ako. ako. ako.

My photo
Pasig City, National Capital Region, Philippines
ako si elliz. 20 taong gulang. nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. kumukuha ng Batsilyer ng Sining sa Sikolohiya, sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. tao. may ISIP. may puso. humihinga. BUHAY.

Monday, August 25, 2008

pinakamahirap na tanong

mula pa nung huwebes, pinipilit ko nang itago sa mga malalapit kong kaibigan ang mga nangyayari. ayokong magkwento, ayokong mapag-usapan. dahil hirap na hirap akong sagutin ung tanong na KAMUSTA KA NA? BAKIT KAYO NAG-BREAK?

sa lahat ng mga nangyari, sa lahat ng mga pinagsamahan, sa lahat ng pinagdaanan, alam kong wala akong pinagsisihan. naging masaya ako sa lahat ng panahon na kasama ko siya, kuntento kahit dun sa mga pagkakataon na walang malinaw na tawag kung ano nga ba kami. minahal ko siya nang buong-buo, inintindi, inunawa kahit dun sa mga panahon na sobrang nasasaktan na ako. alam ko kasi na seryoso ung relasyon na iyon, at hindi ko pwedeng pairalin ang pagkaimmature ko. pinilit kong magbago para sa kanya, binalewala ung mga bagay na gusto ko, kinalimutan ung mga katangian na hinahanap ko dahil hindi mabuti na sabihin kong magbago siya ayon sa gusto kong maging siya. minahal ko siya kung sino siya, nang hindi humiling na magbago siya para sa akin.

oo, marami siyang pagkukulang. oo, maraming mga panahon na hindi kami maayos. pero sa kabila noon, hindi ako nagdamdam, hindi ko hiningi na punan ung mga kulang na un, dahil kaya ko namang punan un, masyado ko siyang mahal para pakawalan ko siya ng ganun-ganun lang. hirap akong paniwalain ang sarili ko na "oo nga, wala na kami." naghihintay pa din ako ng message niya sa bawat umagang gigising ako. hindi pa siguro ako ganon katatag para bitawan ko ang lahat ng iyon.

nakakasawa, oo, alam ko na yon, matagal na. nagsisimula pa lang kami ay alam ko at ramdam kong doon din ang tungo nito, pero pilit kong binalewala un, dahil sa alam kong malalim ang pinagsamahan namin, at sa pag-aakalang hindi ako papayag sa lahat ng pakikipag-hiwalay niya. akala ko, ako ang unang susuko. akala ko, ako ang unang bibitaw, pero hindi pala, nauna pa siya, kahit minsan ay napapagod na ako, nauna pa din siya, nauna pa din siyang sumuko. ilang beses na rin, ilang beses na rin akong umiyak, nagmakaawa para wag niya akong iwanan. hindi ako naniniwalang kakayanin ko nang wala siya. ganun ko siya kamahal. maraming pagkakataon na pinipilit ko nang kumawala, gusto kong sa akin na manggaling ang pag-ayaw. pero hindi ko kaya, dahil mahal ko siya. maraming istorya ng paghihiwalay. minsan, selos sa atensiyon. minsan, maliliit na bagay na lumalaki kapag nagdidiskusyon na. madalas, ung pagiging mapilit at makulit ko. pero sa kabila noon, hindi ko siya sinukuan, dahil umaasa ako na dadating ung panahon na matatapos din lahat ng di-pagkakaunawaan dahil unti-unti naming nakikilala ang isa't isa. inisip ko, na nahihirapan lang kamig mag-adjust, kaya kami nagkakaron ng di pagkakaintindihan. at sa lahat ng mga panahon na iyon, pinilit kong maging matatag, para sa amin, para sa kanya.

pero hindi lahat nagtatagumpay, oo, ilang araw na rin kaming hiwalay. oo, ilang araw na rin akong lihim na umiiyak sa higaan ko, dahil ayokong malaman ng mga magulang ko, dahil ayokong matanong kung bakit. maraming panahon na hindi ko maintindihan kung saan ako lulugar sa buhay niya. maraming pagkakataon na inisip ko nang sukuan siya, pero madalas, hindi ako nagtatagumpay. tumagal kami ng sampung buwan. siguro, masasabi kong isa sa mga dahilan noon ay dahil hindi ko siya basta-basta sinukuan. kahit sa mga pagkakataon na sumuko na siya, marami pa rin akong dahilan para manatili at mahalin siya. naging totoo ako, sa lahat ng panahon na magkasama kami, ako ung pinakita ko, walang pagkukunwari.

marami kaming pinagdaanan. masaya, mahirap, malungkot. sa lahat ng iyon, alam kong may malaki iyong maitutulong sa pagkatao ko. sa pag-unlad ko. oo, nakakalungkot na ako na lamang mag-isa ang haharap sa mga problema na dadating sa buhay ko. wala na ung matibay kong sandigan na tangi kong inaasahan sa mga panahon na kailangan ko ng karamay. mahirap nga siguro akong intindihin, dahil walang nakakatagal sa akin.

inakala niya, mahirap siyang intindihin, mahirap siyang pakisamahan, pero hindi ako nahirapan dun. ramdam ko ung sinseridad ng mga sinasabi niya, kahit na sinasabi ng mga tao sa paligid ko na pagdudahan na iyon.

ayokong mapagod. alam na alam niya na ayokong mapagod. at siguro, sa ngayon, pangangalagaan ko na muna ang sarili ko. iingatan ko na muna ang pride ko. hindi ako hahabol, kahit mahal ko pa siya. hindi ako magmamakaawa, kahit gustong-gusto ko nang bumalik siya. maghihintay lang ako, at kung hindi dumating, may matututunan naman ako doon.

sana sa mga susunod na araw ay wala nang maglakas loob na magtanong sa akin kung kumusta na ako. naiintindihan kong concern lamang kayo, ngunit, sana maintindihan ninyo rin, kung gaano kahirap sa akin ang sagutin iyan.

No comments: