ako. ako. ako.

My photo
Pasig City, National Capital Region, Philippines
ako si elliz. 20 taong gulang. nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. kumukuha ng Batsilyer ng Sining sa Sikolohiya, sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. tao. may ISIP. may puso. humihinga. BUHAY.

Thursday, August 21, 2008

(falling in, staying and falling out) OF LOVE

FALLING IN LOVE IS NEVER BY CHOICE, IT IS BY CHANCE.
STAYING IN LOVE IS NEVER BY CHANCE, IT IS BY CHOICE.
AND FALLING OUT OF LOVE? IT HAS ALWAYS BEEN A DECISION.


Sabi nila, hindi mo daw mapipili ung taong mamahalin mo, kasi daw, kusa mo na lang mararamdaman un. Kusa na lang daw ung spark, at pag tinamaan ka, patay ka. Sabi nila, wala ka namang choice once maramdaman mo na un, kasi uunti-untiin nito ung pag-kain sa pagkatao mo, hanggang sa maamin mo na sa sarili mo, at sa kanya ung pagmamahal mo. Sabi nila, pag nasa ganung punto ka na daw, there’s no turning back, na madadala ka na nung sayang nararamdaman mo hanggang sa pagririsk ng puso mo na magreresulta din sa sakit na mararmdaman mo sa huli, pag hindi siya ang para sa iyo.

Sabi nila, pag nasa relasyon ka na daw, gagawin mo na ang lahat, wag lang mawala sau ung taong mahal mo. Sa simula kasi, lalaki ung gumagawa ng paraan para mapasakanya ka. Pero once na kanya ka na, mapapansin mong unti-unti nawawalan na sila ng gana, at maiiwan ka to do all the work in maintaining the relationship. Minsan, mas masarap dun sa stage ng ligawan, kasi, pakiramdam mo, ikaw ung pinaka-importanteng tao sa buong mundo, dahil sobra-sobra sila magparamdam ng pagmamahal, best foot forward parati, magagandang qualities nila ang makikita mo. Sana nga lang, hindi ka magsisi sa oras na lumabas na ung totoo nilang ugali. Sabi nila, choice mo ang manatili sa isang relasyon. Out of all the million single people in the world, mas pinili mo ang matali sa relasyon na wala naman talagang kasiguraduhan. Mas pinili mo ang masaktan at magmahal. Wala namang nagsabing hindi iyon masaya, pero wala din namang katiyakan na tunay kang liligaya. Dadating at dadating dun sa panahon na magkakasawaan kayo, pero bakit ang mga mag-asawa, nagkakasawaan ba? Siguro dahil sa wala lang silang choice dahil natali na sila sa napakasalan nila. O siguro dahil mas matimbang ung pagmamahalan nila kumpara sa excitement na dala ng relasyon nila.

Desisyon ang makipaghiwalay. Desisyon na dapat ay pinag-iisipan nang mabuti, pinagninilayan. Desisyon na pag nagkamali ka ay mahihirapan ka nang bawiin. Desisyon ang mang-iwan, at mahirap iyon gawin lalo na kung sinasaalang-alang mo ang nararamdaman ng taong mahal mo. Lalo na kung talagang mahal mo siya, at ayaw mong mawala sa iyo. Pero, may iba din naman na sa sobrang pagmamahal dun sa tao ay mas pipiliin pang iwan na lamang siya kesa sa masaktan ito nang paulit-ulit dahil sa hindi naman niya kayang magbago para sa taong mahal niya. Maganda ba ang puntong ito, o hindi? Sa akin, maaring oo, maaring hindi. Minsan na din akong dumaan sa ganyang sitwasyon. Magkaibigan kami ng apat na taon, pero tinawid pa din naming ung manipis na linya sa gitna ng pagiging magkaibigan, at magka-ibigan. Tumagal din naman ng anim na buwan ang relasyon na iyon. Pero hanggang dun na lang un. Nakipaghiwalay siya, tangan ang tanging rason na ayaw na niya akong masaktan. Playboy kasi siya, at hindi niya kayang baguhin iyon, na manatili lamang sa isang girlfriend. Siguro sa sitwasyon na iyon, maganda na ding iyon ung naging desisyon niya. Dahil ayoko naman din ng pinaglalaruan. Siguro sa magkaparehong sitwasyon lamang iyon magiging katanggap-tanggap. Sa iba pang sitwasyon, konkretong dahilan ang kailangan.

Kahit na ano pa yan, ang pagmamahal ay kusang darating sa tao, tandaan na lang natin na sa oras na dumating un, kailangan natin itong hawakan sa ating mga kamay nang maayos, hindi mahigpit para hindi nakakasakal, hindi maluwag para hindi makakapagloko, ung tama lang, para hindi ito mawala sa atin. Darating ung tao na mamahalin ka ng higit pa sa buhay niya, at pag dumating siya, pahalagahan mo at wag mong pakakawalan, dahil pag pinakawalan mo na ito, hindi na ito babalik sa iyo, lalo pa’t makahanap ito ng mas magpapahalaga sa kanya. kung hindi man magtagumpay ang relasyong kinapapalooban mo ngayon, may dadating pa para sau. Sabi nga nila, endings are always happy, if you are not happy, then that is not the end.

No comments: