasagutin. Hindi ko alam kung bakit pero naiyak ako sa pagpapaalam niya, sabihin pa na sandali lang kami nagkakilala. Nagkaroon nga kasi ng “instant connection” kung tatawagin ng iba. Alam ko sa una, pinagpapasensiyahan niya pa ang kakulitan ko sa pagtatanong. Ilang araw din ang lumipas bago niya muling nabanggit yun. At kagabi, ewan ko kung anong pumasok sa kanya at muli na namang nagbanggit ng nagpaalam. Kung sa akin lamang naman, apektado ako, dahil kahit sa maikling panahon ng pagkakakilala namin ay naging kaibigan ko na din naman siya, at naging mahalaga na din naman sa akin. Pilit ko siyang tinatanong kung bakit, pilit kong pinapaamin sa kanya ang tunay na dahilan ng pagpapaalam niya. Marahil nga ay naging napakakulit ko sa pagtatanong, at nairita na din siya, kaya sinabi niyang “pwede bang huwag ka nang magtext? Wag ka na magparamdam?” Sa gulat ko ay natanong ko siya ng isang “bakit?” Hindi niya naman sinagot ang tanong ko, bagkus ang reply sa text message ko ay, “ hindi ka ba nakakaintindi? Tagalong na yun ah, lumayo ka na. much better, wag ka nang magparamdam!” Napatulala ako habang binabasa ko ang text niya, oo nga’t tagalong na iyon ay parang gusto ko pa ding I-text siya para magtanong kung anong ibig sabihin nun, pero dahil sa nagsalita na siya ay nanahimik na lamang ako at hindi na nagtext. Hindi man lantarang sinabi sa akin na “hoy! Masyado ka nang feeling close!” Sa mga katagang sinabi niya naman ay parang ganoon na din ang kahulugan nun. Nakakainis mang isipin, pero yung akala kong sapat nang panahon para maging kaibigan ko siya, ay kulang pa pala para sa ibang tao. Na akala kong ok kami ay may hindi pala sinasabi sa akin. Na minsan, hindi lahat ng akay para sa akin, ay okay para ibang tao. At hindi lahat ng naging close ko sa mahabang panahon, ay magiging katumbas ng mga taong naging close ko sa maikling panahon.
Sa pangyayaring iyon ay natuto na ako. Napagtanto ko na hindi lahat ng tao ay magiging ganun kadali ang pag-“warm up” sa iyo, at hindi lahat ng magiging close mo ay ganun din ang tingin nila sa iyo. Dahil maari minsan na nahihiya lamang silang magsabi, at kumuha lang ng tiyempo para ipaalam sa inyo ang totoo.
Feeling cute? Kala mo gwapo/ maganda ka?!
Dahil nga sa nasimulan ko ang talakayan tungkol sa feeling close, itutuloy ko na ito sa mga “feeling cute.” Ito yung tawag sa mga taong hindi naman maganda o gwapo eh sobra kung umasta na ganun sila.
Madami na akong nakasalubong na ganyan sa daan, tipong akala mo eh mga kay guguwapo at gaganda na ubod ng porma, mga ang hahangin kung umasta, pero kung titignan mo naman ang mukha eh, nako, balik na lang ulit sa porma. Hindi naman sa namimintas, at alam ko naman kung sino ang taong nararapat na bigyan ng karampatang papuri.
Minsan na akong may nakasabay na feeling cute sa LRT, nagkasabay kaming sumakay sa Vito Cruz Station. Halata namang taga-**** (others), dahil nakikita naman na branded ang suot niyang damit, bukod sa I.D lace niyang berde. Sabihin na nating oo nga’t maporma siya, pero naku naman, hindi karapat-dapat na tapunan ng isa pang tingin. Akala pa niya eh siya ang tinitignan sa buong train ng LRT na iyon. Hay naku nga naman talaga. Tinalo pa ang airconditioning unit ng bagong LRT train sa hangin niya. May pangiti-ngiti pa, at akala mo, crush siya ng lahat.
Nung highschool pa ako ay may kaklase akong babae na kung pumorma eh akala mo gusto ng lahat. Kung makapag-miniskirt eh kala mo ang ganda ng legs. Hindi naman sa talagang nanglalait, pero hindi naman talaga maganda ang legs. Kung magpakita ng dibdib, akala mo titignan yun ng mga lalaki, eh hindi naman siya kagandahan para pagtuunan ng pansin.
Sabihin na lang natin na hindi panglalait ang pakay ko, kung hindi ang pagsasabi na dapat, ang lahat ng bagay ay nasa lugar. Hindi din naman ako kagandahan, at aminado naman ako doon, pero hindi ko din naman inilalagay yung sarili ko sa lugar na maari akong punahin ng iba. At mas lalong hindi ko inisip na maganda ako sa mata ng iba, baka masobrahan kasi eh maging kasing kapal na ako ng mga taong pinupuna ko dito.
Maging tama lang, wag sobra, wag kulang. Para hindi tayo nasasaktan!
ako. ako. ako.
- elliz
- Pasig City, National Capital Region, Philippines
- ako si elliz. 20 taong gulang. nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. kumukuha ng Batsilyer ng Sining sa Sikolohiya, sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. tao. may ISIP. may puso. humihinga. BUHAY.
Friday, August 29, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment