ako. ako. ako.

My photo
Pasig City, National Capital Region, Philippines
ako si elliz. 20 taong gulang. nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. kumukuha ng Batsilyer ng Sining sa Sikolohiya, sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. tao. may ISIP. may puso. humihinga. BUHAY.

Thursday, August 21, 2008

what does it takes to be in a relationship?

COURAGE. Kasi kahit alam mong masasaktan ka, i-ririsk mo pa din ung puso mo sa pag-iisip na “baka sasaya na ako this time”. Kasi, kahit malinaw sau na kung sa dulo hindi kayo, masasaktan at masasaktan ka, pero tutuloy ka pa din dahil sa pag-asa na baka sumaya ka na.

UNDERSTANDING. Sa kabila ng lahat ng mga bagay na ginagawa niya na hindi mo alam, iniintindi mo pa din. Sa kabila ng walang pakundangang pananakit niya sau, iniintindi mo pa din. Sa kabila ng pagkawala niya ng oras sau, andiyan ka pa rin, naghihintay. Sa kabila ng lahat-lahat, andiyan ka pa rin, nagmamahal. Kahit hindi mo maintindihan, kailangan mong intindihin, dahil wala kang choice.

PATIENCE. Sa mga mood swings, sa mga araw na hindi kayo magkaintindihan, magpapasensiya ka, kasi mahal mo siya, at ayaw mong mawala siya sau. Sa mga hindi pagkakaunawaan, kailangan mong magpsensiya, ikaw lang ang kailangan na magtimpi.

SACRIFICING. Marami kang gustong gawin, maraming gustong puntahan, pero dahil sa kayo, nalilimit un sa mga lugar na kaya niyo na lang puntahan. Kung ano ung iyo, kanya na din, pero kung ano ung kanya, hindi mo masasabi na iyo. Matututo kang i-give up ung pansarili mong desires, para sa kanya, dahil sa kanya. Mas iisipin mo ung kapakanan niya, kesa sa sarili mo, kasi mas mahalaga siya sau. Pababayaan mo ung sarili mo, kasi siya ung aalagaan mo, at hihilingin mo na lang na sana alagaan ka din niya.

OPENNESS. Sa pagtanggap na habang nasa relasyon kayo ay may magbabago. Na hindi mo hawak kung magiging para sa mabuti ba ang pagbabago na iyon. Na dadating at dadating ang panahon na magkakasawaan kayo, pero dapat bukas ka dun sa katotohanan na mahal ninyo at isa’t isa, at normal na magkasawaan pero dapat na i-rekindle ung love, ung excitement, ung passion, ung intimacy.

FAITHFULNESS. Siya na lang ang pwede mong tignan, sa kanya ka lang. kahit simpleng pakikipag-usap sa barkada, hindi na pwde kung ayaw mo na mag-away kayo. Siya ang may-ari ng puso mo, siya lang hangga’t kayo.

PLENTY OF TIME. Mapabayaan na lahat, wag lang siya. Mawalan na ng oras sa lahat, wag lang sa kanya. Kahit marami kang gagawin, ok lang, basta makasama mo lang siya. Kahit marami kang tatapusin, ok lang magpuyat, kasi masaya ka naman nung mga oras na dapat ginagawa mo un dahil kasama mo siya.

MATURITY. Sa pagtanggap sa mga baluktot na katuwiran. Sa pagtanggap sa mga maling rason. Sa pag-intindi sa mga bagay na hindi mo naiintindihan talaga. Sa pagiging bukas sa lahat ng posibilidad na maaring maganap habang kayong dalawa ung magkasama.

TRUST. Basic foundation of a relationship, kung wala ito, kung may lamat na ito, wala na kayong pupuntahang iba kundi sa hiwalayan. pagtitiwala na kahit hindi kayo magkasama, wala siyang gagawin na ikakasakit ng damdamin mo. pagtitiwala na kahit na malayo kayo sa isa’t isa, ikaw lang ang laman ng puso niya. pagtitiwala na hindi dapat pagdudahan ung pagmamahal niya. Tiwala, na maski mawalan siya ng paraan para makipagcommunicate sau ay sa iyo pa rin siya, at ang pagmamahal niya.

LOVE. Pagmamahal sa kabila ng pagdududa, sa kabila ng mga sinasabi ng mga tao sa inyo, sa kabila ng sakit na nararamdaman mo. Mamahalin at mamahalin mo siya, magbubulag-bulagan sa mga pagkakamali, babalewalain ung mga panahon na sinaktan ka niya. DAHIL MAHAL MO SIYA, AT MASAYA KA SA KANYA.

Ang relasyon daw, dapat nakakatulong sa paglago ng tao, sabay daw dapat kayong lalago nung taong mahal mo. Sabay ninyo dapat iintindihin ang isa’t isa. Sabay ninyong papatawarin ang mga mali at kasalanan, sabay ninyong haharapin ung mga problema. Sabay daw dapat kayong titingin dun sa future na nasa harap ninyo. Sabay daw dapat kayong mangangarap para sa kinabukasan ninyo. Sabay kayong dalawa, tulad ng magkahawak-kamay ninyong paglalakad sa mga pupuntahan ninyo. Sabay daw dapat, walang nauuna, walang naiiwan. SA RELASYON, DAPAT WALANG MAIIWAN MAG-ISA.

No comments: