ako. ako. ako.

My photo
Pasig City, National Capital Region, Philippines
ako si elliz. 20 taong gulang. nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. kumukuha ng Batsilyer ng Sining sa Sikolohiya, sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. tao. may ISIP. may puso. humihinga. BUHAY.

Sunday, August 17, 2008

dalawampu't pitong taon ng Bukluran

sa patuloy na paghanap ng kahulugan, napadpad ako sa Bukluran. oo nga't tinatalakay nila nang malaliman ang Sikolohiyang Pilipino, at lahat ng mga katutubong konsepto, minsan ko lamang makita ang ibang "side" ng pagkatao ng mga miyembro nito.

ika-16 ng Agosto, Penthouse 4th floor, Aberdeen court
malakas na tugtugan ang maririnig sa oras na iluwal ka ng elevator sa ika-apat na palapag. masaya ang bawat taong nakakasalubong ko. kahit pa may pag-aalinlangan sa pagdalo ay nilakasan ko ang loob ko para makapasok nang diretso sa silid na pinagdarausan nang kasiyahan. oo, aplikante ako, at oo, inaasahan ko na ang mga mata ng mga taong madadatnan ko sa silid na iyon. grabe, naka-dress silang lahat, ako lang yata ang naglakas-loob na magblouse at skirt. naloka ako dun. hindi p man din ako nagtatagal ay tinawag na kami para magbihis. sasayaw daw. NA NAMAN. ewan ko, wala ako sa ensayo nila, at goodluck na lang talaga sa akin kung makakasayaw ako nang matino. buti na lamang at ketchup song na nung pumasok ako at umeksena. gumitna pa daw ako, at ako ang sentro ng atensiyon. windang! nakarinig naman ako ng palakpak, at nakakita ng ngiti sa pagtatapos ng presentasyon na iyon. mukha namang nasiyahan sila. pagtapos noon ay kumain na kami, halos dalawang lamesa ang walang laman. hindi masarap ang sweet and sour meatballs. naturingang chinese food pa naman. naubos ko ang buchi sa mesa namin, paborito ko lang talaga iyon. programa na ang sumunod. nagkaroon ako nang pagkakataon na makakwentuhan si Ian, isang miyembro ng bukluran. taga-Pasig pala siya. sa laki at lawak ng UPD, may makikilala pa pala akong ibang taga-Pasig. at ibang taga-RHS Main. konting kwentuhan at nagpasiya na akong magpapirma sa mga alumni na naroon at dumalo. medyo hindi kahirapan ang naibigay na tanong sa akin. may iba din naman na basta na lamang pumirma. inaantabayanan ko ang magbibigay ng "hardcore SP question", pero sa kabutihang palad, wala naman. tatlo lamang sa mga dumalong alumni ang hindi ko napapirma. achievement na ring masasabi dahil huli na akong nagsimula sa pagpapapirma.

isang tanong ang umulit nang makalawang beses nung gabing iyon. pareho iyong itinanong sa akin ng mga alumni, at ang tanong ay: ano ang magiging dahilan para hindi ka tanggapin ng Bukluran? nakakabaliw mag-isip. ano nga ba? hindi ako responsableng aplikante siguro. hindi ako madalas na umaattend ng mga aktibidad. hindi ko pa ganung naiintindihan ang konstitusyon. at hindi ko pa gaanong gamay ang mga konsepto ng sikolohiyang pilipino. sa dulo, sumuko din ako, at ang sagot ko ay "wala akong maisip", una, dahil wala naman talaga. pangalawa, mabababaw ang naibibigay kong rason, pangatlo, ang mga naibigay kong rason ay maari kong gawan nang paraan para hindi maging rason. oo nga naman, tama si ate Louise. dapat kong sabihin ang "wala akong maisip" nang may conviction. dahil wala naman talaga akong maisip na dahilan para hindi ako tanggapin ng Bukluran. naisip ko, na "oo nga, kung walang rason, bakit hindi mo sabihin nang may paninindigan na walang rason talaga." may punto, hindi ba? maari ring gamitin iyan sa pang-araw araw na pamumuhay. kung alam mong walang rason para bumagsak ka, wala kang dapat ikabahala, dahil alam mong WALA TALAGANG RASON. parang umiikot na lamang ako.

habang gumagabi, umiingay ang mga tao. habang gumagabi, bumababaw ang usapan. sumasayaw at nagyayakapan ang mga tao. nagkukumustahan na para bang hindi sila nagkita nang matagal na panahon. tinamaan ako sa sinabi ni kuya Maloy, ang BTT ng Bukluran noong nakaraang taon. sa oras ba ng iyong pagtatapos at sa oras nang pagtapak ng iyong paa sa labas ng unibersidad, nasaan na ang Sikolohiyang malaya at mapagpalaya na iyong ipinapaglaban sa Bukluran? magtatapos na nga ba iyon sa oras ng graduation mo?

ninais kong mapabilang sa Bukluran, hindi dahil sa dagdag ito sa mga affiliation na maaring ilagay sa resume o sa kung saan pa man. ninais kong mapabilang hindi dahil sa gusto ko lang, para may makasama, ganun. ninais kong mapabilang dahil sa mas malalim na aspeto nito, dahil ipinaglalaban at isinusulong ng Bukluran ang Sikolohiyang Pilipino. ang sikolohiyang malaya, mapagpalaya at mapagpabagong-isip. ninais kong mapabilang dahil naniniwala ako na ang sikolohiya ay may mahalagang papel sa pagsusuri at pagbabago ng lipunan. dahil naniniwala ako na ang Sikolohiyang Pilipino ay may kinikilingan, at kumikiling ito sa masang Pilipino. naniniwala ako na ang Sikolohiyang Pilipino ay marapat na sumalamin sa pangangailangan ng lipunang Pilipino. masyadong mabigat? pakiramdam ko, hindi! sa tulong ng Bukluran ay mahahanap ko ang tunay na kahulugan ng MALAYA at MAPAGPALAYA. dahil ang Bukluran ay BUHAY.

No comments: